Pakuha NG Impormasyon Sa Tulong NG Graph DLL

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

SCHOOLS DIVISION OFFICE

City of Mandaluyong
FILEMON P. JAVIER ELEMENTARY SCHOOL
District I
Phone: 997-66-57/955-60-59
E-Mail Address: [email protected]
Official Website: [email protected]

BANGHAY SA ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin
A. Pamantayang Nilalaman
 Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naiuulat ang mga datos na nakalap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Nabibigyang kahulugan at nakakagawa ng graph para sa mga impormasyong nakalap
F6SS-IIh-9
II. Paksang Aralin
Pakuha ng Impormasyon sa Tulong ng Graph
Pagbibigay Kahulugan sa mga Impormasyon na nasa Graph
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Graph
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian:
1. Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral: Hiyas sa Pagbasa 5
B. Iba pang Kagamitang Panturo: laptop, PPT, manila paper/white board, pentel pen
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral

Hanapin ang wastong kapareha ang mga sumusunod na salita batay sa ginamit na
pang-angkop na ‘g’. Pagkatapos pagpalitin ng puwesto ang mga ginamit na salita at
gamitan din ito ng wastong pang-angkop.

HANAY A HANAY B

1. bayang a. anak
2. paaralang b. malinis
3. batang c. magiliw
4. yamang d. malalim
5. inampong e. likas

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Gamiting gabay ang kahulugang nasa ilalim nito.

a. tebady

Gastusing hinati-hati
b.
ooptyersn

Bahagdan

c. nmompoirysa

kaalaman/ kabatiran

d. nkseoydua

pag-aaral

e. sdtoa

katibayan/ebidensiya

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


Saan mo inilalaan ang baon mong pera?
May natitipid ka ba sa baon mo?
D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto
a. Pag-alaala sa pamantayan sa pagbasa
b. Pagbasa sa seleksyon (Tumawag ng mag-aaral na siyang magbabasa ng
usapan)
Sa araw-araw na takbo ng buhay ng isang pamilya, marami ang pinaglalaanan ng gastusin. May para sa pagkain,
tirahan, edukasyon, damit, ilaw, tubig at paglilibang.

Kailangang mahusay magbadyet ang isang pamilya. Makabubuti ring nalalaman ng miyembro kung saan-saan
nakalaan ng badyet. Paraan ito upang matuto ang lahat na disiplinahin ang bawat sarili sa paggamit ng anumang
mga pinagkukunan.

Abala ang mga mag-aaral ni Gng. Lopez. Mag-uulat sila tungkol sa pagbabadyet ng mga pangangailangan nila sa
kani-kanilang pamilya.

GNG. LOPEZ: Magandang umaga sa inyong lahat.

MGA MAG-AARAL: Magandang umaga rin po sa inyo, Gng. Lopez.

GNG. LOPEZ: Ngayong araw na ito, ilalahad ninyo sa klase ang pagbabadyet na ginagawa ng inyong pamilya.
Sasabihin ninyo kung ano- anong pangangailangan ang binibigyan ninyo ng malaking porsyento at bakit? Simulan
mo na, Alfredo, ang iyong ulat.

ALFREDO: Magandang umaga po, Gng. Lopez at sa aking mga kaklase. Badyet po ng dalawang nakaraang taon
ang aking pagahhambingin. Mapapansin na kapwa sa dalawang taon ay Malaki po ang badyet naming para sa
pagkain. Noong 2016, wala po kaming impok subalit nakapaglilibang pa ang aming pamilya. Ngunit napag-isip-isip
po naming na kailangang mag-impok at baka may biglaang pangangailangan. Kaya noong 2017, 15% ang inilaan
naming sa pag-iimpok. Sinisikap ko po naman makatulong sa pamamagitan ng pagtitipid at matalinong paggasta.
Hindi po ako basta-basta bumibili ng mga bagay na hindi ko masyadong kailangan. At sa ganoong paraan po ay
nakapagtatabi po ako ng ilang halaga mula sa aking baon. Kung may biglaan naman po akong pangangailangan sa
paaralan, ako nap o ang bumibili mula sa itinatabi ko. Hindi na po ako humihingi sa aking magulang para dito.

GNG. LOPEZ: Mahusay Alfredo.

ALFREDO: Wala pong anuman, Gng. Lopez. Salamat din sa inyong lahat sa pakikinig sa aking paglalahad.

GNG. LOPEZ: Klas, ganito rin ba ang inyong grap? Pag-aralan ito at kumuha ng isang malinis na papel. Ipaliwanag
ang mga datos na nakapaloob dito. Pagkatapos, muli akong tatawag ng ilan sa inyo upang ibigay ang paliwanag sa
inyong badyet.

Libangan
2017 8% 2016
Impok Tirahan Ilaw, Gas, Tirahan
15% 19% Tubig 20%
16%
Ilaw, Gas,
Tubig
9% Damit
Pagkain Pagkain
Damit 9%
35% 36%
11%
Edukasyon Edukasyon
11% 11%
Mga tanong matapos ang bawat talata ng seleksyon:

- Ano ang pinagkakaabalahan ng mga mag-aaral?


- Ano-anong datos ang nakapaloob sa grap?
- Paghambingin ang mga datos noong taong 2016 at 2017.
- Sa inyong palagay, bakit nawala ang badyet sa paglilibang noong taong 2017?
- Anong grap ang ginamit ni Alfredo sa kanyang pag-uulat?
- Bakit mahalaga ang pagbabadyet ng pamilya?
- Halimbawa, binigyan kayo ng baon, paano mo ito ibabadyet?
-
E. Paglalahad ng Bagong Kasanayan
Pansinin ang “Grap ng Populasyon ng Pilipinas mula 1903-2000. (Ipinahayag sa milyon.)

Bilang ng Populasyon
90

80

70

60

50

40

30

20

10

0
1903 1918 1939 1948 1960 1970 1975 1990 1995 2000

Ano ang tawag dito? Grap di ba? Halimbawa ito ng bar graph.
Bigyan natin ng kahulugan ang grap sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Nagpapakita ito ng paghahambing ng dami ng tao.
1. Sa anong taon may pinakamalaking populasyon?
2. Sa anong taon may pinakamaliit na populasyon?
3. Sa anong taon nagsimula ag taunang pag-uulat ng populasyon ng Pilipinas sa graph?
4. Sa anong taon naman ito nagtapos?
5. Humigit, kumulang, ano ang populasyon ng Pilipinas noong 1990?

Ang grap ay may iba’t ibang uri. Narito sa ibaba ang iba pang halimbawa. Pag-aralan
natin ang mga ito.
TIMBANG NI PABLITO SA LOOB NG APAT NA BUWAN
42
41
41

40

39

38 37.5

37 36.5

36
35
35

34

33

32
Enero Pebrero Marso Abril

1. Ano ang ipinakikita ng grap?


2. Gaano ang itinaas ng tibang ni Pablito sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Abril?
3. Ilang kilogram ang bigat ni Pablito noong magtimbang siya?
4. May pagbabago ba ang kanyang timbang?

Tinatawag itong line grap, kung saan nagpapakita ng pagbabago sa timbang ni Pablito.
Ang datos ay ipinakikita ng ga tuldok na pinagdugtong-dugtong na linya.

Tingnan naman natin ito.

10%

15%
40%

5%

aklat, papel, magasin, at iba pang gamit ipon damit libangan

1. Ilang bahagdan ang nakalaan sa pagkain?


2. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan?
3. Aling pangangailangan naman ang may pinakamalaking bahagdan?
4. Ilang bahagdan ang nakalaan sa damit?
Pabilog na grap (circle or pie graph) ang tawag ditto. Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng
mga bahagi ng isang kabuuan.

Pag-aralan naman natin ito:

Gumawa ng survey ang EES upang malaman ang bilang ng mga mag-aaral na sasali sa
choir. Ang grap sa ibaba ay kumakatawan sa resulta ng survey.

Baitang Mga Batang Marunong Kumanta


1
♪♪♪♪♪
2
♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪
3
♪♪♪♪♪♪♪♪
4
♪♪♪♪♪♪♪
5
♪♪♪♪♪♪♪♪♪
6
♪♪♪♪♪♪♪♪

Larawang grap (pictograph) naman ang tawag dito. Ito ay naghahambing ng dami sa
tulong ng mga larawan.

Sagutin ang mga tanong batay sag rap na palarawan (pictograph).

1. Ilang mga bata ang marunong kumanta sa Baitang 1?


2. Anong baitang ang may pinakamaraming mga batag marunong kumanta?
3. Anong baitang naman ang may pinakakaunting batang marunong kumanta?
4. Ilan lahat ang mga batang marunong kumanta sa EES?

Natutuhan mo na ang iba’t ibang uri ng grap. Anu-ano ang mga uri nito?

F. Paglalapat
1. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima at ipagawa ang hinihingi.
PANGKAT 1
Bigyang kahulugan ang grap sa ibaba at sagutin sa sagutang papel ang mga tanong
tungkol dito.
Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya ni Aling Maria
sa Taong 2017
300

250

200

150

100

50

1. Ang grap na nasa itaas ay tinatawag na _________________.


2. Tungkol saan ito? _________.
3. Ang konsumo sa kuryente ng pamilya ni Aling Maria noong Pebrero ay _______.
4. Ang pinakamababang konsumo ay ______ kwh noong buwan ng _______.
5. Ang pinakamataas n konsumo ay_____ kwh noong buwan ng ______.

PANGKAT 2

Pag-aralan ang grap sa ibaba at talakayin ito sa klase.

BILANG NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 5 SA EES


300

250

200

150

100

50

0
2014 2015 2016 2017

PANGKAT 3

Pumili ka ng isang uri ng grap at punan ito ng datos tulad ng:

Naaning kamatis ni Mario

Lunes - 8 kilo
Martes - 12 kilo

Miyerkules - 5 kilo

Huwebes - 10 kilo

Biyernes - 15 kilo

PANGKAT 4

Gumawa ng pie graph at ilahad ang sumusunod na mga datos at ipaliwanag ito.

Budget ng mga Pangangailangan ng Pamilya ni Mang Tomas

Pangangailan ng Pamilya ni Mang Tomas Bahagdan

Pagkain 45%
Tubig, ilaw 5%
Pag-aaral 20%
Pag-iimpok 10%
Pananamit 10%
Tirahan 10%

PANGKAT 5

Kilalanin ang iba’t ibang grap sa ibaba. Ilagay ang pangalan sa patlang.

300
250
200
150
100
50
0

__________________________________ ______________________________

5

3 
2

1

0 
_____________________________________ _______________________________

G. Paglalahat ng Aralin
Anu-ano ang iba’t-bang uri ng grap?

H. Pagtataya ng Aralin
A. Bar Graph

Normal na Timbang ng mga Bata


40

30

20

10

0
Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre

Timbang

1. Ilang bata ang normal ang timbang noong Hulyo


A. 25 B. 30 C. 35 D. 40
2. Anong mga buwan pantay ang bilang ng mga batang normal ang timbang?
A. Oktubre at Hulyo
B. Aggosto, Setyembre at Nobyembre
C. Setyembre at Oktubre
D. Oktubre at Nobyembre
3. Mula sa Hulyo, ilang bata ang nadagdag sa mga normal ang timbang noong Agosto?
A. 5 B. 10 C. 15 D. 20
4. Sa anong buwan pinakamababa ang bilang ng mga batang normal ang timbang?
A. Hulyo B. Agosto C. Setyembre D. Oktubre
5. Sa anong buwan pinakamataas ang bilang ng mga batang normal ang timbang?
A. Agosto B. Setyembre C. Nobyembre D. Oktubre
I. Kasunduan
Gumawa ng grap na nagpapakita tungkol sa badyet ng inyong pamilya. Maaring
tanungin ang inyong mga magulang tungkol dito.

V. Mga Tala
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
Bialang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation.
Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin.
Bialang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

LANI S. CANO
Gurong Magpapakitang-Turo

You might also like