Filipino5 Q4.LM PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 109

Department of Education

Schools City Division

Cabanatuan City

LEARNING
MATERIAL
(FILIPINO)
GRADE 5

(Quarter 4)
Department of Education
Schools Division Office
Cabanatuan City

LEARNING MATERIAL
FILIPINO
GRADE 5
(Quarter 4)

Authors/Developers:

Ronelie P. Daniel Emily Castillo Jerwin Constantino

Master Teacher II Teacher III Teacher III

Quality Assurance:

Ramon R. De Leon, Ph.D.

EPS-I Filipino at MAPEH

Ever M. Samson
EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D.

Chief ES, Curriculum Implementation Division

_____________________________________________________
This Learning Material is a property of DepEd Schools Division Office of Cabanatuan City.
Outside of the public schools in this Division, no part of this Learning Material may be sold,
distributed or reproduced in any means without its explicit consent.
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 ... Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa Tekstong

Napakinggan …………………………………………………………………..…….......1

Aralin 2 ....Pagsagot ng mga Literal na Tanong Tungkol sa Napakinggang Teksto.. . 7

Aralin 3 .....Pagsasakilos sa Napakinggang Awit……………………………….…... ….15

Aralin 4 .....Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhin at Bunga Mula sa Tekstong

Napakinggan……………………………………………………………………. 22

Aralin 5 .. Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Kuwento/ Usapan …….…… 29

Aralin 6 ..Pagsasakilos ng Napakinggang Awit………………………. ……….. 36

Aralin 7.. Pagbibigay ng Lagom o Buod sa Tekstong Napakinggan……….…. 47

Aralin 8.. Pagbibigay ng Lagom o Buod sa Tekstong Napakinggan ………….. 53

Aralin 9… Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Kuwento/ Usapan……….. 60

Aralin 10 .. Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto..……. 72

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at

1 Bunga mula sa Tekstong Napakinggan

Paano natin magagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng

nasaksihang pangyayari.
Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang
balita.
Pagbabasa para makakuha ng impormasyon.
Paggamit ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na
impormasyon.

Tuklasin Mo
A. Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa Tekstong
Napakinggan
Tapusin ang dayagram ng sanhi at bunga.

Bunga

 Sanhi-pinagmulan ng pangyayari
 Bunga-epekto ng pangyayari.
 Kapag natukoy ang sanhi at bunga
Magiging maliwanag ang iyong
binabasa, nkikita at naririnig

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
 Upang maging organisado ang presentasyon ay madalas tayong gumagamit
ng dayagram.Ito rin ay tumutulong upang maging epektibo ang pagbabasa at
paglalahad ng impormasyon .

Basahin Mo

Ang polusyon sa hangin ay isang malubhang suliranin hindi lamang

ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Nangyayari ito kapag nababago ang likas
na katangian at komposisyon ng hangin . Maraming sanhi ang pagkakaroon ng
polusyon sa hangin. Isang halimbawa ang urbanisasyon o pag – unlad ng isang
komunidad gaya ng Metro Manila. Sa pag-unlad ay kasabay nito ang pagdami
ng mga gusali tulad ng bahay, paaralan, ospital, at shopping mall dahil sa
pangangailangan ng mga tao. Sa pagdami ng mga tao ay dumami rin ang mga
sasakyan na nagbubuga ng makapal at maitim na usok . Nariyan din ang mga
pagawaan na gumagamit ng krudo at nagpapakawala ng masangsang na amoy
na humahalo sa hangin . Sa lalawigan naman , ang kadalasang nagiging sanhi ng
polusyon sa hangin ay ang paggamit ng mga pestesidyo sa pagpuksa ng mga
peste sa palayan. Gumagamit din ng mga pausok para itaboy ang mga insekto sa
mga puno at halaman . Ang polusyon sa hangin ay nagdudulot ng iba’t ibang
sakit sa baga na maaaring ikamatay ng tao tulad ng hika , tuberculosis,
empaysema at bronchitis . Apektado rin ang produksyon at ani sa agrikultura
dahil bumababa ang kalidad ng mga halaman at panamim kapag nakararanas ng
masasamang epekto ng polusyon. Ang mga hayop, gaya ng tao, ay
nangangailangan din ng sariwang hangin.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang malubhang suliranin ng buong mundo?

2. Ano-ano ang sanhi ng polusyon sa hangin?
3. Ano ang maaaring bunga ng polusyon sa hangin?
4. Ano-anong mga sakit ang makukuha sa maruming hangin?
5. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong na mabawasan ang polusyon sa
hangin?
6. Mula sa narinig na talata, gumawa ng isang dayagram na nagpapakita ng
ugnayang sanhi at bunga.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin
B.2. Nagagamit ang iba’t dayagram

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Bunga 1 1

Sanhi Bunga 2 5 2
Bunga 3
4 3

B.2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit.

Basahin ang maikling kuwento tungkol sa idolo ng kabataan na si Rico Yan sa
aklat.(Alab ng Wikang Filipino, pah. 27-29)

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Si Rico ay huwaran ng mga kabataan.
Kinilala siya bilang mabait , masipag at matulunging bata.

2. Saan siya unang nakilala?

Dapat ba siyang hangaan at tularan?

3. Naku, napakabata pa niya para mamatay!

Talaga!Ang bait niya!

4. Basahin mo ang kanyang talambuhay.

Pakikuha mo naman ang aklat na iyon na tungkol sa kanya.

Ano ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat bilang? Paano isinusulat ang mga ito?
Ano-anong bantas na panapos ang ginamit sa bawat pangungusap?

Gawin Mo

A. Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap.

________________1. Sina Jeffrey, Joshua at John ang napiling lider ng pangkat.
________________2. Darating kaya nang maaga ang panauhin ng pangulo?
________________3. Naku!Baka pagalitan tayo.
________________4. Pwede bang ikaw na ang magdala ng damit?
________________5. May kilala ka bang pilantropo?
________________6. Mabilis na sumaklolo ang mga kapitbahay sa biktima ng sunog.
________________7. Linisin ninyo ang paligid sa tuwina.
________________8. Diyos ko po!
________________9. Saang bahagi ng bansa masarap manirahan?
________________10. Pakihanap naman ang nawawala kong kwaderno.

B. Palitan ang mga pangungusap sa bawat bilang ng itinakdang uri sa loob ng kahon.
1. Natapos sa takdang -oras an gaming proyekto.
Padamdam ________________________________________________

Patanong ________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
2. Sasali ka bas a paligsahan sa pagbigkas ng tula?
Pautos ________________________________________________

Pasalaysay ________________________________________________

3. Naku! Naiwan siya ng school bus.

Patanong _______________________________________________

Pasalaysay _______________________________________________

4. Itago mo ang mga bolang ginamit ninyo sa paglalaro.

Pakiusap ________________________________________________

Padamdam _______________________________________________

5. Maari bang kayo na ang magbaba ng bandila sa tagdan?

Pasalaysay ________________________________________________

Pautos ________________________________________________

C.2. Nakababasa para kumuha ng impormasyon

A. Wastong Gamit ng Diksyunaryo

Piliin ang tamang sagot sa mga tanong tungkol sa diksyunaryo. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

SIGASIG 351 SUMIKAT

sigasig, pang., sipag, sikap, sidhi sikhay, pang., sikap, sipag, sigasig
pagsisikap na mangyari ang sinigang,pang., isang uri ng lutuin
nais na may pampaasim
sigaw, pang., hiyaw, palahaw, sumikat, pd. , lumitaw, lumabas
malakas na pantawag ang buwan o araw, atbp.
sikat, pu., kilala, tanyag, bantog,
popular

____________1. Anong impormasyon ang makukuha sa diksyunaryo?

a. Kahulugan c. baybay
b. Bigkas d. lahat ng sagot
____________2. Makukuha rin sa diksyunaryo ang _________________.
a. Bahagi ng pananalita c. volyum
b. Pagpapantig d. sagot a at b
____________ 3. Ang bahagi ng pananalita ng sigasig ay_____________.
a. pangngalan c. pandiwa
b. pang-uri d. pang-abay
____________4. Ang salitang komersyal ay pinapantig ng _____________.
a. ko-mers-yal c. kom-ers-yal
b. ko-mer-syal d. ko-me-r-syal
____________5. Ang kahulugan ng salitang masilayan ay _____________.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
a. lumitaw c. makita
b. dumating d. mapuntahan

Basahin at unawain ang talata

FIVE-A-DAY HABIT

Iminumungkahi ng Food Guide Pyramid na sa isang araw ay mainam ang

maghain ng tatlo hanggang limang uri ng gulay at dalawa hanggang apat na uri ng prutas
sa ating mga hapag-kainan. Ang pagkain ng minimum na haing ito ay dapat na idagdag sa
mga nakagawiang pagkain araw-araw. Ayon sa mananaliksik , ang pagkain ng limang hain
ng gulay at prutas ay makatutulong upang maiwasan ang mga sakit na gaya ng kanser at
ng sakit sa puso.
Bukod sa mga bitamina , mineral, at fiber na naibibigay ng pagkain ng
gulay at prutas , ito rin ay nagtataglay ng phytochemicals, isang mahalagang elementong
nakatutulong upang makaiwas sa sakit na kanser.

Suriin ang mga pangungusap na kaugnay ng binasang talata.

1. Ilang hain ng gulay at prutas ang iminumungkahing kainin araw-araw?

2. Kumain ka ng prutas at gulay araw-araw.
3. Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.
4. Wow, ang sarap ng mga pagkain!
5. Maliban sa bitamina, mineral at fiber, ano pa ang tinataglay ng gulay at prutas?

D.1.Kumpletuhin ang balangkas sa ibaba

FIVE-A-DAY HABIT
I. _____________________________________
1._________________________________
2._________________________________
II. _____________________________________
1. _______________________________
2. _______________________________

Isaisip Mo
May apat na pangkalahatang uri ng pangungusap ayon sa gamit.
1. Paturol o Pasalaysay – pangungusap na nagsasaad o nagsasabi ukol sa
isang paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa: Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan.

2. Patanong – pangungusap na naghahanap ng kasagutan. Nagtatapos ito sa

tandang pananong ( ? ).
Halimbawa: Ilang hain ng gulay at prutas ang iminumungkahing
kainin sa araw-araw?
3. Pautos – pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay.
Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Kumain ka ng prutas at gulay.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pakiusap – pangungusap na pautos ngunit nakikiusap o
nakikisuyo. Maaari rin itong magtapos sa tuldok(.) o tandang
pananong( ? )
Halimbawa: Pakibili mo naman ako ng prutas sa kanto.
Maaari mo ba akong ipagluto ng pinakbet para sa
hapunan?
4. Padamdam - pangungusap na nagsasaad ng matinding damdaming gaya
ng galit, tuwa, lungkot , inis o gigil . Nagtatapos ito sa tandang
padamdam ( ! )
Halimbawa: Wow , ang sarap ng mga pagkain !

Isapuso Mo
Tayong mga anak ay tinaguriang anghel ng tahanan-tagapagbigay-saya sa
ating mga magulang !Marami tayong tungkulin na dapat gampanan : anak, kapatid,
kaibigan, kalaro, mag-aaral, kasapi ng pamayanan , atbp. Ang mga tungkuling ito ay
inaasahang magagampanan natin nang mahusay at matapat nang sa gayon ay
maipakita natin ang walang hanggang pasasalamat sa pagpapalaki sa atin ,
pangangalaga at paggabay upang maging mabuting mamamayan.

Isulat Mo

Naranasan mo na bang tumulong sa iyong kapwa at magsilbing

huwaran ? Isalaysay ito sa maikling talata.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Pagsagot sa mga Literal na Tanong Tungkol

2 sa Napakinggang Kuwento

Paano maipapahayag ang sariling opinyon , reaksyon o ideya sa isang

napakinggang isyu?
Ano-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit?
Paano matutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu?
Paano natin maiuugnay ang sariling karanasan sa napanood?

Tuklasin Mo
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salita ayon sa gamit sa
pangungusap.

1. Nakatira sila sa isang pulo. ( damit, pagkain, lugar )

2. Nakatira rin ditto ang maraming matatakaw na buwaya. ( masiba, mataba,
malaki )
3. Sagana sa isda at mga ligaw na hayop dito. ( masarap, marami, sariwa )
4. Masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy.
( pagkapit sa kamay, pagkapit sa paa, pagkapit sa buntot )
5. May mahalagang mensahe ang hari. ( balita, bilin, utos Bigkasin ng wasto ang
mga sumusunod na salita.

Pagmasdan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? May alam na kayong
kwento tungkol sa mga unggoy at buwaya? Kung mayroon, ikwento ang ilang bahagi nito
sa klase.

Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ang Unggoy at ang Buwaya

Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ng mga unggoy. Sa pulong ito,
malinaw, malalim, malinis ang tubig sa ilog na nakapalibot ditto. Nakatira rin ang lahi ng
matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot sa pulo. Masarap at masaya ang buhay ng mga
unggoy dahil marami ang mga punongkahoy na namumunga rito. Gayundin ang mga
buwaya dahil sagana sila sa isda at iba pang hayop na minsan ay naliligaw sa ilog. Subalit
dahil sa pagdami ng mga matsing at buwaya, dumating ang panahon na wala na halos
silang makain.

Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy,
napansin ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo. Tuwang-tuwa ang kanyang
mga kasamahan. Gustong-gusto nilang lumangoy papunta sa kabilang pampang. Ngunit
dahil maraming buwayang gutom ang nangakaabang sa kanila, wala silang madaraanan.
Gustung-gusto ng buwaya ang masarap nilang atay.

Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno ng mga buwaya.
“Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,” ang kanyang pakli.

Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. “Ano ang
maipaglilingkod naming sa mahal na hari?” usisa ng punong buwaya.

“Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan
kayo ng regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,” sagot naman ng
unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu’t pito,” sabay talon sa kabilang pampang.
Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.

Pagyamanin Natin

Gawin Natin

A. Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang kuwento.

Panuto: Sagutin ang sumussunod na mga literal na tanong mula sa napakinggang kwento.

1. Tungkol saan ang kwentong napakinggan?

2. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?
3. Saan at kailan nangyari ang kwento?
4. Ilarawan ang tirahan ng mag-aamang unggoy.
5. Bakit naubos ang pagkain ng mga unggoy at buwaya?
6. Ano ang katangian ng unggoy?buwaya?
7. Isalaysay kung paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy.
B. 1. Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon o ideya sa isang napakinggang
isyu.
Marami nang nalathalang mga balita at impormasyon ukol sa pag-unlad ng mga
karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad ng
mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Singapore, at
South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ang mga Pilipino ay
nakasadlak pa rin sa kahirapan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad an gating bansa. Unang-
una ay ang isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang kalinisan at
pangangalaga sa paligid na tila nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng
kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng mga
kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan. Paano nga ba malulutas ito ng
bansang Pilipinas?

Gawin Mo

B.2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu.

Panuto: Bumuo ng dalawang grupo. Batay sa mapagkakasunduan ng dalawang grupo,

pumili ng isang paksa/isyu mula sa mga sumusunod na listahan. Ang dalawang
grupo ay magsasagawa ng isang debate tungkol sa isyu. Gumamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap sa pagdedebate.

Mga mungkahing paksa:

1. Marangya o simpleng pagdiriwang ng pista
2. Panukalang oras ng pagvivideoke
3. Nationwide liquor ban sa Pilipinas
4. Panukalang “No School Uniform” para sa mga mag-aaral
5. Paglilibing ng labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga
Bayani.

C.1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa

pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling karanasan.

Basahin nang tahimik ang teksto.

Pista sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao
ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi
magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan,
at mga panauhin mula sa ibang bayan.

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang
nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit
ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga
arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may
iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na kalye
man.

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine.
Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran.
Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos.
Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at
nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos?
Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino
ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang

ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa
Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan,
gaya ng pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San
Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista
ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen
Immaculada Concepcion, at iba pa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pista?

2. Bakit may pista?
3. Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.
4. Sang-ayon k aba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag.
5. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan n gating mga ninuno?
6. Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?
7. Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito
tungkol sa isyung ito?

B . Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging

pamilyar at di-pamilyar sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga salitang ito sa
inyong sariling karanasan upang matukoy ang kahulugan.

PAMILYAR NA SALITA DI PAMILYAR NA SALITA

SALITA KAHULUGAN

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
D.Naiuugnay ang sariling karanasan sa napanood

Anu-ano ang mga bagay na ibinibigay o binibili ng inyong nanay para sa inyo? Naranasan
na ba ninyong kayo naman ang bumili o magbigay sa inyong mga nanay? Ibahagi ang
karanasang ito sa klase.

(Tahimik na panoorin ang video clip, na inihanda ng guro)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang pamagat ng palabas?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa palabas?
3. Saan ito naganap?
4. Ano ang katangian ng mga tauhan?
5. Naranasan mo na ba ang naging karanasan ng tauhan sa palabas?
Ano ang iyong ginawa at bakit?

Isaisip Mo

Ang pagbibigay ng reaksyon, ideya o opinion tungkol sa isang isyu ay isang

mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw
hinggil sa mga kaisipang inilahad.

Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o

pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang
maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.

Isang paraan din ng pagpapahayag ng reaksiyon ay sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng debate. Iba’t ibang uri ng pangungusap ang maaaring magamit sa
pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.

Isapuso Mo

Pangkatang Gawain

Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Bawat grupo ay iisip ng isang palabas at
iuugnay ang kanilang karanasan sa naturang palabas. Magsagawa ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng ilang eksena o bahagi ng napiling palabas.

Isulat Mo

Panuto: Iugnay ang sariling karanasan sa isang pelikulang tumatak sa iyong isipan.
Sumulat ng isang maikling talata tungkol dito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN
Pagsasakilos ng Napakinggang Awit
3

Paano naisakilos ang napakinggang awitin?

Paano ginamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

Paano pinangkat ang mga salita?

Paano nasagot ang mga tanong sa tekstong pang-impormasyon?

Ano ang gamit ng Dewey Classification System?

Ano-anong iskrip ang naisulat ninyo?

Tuklasin Mo
A. Pagsasakilos ng Napakinggang Awitin
Panoorin at pakinggan ang awit. Lumikha ng mga kilos sa ilang bahagi nito.

(Pumili ng awit tungkol sa Kapayaan)

___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

_______?______

___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

___________________
___________________
___________________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
B. Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipanayam / Interview
Nagustuhan ng isang script writer ang kuwento ni Lolo Tasyo at ng kanyang
mga kapitbahay kaya nais nilang makapanayam ang mga ito para makuha ang mga
tunay na pangyayari.
Mahalagang matutuhan ang tamang paraan ng pagsasagawa ng interbyu o
panayam. Bukod sa mga kaalamang natutuhan sa pagbabasa ng aklat, ang pag-
iinterbyu sa taong nag-aaral o may malaking karansan sa isang kaalaman ay isang
paraan din ng pagkakatuto.
May mga puntos na dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng interbyu o
panayam. Ang mga ito ay:
1. Ipaabot sa nais makapanayam ang paanyaya na maaaring gawin sa
paraang pasulat kung saan ipinahahayag paksa, petsa, oras at lugar ng
gawain o personal na sadyain para agarang maiayos ang layon.
2. Ihanda ang mga katanungan para sa taong iinterbyuhin para magkaroon
ng kaayusan at pokus ang gawain.
3. Itala ang mga datos o kasagutan sa mga tanong sa isinasagawang interbyu
o gumamit ng recording devices para makalap nang buo ang proseso ng
pag-iinterbyu.
4. Ipaabot ang pasasalamat sa taong nagpaunlak ng panayam sa paglalaan ng
kanyang panahon at kaalaman.

Pagsasanay
Magpapangkat-pangkat. Magsasagawa ng interbyu o panayam sa isang mag-
aaral na may kasamang lolo o lola sa kanilang tahanan. Ang paksa ng gagawing
interbyu o panayam ay kung paano ipinadarama sa lolo o lola na mahalaga siya sa
inyong pamilya. Sa pagsasagawa ng interbyu o panayam, gamitin ang iba’t ibang uri
ng pangungusap na napag-aralan.

C.1.Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay

Basahin Mo
Ang pagkilala sa mga salitang magkakaugnay ay tungo sa pagpapaunlad ng
talasalitaan at ng kasanayan sa pag-unawa sa binabasa.

May mga salitang kaugnay ng pandama ng bawat tao. Ito ay ang panlasa,
paningin, pang-amoy, pandinig, at pandamdam.

Halimbawa: Malakas ang tunog ng kampana. (pandinig)

Anong pandama ang kaugnay ng mahalimiyak na bulaklak?

Iba’t iba rin ang damdamin ng tao gaya ng pagkagulat, pagkainis, paninisi,
pagkatakot, pagdaramdam, pag-aalala, pagkagutom, pagkaawa, kasayahan,
kasabikan, kagalakan, at marami pang iba.

Halimbawa: Aalis na pala kayo sa ating barangay. (kalungkutan)

Pansining may kaugnayan sa damdamin ang kahulugan ng salita o parirala.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
A. Ibigay ang kaugnay na damdamin sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Bakit kaya wala siya?

_____2. Ang dami mo naming tanong!

_____3. Hindi mo man lang ako sinulatan.

_____4. Tulungan natin siya sa pagtawid.

_____5. Akon a lang po ang tatapos ng inyong dapat gawin.

B. Buuin ang tumbasan ng salitang magkaugnay ayon sa Gawain. Isulat ang

kaugnay ng ikatlong salita gaya ng ugnayan ng una at ikalawang salita.

Halimbawa: kaminero, nagwawalis: doctor, gumagamot

1. mang-aawit, umaawit: guro, ______

2. katulong, tumutulong: abogado, _______

3. manunulat, kumakatha: pulis, _______

4. tindera, nagtitinda: labandera, _______

5. dyanitor, naglilinis: barangay-tanod, ______

Mapapangkat din ang mga salitang magkakaugnay kung ito ay pinag-uugnay

ayon sa gamit,pinagmulan, o katangian.

Halimbawa:

Alin ang salitang hindi dapat mapasama sa pangkat?

1. tuta, kuting, biik, guya, kabayo

(lahat ay anak maliban sa kabayo)

2. tren, eroplano, bus, dyip, karitela

( lahat ay sasakyang panlupa maliban sa eroplano)

C. Bilugan ang salitang hindi dapat mapasama sa pangkat.

1. doctor, pulis,guro,nars,klinika

2. aklat, lapis, silid, papel, pambura

3. dagat, bundok,lawa, ilog, sapa

4. petsay, santol, repolyo, ampalaya, kangkong

5. patola, santan, rosas, sampaguita, rosal

C.2.Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasang Tekstong Pang-impormasyon

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ang textong informativ (explanation) ay nagpapaliwanag ng mahalagang
impormasyon o kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran
nang naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung
ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong
pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang
sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng

negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong
sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng
pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng
temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng
mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere.
At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong
tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone
layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga
mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga

bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya,
ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga
dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global

warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya
kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang
na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang
kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis
na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang
pagsira sa ating kapaligiran.
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-na-pormal-tungkol-sa.html

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Gawin Natin
C.3.Paggamit nang Wasto Sa Dewey Classification System
Bagamat may tatlong uri ng card, iisa lamang ang laman. Nagbabago-bago
lamang sila sa kung ano ang uri ng card. Kung card ay Pamagat, nauuna ang
pamagat ng kasunod ng iba pang mga tala.

Ang call number ay mahalaga sapagkat bago kayo magtungo sa Card

Catalogue, dapat ay alam na ninyo kung saang klasipikasyon kayo dapat magpunta.
Ito ay ibinibigay ng Dewey Decimal System. Pag-aralan ito:

Klasipikasyon sa Dewey Decimal System

000 – 099 – General Works

100 – 199 – Philosophy
200 – 299 – Religion
300 - 399 – Social Science
400 – 499 – Language
500 – 599 – Science
600 – 699 – Technology
700 – 799 – Arts
800 – 899 – Literature
900 – 999 – History and Geography

Klasipikahin ang mga pamagat ng mga aklat. Gamitin ang tabulasyon para
maging gabay sa pagsagot.

Halimbawa: 400 Wika at Pagbasa

____________1. Polusyon ____________11. Computer

____________2. Klima ng bansa ____________12. Education

____________3. Alamat ng Pinya ____________13. Arnis

____________4. Lindol ____________14. Bibliya

____________5. Sculpture ____________15. Drug Addiction

____________6. Elementary Mathematics

____________7. Drama ng Asya

____________8. Pilosopiya ng Pilipinas

____________9. Mga Bayaning Pilipino

____________10. Kasaysayan ng Lahi

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
D. Pagsulat ng Iskrip Para sa Radio Broadcasting at Teleradyo
Alamin Ninyo
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Buod)
Ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa kanyang talumpati ay ang kalayan
ng kanilang bansa. Kalayaan sa pansariling pamamahala o demokrasya. Maituturing
na isang malaking tagumpay para sa mga mamamayan ng isang bansa ang
mapagkalooban ng kalayaang political, kalayaang pumili ng lider kalayaang hindi
matutumbasan ng kahit anong material na bagay. Bahagi rin ng kalayaang
pinupunto ng kanyang talumpati ay ang pagiging malaya sa tinatawag na
diskriminasyon , ibig sabihin may pantay- pantay na kalayaan ang bawat isang
mamamayan ng Timog Africa, itim man o Puti ang kulay ng balat.

Ang mga mamamayan ng Timog Africa ay pinagkaitan ng pansariling

kalayaan nakakulong ang mga ito sa rehas ng diskriminasyon at limitasyon. Kaya
naman masasabing isang malaking tagumpay ang nakamit nila.

Walang katumbas na bagay ang maihahambing sa halaga ng kalayaang tinutukoy ni

Mandela, kaya naman masasabi natin na ito ay buong tapang at buong bangis
nilang ipinaglaban. Itinuturing ni Mandela na ang pagkamit ng kalayaang ito ay ang
simula ng paghilom ng mga sugat na iniwan ng masalimuot na nakaraan .

Ibig sabihin ay panahon na para ang mamamayan ng Timog Africa ay tumayo sa

sarili nilang mga paa upang bumuo ng panibagong bayan na kung saan ay malaya
ang lahat sa kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.
Kapayapaan na maihahalintulad mo sa malayang paglalakd sa daan na walang takot
sa bawat puso, karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may
kapayapaang pansarili at pambansa.
Hindi naging madali ang tinahak na landas ng mga mamamayan ng Timog Africa
upang makamit ang tinutukoy niyang kasarinlan, isang masalimuot at nakatatakot
na landas ang kanilang nalagpasan upang makamit ang inaasam na kalayaan. Ang
mga pangarap nilang tila walang katuparan naging makatotohanan at kanila ng
nararanasan.

Bahagi rin ng talumpati, ang pangangako ni Mandela sa mga kababayan na

pangalagaang mabuti ang natamasang kasarinlan. Malaking bahagi ng talumpating
ito, ay ang taos pusong pasasalamat ni ni Mandela at ng buong mamamayan ng
Timog Africa sa mga nagging bahagi ng kanilang pagtahak patungo sa inaasam na
kalayaan.

Pinasasalamatan ang pagpunta ng bawat isa upang angkinin, kasama ang

mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa
kapayapaan, at para sa dignidad. At ang pagpapakita ng pag-asa sa patuloy na
suporta sakanilang laban na ipagpapatuloy ang pagharap sa mga pagsubok sa

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae,
walang diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
https://brainly.ph/question/271024

Kung babalikan natin ang talumpati, mauunawaan natin ang layunin ng may-
akda dahil sa kanyang ipinaglalaban at adhikain sa pagiging lider ng kanilang
bansa. Nagdulot ito ng epekto sa mga tao sa iba’t ibang mundo.

Ang bawatbahagi ng talumpati ay may nakapaloob na isyu at mensahe kung

saan nakabatay ang layuning ipinahahayag dito.

Sumulat ng isang iskrip ng babasahing balita na naglalahad ng isyu o mga

isyu sa nabasang talumpati ni Nelson Mandela para sa radio broadcasting. Isulat ito
sa espasyo para sa sulatin.

Ano ang radio broadcasting?

Isang paraan ito ng paghahatid ng mahalagang impormasyon sa malawak na

populasyon ng tagapakinig gamit ang radio waves.

Sa pagbabalita:

1. Hindi lalampas sa limang minuto ang isang balita.

2. Gawin itong simple, tama, at malinaw.
Pagsulat ng Iskrip
Panimula – Ilahad ang mga detalyeng may kaugnayan sa lugar o kondisyon ng
insidente o pangyayari/ isyu o balita.

Gitnang Nilalaman – ilahad ang lahat ng malalaking impormasyon o detalye

tungkol sa isyu o balita (ano, saan, kalian, bakit, at paano)
Katapusan – ilahad ang ilan pang detalyeng may kinalaman sa isyu o balita at ang
pulso ng taong bayan tungkol dito.

Isulat Mo
Gumawa ng isang

Panimula :

Nilalaman:

Katapusan:

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Isaisip Mo

Ano-ano ang iyong natutuhan sa buong linggong aralin? Itala ang mga
paksang napag-aralan mo.
Isapuso Mo

Paano mo naipagmalaki ang sariling wika mula sa mga nakalipas na aralin?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at

4 Bunga Mula sa Tekstong Napakinggan

Paano mo maipakikita ang ugnayan ng sanhi at bunga mula sa

tekstong napakinggan?

Paano ka nakapagbigay ng panuto?

Paano ginagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

Paano mo naibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar

at di-pamilyar?

Paano ginagamit ang card catalog?

Paano mo naiugnay ang iyong sariling karanasan?

Tuklasin Mo
A. Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga Mula sa Tekstong
Napakinggan
Madaling tukuyin ang mga pangyayaring may ugnayang sanhi at
bunga. Kailangan lamang ay maunawaan ng mga bumabasa ang mga sitwasyong
nagpapahayag ng mga dahilan at ang kinahihinatnan ng mga pangyayari sa
kuwento.

Ang Sanhi ay ang dahilan ng isang pangyayari.

Ang Bunga ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari.

Ang Alamat ng Minahan ng Ginto sa Benguet

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Narito ang ilang pangyayari sa kuwento.

Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga.

1. Hindinila pinansin ang matanda dahil lasing sila sa tapoy.

2. Nabangga ng isang panauhin ang matanda kaya siya ay nalugmok sa
lupa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ilahad ang iba pang pangyayari sa napakinggan/binasang teksto. Bumuo ng
dayagram na naglalarawan ng inyong ugnayang sanhi at bunga.

Sanhi Bunga

B.1. Pagbibigay ng Panuto Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksyon

Pagyamanin Natin
Mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral ang kasanayang pagsunod sa
mga ibinibigay na panuto. Magagamit ito sa iba’t ibang pagkakataon gaya ng
pagsagot sa pagsusulit, paggawa ng proyekto, paglalaro at pagluluto.

Gawin Ninyo
A. Pakinggan at isagawa ang mga hakbang na sasabihin ng iyong guro.Isulat
sa ibaba ang iyong nabuo.

B. Humarap sa kapareha. Mag-isip ng isang bagay na nais mong ipaguhit sa

kanya. Bigyan ng panuto ang kapareha upang maiguhit ang nais na
bagay.

Paano mo naisagawa ang mga hakbang na napakinggan?

Paano ka nagbigay ng panuto?

B.2. Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagkilatis ng Isang Produkto

Ang mga pangungusap ay may apat na uri ayon sa kayarian. Pansinin ang
diwang inilalahad sa bawat pangungusap.

1. Masustansya ang patatas.

2. Talagang sariwa at masarap ang tinda ni Aling Pinang na mga prutas.
3. Halos maubos ang mga panindang gulay ni Cora nang dumating ang Sabado.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ilan ang diwang inihahatid sa bawat pangungusap? Paano pinagsama ang
mga pangungusap?
Anong bantas ang ginagamit sa bawat pangungusap?
Tandaan:
Ang pangungusap ay mauuri sa kayarian. Ito ang:
1. Payak – May isang diwang ipinahahayag na tinatawag na malayang sugnay.
Hal. Masustansya ang patatas.
2. Tambalan – Higit sa isang ideya ang inilalahad at ang mga pangungusap ay
pinag-uugnay ng at, o, ngunit.
Hal. Talagang sariwa at masarap ang tinda ni Aling Pinang na mga prutas.
3. Hugnayan – Binubuo ng higit sa dalawa ang ideya ng Malaya at pantulong na
sugnay. Ginagamitan ito ng pang-ugnay na kaya, kung, kapag, nang, at iba
pa.
Hal. Halos maubos ang mga panindang gulay ni Cora nang dumating ang
Sabado.

Pag-aralan ang mga larawan. Kilatisin ito gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

1. 3.

2. 4.

C.1.Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di-pamilyar sa

Pamamagitan ng Paglalarawan
Basahin at Gawin
Ang pagkuha ng kahulugan ng isang salita ay maaaring gawin sa
pamamagitan ng paglalarawan dito. Sa paglalarawan, ibinibigay mo ang katangian
ng tao, bagay, o pangyayari na iyong binibigyan ng deskripsyon.

A. Piliin sa ibaba ang salitang inilalarawan ng mga pangungusap. Isulat ang

titik sa patlang.
a. Ilog g. ahensya
_____1. Ito ay isang daluyan ng tubig. b. Patay h. estruktura
c. Batas i. kilometro
_____2. Sobrang mabaho ang amoy na ito, d. Amoy j. transportasyon
na parang maduduwal ka. e. Estero k. nakakasulasok
f. Basura

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
_____3. Tinutukoy nito ang iba’t ibang uri ng sasakyan, mapahimpapawid,
mapatubig o mapalupa man.

_____4. Binubuo ito ng mga gusali o kabahayan.

_____5. Ito ay mga alituntunin na dapat sundin ng bawat mamamayan ng

isang bansa.

_____6. Karaniwan itong bagay na patapon.

_____7. Ito ay mga organisasyong nangangasiwa at nangangalaga sa

kapakanan ng ating bayan at ng mga mamamayan.

_____8. Maaari itong mabaho o mabango, ginagamit natin ang ating ilong
upang matukoy ito.

_____9. Nangangahulugan ito ng kanal.

_____10. Ito ay may sukat na isanlibong metro.

B. Lagyan ng angkop na salitang naglalarawan ang mga patlang. Piliin mula

sa hugis sa ibaba.

Mahalaga mahabang patay mas istrikto agaran masisipag

Ningas-kugon malawakan mayaman mabigat

1. Ang Ilog Pasig ay isang ________ilog na nagdurugtong mula Laguna de Bay

patungong Look ng Maynila.
2. Noong panahon ng Kastila, ito ay isang _______ ilog para sa kalakalan at
industriyalisasyon.
3. Ngunit dahil sa pagpapabaya ang ilog na ito ngayon ay ________na.
4. Kailangan ang ______ batas sa pagpapatira malapit sa ilog na ito.
5. Maililigtas pa rin natin ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng _______pag-
aksyon.
6. Huwag sanang _______ang gawain sa pagsagip ng ilog na ito.
7. Pero sa ________pagtutulungan, maaari pang maisalba ang Ilog Pasig.
8. Kailangan pa ng _______na mga tao para tumulong sa pagsagip nito.
9. Ang pagliligtas ng ating mga ilog ay _______ na responsibilidad nating lahat.
10. Tandaan natin na ang Ilog Pasig ang isa sa saksi ng ating ______kasaysayan.
C.2.Pagsagot sa mga Tanong ng Binasang Paliwanag
Basahin

Paano nagiging instrument ng pakikipagkaibigan at kapayapaan ang

palakasan?
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Alab sa Wikang Filipino 5

Sagutin
1. Sino-sino ang mga kalahok sa Olympic Games? Saan-saang bansa sila
galing?
2. Ano ang simbolo ng labanang ito? Ano ang motto?
3. Tuwing kalian ito ginaganap?
4. Gaano kahalaga ang labanang ito sa paglalaganap ng kapayapaan?
5. Dapat bang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng palarong ito? Bakit?

C.3. Paggamit nang Wasto sa Card Catalog

Mapapadali ang paghahanap ng aklat sa library sa tulong ng kard katalog.

1. Kard ng Pamagat o Title Card. Sa kard na ito ay unang mababasa ang

pamagat ng aklat, kasunod ang pangalan ng may-akda, at paksa ng
babasahing aklat.
372.4 Gintong Pamana, Pagbasa
G93 Gugol, Ma. Victoria
1996 Gintong Pamana;Pagbasa/
Ma. Victoria Gugol. – Manila:
Vibal Publishing House, Inc.
c. 1996

IX, 264 p. iII.

2. Kard ng Paksa o Subject Card. Ang kard na ito ay naglalaman muna ng paksa
ng aklat bago ang pamagat at may-akda ng aklat.

372.4 PAGBASA
G93 Gugol, Ma. Victoria
1996 Gintong Pamana;Pagbasa/
Ma. Victoria Gugol. – Manila:
Vibal Publishing House, Inc.
c. 1996

IX, 264 p. iII.

3. Kard ng May-akda o Author Card. Sa kard naming ito, ang unang mababasa
ay ang pangalan ng may-akda ng aklat, kasunod ang pamagat, at paksa ng
aklat.
372.4 Gugol, Ma. Victoria
G93 Gintong Pamana, Pagbasa
1996 Ma. Victoria Gugol. – Manila:
Vibal Publishing House, Inc.
c. 1996

IX, 264 p. iII.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Tandaan ang sumusunod na mga hakbang sa wastong paggamit ng kard
katalog.

1. Pumili lamang ng isang uri ng kard sa kard katalog.

2. Tiyaking mababasa agad ang mga nakatalang impormasyon sa kard.
3. Isulat sa papel ang nilalaman ng napiling kard.
4. Itala sa papel ang call number o bilang ng aklat sag awing itaas ng
kaliwang bahagi ng kard.
5. Isauli sa cabinet ang katalog nang buong ingat.
6. Ibigay sa librarian ang call number ng aklat na hhiramin.

(Para sa iba pang kaalaman at pagsasanay> Hiyas sa Pagbasa 5,pahina 165-166)

D. Pagsipi ng Talata Mula sa Huwaran

(Ang guro ay magbibigay ng isang talata bilang huwaran ng mga mag-aaral
sa kanilang pagsusulat. Maaaring ito ay ukol sa bagong aralin o nakaraang aralin.)
E. Iugnay ang Sariling Karanasan sa Napanood
Ang ating karanasan ay malaki ang maitutulong sa pag-unawa sa mga
pangyayari sa napanood. Maiuugnay ng manonood ang sariling karanasan sa mga
detalye ng salaysay na napanood. Dating kaalaman o iskema ang tawag dito.

(Ang guro ay pipili ng isang video clip na maaaring gamitin upang maiugnay
ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga karanasan.)
Isulat Mo
Isulat mo ang mga karanasang kahalintulad ng iyong napanood.

Isaisip Mo
Ano-ano ang iyong natutuhan sa buong linggong aralin? Paano mo
napahalagahan ang wika at panitikan?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Pagsunod sa Panuto at Pagsulat ng Iba’t Ibang

5 Bahagi ng Pahayagan Alamat

Paano nakapagbibigay ng paksa sa napakinggang kuwento?

Paano gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate?

Paano magbigay ng kahulugan sa matalinghagang salita?

Paano sumunod sa panuto?

Paano gamitin ng wasto ang call number?

Paano sumulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan?

Tuklasin Mo
A. Pagbibigay ng paksa sa kwentong napakinggan/usapan
Pag-aralan ang kahulugan ng mga salita sa loob ng kahon. Alin sa mga ito
ang kahulugang ginamit para sa mga salitang nakasulat nang pahilig sa sumusunod
na mga pangungusap? Isulat lamang ang titik ng wastong sagot sa patlang.

A. Utak
a.Nakapaloob sa ating bungo

b.Katalinuhan

c.Taong pinakapuno ng isang katiwalian

_________1. May utak talaga si Marian. Manang-mana siya sa kanyang ama.

_________2. Alam na ng pulisya kung sino ang utak ng nakawan.

_________3. Malubhang napinsala ang kanyang utak dahil sa aksidente.

B. Dahon

a.bahagi ng halamang tumutubo mula sa sanga

b.pahina ng aklat

c.bahagi ng aklat o sinelas

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
_________1. Inalis ni nana yang manila-nilaw na mga dahon ng rosas.

_________2. Ang ganda ng disenyo ng dahon sa kanyang bakyang pula.

_________3. Ingatan mo ang pagbuklat ng mga dahon ng lumang aklat.

C. lutang

a. nasa ibabaw ng likido

b. madaling nakikita o napapansin ng karamihan

_________1. Lutang na lutang ang kagandahan ni Ella noong gabi ng koronasyon.

_________2. Sinalok ni Mang Ado rang lutang na mga dahon sa swimming pool.

Basahin Mo
Pakinggan ang babasahing kwento ng piling mag-aaral o guro sa aklat at
sagutin ang mga tanong.

Paano kaya naging maunlad ang kabuhayan ni Chou? Paano kaya ipinakita
ni Chou ang kabutihang pag-uugali? Alamin sa kwento

Ang Haring Langgam

Matagal na matagal na panahon na ang nakaraan, sa isang malayong
kaharian ng NanTze ay may nakatirang isang mangangalakal na nagngangalang
Chou. Ang ikinabubuhay ni Chou ay pagtitinda ng kung ano-anong mga bagay na
maari niyang maibenta. Dahi;an ito upang magalugad niya ang halos lahat ng sulok
ng Taiwan sa paglalako ng kanyang paninda.

Isang araw, habang pasakay sa isang Bangka ay napatingin si Chou sa gilid

ng ilog. May nakita siyang isang langgam na pabalik-balik sa isang lutang na dahon.
Nais sanang makaalis ng langgam sa dahon ngunit hindi niya magawa dahil ang
dahon ay napaliligiran ng tubig. Naawa naman si Chou kaya kanyang pinulot ang
dahon. Ipinatong niya ang dahon sa loob ng bangka upang makaalis ang langgam.

Ngunit pinanood pala si Chou ng kanyang kargador. “Boss, ano po ba iyan?”

usisa nito. “Ahh, isang langgam,” nakatawang sabi ni Chou. “Naawa ako at gusto ko
siyang sagipin.”

“Naku, Boss, baka mangagat pa iyan. Mabuti pa’y itapon na ninyong muli sa
tubig. Marami rin po tayong panindang maaring ubusin ng langgam.”

“Pero nakaaawa naman siya. Hindi ko ata maitatapon sa ilog,” tutol ni Chou
sa nais na mangyari ng kargador.

“Ako na po ang bahala. Kung hindi ninyo ito maitatapon, ako na po ang
maghahagis sa ilog,” alok ng kausap.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
“Ahh, huwag na,” sagot ni Chou. “O, para huwag itong makaabala sa atin, ditto ko
na lamng siya ilalagay sa sulok ng ating bangka. At saka babantayan ko ito para
hindi makaalis,” nangingiting sabi pa ni Chou.

Walang nakatutol sa nais na manyari ni Chou. Ang langgam ay isinama nila

sa pagtawid sa ilog. Pagsapit sa kabilang pampang ay maingat na kinuhang muli ni
Chou ang dahon at inilapag sa tabi ng kalsada. “Hayan,” sabi nya. “Maari ka nang
umahon.”

***

Nakalipas ang maraming araw pagkatapos noon, isang matandang lalaking

may putting balbas ang kumatok sa pintuan ng tindahan ni Chou. Tok! Tok! Tok!
“Tao po,” sabi nito.

“Tuloy po kayo ,” sabi ni Chou. “Ano po ang maipaglilingkod ko?”

“Wala naman akong bibilhin, Amang. Ang nais ko lamang ay magpakilala sa

iyo. Ako ang hari ng mga langgam. Nagpapasalamat ako sa pagkakaligtas mo sa
akin buhat sa pagkalunod.”

Nanlaki ang mga mata ni Chou. Tinangka niyang magsalita, ngunit walang
tinig na lumabas sa kanyang mga labi.

Muling nagsalita ang lalaki. “Ipinaaabot kong muli ang aking pasasalamat.
Tandaan mo, anumang oras na ako ay kailangan mo, tiyak na ako ay darating,” sabi
nito. Pagkatapos ay biglang lumiit ang matandang lalaki. Naging isa itong langgam
na pagkuwa’y pumasok sa siwang ng dingding.

Bumilang ang ilang taon. Naging matagumpay na mangangalakal si Chou.

Malaki ang kita ng kanyang tindahan. Dumami na ang kanyang mga kawani.

Ngunit isang araw, natuklasan ni Chou na ang isa niyang kahero sa tindahan
ay hindi matapat. Nangungupit ito ng pera mula sa kaha.

Nagalit si Chou. Tinanggal niya sa trabaho ang kahero, Bagamat binigyan

niya ito ng hustong sweldo at dagdag pang isang buwang upa bago tuluyang
tinanggal.

Nahirapang humanap na muli ng trabaho ang kahero mula nang ito ay

matanggal. Marami ang nakaaalam na ito ay hindi matapat sa kanyang tungkulin,
kung kaya’t walang magtiwalang kumuha sa kanya. Dahil ditto ay nakaisip ng
masama ang dating kawani. Binalak niyang pagnakawan ang isang mayamang
tahanan.

Nang gabing isinagawa ang maitim niyang balak, natutop ng gwardya ang
masasamang-loob. Ang dating kawani, kasama ng ilang kasamahan, ay ipinakulong
ng may-ari ng bahay na nilooban.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sa presinto, ang dating kawani ay nagsalita, “Ipinag-utos ito ni Chou. Siya ang utak
ng lahat ng ito. Hati raw kami sa aming makukulimbat.”

Inaresto si Chou noon din, at sapagkat wala namang kasalanan ay galit

nagalit ito. Ngunit sa halip na pakinggan ay lalo lamang nagalit ang mabagsik na
alkalde. Ipinasok ito noon din sa piitan na nakatali ang mga paa’t kamay.

Sa loob ng piitan ay naghimutok si chou. “Bakit ako nagkaganito?” himutok

niya. At sa gitna ng kanyang pagngingitngit ay nakakita siya ng isang maliit na
langgam na gumagapang sa dingding ng piitan.

“Ang Haring Langgam!” naibulalas niya. “hihingi ako ng tulong kay Haring
Langgam.”

Nilapitan ni Chou ang mga langgam sa pader. Pagkuwa’y kinausap ito.

“Tawagin ninyo si Haring Langgam,” aniya. “Kailangan ko ng tulong. Tawagin
ninyo siya.”

“Ha!Ha!Ha!” tawanan ng mga pulis na nasa presinto. Ang akala ng mga pulis
ay nasisisraan siya ng bait. Ang hindi nila nalalaman ay narinig at naunawaan ng
mga langgam ang panawagan ni Chou. Ipinarating nila kay haring Langgam ang
paghingi ni chou ng saklolo.

Kinagabihan, nakarinig si Chou ng mahinang mga kaluskos. Ha? Ano ito?

Libu-libong mga langgam ang nagmamartsa sa loob ng piitan. Kinagat ng isang
laksang langgam ang mga taling nakagapos sa paa at sa kamay ni Chou. Pagkatapos
ay isang laksang langgam naman ang nagpasimulang gumawa ng butas sa pader ng
kulungan. Bago pa nag-umaga ay malaki na ang butas na nagawa ng mga langgam.
Kasyang-kasya si Chou.

“Halika, aking kaibigan,” anyaya ng Haring Langgam. “Sumama ka sa aking

kaharian.”

“Ha? Saan?” parang naguguluhang tanong ni Chou.

Dinala si Chou ng mga langgam sa isang kwebang malapit sa kagubatan.

Doon, siya ay pansamantalang nanirahan kasama ng mga langgam. Napakabait ng
mga langgam kay Chou. Dinadalhan siya ng pagkain araw-araw. Isipin mo kung
ilang langgam ang nagbubuhat ng mga pagkain para kay Chou.

Makaraan ang ilang buwan, napatunayan sa hukuman kung sino ang tunay
na nagkasala. Nahatulan ang nagkasalang kawani, at pinawalang-sala naman ang
bintang kay Chou.

Nagbalik na si Chou sa kanyang tahanan, at maligaya siyang nagpatuloy sa

tahimik na pamumuhay. Sa kanyang tahanan, labas-pasok ang mga langgam. May
maliliit. May malalaki. May itim na langgam. May mapupulang langgam. Lahat sila
ay kaibigan ni Chou.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Hinango sa Filipino 5, Sinag ng Lahi, Integrasyon Wika at Pagbasa pp. 186-188

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino si Chou? Ano ang kanyang trabaho?

2. Isang araw, anong kakaibang bagay ang nakita ni Chou?
3. Sino ang matandang lalaki na nakipagkilala kay Chou?
4. Anong uri ng tagapamahala si Chou? Patunayan ito.
5. Anong masamang pangyayari ang naranasan ni Chou? Paano niya ito
nalusutan?
6. Ano ang paksa ng binasang kwento?

Tandaan:

Ang paksa ay ang bagay na pinag-uusapan o tinatalakay sa kwento. Dito

umiinog an gang lahat ng magkaugnay na mga pangyayari.

Basahin ang ilang kwento. Tukuyin kung ano ang paksa ng bawat isa.

1. Si Manuel ay isang batang lalaki na mahilig sa mga laruang robot. Mayroon

siyang maliit at malaking robot. May maaaring paghiwa-hiwalayin ang mga
bahagi. May maaaring pagdugtung-dugtungin. Sabihin pa, kapag may mga
naiibang laruang robot ay tiyak na ipabibili niya ito sa kanyang nanay.
2. Ang mga laruan sa cabinet ay nagsimulang gumalaw. May naglakad, may
nagtaas ng kama, may tumalon pababa ng cabinet. Mayroon ding nagsindi ng
ilaw. Nabuhay ang lahat ng mga laruan ni Manuel.
3. Hindi tayo inaalagaan ni Manuel. Alam ba ninyo iyon? Malakas na salita ng
isang lider. “Madalas, iniiwan na lamang tayo kahit saan---sa salas, sa harap
ng telebisyon. Kung minsan sa ilalim ng kama. Minsan pa nga’y sa may
hagdanan.
B. 1. Pagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin
Basahin Mo
Proteksyon Laban sa Polusyon
Dumadaloy nang paulit-ulit at walang tigil ang tubig sa ating mundo. Kapag
nagtapon ka ng dumi o basura sa ilog, lawa, o sa karagatan, tiyak na dadaloy din ito
sa iba pang anyo ng tubig.

Nakaaapekto sa kemistri ng tubig ang polusyon mula sa mga pagawaan at

bukirin. Nababago nito ang balanse ng oxygen at iba pang mahahalagang element
ng tubig. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga namumuhay na halaman
at hayop ditto. Dapat ihinto natin ang pagdurumi sa mga daluyan ng tubig o
katubigan. Tiyak na matutulungan natin ang katubigan ng ating mundo.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Gawin Ninyo
Magpangkat at itala ang mga suliranin at ang maaaring solusyon sa binasang
kwento. Ibahagi ito sa klase.

B. 2. Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate tungkol sa

isang isyu
Magbigay ng isang napapanahong isyu at gamitin itong paksa sa pakikipag-
debate gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

C. 1. Nabibigyang kahulugan ang matalinghagang salita

Ang ating mga ninuno ay nag-iwan sa atin ng butil ng kaalamang
magpahanggang sa ngayon ay atin pang pinaniniwalaan. Ito ay matalinghagang
mga salitang may malalim na kahulugan at nagbibigay ng aral. Tinatawag itong
salawikain. Pag-aralan at tingnan kung makukuha ang mensaheng nais ibigay.

1. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga.

2. Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin nila sa iyo.
3. Habang maikli ang kumot, mag-aral mamaluktot.
4. Ang taong sulimpat, kung tumingin, hindi gagawa ng magaling.
5. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
6. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
Gawin Ninyo

Magpangkat nang lima-lima. Pag-usapan kung ano ang kahulugan ng salawikain sa

itaas. Gumawa ng isang paliwanag sa bawat grupo. Bawat pangkat y mag-ulat sa
klase.

Panuto: Pag-aralan ang mga salawikain. Ibigay ang tamang kahulugan ng mga
sumusunod.

1. Pag may isinuksok, may titingalain.

2. Habang nabubuhay, may pag-asa.
3. Ang ugaling kinagisnan noong bata, dala-dala hanggang sa pagtanda.
4. Kung hindi ukol ay hindi bubukol.
5. Ang taong maganda ang asal, marami ang nagmamahal.
6. Walang matimtimang birhen sa matyagang manalangin.
C. 2. Nakasusunod sa nakasulat na panuto
Mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral ang kasanayang pagsunod sa
panuto. Magagamit ito sa iba’t ibang pagkakataon gaya ng pagsagot sa pagsusulit,
paggawa ng proyekto, paglalaro at pagluluto.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Kailangang making mabuti para makasunod nang wasto sa panuto. Dapat naming
unawaing mabuti ang pasulat na panuto para masunod ang ipinagagawa nang
wasto.
Gawin Natin
Isagawa ang panuto sa bawat bilang.

1. Gumuhit ng isang bilog. Gumuhit ng isang tatsulok sa loob nito. Tiyaking

umaabot sa guhit ng bilog ang mga kanto ng tatsulok. Sa ilang bahagi nahati
ang bilog? Isulat.
2. Gumuhit ng isang mahabang linya na may bilog sa dulong kanan at kahon sa
dulong kaliwa. Isulat ang iyong pangalan sa linya. Kung ikaw ay isang lalaki
gumuhit ng araw(sun) sa kahon. Kung ikaw ay isang bababe gumuhit ng
bituin sa bilog.
3. Gumuhit ng isang relong pambraso. Itapat ang maikling kamay sa 3 at ang
mahabang kamay sa 6. Anong oras ang nakikita mo sa relos? Isulat sa ilalim
ng larawan.

C. 3. Nagagamit nang wasto ang call number ng aklat

Ang paghahanap ng impormasyon ay mapapadali kung alam ang paraan ng

paghanap ng impormasyon sa aklatan. Pagpasok sa aklatan, ang unang mapapansin
ay ang pagkakaroon ng numero ang likuran ng libro. Tingnan mo.

Pumunta sa silid-aklatan at itala ang mga makikitang call number. Iulat ito sa klase.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
D. Nakasusulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan

Maraming bahagi na ng ating kasaysayan ang madalas na maging paksa ng

editorial at artikulo ng mga pagayagan. Sa pagbasa ng mga ito nakapagbibigay tayo
ng opinion o kuro-kuro.
Ang pahayagan ay isang basahin na tumutugon sa gamiting pagbasa para sa
tiyak na layunin. Ito ay isa sa pangunahing midyum upang maihatid sa mga tao ang
mga sariwang kaganapan.
Mayaman sa iba’t ibang uri ng impormasyon ang pahayagan. Matatagpuan
ang mga kaalamang ito sa mga tiyak na bahagi o seksiyon ng pahayagan.
Nakabasa ka nab a ng pahayagan?
Kung gayon, may kaalaman ka na sa iba’t ibang bahagi nito.
Hawakan ang isang pahayagan at suriin ang iba’t ibang bahagi nito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

E. Napaghahambing ang iba’t ibang dokumentaryo

Nakapanood ka na sa isang telebisyon na may kaugnayan sa dokumentaryo

katulad ng I-witness na kay Kara David? Nakapakinig ka ba ng isang
dokumentaryo sa radio? Ano-ano ang iyong mga napansin?

Ano ba ang tinatawag na dokumentaryo? Ang dokumentaryo ay nagbibigay

impormasyon tungkol sa katotohanan o sitwasyon ng isang tao o lugar. Ang layunin
nito ay upang mapamulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o pangyayari sa
isang tao o lugar.
Mayroong iba’t ibang dokumentaryo, basahin sa ibaba.

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng

komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay
at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Dokumentaryong panradyo ayon ay ang

pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay
at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Gawin Mo

Paghambingin ang iba’t ibang dokumentaryo at isulat ang iyong mga

nakitang pagkakaiba sa mga dokumentaryo.

F. Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng iba sa pagbasa

ng panitikan

Basahin Mo
Naranasan mo na bang magbasa ng panitikan? Ano ba ang tinatawag na
panitikan? Halika at alamin mo.

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga

damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung

saan ang unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an”. At sa salitang “titik” naman
ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at

mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak
at pangamba.
Mga Akdang Pampanitikan
Mga akdang tuluyan

· Alamat -
isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay
-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggi
l sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay a
ng alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

· Anekdota -
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kat
akata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag
sa mga ginagawa ng mga tao.

Halimbawa:

Ang Munting Gamu-Gamo--- Ina, Anak, Ilawan

Ang Inang gamu-gamo

Ang mapagmahal na Inang gamu-gamo Ang anak na gamu-gamo

Hahabiin ang tama Ang masayahing gamu-gamo

Pagmamahal sa kanyang anak Hahanapin ang kalayaan

Gigisingin ang kamalayan Lagi lamang ako'y sa tabi mo

Ang lumang ilawan Naliligid ng panganib

Ang matanglang na lumang ilawan Liwanag na kay rikit

Kariktang nagliliwanag Lumapit ka sa akin

Kariktang napakainit Sa kandili ko'y mas maligaya

Halika anak ko Buksan ang mga mata

Lulan ng pagkabalisa Walang panganib na nakikita

Pakinggan mo ang payo ko Panganib bang matuturing,

Dito ka lang sa kandili ko Kagandahang aking hinahain?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Kagandahang aking hinahain? Sa palagay ko ilawan

Pakinggan mo ang payo ko Walang halong pagbubulaan

Nagliliwanag na ilawan Hindi siguro mapapahamak

Sa paglapit, dulot ay kapahamakan Lalapit ako sa'yo

Kagandahang aking hinahain? Sa palagay ko ilawan

Pakinggan mo ang payo ko Walang halong pagbubulaan

Nagliliwanag na ilawan Hindi siguro mapapahamak

Sa paglapit, dulot ay kapahamakan Lalapit ako sa'yo

Sa pag kandili mo Inay Ngayon ay heto ka

Ligayang anung ibinibigay Tupukin ang pakpak!

Tupukin ang katawan!

Tupukin ang paggasa!

Nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't

ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-
18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan
may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang k
athang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang ma
husay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas
ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at ma
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanyakanyang tungkuling ginag
ampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

· Pabula - ay isang uri ng kathang

isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sap
agkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag
din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.

Parabula-
o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na m
alimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasal
arawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay wal
ang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawa
ng kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang ku
wentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang ib
a pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sina
bi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Maikling kwento –

isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkuta

n ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masi
ning na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realid
ad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayari
ng naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento."

Dula –
isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.

Sanaysay-
isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.

Talambuhay-
isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango
sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay
isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang
ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng
pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,
1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto
rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.”

naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa
pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag
siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya
at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa

Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan
nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas
ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa

dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na
maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na
ngayon ay Luneta).
Talumpati-
isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng

pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,

magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isa

ng uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibig
kas sa harap ng mga tagapakinig.

Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-
isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matan
dang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang k
augnay ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang a
lamat at mga mito.
Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay -
pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitinga
n at kabayanihan ng tauhan.

· Awit at Korido -
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung
gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiti
ng ng bahaging pang-
tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko
), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tu
mutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga talud
tod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa i
mpluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at m
ay apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakan
tang pagpapahayag ng mga tula.
Epiko-
uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang
tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tag
puang makababalaghan at di-kapani-
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamal
aking epiko.

Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pand
iwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (m
ay titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-
bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.

May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:

1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.

3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

Salawikain -
Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong -
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisi
pan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagam
an tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang meta
pora o maalegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagni
nilaynilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na uma
aasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-

araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, m
adalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng
lugar sa bansa.
Tanaga-
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kab
ataan.

May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

Gawin Mo
Ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng SLOGAN ang magandang
karanasan mo sa pagbabasa ng panitikan.

Isapuso Mo
Ibahagi sa iyong kamag-aral ang mga magagandang karanasan mo sa iyong
pagbabasa ng panitikan upang sila man ay mahikayat ring magkaroon ng paggiliw
sa pagbabasa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN
Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap
6
Paano naisasakilos ang napakinggang awit?

Paano gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang

usapan?

Paano gamitin ang iba’t ibang pahayagan ayon sa pangangailangan?

Paano gamitin ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at

sitwasyon?

Tuklasin Mo

A. Naisasakilos ang napakinggang awit

Nakakapakinig ka nab a ng mga awitin na nakapagpapaindak sa iyong

katawan? Nasubukan mo na bang sabayan ng sayaw ang iyong napakinggan awit?
May mga alam ka bang awiting bayan? Maari mo ba itong awitin at lagyan ng kilos
habang inaawit?

Narito ang ilang awiting bayan na maaari mong sabayan ng kilos.

Awitin ng sabay-sabay at pagkatapos lapatan ito ng kilos.

Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo

Bisig ko’y namamanhid

Baywang ko’y
nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Di kumita ng pilak.

Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina, mga kaliyag,

Tayo’y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

(Braso ko’y namamanhid

Baywang ko’y
nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.)

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad

Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!

May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Gawin Ninyo

Pangkatin ang mga mag-aaral at pamiliin ng isang awitin na nasa itaas.

Ipagawa sa mga mag-aaral na bigyan o lapatan ng kilos habang sila ay umaawit.
Bawat grupo ay magsasagawa sa harapan ng kanilang kaiskwela.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
RUBRICS PARA SA PAGTATANGHAL

BATAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG

MAHUSAY
1. Nagpapakita Lubos na naipapakita Naipapakita ang Di-gaanong naipapakita
ng kahusayan sa ang kagandahan ng kagandahan ng ang kagandahan ng tono
pag-awit at tono at akmang tono at akmang at akmang pagkilos na
paglalapat ng pagkilos na naayon sa pagkilos na naayon sa tunog ng awit.
kilos tunog ng awit. naayon sa tunog
ng awit.
2. Istilo at Lubos na kinakitaan ng Kinakitaan ng Di-gaanong kinakitaan ng
pamamaraan paggamit ng iba’t ibang iba’t ibang istilo iba’t ibang istilo at
istilo at pamamaraan at pamamaraan pamamaraan ang pangkat
ang pangkat ang pangkat
3. Kaisahan ng Lubos na nagpamalas Nagpamalas ng Di-gaanong nagpamalas
pangkat ng kaisahan ang bawat kaisahan ang ng kaisahan ng bawat
miyembro ng pangkat bawat miyembro sa pangkat
miyembro sa
pangkat

B. Naibabahagi ang obserbasyon sa kapaligiran

Tumingin ka sa iyong paligid? Ano-ano ang mga bagay na nakikita mo?

Nararamdaman mo ba ang pagdampi ng mainit na hangin sa iyong balat?
Nararamdaman mo ba ang sobrang pag-init ng kapaligiran?

Basahin Mo

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung

ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong
pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang
sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng

negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong
sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng
pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng
temperatura ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng
mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere.
At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong
tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone
layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga

mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga

bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya,
ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga
dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global

warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya
kung hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang
na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang
kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis
na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang
pagsira sa ating kapaligiran.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang global warming?
2. Ano ang nagiging dahilan ng global warming?
3. Ano-ano ang mga paraan upang hindi na lumala pa ang pagkasira n gating
kapaligiran?
4. Bilang isang mag-aaral, paano po maipapakita ang pakikiisa sa hindi paglala
ng global warming.
5. Ano-ano ang mga magagandang aral na natutuhan mo sa iyong binasa.

Isapuso Mo

Sumulat ng isang slogan sa kapirasong papel at ipaliwanag ito.

B2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang

usapan(chat)

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang iba’t ibang uri ng pangungusap

ayon sa gamit at kayarian. Balikan natin ang mga ito upang lubusan mong
maunawaan ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon gamit, ito ay pasalaysay, patanong,
pautos at padamdam.

1. Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
ng isang katotohanan o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi.
Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Rene.

2. Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa.

Ito’y gumagamit ng tandang pananong (?).

Halimbawa:
Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa New York?
Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

Anyo ng Patanong

Patanong na masasagot ng OO o Hindi

Halimbawa:
Naglinis ka na ba ng bahay?

Pangungusap na Patanggi ang Tanong

Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?

Gumagamit ng Panghalip na Pananong

Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at
iba pa.

Halimbawa:
Ano ang iyong ginagawa kanina?

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong

Halimbawa:
Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntot

Halimbawa:
Dumaan ka na dito, hindi ba?

3. Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang

pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos
ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
Halimbawa:

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.

Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang

panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipagluto mo si Anna ng adobo.

4. Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot,

pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa
tandang panamdam(!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!

Halimbawa:
Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera.
Kay ganda ng bansang Pilipinas!

Uri ng Pangungusap Ayon sa kayarian

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at

langkapan.

1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring

nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian:

a. payak na simuno at payak na panaguri

b. payak na simuno at tambalang panaguri
c. tambalang simuno at payak na panaguri
d. tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:
Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
3. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na
makapag-iisa:

Halimbawa:

Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang

proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga
batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka
maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

3. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa

o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

4. Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na

makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti
upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi,
kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang
ang bayan ay matahimik at lumigaya.

Gawin Ninyo

Lapatan ng diyalogo na nasa iba’t ibang uri ng pangungusap ang mga balloon
sa komik strip. Gumamit ng magagalang na salita na karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

C.1. Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay

Sa mga nagdaan aralin, napag-aralan mo ang tungkol sa

magkasingkahulugan at magkasalungat na salita. Ngayon naman ay pag-aaralan
ninyo ang tungkol sa magkaka-ugnay na salita.

Basahin Mo

Naranasan nyo na bang magsalo-salo magkakapamilya sa isang hapag-

kainan?
Ano-ano ang inyong madalas na napag-uusapan? Halika at basahin mo ang
teksto na may kaugnayan sa usapang pampamilya.

Usapang Pagdadalaga at Pagbibinata

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang paksa ng usapan nina Mang Emong at Aling Ela?

2. Ano ang napansin ni Mang Emong sa panganay na si Rene?
3. Ano naman ang napansin ni Aling Ela sa anak na si Serrela?
4. Magbigay ng mga pagbabagong nagaganap sa isang tao sa kanyang paglaki
at sa pagbibinata__________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sa pagdadalaga___________________________________________________
5. Ano-ano pa ang mga dapat tandaan o dapat bigyang pansin ng isang
nagbibinata o nagdadalaga?
Gawin Ninyo

Pagkilala sa mga Salitang Magkakaugnay

May mga salita sa Wikang Filipino na magkaugnay sa isa’t isa tulad ng mag-
anak sa tahanan, pamahalaan at mamamaya, magulang at anak.

Sagutin ang mga sumusunod hinggil sa pag-uugnayan.

1. Ina : ilaw ng tahanan – ama :______________________

2. dalaga : babae – _______________________:lalaki
3. Guro : paaralan – doktor :______________________
4. Bubuyog : lalaki – _______________________:babae
5. Madilim : gabi – araw :_____________________
Magbigay ka pa ng ilang magkakaugnay na salita.

6.

7.

8.

9.

10.

C2. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano.

Nasubukan mo na bang magtanim ng halaman? Bago mo simulan ang pagtatanim

ng halaman, ano ang un among ginawa? Nakakita ka nab a ng lupang taniman?
Nakagawa ka nab a nito?

Basahin Mo

Ginawang tapunan ng basura ang isang bakanteng lote sa tabi ng bakuran ni

Mang Isyong. Naisip niyang gawing taniman ng gulay anglote upang kahit paano
ay mapakinabangan at maging malinis ang paligid. Matapos alisin ang mga
nakatambak na basura handa na niyang simulan ang kanyang balak.

Binasa niya ang direksyon ng paghahanda ng lupang tanimanmula sa isang

manwal.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

1. kailangan lagyan ng balangkasna guhit ang kanyang gagawing taniman?

2. Paano siniguro ni Mang Isyong na ang lupang pagtatamnan ay buhaghag,
pino at may katamtamang lalim?
3. Bakit kailangang pantayin ang paligid ng plat na gagawing taniman?
Bakit mahalagang ihandamuna ang lupang taniman bago ito pagtamnan?
Paghahanda ng Lupang Taniman

Lagyan ng balangkas na guhit ang kabuuang laki ng pagtatamnan sa pamamagitan

ng tali. Lagyan ng apog ang paligid ng giyang guhit. Alisin ang tali.

Ang lupang pagtatamnan ay dapat buhaghag, pino at may katamtamang lalim.

Gawin ito sa tulong ng piko, asarol at tinidor. Gumawa ng mga plat na may
magkakaparehong sukat.Pinuhin ang lupanggagawing plat sa pamamagitan ng tinidor,
kalaykay o kamay. Alisin lahat ng mga batong mahuhukay, Alisin ang mga dumi at bunutin
ang mga damong tumutubo sa lupa.

Pantayin ang ibabaw ng plat sa pamamagitan ng kalaykay. Pantayin ang paligid ng

mga plat upang hindi maipon ang mga tubig sa gilid nitoAng sobrang tubig ay makasisira
ng halaman. Lagyan ng tudling o maliit na hukay ang ibabaw ng plat. Ito ay dapat pantay
pantay at ayon sa distansya o luwangna kailangan ng halamang itatanim. Lagyan ng
compost angkabuuan ng pagtataniman.

Pagkatapos basahin ni Mang Isyon g ang manwa, naisipan niyang isulat ng isa-isa
ang mga hakbang upang kanyang maunawaan at medaling tandaan.

Gawin Ninyo

Pagsagot sa mga tanong na bakit at paano

Basahin at sagutan ang mga kasunod na tanong tungkol sa binasang teksto.

1. Bakit nilinis ni Mang Isyong ang bakanteng lote?

2. Paano niya ginawa ang paglilinis?
3. Bakit kailangan bumasa pa ng direksyon sa isang manwal si Mang Isyong
para maihanda ang lupang taniman?
4. Sa kanyang paghahanda ng taniman, bakit
5. Paano mo maipapakitang gusto mo ring mapakinabangan ang mga lupang
ginagawa lamang na tambakan ng basura?
Tandaan

Sa mga babasahin ay may mga detalyeng nagbibigay paliwanag ng mga dahilan

at paraan ng pagkaganap ng mga pangyayari. Ang mga detalyeng ito ay siyang
sumasagot sa mga tanong na Bakit at Paano tungkol sa binasa
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
C.3. Nagagamit ang iba’t ibang pahayagan ayon sa pangangailangan

Sa inyong mga nakaraang aralin ay napag-aralan ninyo ang tungkol sa

pahayagan. Nalaman mo ang iba’t ibang bahagi nito at maging ang pagsulat ng iba’t
ibang bahagi ng pahayagan.

Ano nga ba ang pahayagan?

Ang pahayagan ay isang basahin na tumutugon sa gamiting pagbasa para sa
tiyak na layunin. Ito ay isa sa pangunahing midyum upang maihatid sa mga tao ang
mga sariwang kaganapan.
Mayaman sa iba’t ibang uri ng impormasyon ang pahayagan. Matatagpuan
ang mga kaalamang ito sa mga tiyak na bahagi o seksiyon ng pahayagan.
Ano-ano ang iba’t ibang bahagi nito?

Ang mga bahagi ng pahyagan ay ang mga sumusunod.

1. Pangalan
2. Ulo ng Balita
3. Editoryal o Pangulong tudling
4. Isports o Paglilibang
5. Anunsyo Klasipikado
6. Libangan
7. Obitwaryo
8. Pitak
Gawin Mo

Sumulat ng isang ng pahayagan at gamitin ang iba’t ibang bahagi nito ayon
sa pangangailangan.

Isapuso Mo

Paano mo magagamit ang iba’t ibang pahayagan ayon sa pangangailangan?

D. Nakasisipi ng isang talata mula sa huwaran

Ang pagsulat ng isang talata ay magiging mabisa kung susundin mo ang mga
sumusunod na paalaala.

 Maingat mong balangkasin ang iyong talata ayon sa mga sumusunod:

 Magandang pamagat
 Mga tauhan ng kwento
 Lugar na pinangyarihan/panahon ng pangyayari
 Sunod-sunod na pangyayari
 Kapanapanabik na wakas

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Umisip ng isang magandang simula na hihikayat sa mga bumabasa na magpatuloy

sa pagbasa ng iyong salaysay.

Isulat ang salaysay nang wasto ang sunod-sunod na pangyayari.

Tapusin ang talata sa isang paraan na mag-iiwan sa nagbabasa ng

kasukdulan ng kwento.

Gawin Ninyo

Basahin ang isang seleksyon, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na

tanong.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino si Edmund Hillary?

2. Bakit siya nagging tanyag?
3. Anoa ng iginawad sa kanya ng Reyna ng England?
4. Sno ang kasama nya sa pag-akyat sa mataas na bundok?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
5. Paano niya pinasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanyasa pagkakamit
ng karangalan?

Gawin Ninyo

Sumipi ng talata sa nabasang seleksyon.

E. Nasusuri ang estilong ginamit ng gumawa ng maikling pelikula
Nakapanood ka nab a ng isang pelikulang pambata? Napansin mo ba ang bawat
pangyayari sa pelikula? Maganda ba ang mga napupulot na aral sa pelikula na
iyong napanood?

Basahin Mo

Pelikula

Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa
Pilipinasay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay
nahaluan ng Pilipinoat Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila,
lumaki at lumawak angmga manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa
pagdami ng mga artista at mgakwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga
pangarap ng Pilipino.Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa
bansa sa tulong ngdalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumiere
chronophonograph.
Inasahan naang gulat sa mga Espanyol nang nakita nila ang bagong
imbensyon. Ngunti dahil sagiyera, natigil ang pag-usbong ng teknolohiya sa
bansa.Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909
kungsaan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal. Sa taong din
iyonnagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at Anda. Ang mga
direktor ngpelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kani-
kanilang mgagawa, na marami ay mga dokumentaryo. Ang mga unang silent film
ay lumabas noong 1912, kung saan tinalakay angbuhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal.
Pagkatapos ng World War I, nagsimula nanggumawa ang mga Pilipino ng sarili
nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919).Makikita sa mga ito ang
hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon samundo ng pulitika,
kultura at lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at JoseNepumuceno ang
nakilala bilang mga unang Pilipinong producer.
Noong 1930s naman lumabas ang mga talkies gaya ng Ang Aswang,
CollegianLove at King-Kong. Ngunit sa kawalan ng teknolohiya ay natatalo ng mga
dayuhangpelikula ang mga pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga
original na studios at umusbong ang mga bago, tulad ng Sampaguita Pictures,
Excelsior at LVN dahil na rinsa magandang balik ng puhunan para sa mga
negosyante.Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga
produksyongpangpelikula sa teatro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa
pelikula. Sapanahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula
bilang uri ng propaganda upang subuking ilayo ang mga Pilipino sa
impluwensyang Amerikano, gayana lamang ng The Dawn of Freedom na ginawa ng

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Eiga Heisuka. Ngunit dahil sa nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal
ang industriya, ano lamang nanabago ang pokus nito patungo sa mga kwentong
realistiko. Sa bandang huli aynagsimulang malugi ang mga studios pagdating ng
1960s dahil sa pagkamatay ng mgaunang producer at pagbabago sa panlasa ng mga
tao.Simula nang nagsara ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling
mgapelikula ang mga sikat na artista at direktor, tulad nina Fernando Poe Jr. at
ManuelConde. Ang mga ibang artista naman ay napilitang magretiro o lumipat sa
radyo attelebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa puntong iyon ay
ginawa upangpagkakitaan, at madalas ang mga ito'y ginaya sa mga pelikulang
Kanluranin ngunittinipid sa mga kagamitan at aspeto.Sumikat sa mga panahong ito
ang mga pelikulang ginaya sa mga gangster movies kung saan tinalakay ang
krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama naman ay
napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mgaasawa o kaya'y mga babaeng
iniwan lang sa hangin. Ngunit mas makilala ang mga bomba movies na
nagtatampok ng mga maiinit at malalaswang eksena sa gitna ng mgakwento sa
magulong lipunan ng dekada '60 hanggang '80.Ngunit nagsimula din namang
umusbong ang mga bagong kwento, artista atdirektor, tulad nila Nora Aunor, Vilma
Santos at Dolphy. Ang mga batang direktor tuladnina Ishmael Bernal, Lino Brocka at
Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mgapelikulang may halong drama,
komedya, komentaryo realismo ng buhay Pilipino. Kahitna ninais ng pamahalaan na
lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ngmga buwis at censorship ay
nanatili ang makulay na pag-unlad at pagbabago ng mgapelikula ng panahong
iyon.Sa panahon ngayon ay marami ang nagsasabi na tuluyan nang namatay
angpelikulang Pilipino ngunit may mga nagsasabing tahimik lang itong
nagbabago.Maraming mga film festivals ang naitayo, tulad ngMetro Manila Film
Festival at Cinemalaya.
Ang mga pelikulang indieay unti-unting nagkakamit ng parangal sa loob
atlabas ng bansa at tinatangkilik na ng mga Pilipino gaya ng pagtangkilik nila sa
mganormal nang rom-com at pantasya.
Nagsimula na rin ang pag-aaral at pagtuturo ngpaggawa ng pelikula sa mga
kolehiyo - nauna ang UP nang ipinakilala nito ang kanilangBA Film noong 1981.

Elemento ng Pelikula

Pag-arte(Acting) - ang sining ng pagsasabuhay ng isang karakter sa pelikula.

Cinematography - ang paggamit ng kamera upang maisapelikula ang mgaeksena sa

isang production o screenplay

Direksyon (Directing) - ang kontrol ng istilo, laman at pangkahalatang porma

ngpelikula.

Distribusyon (Distribution) - ang pagpapakalat ng pelikula sa mga tanghalan

Editing - ang pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isangtuloy-
tuloy na pelikula.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Effects - ang pagpapaganda ng mga eksena ng pelikula gamit ang iba't ibang uring
teknolohiya.

Direksyong Pangmusika (Musical Direction) - ang paggamit ng musika

upangmagbigay pokus sa isang eksena o karakter at maipariting ang emosyon
saisang eksena.

Direksyong Pangproduksyon (Production Design) - ang pagkunsepto,pagpaplano at

paggawa ng lahat ng gamit at lugar kung saan nagaganap angmga eksena sa
pelikula.

Scriptwriting - proseso ng pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mgadetalyeng

kailangan sa bawat eksena.

Sound Recording - ang paggamit ng dayalogo, musika, naratibo, effects at ibapang

elemento sa pelikula.

Uri ng Pelikula

Aksyon(Action) -
mga pelikulang nagapokus sa mga bakbakang pisikal;maaaring hango sa tunay na t
ao o pangyayari, o kaya naman kathang-isiplamang.

Animasyon (Animation) -
pelikulang gumagamit ng mga larawan opagguhit/drowing upang magmukhang
buhay ang mga bagay na walang buhay.

Bomba - mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing

sekswal.

Dokyu (Documentary) - mga pelikulang naguulat sa mga balita, o mga bagay namay
halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan

Drama - mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin

o tunggalian,nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manunuod.

Experimental - mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon

ngpelikula o magpakita ng mga bagay o situwasyong hindi madalas ipinapakita
oginagaw sa pelikula.

Pantasya (Fantasy) - nagdadala sa manunuod sa isang mundong

gawa ngimahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan
o mgaistoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Historikal (Historical) - mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan
sakasaysayan

Katatakutan(Horror) - nagnanais na takutin o sindakin ang manunuod gamitang

mga multo, bangkay o mga kakaibang nilalang

Komedi (Comedy) - mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter ay
inilalagay sa mga hindi maisip na situwasyon

Musical - mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika

atkantahan

Period - pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilangmga
karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay
napagsasalarawan ng kasaysayan.

Gawin Mo

Ayon sa kumpletong pagpapaliwanag ng tungkol sa pelikula, alam mo na

kung paano suriin ang estilong ginamit ng gumawa ng maikling pelikula.

Isulat sa isang buong papel ang maikling pelikula na iyong napanood at

surrin ang pagkakagwa ditto ayon sa estilong ginawa ng gumawa ng pelikula.

F. Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan

Gamit ang sariling, lumikha ng isang patalastas na nananawagan sa mga

kabataang may labingwalong taong gulang pataas na huwag sasayangin ang
kanilang boto, at piliin ang manunungkulang karapat-dapat sa posisyon. Gawin ito
sa isang buong bond paper.

Ang larawang matatagpuan sa ibaba ay may salik ng pangangampanya o

paghikayat at pagkuha ng tiwala ng bayan, na madudulutan ng remedy o lunas at
kasagutan ang mga pangangailangan nito sa pamamagitan ng pagluklok o muling
pagboto sa kandidatong nag-aanunsyo sa billboards, posters at iba pa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Bigyan katuturan ang mga impormasyon sa patalastas.

1. Paano maiuugnay si Mayor Santiago sa kabuhayan at seguridad ng pamilya

sa kanyang billboards?
2. May programa ba siya sa paglingap sa mga kabataan para sa bayan upang
hind imaging pabigat sa lipunan?
3. Paano bibihagin ni Mayor Santiago ang puso ng mga pamilyang nangangarap
ng sariling tahanan sa paglalabas ng anunsyo sa proyektong pabahay?
4. Makatotohanan ba ang patalastas?Bakit oo at bakit hindi? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN
Pagbibigay ng Buod o Lagom

7 Paggamit ng OPAC

Paano nakagagawa ng buod o lagom ang napakinggang teksto?

Paano naipapahayag ang sariling opinyon sa napakinggang isyu?

Paano gamitin ang OPAC?

Paano magbigay ng isang kahulugan sa di-pamilyar na salita?

Paano gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa paggawa ng patalastas?

A. Nakapagbibigay ng lagomo buod ng tekstong napakinggan

Ang bawat tao ay pinagkalooban ng isip (na siya niyang ikinaiba sa hayop).
Kaya ang kapaligiran ay pwede niyang baguhin at hubugin ng ayon sa kanyang
kagustuhan… nang ayon din sa makabubuti sa kanya… at sa lalo pang
ikinasususlong ng kanyang personalidad o kayauhan.

Basahin Mo

ANG ULIRAN

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinagkaloob ng Diyos sa tao na hindi ibinigay sa iba pang may
buhay?
2. Bakit mahalagang kalugdan ng kapuwa?
3. Ano ang nararamdaman mo habang sinsagot mo isa-isa ang mga tanong?
4. Sa palagay mo mayroon bang makasasagot ng oo sa lahay ng tanong? Bakit?
5. Paano mo makakamit ang iyong pagkauliran?
Gawin Mo

Sa apagbibigay ng buod, simulan sa pag-alam sa pangunahing kaisipan ng

talata. Balikan mo ang binasang teksto, ibigay mo ang buod ng tekstong binasa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Tandaan:

Ang buod o lagom ay isang maikling pahayag na nagsasabi kung tungkol saan ang
binasa o napakinggang teksto. Ito ang pinakasimpleng anyo ng paglalahad. Isa itong
panibagong gawa sa isang akda upang tulungan ang mga mambabasa sa pag-unawang diwa
ng isang akda o seleksyon. Isa sa pinakamahalagang tanda na nauunawaan ang binasa ay
ang maibigay ang buod o lagom nito.

B.1. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon o ideya sa isang

napakinggang isyu

Sagutan nang ganap ang mga tanong.

1. Bilang isang matalinong botante, ano ang isasaalang-alang mo sa pipiliing
kandidato na karapat-sapat manungkulan sa bayan?
2. Bilang isang kabataan, ano-ano sa palagay mo ang mga pagbabagong dapat
na maganap sa ating lipunan?
3. Kung ikaw ay isang lider, paano ka maglilingkod sa bayan? Samahan ng
isang sining biswal ang pagpapaliwanag?

Paliwanag:________________________________________________________

B.2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa paggawa ng patalastas

Kasunod ng ikalawang bahagi ng pagbabalita ay ang patalastas. Ang mga

patalastas ay maaaring nanghihikayat upang tangkilikin ang isang produkto,
maaaring naghahandog ng serbisyo, maaari ring nagsisilbing paalala at nagbibigay-
babala para sa kapakanan ng taumbayan.

Gawin Mo
Hanapin sa kahon ang bubuo sa patalastas at isulat ang tamang sagot sa
patlang.

programa dahil puting-puti lahat

alerto maaasahan ngayon totoo bukas

1. Kalusugan mo, alaga ko

Gamot at serbisyo ___________________ mo.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
2. Mula noon hanggang ____________________
Iasa’t sarap walang katulad.

3. ____________________ ng flavors na gusto ninyo ay naririto.

4. ____________________ sa isang patak tanggal ang duming sangkatutak.

5. Ang _________________ ito ay rated PG

Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan.

6. Sa sabong ito damit mo’y puputi

________________, walang kasimputi

7. Iwasang maging biktima ng panloloko,

Maging ______________________

8. Ang programang ito ay walang kinikilingan, walang pinoprotektahan

serbisyong __________________ lamang.

Gawin Ninyo

Magpangkat. Sumulat ng patalastas gamit ang iba’t ibang uri ng

pangungusap.

C.1. Naibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at di-pamilyar na mga salita sa

pamamagitan ng paglalarawan.

Sa iyong nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang pang-uri na may ibig

sabihin na tawag sa mga salitang naglalarawan o tumuturing sa tao, bagay, pook,
hayop at pangyayari.
May mga salitang pamilyar at di-pamilyar na kung saan ay dapat bigyan ng
kahulugan katulad ng sumusunod.

Halimbawa:
Siya ang aking katuwang sa mga gawaing-bahay.
Katuwang
 Taong kasama o katulong
 Taong kaaway
 Taong hindi naniniwala sa iyong sinasabi
 Taong palaging nakasunod sa iyo

Gawin Mo

Ibigay ang mga kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa bawat bilang.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
1. Tadhana
2. Kabisote
3. Huwad
4. Salimuot
5. Dalubhasa
Gawin Ninyo
Panuto. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
bilang sa tulong ng paglalarawan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Napakarami ng kanilang mga paninda sapagkat bulto sila kung mamili.

_____2. Bawat tao ay nagnanais na magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung kaya’t

tumutulong sila sa pagbabantay sa paligid.

_____3. Iba’t ibang sakit ang dulot ng polusyon tulad ng hika at sakit sa baga.

_____4. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa recycling kaya’t pamilyar na siya
sa paraan ng pagsasagawa nito.

_____5. Sa tulong ng mga humihikayat ay nagawa naming maisama siya sa mga

gawaing pangkalikasan.

a. bunga b. humihimok c. maramihan

d. gusto e. alam na alam
2. Basahin ang mga salita sa kaliwang bahagi ng pahina. Itala ang tamang
inilalarawan ng salita.

magbuklod 1. Karaniwang marurumi ang tubig na dumadaloy sa lugar na

ito. _________
malago
2. Inanod ang lupa ___________
pinsala
3. Mga tuntuning dapat sundin _________
panirahan
4. Nakasasama __________
pag-agos

nagbanta 5. Kaalaman ___________

paghamon 6. Nanganganib __________

regulasyon 7. Tirahan __________

imburnal 8. Bahagi _________
kabatiran 9. Pagtutol __________
salik 10. Magkaisa __________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

C.2. Nakapagbibigay ng sariling kuwento na may ilang bahagi na naiiba sa

kuwento

Ikaw ba ay may kaibigan? Nasubukan mo na bang mapanaginipan ang iyong

kaibigan?

Basahin Mo

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong
isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako
agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko
ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon.
Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa
likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang
aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim
ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop
at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na
maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko
ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa
itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng
kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip
kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap!
Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong
kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute.
Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko
sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante.
Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na
ang school bus.“

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa kwento.

1. Ano ang magandang aral na napulot mo sa kwento?

2. Totoo ba ang mga nangyari sa kwento? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit nananaginip ang isang tao? Ipaliwanag.
4. Ano ang paksa ng kwento?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Gawin Mo

Sumulat ng isang sariling kwento na tumutukoy sa iyong mga naranasan na

pangyayari katulad ng mga bagay na nagbigay sa iyo ng kasiyahan, napahiya ka,
hindi mo makalimutang pangyayari sa iyo.

C.3. Nagagamit ng wasto ang OPAC

I-type ang iyong hinahanap na aklat o sanggunian sa espasyo.

Magpapakita ang kompyuter ng mga listahan ng mga aklat at sanggunian na iyong

hinahanap at maaaring kaugnay rin sa iyong hinahanap. Kunin ang call number
upang malaman kung saan ito matatagpuan sa inyong silid-aklatan.

Subukin mong gamitin ang OPAC sa inyong silid-aklatan, ilista ang resulta
ng iyong nahanap sa lalagyan.

1. _________________________________________________________

2. _________________________________________________________

3. _________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
D. Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng nabasang akda/teksto

Madalas na lumalabas sa bibig ng ating mga magulang na mag-aral tayong

mabuti dahil ang edukasyon lamang ang tanging maipamamana sa atin at hindi
mananakaw ninuman. Gaano nga ba kaimportante ang edukasyon sa iyo? Bakit nga
ba kailangan mag-aral mabuti? Basahin mo ang teksto na nasa ibaba.

Basahin Mo

EDUKASYON PARA SA LAHAT

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.
Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2.
Ano ang ipinagawa sa kanila ng kanilang guro?
3.
Sa mga tula na nabasa mo, ano ang nagustuhan mong tula? Bakit?
4.
Bilang isang mag-aaral, gaano kaimportante sa iyo ang edukasyon?
Ipaliwanag.
5. Sino ang may akda ng “Isang mag-aaral, isang guro, isang lapis at isang libro
ay kayang baguhin ang mundo?
6. Sang-ayon ka bas a sinabi ng may akda? Bakit? Ipaliwanag.
Isapuso Mo

Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya ng may akda sa

kwentong iyong nabasa? Isulat ito sa isang buong papel.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong

Napakinggan
8
Paano maibibigay ang lagom o buod ng tekstong napakinggan

Paano magagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang

usapan

Paano mabibigyan kahulugan ang matalinghagang salita

Paano masasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

Paano magagamit ang ibat ibang bahagi ng pahayagan ayon sa

pangangailangan.

Tuklasin Mo

Ano ba ng kwentong bayan? Magibigay ng halimbawa nito?

Pakinggan Mo
Makinig sa kwentong babasahin ng guro.

“Naging Sultan si Pilandok”

(nasa aklat na Pagdiriwang ng wikang Filipino 5, ph. 146-148)

Pagyamanin Mo
Ano ang dahilan ng panggigilalas ng sultan isang araw?
Paano nakaligtas si Pilandok sa tiyak na kamatayan?
Naniwala ba ng sultan sa pahayag ni Pilandok? Bakit?
Paano nakumbisi ni Pilandok ang sultan na pumunta sa kaharian sa
ilalim ng dagat?
Gawin Ninyo
A. Marahil naunawaan mo ang kwentong ipinarinig ng iyong guro. Ngayon
mag-usap kayo ng mga kagrupo mo. Igawa ng buod o lagom ang
kwentong “Naging Sultan Si Pilandok” at iulat ito sa hanap ng klase.

Paggamit ng Iba’t- ibang Uri ng Pangungusap

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Tuklasin Mo

Basahin nang wasto ang mga pangungusap sa sumusunod.

Itinataas ang watawat sa tagdan.

Nakita ko kung paano siya nadapa.

Nadapa ang bata!

Ano ba ang nangyari sa iyo?

Lagyan mo ng gamot ang sugat niya.

Paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa pakikipag-usap?

Anu-ano ang uri ng pangungusap ang maari mong gamitin?

Basahin Mo

Ay! Swerte!

Josefino: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court?

Inay: Sige, anak, kaya lamang, huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo,
hane. Pakidaan mo na rin itong ginatan kay Mareng Sela.

Josefino: Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Josefino dala ang bola at
mangkok ng ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay?
Ah, di na bale. Akin na ito! Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili
nito. Ibibili ko si Titser Tess ng bulaklak at tsokolate. Bibigyang ko sina
Carlo, Oscar, May at Grace ng sandwich. A, ewan! Inay! Inay! Nawalan po
ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto.
Inay: Naku, salamat, Josefino! Kanina ko pa nga iyan hinahanap. Maraming
salamat. (Hahalikan si Josefino.)

Mga tanong:

Ano ang napulot ni Josefino?

Ano ang una niyang naisip gawin tungkol dito?
Saang lugar niya ito napulot?
Pagyamanin Mo

Ang mga pangungusap na sumusunod ay hango sa usapang inyong binasa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

a. Uy! Singkwenta pesos!

b. Napulot ko ito sa tabi ng pinto.
c. Kanino kaya ito?
d. Inay, nawawalan po ba kayo ng pera?
e. Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo.

Alin sa mga pangungusap ang nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin?

Ang nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?

Marahil alam mo na ang iba’t- ibang uri ng pangungusap. Ngayon basahin mo ang
bawat sitwasyon. Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang
isasagot?

Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay. Nais mong humiram ng aklat.

Nagpahiram naman ang iyong kaibigan.

Nanood kayo ng palatuntunan. Umawit ang isa ninyong kaklase at nagandahan

kayo sa kanyang awit.

Gawin Mo
A. (Pangkatang Gawain)

Bumuo ng usapan tungkol sa proyektong “Clean and Green” sa

inyong paaralan. Gamitin ang iba’t- ibang uri ng pangungusap.

B.Panuto: Isulat ang angkop na pangungusap na dapat sabihin ng mga tao

sa larawan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
C. Gumawa ng usapan batay sa sumusunod na kalagayan. Gamitin ang iba’t ibang
uri ng pangungusap.

* Nais mong pumunta sa kaarawan ng iyong kaibigan.

Pagbibigay – Kahulugan sa Matalinghagang Salita

Tuklasin Mo
Paano binibigyan ng kahulugan o kasingkahulugan ang mga salitang ginamit
sa pangungusap?

May kilala ba kayong tao na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa katamaran

o kawalang interes na mag-aral? Ano ang katayuan niya ngayon sa buhay?

Ngayon babasahin natin anng kwento na mapupulutan mo ng magandang

aral upang maging higit kayong magsipag sap ag-aaral.

Matutunan mo rin sa araling ito ang pagbibigay-kahulugan sa salitang matalinhaga.

Basahin Mo

Pagbasa sa kwentong “Litong-Lito si Ben” (nasa MISOSA Blg. 10, ph. 2-3)

Sino ang batang di mahilig mag-aral sa kwento?

Ano ang sinabi ng kanyang guro dahil palagi siyang walang takdang-aralin?
Ano ang pagkakaunawa ni Ben sa sinabi ng guro?
Sino ang nagpaliwanag kay Ben sa nais ipahiwatig ng guro?
Bakit dapat siyang mag-aral na mabuti?
Ano ang dapat gawin ni Ben upang hindi siya makakuha ng kalabasa sa Marso?
Anong uri ng salita ng makakakuha ng kalabasa?

Pagyamanin Mo

Basahin ang mga pangungusap na hinango sa kwento. Pansinin mo ang mga

salitang may salungguhit.

Tiyak na makakakuha ng kalabasa si Ben pagdating ng Marso.

Kailangang magsunog ka ng kilay anak, upang makapasa ka sa Marso.
Sabi po ng guro itlog naman ang ibibigay ko ngayon.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Ano ang tawag sa mga ito? Matalinhagang salita, di ba? Ito ay mga salitang tago
ang kahulugan at kadalasan ang mga salitang ito ay nakakadagdag sa lalong
ikalilinaw ng diwang nais ipahayag.

Gawin Ninyo

A. Basahin ang mga pangungusap at bigyan ng pansin ang mga talinhagang

may salungguhit. Piliin ang kahulugan nito sa lipon ng mga salitang nasa
ibaba ng bawat bilang.

1. Para akong natutunaw na kandila noong kinagagalitan ako ni Bb. Reyes.

a. sumasama ang katawan b.hiyang-hiya c. naiinitan
2. Tila siya patabaing baboy sa kanilang bahay.

a. mahilig sa matatabang pagkain

b. marumi ang katawan
c. kain lang nang kain nang walang ginagawa
3. Mistulang pugon ang lugar na pinagdausan ng palatuntunan kaya’t kami
ay hindi nagtagal.
a. Mainit b. masikip c. madilim
4. Talak siya ng talak na parang inahin mula umaga hanggang gabi.
a. daing nang daing b. tawa nang tawa c. daldal nang daldal
5. Tigre si Ginoong Cruz sa kaniyang mga kasamahan.
a. Mabagsik b. mapaghatol c. matapat
6. Kasintaas ng poste ang panganay niyang anak.
a. matangkad na matangkad b. matalino c.nangangayayat
7. Parang kiti-kiti ang batang ito.
a. mapag-usisa b. malakas kumain c.malikot at di mapirmi
8. Di-maliparang uwak ang bulwagan nang dumating ang sikat na artista.
a. kakaunti ang tao b.punung-puno c.maraming ibon

B. (Gamitin ang activity cards)

Bigyan mo ng kahulugan ang mga sumusunod na salitang matalinhaga. Hanapin

ang kahulugan nito sa Hanay B.

Isulat ang sagot sa loob ng bag na nasa ibaba.

Hanay A Hanay B

1. Pagsusunog ng kilay a. masama ang ugali

2. Nadilang anghel b. masakit ang damdamin
3. Walang itulak-kabigin c. nagkatotoo ang sinabi
4. Pasang krus d. mayabang
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
5. Tupang itim e. pag-aaral nang mabuti
f. di-alam ang pipiliin

C.Piliin mo ang titik ng matalinhagang salita na tugma sa isinasaad ng

pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

naniningalang pugad
halik-hudas
kakaning-itik
taingang kawali
isang kahig, isang tuka
bantay-salakay

1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga.

Si Eric ay ______________ na.

2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig ni Romy ang tawag ngunit
hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig.
Siya ay may ____________.

3. Gabi-gabi si Aling Linda ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung

bakit nagkagayon, samantala may pinagbabantay naman siya. Naghihinala
tuloy siya na pinagbabantay niya ay isang _________________.

4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili. Hindi siya namimili ng mamahaling

bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasagot sa kanilang gastos. Sila ay
_____________________.

5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awa itong si Ramon. Kayang-kaya

siyang paiyakin ng kapwa at siya ay laging tampuhan ng panunudyo. Siya ay
________________ sa aming pook.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayari

Tuklasin Mo

Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito. Sa palagay n’yo ba ay nagmamahalan at

may pagkakaisa ang pamilyang ito?

Sa sarili ninyong pamilya, paano ninyo naipamamalas ang pagmamahalan at

pagkakaisa?

Ano ang maaring maging bunga ng pagkakaroon ng mabuting samahan at

pagmamahalan ng bawat miyembro na pamilya?

Basahin Mo

“Ang Walis ng Tingting”

(Nasa pahina 133-134 ng aklat na Filipino Yaman ng Lahing
Kayumanggi V)

Pagyamanin Mo

Tungkol saan ang kwentong inyong binasa?

Ano ang suliranin ng mag-asawang Mang Luis at Aling Perla?
Paano nagkasundo ang mga magkakapatid? Ipaliwanag mo.
Ano ang aral na natutunan natin?
Dapat bang magkaisa ang magkakapatid? Bakit?

Gawin Mo
A.Ibigay ang sanhi ng sumusunod na pangyayari.

Kinuha ni Mang Luis ang walis tingting at balak hambalusin ang magkakapatid.
Nalulungkot lagi si Mang Luis ___________________________________.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Ibigay ang bunga ng mga sumusunod na pangyayari.

Ipinabali ni Aling Perla ang walis tingting _______________________________.

Nagsundu-sundo ang magkakapatid __________________________________.

B.Bawat sanhi sa Hanay A ay may katambal na bunga sa Hanay B. Pagtambalin ito

at isulat sa patlang ang titik ng sagot.

Hanay A Hanay B

___ 1. Pagtatapon ng basura sa ilog ___ a. tumataas ang presyo ng bilihin

___ 2. Pagtataas ng halaga ng gasoline ___ b. bumabaha sa kapaligiran
___ 3. Paggamit ng pataba ___ c. nagpapabagal ng daloy ng tubig
Pananalanta ng bagyo ___ d. umaani nang masagana ang
magsasaka
___ 5. Pagpuputol ng mga puno sa ___ e. nasisira ang mga ari-arian
kabundukan

C.Suriin ang bawat pares ng pangungusap at tukuyin kung aling pangungusap ang
sanhi at kung alin ang bunga.

Isulat ito sa sagutang papel.

1.Si Mang Cenong ang paksa ng usapan halos araw-araw. Maraming ang tulong na
nagawa niya sa mga tao.

Sanhi: ____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

2.Para na ring pensyonado si Mang Cenong. Kumikita na lahat ang kanya mga anak.

Sanhi: ____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

3.Ang poso at tulay ay naipatayo. Humingi ng tulong si Mang Cenong sa

pamahalaan.

Sanhi: ____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

4.Hindi madaanan ang tulay. Malaking torso at layak ang nakaharang dito.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sanhi: ____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

5.Inutusan ng matanda ang bunsong anak na manguna sa paglusong sa ilog.

Tumulong na rin ang lahat ng tao.

Sanhi: ____________________________________________
Bunga: _____________________________________________

Paggamit ng Iba’t-ibang Pahayagan Ayon sa Pangangailangan

Pagsulat ng Iba’t- ibang Bahagi ng Pahayagan

Tuklasin Mo

Hanapin sa puzzle ang pangalan ng iba’t ibang babasahin at sanggunian na

maaari mong magamit sa iyong pag-aaral.

Q M A G A S I N U P T Z
G N T A B L O I D X K L
A K L A T R T O Z Y R E
M P A H A Y A G A N Q W
E N C L O P E D I A R U
V D I C T I O N A R Y T
Anu-ano ba ang mga bahagi ng pahayagan?

Isulat ang sagot sa organizer na ito.

Mga Bahagi ng
Pahayagan

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Basahin Mo

Iba’t ibang Uri ng Pahayagan at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balita.

Tabloid
Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng
pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan na sukat para sa tabloid.
Ang terminong tabloid journalism (o periyodismong tabloid), kasama ang paggamit
ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad ng mga kahindik-
hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon. Gayunman,
ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The Independent at ng The Times ay may
parehong sukat sa tabloid, at ang sukat na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng
halos lahat ng lokal na dyaryo. Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na
430mm x 280 mm (16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang
karaniwang porma na ginagamit ng mga dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong
maliliit na umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng pamamahayag ay
tumutukoy sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact.

Ang mga mas malalaking dyaryo na iniuugnay sa mas malaking kalidad ng

pamamahayag ay madalas ng tinatawag na mga broadsheet, at ang titulo na ito ay
karaniwan paring ginagamit, kahit man lumipat na ang mga dyaryo sa paglalathala
sa mas maliliit na pahina tulad ng ginagawa na ng maraming dyaryo sa mga
nakalipas na taon. Sa gayon, ang terminong tabloid at broadsheet sa panahong ito
ay, sa di-teknikal na paggamit, mas naglalarawan ng posisyon ng isang dyaryo,
kaysa sa sukat nito.

Ang Berliner format na ginangamit ng mga pinakapopular na dyaryong

Europeo ay may sukat na namamagitan sa laki ng tabloid at broadsheet. Sa
konteksto ng dyaryo, ang terminong Berliner ay karaniwang ginagamit sa
paglarawan ng sukat lang, at hindi sa paglarawan ng ibang katangian ng
pahayagan.

Broadsheet
Ang broadsheet ay tumutukoy sa mga pinaka-karaniwang format ng
pahayagan. Marami sa mga pinakarespetadong mga pahayagan ng bansa ay ang
mga broadsheet na papeles. Ang mga broadsheet ay may posibilidad na gumamit ng
isang tradisyonal na pamamaraan sa balita na binibigyang-diin ang mga malalalim
na sakop at maging mahinahon sa pagtalakay sa mga artikulo at mga editorials. Ang
mga mambabasa nito madalas ay ang mga may kaya sa buhay at edukado, at
karamihan sa kanila ay nakatira sa suburbs. Samantala, ang tabloid naman ay
tumutukoy sa isang uri ng pahayagang mas makitid kaysa sa isang broadsheet.
Dahil ang mga tabloids ay mas maliit, ang kanilang mga kuwento ay may
posibilidad na mas maikli kaysa sa mga matatagpuan sa broadsheets. Ang mga
kadalasang nagbabasa naman ng tabloid ay ang mga empleyado’t trabahador. Ang
tabloids ay may posibilidad ring maging mas lapastangan sa kanilang mga estilo ng
pagsulat.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Magasin
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa.

Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo,

pagbebenta sa mga tindahan ng pahayagan, aklat o ibang mga nagbebenta, o sa
pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.

Pagyamanin Mo
Anong uri ng pahayagan ang tinutukoy ng mga sumusunod:

Gusto mong malaman ang mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen,

astrolohiya, tsismis at telebisyon. Anong uri ng pahayagan ang babasahin mo?

Ibig mong magbasa ng pahayagan na ginagamitan ng tradisyonal na pamamaraan

sa pagbabalita at binibigyang-diin ang mga malalalim na sakop at mahinahon ang
pagtatalakay sa mga artikulo at mga editorials.

Nais mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantahanan tulad ng

“Good Housekeeping”, “Cooking” at iba pa. Anong uri ng pahayagan ng gagamitin
mo?

Gawin Mo
A.Isulat sa kahon ang mga uri ng pahayagan na hinihingi sa tsart.

Uri ng Pahayagan

Broadsheet
Tabloid Magazines

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
B.(Pangkatang Gawain)

Matapos talakayin ang iba’t ibang uri ng pahayagan at ang mga

hakbang sa pagsulat nito, marahil ay may kakayahan ka ng sumulat ng iba’t
ibang bahagi ng pahayagan. Gawin mo ito at patunayan mong kaya mo.

Pangkat I
Sumulat ng isang balita tungkol sa proyektong ng inyong barangay sa maayos na
pagtatapon ng basura.
Pangkat II
Sumulat ng isang editorial na ipinahahayag ang iyong sariling palagay o kuru-kuro
tungkol sa isyung pagkalulong ng mga kabataan sa droga.

Pangkat III
Sumulat ng editorial tungkol sa isyung “Ang Isports Bilang Libangan ng mga
Kabataan”

C.Ibigay ang iba’t ibang uri ng pahayagan at sabihin kung saan at paano mo ito
gagamitin.

Isaisip Mo

A. Ang buod o lagom ng teksto/kwento ay ang kabuuang nilalaman o paksa. Sa

pagbubuod ng tekstong narinig, mapaiikli sa dalawa, tatlo o ilang
pangungusap lamang ang isang buong talata.

B. May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit.

1. Paturol o pasalaysay ang pangugusap kung naglalahad ito ng isang

katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok.

2. Pautos ang pangungusap kung ito ay nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok.

3. Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang

pananong.

4. Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin.

Nagtatapos ito sa tandang padamdam.

C. Ang matalinhagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay

kadalasang binubuo ng tamabalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa
kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

D. Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari.

Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Tinatawag naming bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng

kinalabasan o resulta ng pangyayari.

Isapuso Mo
1. Maging mabuting tagapakinig at tagapamahayag, maging magalang sa
pakikipag-usap sa iyong kapwa.
Sikaping maipamalas sa iyong kapwa ang paggalang sa iba’t ibang ideya,
damdamin at kultura mula sa tekstong nabasa o napakinggan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Pagbibigay ng Paksa ng Napakinggang

Kuwento/Usapan
9

Paano maibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan

Paano maisasalaysay na muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling

salita sa pamamagitan ng pagsasadula

Paano magagamit ang iba’t ibang uri ng pangugnusap sa pagsali sa isang

dula-dulaan

Paano maibibigay ang kahulugan ng salita pamilyar at di-pamilyar na

mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa

Paano maibibigay ang mahalagang pangyayari

Paano magagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik

Paano makasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo

Tuklasin Mo
Kilala ba ninyo si lola Basyang?
Saan madalas mapakinggan si Lola Basyang?

Pakinggan
Ang kuwento ay babasahin ng guro “Ama ng Dramang Tagalog” Hiyas sa
Pagbasa Wika pahina 96-97
Sagutin ang mga tanong.
1.
Sino ang “Ama ng Dramang Tagalog”?
2.
Sino si Lola Basyang?
3.
Bakit mahusay sumulat ng kuwento si Severino Reyes?
4.
Sa panglang Lola Basyang, ilan ang kanyang kuwentong naisulat?
5.
Ano ano ang mga naging titulo ng isang aklat na kanyang naisulat na
magpahanggang sa ngayon ay ginagamit sa paaralan?
Pagyamanin Mo
1. Ano ang paksa ng kuwentong inyong napakinggan?
2. Ano ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng wastong paksa sa
napakinggang kuwento/usapan?
3. Paano ninyo naibigay ang paksa ng kuwento/usapan?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Gawin Ninyo
A. Pangkatang Gawain
Magbibigay ng inihandang kuwento ang guro sa bawat pangkat.
Panuto: Babasahin ng lider ang kuwento at makikinig ang mga miyembro.
Pagkatapos makinig ay ibibigay ang paksa ng kuwentong
napakinggan isusulat sa sagutang papel.

Pagsasalaysay na Muli ng Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling

Salita sa Pagsasadula

Tuklasin Mo
Ano ba ng kwentong bayan? Magibigay ng halimbawa nito?
Narinig na ba ninyo ang makabagong kuwento tungkol kay Pinocchio?

Dapat bang nagsisinungaling ang isang batang katulad ninyo?

Pakinggan Mo
Babasahin ng guro ang kuwento pagkatpos ay magsasadula ang mga mag-
aaral ng mga pangyayari sa kuwento.

“ Ang Makabagong Kuwento Pincchio” Story Book pahina 1-16

Binigyan ng buhay ng Reyna Engkantada si Pinocchio.

“Mula ngayon ay magagawa mo ang maaaring gawin ng isang
tunay na bata”.Basta huwag kang magsisinungaling.
“Pababantayan kita sa aking munting engkantada para
malaman ko kung naging mabait ka”

Mula noon ay lagging nakasunod ang munting

engkantada kay Pinocchio. Nakasubaybay ito sa kanya sa kanilang bahay.
“Tututlungan kop o kayo, Ama!”Nakasubaybay rin anga. “ munting engkantad
kapag nasa paaralan siya. Ikaw, Pinocchio, alam mob a ang sagot?” tanong ng guro.
“Opo!” sagot niya.Lagi ring nasa likuran niya ang munting engkantada sa
pakikipaglaro niya. “Halika, Pinocchio! Sali ka sa amin!”.Minsan ay tinukso si
Pinocchio ng mga kalaro. Palagi naming nabuntot ang gwardiya mo. Hindi ka tuloy
naming mayaya sa paglalakwatsa”.

Naisip ni Pinocchio na dahil sa munting engkantada ay nawawalan siya ng

kalayaan. Naisip niya na pagtaguan ito.Sumama si Pinocchio sa mga kaibigan.
Dinala siya ng mga ito sa palaruan ng kompyuter. “Wo, ang galing!” sabi niya. Mula
noon ay lagi na sa palaruan ng kompyuter si Pinocchio. “Saan ka galing? Lagi mo
akong tinatakasan? Anang munting engkantada.”Gumagawa kami ng project ng
mga kaibigan ko, “ pagsisinungaling ni Pinocchio. Nagalit ang munting engkantada.
“Akala mo ba ay maloloko mo ako? Alam kong naglalaro ka ng kompyuter!””Dahil
sa pagsisinungaling mo ay parurusahan kita! Biglang humaba nang humaba ang
ilong ni Pinocchio.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Ibalik mo sa dati ang ilong ko!” pagmamakaawa ni Pinocchio. “Hindi na ako
magsisinungaling!” “Ibabalik ko lang sa dati ang ilong mo kapag nangako kang
hindi na masisinungaling!” anang munting engkantada. Nangako si Pinocchio. Mula
noon ay hindi na siya nagsinungaling. Natuwa ang Reyna Engkantada nang dalawin
si Pinocchio.

Pagyamanin Mo
A. Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nagbigay buhay kay Pinocchio?
2. Ano ang bilin ng Reyna Engkantada kay Pinocchio?
3. Sino ang sumusubaybay kay Pinocchio sa araw araw niyang mga gawain?
4. Ano ang dahilan sa pagtakas ni Pinocchio sa munting engkantada?
5. Kung ikaw si Pinoccho, magsisinungaling ka din ba? Oo o hindi,
ipaliwanag ang inyong sagot.
6. Ano ano ang mga natutuhan ninyong aral sa kuwento?
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
Panuto: Isasadula ng bawat pangkat ang napakinggang kuwento. Gamit ang
iba’t ibang uri ng pangungusap.

RUBRIK SA PAGMAMARKA SA DULA DULAAN

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pang

paghusayan
4 3 2 1
1. Nagpamalas ng
pakikiisa ang bawat
miyembro sa
gawain.
2. Naisadula sa
tamang
pagkakasund
sunod ang lahat ng
detalye.
3. Nagamit ang iba’t
ibang uri ng
pangungusap sa
usapan ng may
wastong
intonasyon o
ekspresyon.
4. Nabigyang buhay
ang tauhang
ginampanan.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pagbibigay Kahulugan ng Salita Pamilyar at Di-pamilyar na mga

Salita sa Pamamagitan ng Halimbawa

Tuklasin MoAno ba ng kwentong bayan? Magibigay ng halimbawa nito?

Sa ating lungsod , ano ano ang mga patunay na maunlad ito?
Basahin
Tula- Pilipinas: “Paunlad nang Paunlad” Hiyas sa Pagbasa pahina 181-183

Sagutin:

1. Bakit masasabing paunlad nang paunlad ang Pilipinas?

2. Anong hakbang ang ginagawa upang manatiling maganda ang likas na
yaman?
3. Ano ano ang pagbabago ang nagaganap sa paligid?
4. Ano ang matatamo kung pantay na ang batas ng mayaman at dukha?
5. Kung may dayuhang magtatanong sa io tungkol sa Pilipinas, paano mo ito
ilalarawan?
Pagyamanin Mo
Piliin ang titik na nagpapahiwatig ng kahulugan ng mga salitang may
salungguhit na nakapaloob sa binasang tula.

1. Maraming biyaya ang tinanggap ng mga manggagawa.

a. Trabaho b. tulong c. pag-asa d. paghihintay
2. Kitang kita ko kung paano ipinagbubunyi ng mga ao ang bagong halal na
pinuno ng bayan.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
a. pinasasalamatan c. pinupuri
b. pinaparangalan d. paghihintay
3. Sino ang may sabing dito ako mamamalagi?
a. Mag-iisip c. magtatagal
b. maghahanapbuhay d. maninirahan nang mahabang panahon
4. Madilim at masikip ang iskinita.
a. lansangan b. kalye c. looban d. lagusan
5. Kayraming nagsusulputang mga dayuhan sa bansa.
a. naninirahan b. umaalis c. dumarating d. nagpapayaman

Gawin Ninyo
Piliin ang wastong sagot ng salitang pamilya at di-pamilyar.

1. Sa isang iglap nawalan sila ng tahanan dahil sa bagyo.

a. Mabalis na pangyayari c. Isang gabi
b. Isang panahon d.mabilis na bagyo
2. Polusyong laganap ay hinahadlangan.
a. pinapadami c. pinipigilan
b. pinalalaganap d. pinalalala
3. Pabrika’t tanggapan ay nagsusulputan
a. dumarami c. dumadayo
b. nagbubunga d. tumatamlay
4. Sa mapa ng mundo, paningi’y ituon
a. bigyan pansin c. itama
b. balewalain d. kilalanin
5. Turismo sa bansa’y nangunguna lagi.
a. dayuhan c. Pilipino
b. mga tanawin sa bansa d. lungsod

Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pagsasaliksik

Tuklasin Mo
Ano ba ng kwentong bayan? Magibigay ng halimbawa nito?
Ano ano ang mga ginagamit sa pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik?

Basahin Mo

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pagyamanin Mo
Ibigay ang pangkalahatang sanggunian na dapat gamitin.

1.Ang grupo nila Carla ay naatasang magsaliksik sa bansang Hapon na may

kinalaman sa pinahuling balita ukol sa kalagayang pampulitiko at pangrelihiyon.

Sagot:_________________________________

2.Nais ni Joshua na malaman ang katotohanan tungkol sa pinakauna at

pinakamalaking hayop na nabuhay sa daigdig.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Sagot:________________________________

3.Magsasaliksik ang grupo nila Arnold ukol sa mga lawak, distansya, lokasyon ng
mga bansa sa kontinenteng Asya. Kailangan din nilang masabi ang mga anyong
tubig at anyong lupa na matatagpuan dito.

Sagot:_______________________________

4.Nalilito si Ana kung ano baybay o ispeling at kahulugan ng mga salitang kanyang
narinig sa balita sa telebisyon, anong sanggunian ang dapat niyang gamitin?

Sagot:______________________________

5.Maglalakbay aral sila Juan galing Maynila, ano ang dapat nilang gamiting
sanggunian para makarating sa Cabanatuan City.

Sagot:_____________________________

Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo

Ano ba ng kwentong bayan? Magibigay ng halimbawa nito?

Tuklasin Mo
Naranasan mo na ba na sumulat ng radio broadcasting?

Basahin Mo

NEWS PROGRAM: SERBISYON TAPAT NGAYON

STATION ID: DZLX
NEWS FORMAT: RADIO BROADCAST
LENGTH: 5 MINS.
DATE: SEPTEMBER 1, 2016

SEGEMENT SERBISYONG TAPAT NGAYON

STATION ID
INTRO
V.O.
MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN NG
LUNGSOD NG CABANATUAN. NARITO ANG DZLX
OTSO OTSO KWATRO SA HIMPILAN NG INYONG
TAPAT NGAYON NARITO SI ALLEANNA MESINA
SFX
ANCHOR MAGANDANG HAPON CABANATUAN NGAYON AY
HUWEBES UNANG ARAW SA BUWAN NG
SETYEMBRE. AKO SI ALLEANNA MESINA PARA SA
DZLX SERISYONG TAPAT NGAYON

NARITO ANG ULO NG MGA BALITA

SFX
DUTERTE SARILING GASTOS ANG PAG-UWI SA
DAVAO
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
SFX
P 100-M REHAB CENTER NA ITATAYO SA NUEVA
ECIJA
SFX
GILAS PILIPINAS UMANGAT SA FIBA RANKING
SFX
CLUSTER SCHOOLS PRESS CONFERENCE
KASALUKUYANG GINAGAWA SA OBRERO
ELEMENTARY SCHOOL
SFX
MAGBABALIK ANG DZLX MAKALIPAS ANG ISANG
PAALALA
SFX
INFOMERCIAL
BAHA DITO BAHA DON PUTOL DITO PUTOL DON
KAWAWA NAMAN KAING MGA BAT NGAYON DI
NA NAMIN MARANASAN ANG GANDA NG
KALIKASAN STOP ILLEGAL LOGING MAGTANIM
NG PUNO DAHIL ANG PUNO AY BUHAY MO ANG
BAHAGING ITO AY HATID SA INYO NG DENR
SFX
ANCHOR LEAD IN:
WALANG GINAGASTOS NA PERA ANG GOBYERNO
TUWING UMUUWI SA DAVAO KADA WEEKENDS SI
PANGULONG DUTERTE.

ANG BUONG DETALYA IKUWENTO MO VENICE

BARANGAN

REPORTER:
SINABI KAHAPON NG PANGULO NA
PERSONALNIYANG PERA ANG GINAGASTOS SA
PAGBIBIYAHE NIYA KAPAG BUMIBISITA SIYA SA
MGA KAMPO NG MILITAR.

PARA SA SERBISYONG TAPAT ITO SI VENICE

BARANGAN.

ANCHOR LEAD IN:

MAGKAKAROON NG BA NG REHAB CENTER NA
NAGKAKAHALAGANG 100-M PESOS SA NUEVA
ECIJA? ALAMIN NATIN ANG BUONG ISTORYA SA
ULAT NI CHYMIE CRUZ.

REPORTER:
SA INISYATIBO NG NUEVA ECIJA COUNCILORS
LEAGUE AT BILANG SUPORTA SA KANYA NI
PANGULONG DUTERTE LABAN SA DROGA,
ITATAYO SA NUEVA ECIHA ANG
PINAKAMALAKING REHAD CENTER SA CENTRAL
LUZON NA NAGKAKAHALAGAN NG P100 MILYON.

PARA SA SERBISYONG TAPAT, AKO SI CHYMEE

CRUZ

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
ANCHOR LEAD IN:
BAGAMA’T NAISUKO NG GILAS PILIPINAS ANG
DALAWANG IMPORTANTENG LARO SA
NAKARAANG 2016 FIBA OLYMPIC QUALIFYING
TOURNAMENT SA MALL OF ASIA ARENA SA PASAY
CITY AY UMANGAT PA RIN ANG RANGGO NG
BANSA SA WORLD MEN’S NG BASKETBALL
RANKINGS.

ANG BUONG DETALYE IKUWENTO MO RAVEN

ALA-AN.

REPORTER:
SA PINAKABAGONG INILABAS NA LISTAHAN NG
FIBA AY TUMAAS NG ISANG POSISYON ANG
PILIPINAS BILANG NO. 27. INUNGUSAN NG
PILIPINAS SA FIBA RANKING ANG JORDAN (28),
GERMANY (29) KOREA (30) AT SENEGAL (31)

PARA SA ISPORTS BALITA AKO RAVEN ALA-AN

ANCHOR LEAD IN:

LABING ISANG PAARALAN MULA SA DISTRICT V &
VI ANG KASALUKUYANG SUMASABAK NGAYON
SA DISTRICT CLUSTER SCHOOLS PRESS
CONFERENCE SA OBRERO ELEMENTARY SCHOOL.

IISA ANG MITHIIN NG BAWAT KALAHOK SA

NATURANG PALIGSAHAN AT ITO AY MANALO AT
MAGKAROON NG PAGKAKATAON NA LUMAHOK
SA DARATING NA DIVISION SCHOOLS PRESS
CONFERENCE NA GAGANAPIN SA SPTEMBER 15
HANGGANG SEPTEMBER 17 SA CABANATUAN
EAST CENTRAL SCHOOL.
SFX
ANCHOR LEAD IN:
ATIN NAMANG ALAMIN ANG LAGAY NG ATING
PANAHON.
JADE, MAULAN BA O MAARAW NGAYON?

NARITO ANG LATEST SA ATING PANAHON

KATAMTAMAN HANGGANG SA MALAKAS NA
HANGIN MULA SA TIMOG KANLURAN ANG IIRAL
SA LUZON AT KABISAYAAN AT ANG MGA
BAYBAYING DAGAT SA MGA LUGAR NA ITO AY
MAGIGING KATAMTAMAN HANGGANG SA
MAALON. SA IBANG DAKO, ANG HANGIN AY
MULA SA TIMOG HANGGANG SA TIMOG
KANLURAN NA MAY BANAYAD HANGGANG SA
KATAMTAMANG PAG-ALON NG KARAGATAN
ANG ARAW AY SUMUKAT SA GNAP NA 5:43 NG
UMAGA LULUBOG SA GANAP NA 6:11 NG GABI.

PARA SA ULAT PANAHON, AKO SI JADE LLANETA

SFX

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
MULI AKO SI ALLEANNA MESINA PARA SA DZLX
OTSO OTSO KWATRO

Pagyamanin Mo

1. Ano ano ang mga bahagi ng radio braodcasting batay sa halimbawa?

2. Sno sino ang mga nag-ulat sa binasang radryo braodcasting?

Gawin Ninyo
Pagkatang Gawain
Sumulat ng script ng radio broadcasting .
Isaisip Mo
1. Ang paksa ng isang kuwento o usapan na ating narinig ay madali nating
maibibigay kung ito ay ating pakikinggan at uunawaing mabuti.

2. Maisasalaysay nating muli ang ating napakinggang teksto sa pamamagitan ng

paggamit ng ating mga sariling salita sa pagsasadula-dulaan.

3. Ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na mga salita ay maibibigay at

mauunawaan sa pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap bilang halimbawa.

4. Nagagamit natin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagpapahayag ng

damdamin sa isang dula-dulaan.

5. Ang Radyo Braodcasting ay isang paraan ng pagahatid ng mga napapanahong

balita.
Isapuso Natin
Sa ating pagpapahayag ng ating mga damdamin, saloobin at pagbibigay ng
impormasyon tayo ay dapat na gumamit ng mga angkop na mga salita na
magbibigay ng kaalaman at inspirasyon sa mga makikinig o babasa.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

ARALIN Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa

Napakinggang Teksto
10

Paano maiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto

Paano magagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa

isang dula-dulaan

Paano magagamit ang mga bagong natututhang salita sa paggawa ng

komposisyon

Paano makapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang

dayagram, tsart,mapa

Paano makapipili ng angkop na aklat batay sa interest

Paano makagagawa ng portfollo ng mga drawing at sulatin

Paano makagagawag ng sariling dokumentaryo( pangkatang Gawain)

Tuklasin Mo
May nakikilala ba kayo na mga bata na may kapansanan?
Ano ang kanilang kapansanan? Nakapag-aaral ba sila na katulad ninyo o hindi?

Basahin Mo
Basahin ng guro ang sanaysay “Kahit Siya’y May Kapansanan” Hiyas sa
Pagbasa V pahina 244-226.

Sagutin ang mga tanong:

1.Sino si Boyong? Paano siya naiiba sa ibang batang kasinggulang niya?

2. Bakit pinutol ang mga paa ni Boyong?

3. Ano anong magandang katangian ni Boyong ang inilarawan sa kuwento?

4. Paano tumulong si Boyong para mabuhay ang kanyang pamilya?

5. Ano ang paniniwala ni Boyong ukol sa taong may kapansanan?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pagyamanin Mo
Pagsasalaysay ng mga mag-aaral ng kanilang sariling karanasan sa
pakikitungo sa mga taong may kapansanan.

Gawin Mo
Tukuyin kung ano ang dapat mong gawin.

1.Si Frank ay iyong kamag-aral na isang pilay nagkasabay kayo sa pagpasok sa

paaralan nahihirapan siyang magdala ng kanyang mga gamit. Ano ang iyong
gagawin?

2. May namamalimos na batang bulag kasama ang kanyang ina, bibigyan mo ba ng

tulong?

3. Si Caloy ay isang ngongo , ngunit siya’y aktibo sa oras ng talakayan ng aralin.

Dapat ba siyang pagtawanan kung hindi mo gaanong maunawaan ang kanyang
sinasabi?

Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa

Isang Dula-dulaan

Tuklasin Mo
Ano ano ang iba’t ibang uri ng mga pangungusap?Magbigay ng halimbawa.
Pagyamanin Mo
Pangkatang Gawain
Batay sa aralin kahapon sa kuwentong “Kahit Siya’y May Kapansanan” . Isadula
ang mga pangyayari gamit ang iba’t ibang uri ng mga pangungusap.

Paggamit ng mga Bagong Salita sa Paggawa ng Sariling

Komposisyon

Tuklasin Mo
Anong awiting makabayan ang inyong alam awitin? Magbigay ng halimbawa
ng awit.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Awitin Mo

Ako Ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Ang dugo’y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal

Bigay sa ‘king talino

Sa mabuti lang laan
Sa aki’y katutubo
Ang maging mapagmahal

Chorus:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko’t Bandila
Laan Buhay ko’t Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako!
Basahin Mo
Basahin ang mga sumusunod na mga salita at mga kahulugan nito.

1. Maharlika- marangal, inirerespeto, mayaman

2. Likas- natural, tunay, totoo
3. Lantay- totoo , hindi peke
4. Adhikain- ninanais, layunin
5. Maykapal- Diyos, Panginoon, manlilikha
6. Katutubo- Pinagmulan, likas na pag-uugali
7. Diwa- kaisipan, damdamin
8. Minimithi- hangarin, layunin, gusto
9. Taas- noo- ipinagmamalaki, hindi ikinahihiya,
ikinararangal
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
10. Bandila- watawat

Pagyamanin Mo
Gamitin sa pangungusap ang mga natutuhang mga bagong salita

Gawin Mo

Sumulat ng sariling komposisyon gamit ang mga bagong natutuhang salita.

Pagtatanong Tungkol sa Impormasyong Inilahad sa Isang

Dayagram, Tsart, Mapa

Alamin Mo

A. Dayagram

B.

C.
D.
E.
F.

C. Tsart
Bacoor Family Clinic
Araw at Oras ng Dalaw sa Pasyente

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo

8:00 n.u. 8:00 n. u. 9:00 n. u. 1:00 n.h. 1:00 n.h. 8:00 n.u. 9:00 n.u.
9:00 n.g. 6:00 n.g. 12:00 n.t. 5:00 n.g. 7:00 n.g. 12:00 n.t. 9:00 n.g.

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

D. Mapa

Pagyamanin Mo
Ano ang impormasyong ipinakikita sa mga sumusunod:
1. Dayagram
2. Tsart
3. Mapa?

Gawin Mo
Batay sa ipinakitang dayagram, tsart at at mapa, bumuo ng mga tanong
tungkol sa impormasyong ipinakita bawat sa bawat larawan.

Nakapipili ng Angkop na Aklat Batay sa Interest

Tuklasin Mo
Magbigay ng mga iba’t ibang uri ng babasahin. Anong babasahin ang
madalas mong basahin?

Suriin ang mga iba’t ibang uri ng aklat.

Ano ang masasabi ninyo sa mga aklat na ito?

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------

Pagyamanin Mo
Hanapin ang angkop na pamagat ng aklat sa mga larawan.

1. Si Belinda ay mahilig magluto ng mga ulam. Aling aklat kaya ang nais
niyang ipabili sa kanyang ina?
Sagot:__________________
2. Bata pa lamang si Troy ay mahilig ng gumuhit at magkulay. Anong aklat
ang kanyang dapat gamitin?
Sagot:_____________________
3. Si Ana ay mahilig umawit ng mga papauring awit. Anong aklat ang
kanyang bibilin?
Sagot:_____________________
4. Nais ni Trixie na alamin kung saan nagmula ang palay? Anong aklat ang
kanyang titingnan?
Sagot:____________________________
5. Ang tatay ni Nilo ay mahilig magbasa ng mga napapanahong balita. Ano
ang kanyang dapat na bilhin babasahin?
Sagot:_________________________

Gawin Mo
Maghahanda ng iba’t ibang aklat ang guro

Panuto: Pumili ng aklat batay sa inyong interest, basahin ito at ibahagi ang inyong
natutuhan dito sa harap ng klase.

Paggawa ng Portfolio ng mga Drawing at Sulatin

Tuklasin Mo
Ano ano ang iba’t ibang pagdiriwang na pamabansa at pampaaralan na ating
ipinagdiwang ? Magbigay ng halimbawa.

Alamin Mo
Ano ano ang iba’t ibang gawain na inyong sinalihan sa mga pagdiriwang?

Ang mga gawain na inyong sinalihan ay ang mga sumusunod:

a. Poster making f. Slogan

b. Essay writin g. Tula
c. Sabayang awit h. Isahang awit
d. Sayaw i. Talumpati
e. Sabayang Pagbigkas j. Munting dula-dulaan

____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Batay sa mga gawain na iyan, gagawa tayo ngayon ng bukod na lagayan ng inyong
mga ginawang sulatin at mga iginuhit . Ito ay tinatawag na portfollo.
Gawin Ninyo
Kuhanin ang inyong mga natipong mga sulatin, at mga iginuhit. Ilagay sa
polder o envelop

Isaayos ito ayon sa pagkakasunod-sunod tseklis sa ibaba.

Mga Gawain Sulatin Poster Slogan Puna

Essay/Liham Making ng Guro
1. Araw ng Kalayaan
2. Buwan ng Nutrisyon
3. Buwan ng Wika
4. National Disaster Awareness
Month
5. National Disaster Awareness
Month
6. Science & Math Fair
7. World Teachers’ Day
8. National Reading Month
9. Violence Against Women
10. National Children’s Month
11. No to Drugs Campaign
12. Liham
Pangkaibigan/Pangangalakal
13. Talambuhay

Paggawa ng Sariling Dokumentaryo (Pangkatang Gawain)

Tuklasin Mo
Anong uri ng mga panoorin ang kadalasang pinanonood ng
inyongpamilya?

Sino ang gumagabay sa inyo, kung mayroon kayong hindi maunawaang

mga usapan o pangyayari sa inyong pinapanood?

Nagkakaroon ba kayo ng talakayan sa inyong tahanan tungkol sa inyong

pinapanood?

Panoorin Ninyo
Panoorin ang isang sitwasyon sa telebisyon gamit ang T.V. monitor. Itala
ang mga mahahalagang usapan o detalye na inyong mapapanood.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials
DepEd Division of Cabanatuan City
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- ----------
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
Mula sa inyong pinanood gagawa kayo ng inyong dokumentaryo ng mga
mahalagang usapan o pangyayari. Isulat sa manila paper at iulat sa harap ng kalase

Sundin ang mga gabay na tanong:

1. Ano ang pamagat ng inyong napanood?

2. Sino sino ang mga tauhan ?

3. Ano ano ang mga mahahalagang pangyayari?

4. Saan ang mga tagpuan ng mga mahalagang pangyayari?

5. Ano ang naging suliranin na inyong nsaksihan?

6. Paano nasolusyunan ang suliranin?

7. Ano ang kasukdulan o kapana-panabik na eksena sa inyong napanood?

8. Ano ano ang mahahalagang aral na inyong natutuhan?

Isasip Mo
1. Maaari nating iugnay ang ating sariling karanasan sa mga napakinggan
nating mga teksto.
2. Ang pagganap natin ng buong husay sa dula-dulaan ay mabisang
pamamaraan ng pagpapahayag ng damdamin o katangian ng tauhan gamit
ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
3. Ang pagkakaroon ng kaalaman mula sa mga bagong salita ay makatutulong
sa pagbuo natin ng isang makabuluhang komposisyon.
4. Ang pag-aaral nang mabuti sa nais na ipabatid na impormasyon mula sa
dayagram, tsart at mapa ay makatutulong upang tayo ay makabuo ng mga
akmang tanong ukol ditto.
5. Ang pagpili natin ng mga aklat ay nababatay sa iba’t ibang hilig o interest ng
bawat isa.
6. Ang pagkakaroon ng sariling portfollo ay isang paraan upang matipon ang
mga likhang natapos nating mga gawain.
7. Ang pagtatala sa mga mahalagang detalye o pangyayari mula sa isang
panoorin ay makatutulong sa paggawa ng maayos na dokumentaryo.
Isapuso Mo
Sikapin natin maging mahusay na tagapakinig, tagapagsalita, manunulat,
at tapagatala upang makapagpahayag tayo ng mahahalagang impormasyon.
Gamitin natin ang ating puso at isip upang magkaroon tayo ng maayos na gawain sa
lahat ng pagkakataon.
____________________________________________________________________________________________________
Grade 5 Quarter 4 Learner’s Materials

You might also like