Lesson Plan Economics 02

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS
Unang Markahan

A. PamantayangPangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay:. May pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw na
pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay: naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw –
araw na pamumuhay.
.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Ang mga mag-aaral ay: nagtataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

D. Layunin
Maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng ekonomiks.
AP9MKE-Ia-1
NILALAMAN
Paksa:kahalagahan ng ekonomiks
Pinakapaksa: ekonomiks

I. Kagamitang Panturo
Laptop, PowerPoint Presentation, Projector
A. Sanggunian
EKONOMIKS 9 Araling Panlipunan unang markahan – Modyul
para sa Mag-aaral Department of Education (BUREAU OF
SECONDARY EDUCATION)

II. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain

1. Pagdarasal Tumayo ang lahat para sa pagdarasal.


Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral upang
pamunuan ang pagdarasal.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga po Sir!
3. Pagsasaayos ng silid aralin

Pakidampot po ang kalat at isaayos ang (Aayusin ng mag-aaral ang silid -


inyong mga upuan. aralin at dadamputin ang kalat)

4. Pagtala ng liban sa klase.


Mayroon bang liban sa klase?
(Kukuhain ang talaang ng liban ng klase sa
sekretarya ng klase) Wala pong liban sa klase.
Magaling!

A. Panlinang na Gawain

1. Balik- aral

Magbalik aral tayo tungkol sa huli nating Ang huli nating tinalakay ay tungkol
tinalakay, tungkol saan ang huli nating sa kahulugan ng ekonomiks.
tinalakay?

Mahusay! May tanong pa ba kayo

2. Pagganyak Tatayo ang estudyanteng natawag para


Lahat ba ay nakagawa ng kanilang takdang ibahagi sa harap ng klase ang kanilang
aralin, ngayon ako ay magtatawag ng limang takdang aralin.
maaring basahin sa harap ng klase ang
kanilang takdang aralin.
Magaling
Magtaas ng kanang kamay ang gusto
magbahagi ng kanila takdang aralin.

Salamat sa inyong pagbabahagi sa klase.

Pakipasa sa harap ang inyong mga takdang


aralin.
3. Paglalahad
Ngayong umaga ay pag-aaralan natin ang
tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks .

Ano nga ba ang kahalagahan ng ekonomiks sa Ang mga mag-aaral ay magtataas ng


inyong sariling pagunawa. Batay sa inyong kanang kamay upang sagutin ang
takdang aralin. tanong ng guro sa sarili nila pag-
Ipililiwanag ng guro kung ano nga ba ang unawa. (Ang sagot ng mag- aaral ay
kahalagahan ng ekonomiks. maaaring magkakaiba- iba)
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks
sapagkat makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo
bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan.
4. Talakayan

Ang mga mag-aaral ay magtataas ng


Ang guro ay magtatanong sa klase kung ano kanang kamay upang sagutin ang
ang kahalagahan ng ekonomiks Bilang isang tanong ng guro sa sarili nila pag-
Mag-aaral . unawa. (Ang sagot ng mag- aaral ay
maaaring magkakaiba- iba).
Nakatutulong sa pagba-budget ng allowance
ang Ekonomiks. Batid ng isang mag-aaral na
ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa
kung ano lang ang mga mahahalaga. Kung
batid ng isang mag-aaral na may pagtaas ng
mga presyo, natututunan niyang maging wais
sa pagpili ng mga bibilhin niya.
Ang guro ay magbibigay ng
halimbawa:
Ang pagbili ng kape sa mamahaling
coffeeshop na itinaguyod ng dayuhan sa bansa
ay hindi na praktikal. Kung gustong magkape,
maaaring ugaliing pumili ng isang kapehan na
mas mura at itinaguyod ng isang kapwa
Pilipino na siyang gumagawa ng paraan para
maiahon ang sarili. Dahil mas mura ang
produkto sa lokal na negosyo, hindi lamang ito
praktikal sa mag-aaral na mahilig magkape
tuwing nag-aaral kundi nakatutulong pa ito sa
paghahanap-buhay ng kapwa niya kababayan.
Ang guro ay magtatanong sa klase kung ano Ang mga mag-aaral ay magtataas ng
ang kahalagahan ng ekonomiks Bilang Kasapi kanang kamay upang sagutin ang
ng isang Pamilya. tanong ng guro sa sarili nila pag-
unawa. (Ang sagot ng mag- aaral ay
maaaring magkakaiba- iba).halimbawa
Dapat ay nag-iipon ang isang
indibidwal para sa kanyang
kinabukasan: mga magiging
pangangailangan pa, para sa pag-aaral
at / o pagkuha ng trabaho sa hinaharap
o para sa pagnenegosyo, at
napakarami pang iba.
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang
kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang
mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa
mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na
may kaugnayan sa pagpapaunlad ng
ekonomiya.
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa
ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon
mula sa mga pamimilian na mayroon ang
pamilyang iyong kinabibilangan. Sa mga isyu
tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang,
paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan ay maaari mong magamit ang
kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Yes sir
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging Maliwanag na po
higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa
mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari
din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali,
at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
Gawain : Pagsusulit Isulat ito sa ½ crosswise Pagsagot pagsusulit sa loob ng 30
na papel ang iyong nalaman tungkol sa minuto para sa tatlong tanong 1mag-
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa aal2.kasapi ng familya 3. Lipunan.
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
1.magaaral at 2. kasapi ng pamilya at3.
lipunan.(5 pts each)

Rubrics:

Content - 2 pts

Relevance - 2 pts

Organization of Ideas - 1pt

TOTAL - 1 pts

Inihandani: NEIL PATRICK S. FLORES


TCP STUDENT

You might also like