Masusing Banghay Aralin Sa Filipino Anne

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

NOVEMBER 25, 2018

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang ga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakapagbabahagi ng kaalaman patungkol sa Bulkang Mayon,
b. Natatalakay ang Alamat ng Bulkang Mayon,
c. Nalalaman ang mga element ng maikling kwento, at
d. Nababalikan ang kwento at nasasagutan ang tsart ng Story Grammar.

II. Paksang Aralin


Ang Alamat ng Bulkang Mayon
Elemento ng Maikling Kwento
III. Kagamitan
Tsart, Mga Larawan, Pandikit
IV. Pamaraan
1. Panalangin
2. Attendance
3. Pagbabalik tanaw

A. Aktibidad

Magandang Umaga klas!

Sa umagang ito ay magkakaroon tayo ng bagong


akdang babasahin. Pero bago iyan, nais ko munang pansinin
ninyo ang larawang ito. Ano ang inyong masasabi sa larawan?

Sino ang pwedeng magbahagi?


Magaling!

B. Pag-aanalisa
Sa puntong ito, akin ng nabatid ang inyong mga pangunahing
Kaalaman tungkol sa Buklang Mayon.
ALAMAT NG BULKANG MAYON

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang


Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat
siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah
Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya’t
pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na makipag-
isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga
manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at nahulog
sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na
lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay
ang matapang na anak ni Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon
nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na
mandirigma upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan
niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng
nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa
sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-
isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon
na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi papayag si
Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama,
wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang
pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa
ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na mandirigma upang
iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo.
Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni
Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong
tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man magkalapit ang
dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang
bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma
ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong
pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na
katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama
ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang
libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag
ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si
Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na dumadagundong at lumilindol,
ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at
Panganoron.

You might also like