3rd QTR TG Week 10dd

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Filipino 5

Ikatlong Markahan
Ika-sampung Linggo

Panlingguhang Layunin

Pag-unawa sa Napakinggan

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat ng tekstong napakinggan F5PN-Ii-j-17

Gramatika

Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap F5WG-IIIi-j-8

Pag-unlad ng Talasalitan

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay sa


ibang asignatura F5PT-IIIj-1.16

Pag-unawa sa Binasa

Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F5PB-IIj-6.1

Estratehiya sa Pag-aaral

Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form F5EP-IIIj-16

Pagsulat

Nakasusulat ng editorial F5PU-IIIj-2.11

Paunang Pagtataya

Ano ang ibig sabihin ng simuno? Ano naman ang panag-uri?

Ikatlong Markahan
Ika-sampung Linggo
Unang Araw

I. Layunin
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat ng tekstong napakinggan
Nasasabi kung ano ang simuno at panag-uri sa pangungusap

II A. Paksang Aralin
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat ng Tekstong Napakinggan
Simuno at Panag-uri sa Pangungusap

B. Sanggunian
HIyas sa Wika 5 ph.9
Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 96-101
C. Mga Kagamitan
Tsart, talambuhay-Ang Bayani ng Lungsod ng Ozamis

III Pamamaraan

1. Pagsasanay
Magsanay muna sa pagbibigay ng angkop na pamagat sa ilang salita/parirala. Basahin
ang nakatalang mga salita/parirala sa ibaba. Ibigay ang angkop na pamagat.

1. Lapu-lapu Andress Bonifacio


Diego Silang Apolinario Mabini

Pagbabayad ng Buwis Pangangalaga sa Kapaligiran


2. Pagsunod sa Batas Trapiko Paggalang sa Karapatan ng Iba

3. Sampaguita Gumamela
Rosas Santan

4. Oregano Maria
Madre Kakaw Tawa-tawa

Punungguro Dyanitor
5. Guro Guidance Counselor

2. Balik-aral
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balangkas?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
May iparirirnig ako sa inyo na maikling talambuhay.
Anu-ano ang mga dapat tandaan habang nakikinig?
Sino ang paborito mong bayani? Bakit?
B. Paglalahad
Basahin ang talambuhay “Ang Bayani ng Lungsod ng Ozamiz (Hiyas sa Pagbasa
ph. 96-98.)

C. Pagtatalakay
Mula sa napakinggang talambuhay, ano ang naging pangkalahatang paksa?
Angkop ba ang naging pamagat ng talambuhay? Pangatwiranan ang inyong
sagot.
Bukod sa ginamit na pamagat, ano pa ang maaring maging pamagat nito?
Magbibigay ng pangungusap ayon sa napakinggang talambuhay.
Tukuyin sa pangungusap ang simuno at panag-uri.

D. Pagpapayamang Gawain

A. Tingnan sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 101, Paunlarin at Pagyamanin.

B. Tukuyin ang simuno at panag-uri. Salungguhitan ng isa ang simuno sa


pangungusap at dalawang guhit sa panag-uri.

1. Ang magaling umawit ay dumating din.


2. Rona Revilla ang pangalan niya.
3. Siya ay nasa ikalimang baitang.
4. Ang mahusay ay umawit na.
5. Maririnig ko rin ang magandang umawit.

E. Paglalahat
Paano mo maibibigay ang angkop na pamagat sa napakinggan o nabasa mo ?
Paano mo makikilala ang simuno at panag-uri?

F. Paglalapat

A. Sagutin ang Paunlarin at Pagyamanin sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 82-83.

B. Salungguhitan ang simuno at ikahon ang panag-uri.

1. Si Rona ay pangulo ng mga mang-aawit sa aming paaralan.


2. Siya ay umaawit para sa mga kapus-palad.
3. Magaling tumugtog ng instrumento si Rona.
4. Ang mapagmahal sa magulang ay pinagpapala ng Diyos.
5. Magsanay tayo sa pag-awit.

IV. Pagtataya
A. Sagutin ang Paunlarin at Pagyamanin sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 80-82.
B. Tukuyin ang may salungguhit kung ito ay simuno o panag-uri.

__________1. Tayo ay dapat magmahalan at magsunurang mabuti.


__________2. Sina Tatay at Nanay ay dapat nating igalang.
__________3. Siya ay mabait at masipag.
__________4. Mabilis magtrabaho ang mahal kong Tatay.
__________5. Gumagawa siya sa aming bukid.

V. Takdang –aralin

Sumulat ng pangungusap, guhitan ang simuno at bilugan ang panag-uri.

Sumulat ng maikling talata at lagyan ng angkop na pamagat.


Ikatlong Markahan
Ika-sampung Linggo
Ikalawang Araw

I. Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
ibang asignatura.

II. A. Paksang Aralin


Pagbibigay ng kahulugan ng salitang pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay sa
ibang asignatura.

B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 24-28

C. Kagamitan
plaskard ng mga salita

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay

Tukuyin kung anong asignatura ang salitang ipaplas ko.

lantay tugtugin halaman kalusugan sultan

2. Balik-aral

Sabihin kung simuno o panag-uri ang may salungguhit.

1. Ang mga Pilipino ay walang pormal na edukasyon noong unang panahon.


2. Alibata ang tawag dito.
3. Sila ay natuto sa pamamagitan ng pagmamasid at paggaya.
4. Ang kanilang sinusulatan ay ang mga biyas ng kawayan.
5. Mayroon ng sariling paraan ng pagsulat ang mga Pilipino noon.

3. Mga Gawain

A. Pagganyak

Sino sa inyo ang may kaibigan sa malayong lugar?


Maliban sa FACEBOOK, MESSENGER, SKYPE, VIBER, anong paraan pa ang
maghahatid ng mensahe/kuwento mo sa isang kaibigan na magkalayo ang lugar ninyo ?
B. Paglalahad

Basahin ang maikling liham sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 24-26.

C. Pagtatalakay

Sino si Ate Lydia?


Ano ang suliranin ni Unice?
Ibigay ang dahilan ng pagkakalbo o pagkalagas ng buhok.
Paano mo maalagaan ang buhok?

Pangkatang Gawain

Mula sa liham, magbigay ng mga salita na pangkaraniwan o madalas mong


napapakinggan at nagagamit. Ibigay ang kahulugan ng mga ito.

D. Pagpapayamang Gawain

Pangkatang Gawain

Magbigay ng mga halimbawa ng pamilyar na salita at ibigay ang kahulugan at


kaugnay na asignatura.

Pamilyar na Salita Kahulugan Asignatura

1. ________________ ___________________ _________________


2. ________________ ___________________ _________________
3. ________________ ___________________ _________________
4. ________________ ___________________ _________________
5. ________________ ___________________ _________________

E. Paglalahat

Ano ang salitang pamilyar? Magbigay ng halimbawa.

F. Paglalapat

Gumawa ng talaan ng mga salita na kaugnay sa ibang asignatura at ibigay ang


kahulugan.

1. marikit
2. Gobernador
3. puso
4. masunurin
5. nota

IV. Pagtataya

Salungguhitan sa pangungusap ang salitang pamilyar at ibigay ang kahulugan nito.

1. Ako ay Pilipino.
2. Ang batang iyan ay nagpatingin sa doktor.
3. Lumalaganap ang malnutrisyon sa mga lugar na malayo sa kabihasnan.
4. Ang shampoo ay nabili ko sa magtitinda.
5. Ang losyon na ginamit mo ay mabango.

V. Takdang –Aralin

Sumulat ng 5 pamilyar na salita at ibigay ang kahulugan nito.


Ikatlong Markahan
Ika-sampung Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin
Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

II A. Paksang Aralin
Sanhi at Bunga

B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 70-75

C. Kagamitan
liham-Ang Bayani sa Dapitan
mapang pang-konsepto

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay

Sumulat ng pangungusap at guhitan ng isang beses ang simuno at dalawang


beses ang panag-uri.

2. Balik-aral

Magbigay ng pamilyar na salita at ibigay ang kahulugan.

3. Mga Gawain

A. Pagganyak

Sino ang pambansang bayani natin? Ano ang masasabi inyo sa ating
pambansang bayani?

B. Paglalahad

Basahin ang liham, “Ang Bayani sa Dapitan” sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 70-72

C. Pagtalakay

Saan matatagpuan ang Rizal Dapitan Shrine?


Bakit ipinatapon si Rizal sa Dapitan, Zamboanga?
Anu-ano ang mga makabayang ginawa ni Rizal sa mga taga-Dapitan?

Basahin ang pangungusap hango sa binasa ninyong liham.

May kaisipang makabayan na nakapaloob sa kanyang mga sinulat na


Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kaya naakusahan siyangmapaghimagsik
at bilang parusa, napagpasiyahang itinapon siya sa Dapitan.

Mula sa binasa nyong pangungusap, ano kaya ang dahilan o


pinagmulan?
Ano naman ang kinalabasan?

D. Pagpapayamang Gawain

Pangkatang Gawain

Gagamitan ito ng mapang pangkonsepto.

Sanhi Bunga

1. nawili sa pamamangka

2. hindi nakapagbalik-aral para sa pagsusulit

E. Paglalahat
Ano ang sanhi? Ano ang bunga? Magbigay ng halimbawa.

F. Paglalapat
Sagutin ang Paunlarin at Payamanin B sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph 75.
IV. Pagtataya

Sagutin ang Gawain sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 74.

V. Takdang – aralin

Sumulat ng limang pangungusap. Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga.


Ikatlong Markahan
Ika-sampung Linggo
Ikaapat na Araw

I. Layunin
Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form
II. A. Paksang Aralin
Pagbibigay ng Datos sa Isang Form

B. Sanggunian
Hiyas sa Pagbasa 5 ph 183-185, 191, Filipino
MISOSA,SIM 18,Filipino 5

C. Mga Kagamitan
iba-ibang form (bio-data, deposit slip, withdrawal slip)

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagsasabi kung ano ang ipinakikita ng guro (hal. Deposit slip, sedula, withdrawal,
library card, ID)

2. Balik-aral
Ano ang sanhi? Ano ang bunga?
Ibigay ang maaring bunga ng mga sumusunod:

a. di pagsunod sa magulang
b. pagkuha ng di mo pag-aari
c. pagtulog nang maaga
d. pagkain ng masusustansya
e. pag-aaral ng leksyon sa bahay

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Sino sa inyo ang nakapaghuhulog ng pera sa bangko?
Ano ang ginagawa ninyo?

B. Paglalahad
Pagpapakita ng mga sumusunod na pormularyo.

a. deposit slip
b. withdrawal slip
c. library card
d. sedula
e. ID
C. Pagtatalakay

Anu-ano ang mga datos na hinhingi sa pormularyong ipinakita kanina?


Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng datos sa pormularyo?

D. Pagpapayamang Gawain

Pangkatang Gawain

Bibigyan ang bawat pangkat ng pormularyo at punan ng mga datos.

E. Paglalahat
Anu-ano ang mga datos ang naibibigay sa isang pormularyo?

F. Paglalapat
Bigyan ang bawat bata ng kopya ng bio-data at punan ito ng angkop na datos.

IV. Pagtataya

Gawin ang Paunlarin at Payamanin D sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 191.

V. Takdang – aralin

Suriin ang library card at sagutin sa isang malinis na papel ang hinihinging impormasyon
(Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 184-Gawain)
Ikatlong Markahan
Ikas-ampung Linggo
Ikalimang Araw

I. Layunin
Nakasusulat ng editoryal

II. A. Paksang Aralin


Pagsulat ng Editoryal

B. Sanggunian
www.slideshare.net/GinoongGood/pagsulat-ng-pangulongtudling-editorial

C. Mga Kagamitan
Editorial sa isang pahayagan

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Bahagi ng pahayagan

2. Balik-aral
Anu-ano ang mga datos ang hinihingi sa isang pormularyo?

3. Mga Gawain

A. Pagganyak
Pagpapakita ng editorial page ng isang pahayagan. Suriin ang pahinang pang-
Editoryal.

B. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng isang editoryal upang malaman ang mga bahagi nito.

C. Pagtalakay
Tungkol saan ang isyung nakita/nabasa ? Talakayin ang bahagi ng editoryal.

D. Pagpapayamang Gawain

Pangkatang Gawain
Pagsulat ng editoryal tungkol sa naging resulta ng katatapos lang na
eleksyon.
E. Paglalahat
Ano ang editoryal ? Anu-ano ang bahagi nito?

F. Paglalapat
Sumulat ng editoryal na may iba’t ibang isyu.

IV. Pagtataya
Gumawa ng editoryal tungkol sa isyung Pagpapakilala sa Hulugan Falls.

V. Takdang Aralin
Lumikha ng isang editoryal ayon sa mapapakinggang isyu sa balita.

You might also like