Banghay Aralin COT
Banghay Aralin COT
Banghay Aralin COT
Pamantayang Pangnilalaman
Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik
Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapamalas ng kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamt,
metodo at etika ng pananaliksik
Kasanayang Pampagkatuto
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga gabay sa pagpili ng angkop na paksa sa pananaliksik.
b. Nakapaglalahad ng kahalagahan sa pagpili ng makabuluhang paksa sa isang pananaliksik.
c. Nakabubuo ng paksa para sa pananaliksik ayon sa kanilang interes.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagtala ng liban sa klase
Pagbabalik aral
B. Pagganyak/Gawain
Magkakaroon ng isang obserbasyon ang mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan. Oobserbahan
nila ang mga bagay na nakikita nila sa kanilang paligid at ilalarawan nila ito sa loob lamang ng 5
minuto.
C. Pagsusuri/Analisis
Ano kaya ang maaaring gampanin ng mga bagay na nakapaligid sa inyo sa isang pananaliksik?
Sa papaanong paraan magiging paksa ng pag-aaral ang mga bagay na namasdan ninyo?
Sa iyong palagay, bakit kaya nagkaroon ng pagkakaiba ang paglalarawan o interpretasyon ninyo
ng iyong mga kaklase sa mga bagay na inyong naoobserbahan?
Paano mo maiuugnay ang gawaing ito sa pagsasagawa ng isang mahusay na pananaliksik?
Sa iyong palagay, bukod sa mga bagay na nakapaligid saan pa kaya maaaring makakuha ng
paksa para sa pananaliksik?
D. Pagtatalakay/Abstraksyon
E. Paglalapat/Aplikasyon
Indibidwal na Gawain/Pagsusulit
IV Takdang Aralin
Alamin ang mga hakbang sa pagpili ng paksa
Ipinasa kay:
FLORENCIO I. CUBELO, JR., PhD
SHS Department Head