Ang Bato
Ang Bato
Ang Bato
Ang Bato
PAGSUSURI
I. Kaugnayan ng Teorya sa:
A. Pamagat
Si Jose Corazon de Jesus na kilala rin sa pangalang Pepito, ay pangalawang anak nina Dr.
Vicente de Jesus at Gng. Susana Panganiban. Pinanganak siya noong Nobyembre 22 1894.
Ang tulang “Ang Bato” ay nilapatan ko ng teoryang Formalismo dahil ang layunin ng panitikan
ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.Ang
tulang ito ay nasa tulang tradisyunal dahil ito ay may sukat at mayroon ding tugma. Ang tulang
ito ay may (12) saknong at bawat saknong ay may apat (4) na taludtud,sa bawat taludtod ay may
labindalawang pantig (12).
B. Nilalaman
. Ang tulang ito ay may (12) saknong at bawat saknong ay may apat (4) na taludtud,sa bawat
taludtod ay may labindalawang pantig (12).
Samakatwid ang buhay ng tao ay para ring nangyayari sa isang bato na kung saan ang
mga taong inaapakan ay may kakayahan ding maging dahilan ng pagkatisod ng mga taong
makapangyarihan. Ang mga taong inaapakn ay siya ring nagiging matagumpay pagdating ng
araw. Kapag mayroong tiyaga ang mga tao ay makakahon din sa kahirapan. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay mananatili tayo sa ating kinalalagyan maaring tayo ay may pera ngayon ngunit
ang pera ay nauubus din kapag hindi ito nagamit ng maayos. Hindi natin masasabi kung ano ang
magiging kapalaran natin sapagkat ang buhay ng tao ay paikot ikot lamang.
Lagi nating tatandaan huwag nating apakan ang mga kapwa natin dahil sila ay tao ring kagaya
natin na marunong mangarap at magsumikap upang mapa ganda ang buhay.