Fil 5 - Q3 - Module3 - Week5

You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 5 IKATLONG LINGGO


Kwarter 3

EDSA 1, ISANG MAPAYAPANG PAGLAYA

Unawain Natin

Basahin at unawaing mabuti:

EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya

Noong taon 1986 ay nalagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo bilang isang bansa na
mapayapang nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo. Ito ay dahil sa isang rebolusyon
na hindi nagkaroon ng madugong engkuwentro, bagkus ay kinilala ang pagkakaisa at
paggalang ng mga Pilipino sa kalayaan at kapayapaan.

Sa loob ng humigit-kumulang na dalawampung taon ay nabiktima ang mga Pilipino ng


isang kapuwa Pilipino. Idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar. Sa mga
panahong iyon ay namayani siya bilang isang diktador. Hinuhuli at ikinukulong ang sinumang
tumaliwas sa kaniya. Isa na rito si dating Senador Benigno “ Ninoy” Aquino Jr. Palagian at
tahasan ang kaniyang pagkontra sa administrasyon ni Marcos, hanggang sa lumuwas siya sa
Amerika noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad.
Makalipas ang tatlong taon ay ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa
Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 ngunit siya ay pinatay sa
paliparan. Dito nagsimula ang pagsiklab ng galit ng mga Pilipino at dumami ang kilos-protesta.
Hinikayat ang biyudang si Corazon “Cory” Aquino na labanan si Marcos sa pagkapangulo.
Noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang gusto ng taong bayan napilitan
si Pangulong Marcos na magkaroon ng dagliang halalan. Natalo si Cory at marami ang
nakadamang siya ay labis na dinaya. Pebrero 22, 1986 ipinahayag nina Minister Juan Ponce
Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos ang kanilang pagtalikod sa reheming Marcos. Nagsimulang
manawagan si Jaime Cardinal Sin na magpunta ang mga Pilipino sa EDSA. Pebrero 23, 1986
lalo pa na dumami ang mga tao na nagtungo sa EDSA upang mapahayag ang pagnanais na
mapaalis sa puwesto si Marcos. Pebrero 24, 1986 nanindigan ang mga mamamayan sa EDSA
sa kabila ng balita na paparating ang mga tangke at armadong helicopter upang sila ay
puwersahing paalisin.
Matapos ang apat na araw, nagkapit-bisig ang mga militar, relihiyoso, politiko at ang
ordinaryong Pilipino hanggang sa umalis ng bansa ang pamilya ng diktador. Pebrero 25, 1986
ng manumpa si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas. Siya ay nailuklok sa bilang
pangulo ng bansa sa mapayapang pamamaraan. Siya ay kinilala bilang Ina ng Demokrasya
at Haligi ng Mapayapang Paglaya.

Alab Filipino 5 pp.140-141

1
Suriin Natin

Panuto: Basahin ang tekstong pang impormasyon sa ibaba. Suriin ang


timeline ng kasaysayan ng EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya.

Dumami ang mga tao na Nanumpa si Corazon


nagtungo sa EDSA upang Aquino bilang pangulo ng
mapahayag ang Pilipinas. Siya ay kinilala
pagnanais na mapaalis sa bilang Ina ng Demokrasya
puwesto si Marcos. at Haligi ng Mapayapang
Paglaya.
Pebrero 22,1986 Pebrero 24, 1986

Pebrero 23, 1986 Pebrero 25,1986

Ipinahayag nina Minister Nanindigan ang mga


Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. mamamayan sa EDSA sa
Fidel Ramos ang kanilang kabila ng balita na
pagtalikod sa reheming paparating ang mga tangke
Marcos.Tandaan: at armadong helicopter
Nagsimulang upang sila ay puwersahing
manawagan si Jaime Cardinal paalisin.
Sin na magpunta ang mga
Pilipino sa EDSA

Ang timeline ay isang grapikong pagpapakita ng pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng linya. Maaaring ayusin ang
timeline ayon sa oras, petsa o pangyayari na may maikling paglalarawan o
detalye tungkol dito. Makakatulong sa higit na pag-unawa ng mga mag-aaral
kung lalagyan ng larawan kaugnay ng paksa ang timeline.

Gawain 1 Gumawa ng timeline ng mga naging Pangulo ng Pilipinas mula sa taong 1965
hanggang kasalukuyan. Isulat ang buong pangalan nito sa tapat ng taon kung kailan ito
nahalal. Sundan ang timeline na nasa ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1965 1992 2001 2016 kasalukuyan

1986 1998 2010

2
Gawain 2. Sumulat ng isang maikling talata. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari
mula sa iyong nabasang kasaysayan tungkol sa “EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya”.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 3 Basahin ang tekstong pang impormasyon sa ibaba.


Ang Pinakamalaking Isda sa Daigdig

Ang Butanding o whale shark ay itinuturing na pinakamalaking isda sa mundo. Ito ang bagong
atraksiyon ngayon sa mga bayan ng Donsol, Pilar, at Castilla sa Sorsogon. Maamo at mapaglaro
ang mga ito kaya tuwing umaga ay dinarayo ito ng mga turista dahil ibig nilang lumangoy kasama
nito. Madali itong makilala dahil malapad ang ulo, kulay abo ang balat na may guhit at tuldok na
madilaw. Karaniwang sumusukat ng labingwalo hanggang tatlumpu’t limang talampakan at may bigat
na dalawampung tonelada. Hipon, dilis, maliliit na isda, alimasag at mga lamang dagat ang kanilang
kinakain. Tumatagal ang kanilang ng hanggang isang daang taon.

Umaabot sa limang kilometro bawat oras ang bilis ng paglanggoy kaya mabilis ito mahuli.
Binibili ng mga may-ari ng restawran sa Taiwan at Hongkong ang mga laman nito sa halagang isang
libo at pitong daang piso bawat kilo kaya marami ang napatay na butanding.Noong 1998, sa tulong
ng isang batas, idineklara itong endangered species at sinundan ito ng kilos ng Taiwan na
nagtatalaga na pangalagaan ang mga butanding noong Mayo 2007.

Komunikasyon Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino 5, pp.158-159

Tandaan:

Ang isang pahayag ay matatawag na katotohanan kapag ito ay naglalahad ng mga


ideya o impormasyon na napatunayan at tinanggap ng lahat na ito ay totoo. Hindi ito
maaaring tutulan kahit saan mang lugar. Hindi rin ito mababago.

Opinyon ang isang pahayag kapag ang pananaw ng isang tao ay maaaring totoo
ngunit hindi sa lahat ng oras. Isa rin itong paniniwala batay sa obserbasyon o eksperimento.

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at suriin kung ang


ipinahahayag nito ay katotohanan o opinyon. Isulat ang K kung ito ay
katotohanan at O kung opinyon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______1. Ang butanding ay itinuturing na pinakamalaking isda sa mundo.


_______2. Ang isang butanding ay mahilig sa mga lugar kung saan ang tubig ay malalamig.
_______3. Maamo at mapaglaro ang mga ito kaya dinarayo ito ng mga turista dahil ibig
nilang lumangoy kasama nito.
_______4. Hindi bagay sa butanding ang pangalan nito na whale shark.
_______5. Sa tulong isang batas noong 1988 ay idineklara ang butanding bilang isang
endangered species.

3
Tayain Natin
Panuto: Sumulat ng isang talata na mayroong pamagat at binubuo ng limang
(5) pangungusap tungkol sa mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit na
dulot ng Covid-19. Pagkatapos ay bilugan ang pangungusap na tumutukoy
sa katotohanan at salungguhitan naman kung ito ay opinyon.

______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Likhain Natin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga naging alkalde ng lungsod ng Parañaque mula noong
1986 hanggang sa kasalukuyang taon. Isulat ang buong pangalan ng mga naging alkalde
sa tapat ng taon kung kailan ito nahalal. Gawing gabay ang timeline na nasa ibaba. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1986 1992 1998 2013


-kasalukuyan

1988 1995 2004

You might also like