Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Tekstong Impormatibo
Sa pag usbong ng makabagong teknolohiya marami na ang mga nadiskubre na gamot at mga
alternatibong panggagamot, sumabay na rin ang pagsulong ng medisina. Mga nakasanayang
halamang gamot at natural na paraan ng panggagamot, sumabay na rin ang pagsulong ng
medisina. Albularyo o manghihilot ang tawag sa mga taong nagsasagawa nito. Musika naman ay
pinaniniwalaang maaaring alternatibong lunas din sa iba't ibang mga karamdaman. Ang tawag sa
ganitong paraan ng pagpapagaling ay Sound Healing. Maraming ibat ibang alternatibong
panggagamot ang ginagamit sa ibat ibanng bansa sa mundo ang iba pa sa mga ito ay nagmula pa
sa sinaunang panahon na hanggang ngayon ay nariyan at ating ginagamit sa panggagamot upang
mapagaling ang iba’t ibang uri ng karamdaman.
Ang manggagamot o albularyo ay isang witch doctor sa mga probinsya o sa mga lugar na di
masyadong makabago o kulang sa mga kagamitan at mga medisina, pero di ito propesyonal na
doktor, gumagamit rin sila ng mga espesyal na langis at halamang gamot upang pagalingin ang
mga karamdaman ng kanilang mga pasyente. Halimbawa ng kanilang mga karamdaman na
kanilang ginagamot ay suob, hilot at gamot sa tuklaw. Ang Suob ay ritwal na ginagawa sa mga
nanay na nanganak sa kanilang panganay o sa mga nanay na nanganak sa kanilang kasunod na
anak. Ito rin ay isang klase ng hilot sa mga nanganak. Ang Hilot ay isang tradisyunal na
pangagamot sa mga taong masakit ang katawan, may parting masakit sa katawan, may pilay, at
iba pa. Gamot sa tuklaw ay kagat ng ahas. Ang panggamot dito ay di anti-venom o bakuna kung
di mga natural na halaman sa panggagamot. Ito ay ginagawa sa mga lugar na di nabibigyan ng
mga anti venom dahil sa mga napakalayong lugar na kailangan mong mag byahe ng matagal.
Marami sa mga ito ang napapasailalim sa pangkalahatang titulo na naturopathy, na isang sistema
ng paggamot na nagdiriin sa paggamit ng likas na mga bagay o pisikal na pamamaraan upang
maikondisyon ang katawan at hayaan itong gumaling sa ganang sarili nito. Marami sa mga
panggagamot na ito, na karaniwang ginamit na sa loob ng mga siglo, ay matagal nang iniwan o
ipinagwalang-bahala ng makabagong medisina. Noong Agosto 27, 1960, sinabi ng Journal of
the American Medical Association na ang paglalagay ng malamig na bagay sa mga pasò ay
kilala noong sinaunang panahon subalit waring ipinagwalang-bahala ito kapuwa ng
manggagamot at karaniwang tao. Sa katunayan, karamihan sa mga manggagamot ay nagsasabi
na ‘hindi ito isinasagawa ninuman,’ bagaman walang sinuman ang nakaaalam kung bakit.
Gayunman, nitong nakalipas na mga dekada, ang paglalagay ng malamig na tubig o malalamig
na pomento sa mga pasò ay muling iminumungkahi ng pangkaraniwang panggagamot. Ang The
Journal of Trauma, ng Setyembre 1963, ay nag-ulat: “Ang interes sa paggamit ng malamig na
tubig sa unang bahagi ng paggamot sa mga pasò ay lumaganap sapol nang iulat ito nina
Ofeigsson at Schulman noong 1959 at 1960. Ginagamot na namin ang mga pasyente sa paraang
ito noong nakalipas na taon pa; nakatutuwa ang mga resulta ng aming paggamot.”
Ang hydrotherapy, na ginagamit ang tubig sa iba’t ibang paraan upang lunasan ang mga
karamdaman, ay ginagamit sa alternatibong panggagamot, at sa ngayon ay ginagamit din ng
makabagong medisina ang iba’t ibang anyo ng gayong panggagamot.