Mga Alternatibong Paraan NG Paggamot

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mga Alternatibong Paraan ng Paggamot – Kung Bakit Maraming Gumagamit sa mga Ito.

Ang alternatibong medisina ay malawak na sumasaklaw sa larangan ng paggamot at

pagpapagaling. Marami sa mga ito ang nasa-ilalim ng pangkalahatang titulo na naturopathy, na

isang sistema ng paggamot na nagpapalalim ng pagunawa ng mga tao sa pag-gamit ng likas na

mga bagay o piskal na pamamaraan upang maikondisyon ang katawan at hayaang itong gumaling

sa sarili nito. Karamihan sa mga panggagamot na ito na ginagamit na natin sa mga nagdaang siglo

ay nawala na o naipagsawalang bahala na dahil na rin sa mga makabagong medisina.

Halimbawa, noong Agosto 27, 1960 sinasabi ng Journal of the American Medical Association na

ang pag-lalagay ng malamig na tubig sa paso ay “kilala noong unang panahon subalit ito ay

naipagwalang-bahala ng mga manggagamot at karaniwang tao, kaya nawala ang uri ng pag-

gagamot na ito.

Gayunman noong nakalipas na dekada ang paglalagay ng malamig na tubig sa mga paso ay muling

tinanggap sa tulong nina Ofeigsson at Schulman noong 1956 at 1960 dahil napatunayan nila na

mabuti ang nagiging resulta ng nasabing pag-gagamot sa kanilang mga pasyente “Ginagamot na

naming ang mga pasyente sa paraang ito noong nakalipas na taon pa at nakakatuwa ang mga resulta

ng aming panggagamot.

Ang sinasabi sa halimbawa na ito ay maaring mawala o bumalik ang mga alternatibong pang-

gagamot kung ito ay hindi na o muling tatangkilikin ng mga tao o manggagamot. At ang mga

alternatibong panggagamot na ito ay maaring epektibo at maari ding hindi.


May mga Iba’t Ibang uri ng Alternatibong Pag-gagamot

Herbal Medicine

Inilabas ng (PITAHC) noong 2000 ang 10 halamang gamut na iniindorso ng Kagawaran ng

Kalusugan, kasama ang Yerba Buena o Mint para sa pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan;

Tsaang Gubat para sa pananakit ng tiyan; Niyug-Niyogan para sa bulateng askaris; Bawang para

sa pagpapababa ng kolesterol; Acapulco para sa fungi; Bayabas para sa paglilinis ng sugat o

impeksyon; Lagundi para sa hika o ubo; Sambong para sa manas; at Pansit-Pansitan para sa

pagpapababa ng uric acid sa dugo. Iniinom ang nilagang dahon ng karamihan sa mga halamang

nabanggit samantalang itinatapal sa apektadong bahagi ng katawan ang dinikdik na dahon ng iba.

Ang halamang gamut gaya ng Lagundi at Sambong ay masusing pinag aralan ng Department of

Pharmacology at kanilang napatunayan na mayaman sa natural na pharmacological agents ang

plant kingdom. Ngunit sa kabila ng mabuting naiidudulot ng mga halamang ito ay maaari rin itong

maging lason kapag sumobra o di tama ang paggamit ng mga halamang ito ayon kay Dr. Calimag.
Traditional Chinese Medicine (TCM)

Ang Traditional Chinese Medicine ay base sa mga pamamaraang medical ng mga Tsino.

Binubuo ito ng Acupuncture, Oriental Medicine, Tai Chi, at Qiqong. Pangunahing layunin ng

TCM na makontrol ang daloy ng enerhiya ng buhay na tinatawag na Qi. Sa di nakikitang Jing
Lou o Meridian dumadalaloy ang Qi. Mayroong 12 pangunahing Meridians, anim na Yin, at

anim na Yang na tumutukoy sa baga, bato, gall bladder, tiyan, spleen, puso, bituka, urinary

bladder, Sin Jiao (Three Heater) at Pericardium.

Sa Acupuncture, itinutusok ang mga pinong-pinong karayom sa mga Acupuncture Points upang

makatulong balansehin ang Qi. Napatunayang epektibo ang pamamaraang ito para maibsan ang

matagal nang hindi gumagaling na pananakit o chronic pains.

Biomedicine

Ayon kay Dr. Patawaran, ang biomedicine ang unang sangay ng alternatibong medisina na nakilala

sa Europa. Kilala ito bilang nutritional at environmental medicine sa ibang bansa. Sa pagsasailalim

sa biomedicine, naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit dulot ng paglanghap ng toxins mula sa

kapaligiran at nutritional deficiency.

Ang Biomedicine ay may pagkakatulad sa TCM na mayroong meridian o energy channel sa

katawan ng tao na maaring masukat upang malaman kung may abnormalidad. Sinusukat ang

energy level ng pasyente sa pamamagitan ng energy-based machine at sinusuri ang mga parte ng
katawan na may mataas o mababang enerhiya. Iwawasto ang mga ito sa pamamagitan ng pag-inom

ng mga Detoxifying Natural Products o Immune Booster na sinang ayunan naman ng Bureau of

Food and Drugs. May isa pang pamamaraan sa Biomedicine at tinatawag itong Blood Analysis.

Sa Blood Analysis ay pinag-aaralan ang kondisyon ng mga Red Blood Cells upang malaman ang

estdo ng buong katawan mula sa isang patak ng dugo. Ayon sa mga Blood Analysis Practicioners,

natutukoy ng pagsusuring ito ang mga kakulangan sa bitamina at mineral, toxicity, posibilidad ng

allergy, excess fats circulation, kondisyun ng atay, at arteriosclerosis o ang pamumuo ng taba sa

daluyan ng dugo. Ang mga resulta ang siyang ginagawang basehan sa pagrerekomenda ng mga

nutritional supplements.

Ayurveda
Marahil isa sa pinakamatandang sistema ng medisina ang Ayurveda. Ibinabahagi nito na

nagmumula ang tamang kalusugan sa isang balanseng isip, katawan, at espirito. Kapag may sakit,

nirerekomenda ang kombinasyon ng halamang gamut, mga pagbabago sa diyeta, meditasyon,

detoksipikasyon, yoga at dasal.

Ayon sa mga tagapagtaguyod ng Ayurveda, nagtataglay ang tao ng limang elemento; lupa, hangin,

apoy, tubig, at kalawakan. Ang kombinasyon ng ilan sa mga elementong ito ang bumubuo sa

tatlong Dosha. Binubuo ng apoy ang Pitta, na nauugnay sa mga prosesong metaboliko katulad ng

pagtunaw ng pagkain. Binubuo naman ng lupa at hangin ang Vata, na tumutukoy sa galaw,

samantalang binubuo ng lupa at tubig ang Kalpha, na nauugnay sa istraktura ng katawan.

Pinaniniwalaang dulot ng imbalance sa isa o higit pang Dosha ang pagkakasakit. Sanhi raw ito ng

akumulasyon ng toxins sa katawan at isip. Nalalaman ang mga imbalance sa pamamagitan ng mga

pulsing tumutukoy sa iba’t ibang internal organs. Mayroong nang mga pag-aaral na magpapatunay

na may mas mababang posibilidad na magkaroon ng mataas ng presyon, mataas na kolesterol,

stress, at iba pang sakit ang mga taong sumasailalim sa Ayurvedic Theraphy.

Iridology
Isa ang Iridology sa mga pinakaktibong pamamaraan ng alternatibong medisina sas bansa. Sinisuri

nito ang Iris na nag-uugnay umano sa lahat ng bahagi ng katawan upang malaman ang mga

mahihinang bahagi nito na may potensyal na magdulot ng malulubhang sakit. Natutukoy rin

umano ang mga namamanang sakit at Subconcious Tensions ng isang tao. Nalalaman ng mga

Iridologist ang mga namumuong sakit o toxin build-up sa katawan sa pamamagitan ng pag-kuha

ng ritrato gamit ang isang espesyal na kamera. Iminumungkahi naman ng mga Iridologist na

uminom ng mga gamut, bitamina, at mineral upang maagapan ang mga sakit bago pa ito lumala.

Sa pagdaan ng mga taon, may 20 bersyon ng Iridology eye chart na ang nagpasalin-salin. Inuulan

ng mga tanong ang Iridology ng mga mediko sa kadahilanang nabuo ito sa Europa kung saan asul

ang mga mata ng mga tao at maaring hindi akma sa mga lahing may ibang kulay ang mga mata.

You might also like