Banghay FILIPNO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay- Aralin sa Filipino

Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan

Petsa: Setyembre 23, 2019


Oras: 11:00-12:00
Baitang at Seksyon: 10-Fortitude

Kompetensi: Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito.
(F10PB-IIf-98)

I. Layunin

Kaalaman- Nalalaman ang kahulugan ng nobela at mga elemento nito.


Saykomotor- Naihahambing ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan.
Apektiv- Napapahalagahan ang mga sikat na manunulat ng nobela.

II. Paksang Aralin


Paksa: Nobela at ang mga Elemento Nito
Sanggunian: Filipino 10 (Panitikang Pandaigdig), Internet
https://www.slideshare.net/LabLeeMii/nobela-kasaysayan-at- simula?qid=9051896b-d0da-416b-bd97-
f302448ccba3&v=&b=&from_search=2
Kagamitang
Pampagtuturo: aklat, meta strips, mga larawan ng sikat na manunulat ng nobela, power
point presentation tungkol sa nobela at elemento nito.

III.Pamamaraan

A. Paghahanda

Pangmotibeysyunal na tanong:

1. Ano ang nobela?Ano-ano ang mga elemento nito?


2. Paano kaya ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan?
3. May alam ba kayong obra maestrang nobela mula sa Estados Unidos?

Gawain: Ang aking kaalaman hanggang saan?


Pangkatang Gawain :(Pangkatin ang klase sa 3)

Ipaayos ang mga ginupit- gupit na mga larawan upang makabuo ng isang mukha ng isang sikat
na manunulat ng nobela at ipaskil ito sa pisara ayon sa kanilang mga naiambag na nobela.

HANAY A HANAY B

1. Romeo at Juliet

2. The Rise of the Novel

3. Don Quixote

Itanong:

1. Tungkol saan ang gawain?


2. Ano ang nagustuhan ninyo sa gawain?
3. Ano ang inyong natutuhan mula sa gawain?
4.Alam ba ninyo kung saan nagmula ang nobela?Sino-sino ang mga nagpasimula nito?
( anotasyon: iniintigreyt ng guro ang tanong na ito sa asignaturang kasaysayan)
B. Paglalahad
(Abstraksyon)

Gamit ang powerpoint presentation talakayin ng guro ang tungkol sa nobela at mga bahagi nito,
pati na rin ang mga sikat na manunulat nito.

C. Pagsasanay
(Mga Paglilinang na Gawain)
Unawain mo sa pamamagitan ng pangkatang gawain.Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat,
bibigyan ng 7-10 minuto ang bawat pangkat sa paggawa ng gawain.

Pangkat 1:
Caterpillar Technique.
Susuriin ng pangkat ang kahulugan ng nobela, kailan, saan, at ano ang basehan sa pagsulat nito.

Pangkat 2:
(Venn Diagram)
Ihambing ang nobela sa maikling kuwento, gamit ang Venn diagram.

Pangkat 3-(Tula)
Bakit kailangang pahalagahan ang mga sikat na manunulat ng nobela? Paano ninyo sila
pahahalagahan?

D. Paglalapat
(Aplikasyon)

Pag-uulat ng gawain at pagbibigay ng rubriks:

Pamantayan Puntos
Kalinawan ng patunay sa sagot 15
Malinis at maayos ang pagkakaulat ng gawain 10
Tahimik at may pagkakaisa ang pangkat 10

E. Paglalahat
(Generalisasyon)

Paano naiiba ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan ayon sa elemento nito?

IV. Pagtataya

Kilalanin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa inyong sulatang papel.

__________1. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga may kawing-kawing na mga pangyayari ng
buhay ng tao na bukod na nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga
mambabasa.
__________2. Ang elemento ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
__________3. Aano ang tawag sa paksang-diwa na binibigyang- diin sa nobela?
__________4. Ito ang panauhang gingaamit ng may-akda sa nobela.
__________5. Ang elemento ng nobela na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay ,o pangyayari.

V. Takdang Aralin

Basahin ang isang halimbawa ng suring pelikulang “ Harry Potter and the Sorcerer’s Stone” at
maghanda sa talakayan nito sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni: Siniyasat ni:

JENNIFER S. NALAM MARIALOS C. QUITAY, Ed. D.


T-I, Nagbaalye HS School Head/Head Teacher I

You might also like