KASPIL2 - Unsurrendered 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KASPIL2 – Unsurrendered 2: Hunters ROTC Guerillas

Paano nahahayag sa dokumentaryo ang pagpapatuloy ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kolonyalismo


mula sa panahon ng Himagsikan 1896 hanggang sa pananakop ng mga Hapon?

Sa panahon ng Himagsikan noong 1986 hanggang sa pananakop ng mga Hapon, ipinakita ng mga Pilipino
ang kanilang determinasyon at lakas ng loob na hindi sumuko sa kamay ng mga Hapones. Pinagpatuloy nila
ang laban kahit kulang sila sa kagamitan dahil may tungkulin silang dapat gampanan iyon ay ang makamit
ang kalayaan para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino. Gusto na nila makalaya sa mga mapangaping
mananakop para malaya na ulit ang bansang ito. Dahil ang bansang Pilipinas ay hindi dapat inaapi ng mga
karating na bansa tulad na nga ng Hapon.

Paano nagkaisa ang mga Pilipino laban sa mga hapon?

Nagkaisa ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo ng grupong Hunters ROTC Guerillas. Sila ang pinaka
matatag na gerilya na nakipag digmaan sa mga Hapones noon. Nagkaisa sila upang makamit ang kalayaan
sa bansang Pilipinas. Tinulugan ni General MacArthur ang mga gerilya upang labanan ang mga Hapones.
Dahil sa kagustuhang makalaya sa kamay ng mga nananakop, pinakita nila ang kanilang fighting spirit nung
sila ay nakipaglaban. Binigyang suporta ng mga kapwa Pilipino ang mga ito at binigyan sila ng mga armas
na makatulong sa pakikipagdigmaan. Dumami rin ang mga taong tumangkilik, nakilahok at sumuporta sa
gerilya na lumaban para sa kalayaan. Marami silang sinakripisyong buhay upang makamit ang kasarilan

Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong bansa sa kasalukuyang panahon?

Gaya nang sinabi ni Ginang Neneng de Ocampo, dapat ang mga Pilipino ay katulad sa mga Amerkano na
inuuna ang ating bayan. Marami sa ating Pilipino ay nangangarap na makapag tapos ng nursing at
magtrabaho sa abroad para magkaroon ng mag malaking kita. Maraming magagaling na Pilipino ay
umaalis sa bansang ito kaya hindi tayo umuunlad. Mapapakita ko ang aking pagmamahal sa bansang ito,
sa pamamagitan ng paguumpisa sa aking sarili. Ngunit ako ay isang Chinay, minamahal ko pa rin ang
bansang ito dahil ditto ako lumaki at malaki ang utang na loob namin sa bansang ito dahil minahal at
tinangap nila kami. Marami rin sa mga Pilipino ay may colonial at crab mentality sa kasalukuyan. Lagi nila
tinatangkilik ang imported na mga kagamitan kesa sa mga gawang local. Tinatangkilik ko ang mga
produkto ng bansang ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga local na gamit or brand. Labis kong mahal ang
mga kamayaman dito sa Pilipinas dahil magaganda at matitibay ang mga ito.

You might also like