Lesson Plan Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Masusing Banghay sa Filipino 7

I. Mga Inaasahang Bunga:


Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natatalakay ng maayos ang bawat uri ng elemento ng kwento.


b. Makakagawa ng sariling kwento sa tulong ng elemento ng kwento.
c. Pagbibigay kahulugan sa bawat elemento ng kwento.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Elemento ng Kwento

Kagaramitan: “Android phone” o “smart phone” pang-ulong hatinig


(headset), “android tablet” at “powerpoint presentation”.

Mga Sanggunian:
➢ https://www.slideshare.net/HiieXD/elemento-ng-maikling-kwento-
56729389
➢ https://www.slideshare.net/eijrem/elemento-ng-maikling-kuwento-
116846902
➢ https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-
elemento-kahulugan/
➢ https://www.slideshare.net/rosemelyn/maikling-kwento
➢ https://philnews.ph/2020/08/05/matsing-at-pagong-buod-at-mga-
aral-mula-sa-kwento/

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a. Panalangin

b. Pagbati

“Isang mapagpalang umaga mga “Isang mapagpalang umaga rin po sir”


bata”
c. Pagtala ng mga lumiban

“Bago ko simulan ang ating “Wala pong lumiban sir”


klase, maaari ko bang malaman
kung sino ang mga lumiban sa
klase natin?”

A. Pagganyak

“Mga bata sino sa inyo ang “Kami po sir”


gustong makinig ng isang
kwento?”

“Okay! mga bata makinig “Opo sir, yehey!”


kayo ng mabuti dahil
magbabasa ako ng isang
kwento na may pamagat na Si
Pagong at ang Matsing”.
“Pagkatapos kong basahin “Makikinig po kami sa inyo sir upang
ang kwento ay magbibigay makasagot kami at upang mabigyan niyo
ako sa inyo ng mga po kami ng dagdag puntos direkta sa
katanungan tungkol sa aming grado.”
kwentong aking binasa, kung
sino man sa inyo ang
makakasagot ng aking mga
katanungan ay bibigyan ko ng
dagdag puntos (plus point)
direkta sa inyong mga
marka.”

B. Paglalahad

“Ngayon mga bata, maganda “Opo sir”


ba ang binasa kong kwento?”

“May napulot ba kayong aral “Opo sir”


mula sa aking binasang
kwento?”

“Sa aking binasang kwento , “Opo sir, sobra rin po kaming namangha
diba may mga tauhan, sa kwento niyo po sir.”
tagpuan, problema or
suliranin, banghay, paksa,
away o isang tunggalian at
may kaisipan na
ipinapahiwatig ang kwento?”

“Alam niyo ba ang tawag sa “Hindi pa po sir”


mga ito?”

“Ito ay tinatawag ng
Elemento ng Kwento, isa isa
kong ipapaliwanag sa inyo
ang mga elemento ng
kwento.”

“Tauhan: Ang nagbibigay


buhay sa isang kwento o siya
rin ang panauhin sa kwento.”

“Tagpuan: Panahon at lugar


kung saan nangyayari o
nagaganap ang isang
kwento.”

“Banghay: Ito ang maayos na


pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kwento.”

“Sa banghay ay may 5 bahagi


ito ay ang mga sumusunod:”
“1.Panimula o Simula – Kung
saan at paano nagsimula ang
kwento.”

“2.Saglit na Kasiglahan – Ito


ay ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan sa
kwento.”

“3.Kasukdulan – Ito ang


pinakamataas at kapanabik
nabik sa pangyayari ng
kwento.”

“4.Kakalasan – Ito ay
tumutukoy sa parte kung saan
unti-unti nang naaayos ang
problema.”

“5.Wakas – Ito ay tumutukoy


kung paano nagwakas o
natapos ang kwento.”

“Kaisipan: Ito ay ang


mensahe ng isang kwento sa
mga mambabasa.”

“Suliranin o Problema: Ito ay


tumutukoy sa problemang
ikinahaharap ng tauhan sa
kwento.”

“Tunggalian: Ito ay maaaring


taon laban sa tao, tao laban
sa sarili, tao laban sa lipunan,
o tao laban sa kalikasan.”

“Paksang diwa: Ito ay ang


pinakaluluwa ng kwento.”

C. Pagpapalalim

“Maglalahad ako ng isang “Sige po sir”


pahayag at tukuyin niyo kung
anong elemento ito ng
kwento.”

“Ito ay tumutukoy sa parte “Kakalasan po sir”


kung saan unti-unti nang
naaayos ang problema.

“Mahusay mga bata”

“Ito ay tumutukoy kung “Wakas po sir”


paano nagwakas o natapos
ang kwento.”
“Magaling Dasheri” “Salamat po sir”

“Ang nagbibigay buhay sa “Tauhan po sir”


isang kwento o siya rin ang
panauhin sa kwento.”

“Mahusay Jaycel” “Salamat po sir”

“Panahon at lugar kung saan “Tagpuan po sir”


nangyayari o nagaganap ang
isang kwento.”

“Magaling Jude” “Salamat po sir”

“Ito ang maayos na “Banghay po sir”


pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kwento.”

“Nakapahusay niyo naman


mga bata.”

D. Paglalahat

“Abner ano ang iyong “Natutunan ko po sir ang mga elemento


natutunan sa ating aralin ng kwento.”
ngayon?”

“Mabuti kung ganun, maari ka “Sige po sir, tauhan po sir, ang mga
bang magbigay ng isang tauhan po ang siyang nagbibigay buhay
elemento ng kwento at sa isang kwento o mga panauhin sa isang
ipaliwanag mo ito?” kwento po sir.”

“Mahusay Abner, bigyan natin “plak! plak!”


ng limang palakpak si Abner”

“Sino naman sa inyo ang “Ako po sir, ako po sir”


makakapagbigay ng lahat na
elemento ng kwento?”

“Oh Ikaw Vhincent?” “Ang mga elemento ng kwento ay


tauhan, tagpuan, kaisipan, suliranin,
tunggalian, paksang diwa at banghay sa
banghay po sir ay may limang bahagi ito
po ay ang panimula, saglit na
kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at
wakas po sir.”

“Mahusay Vhincent, okay mga “plak! plak!”


bata bigyan naman natin siya
ng sampung palakpak.”
E. Paglalapat

“Mga bata magkakaroon tayo “Opo sir”


ng isang palaro, kung saan
hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat, may ipapakita ako
sa inyo ng mga larawan at
sasabihin niyo kung anong
elemento ito ng kwento at
sasabihin kung anong ibig
sabihin ng elementong ito.
Kung sino man ang
mananalong pangkat ay may
pabuya sa akin kinabukasan”

“Maliwanag ba mga bata?”

“Mahusay kung ganun”

Kasukdulan

Suliranin

Simula

Tauhan

Wakas
IV. Pagtataya
A. Panuto: Sa isang malinis na papel, isulat sa patlang kung anong uri ng
elemento ng kwento ang hinihingi ng bawat bilang.2 puntos bawat bilang
(kabuohan 14 puntos)

________1. Ito ang pinakakaluluwa ng kwento.


________2. Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa
________3. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan , o tao laban sa kalikasan.
________4. Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
________5. Ito ay ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kwento.
________6. Ito naman ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
________7. Ito naman ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan
sa kwento.

B. Panuto: Ibigay ang limang (5) bahagi ng banghay ayon sa pagkakasunod-


sunod nito. 5 buntos bawat bilang (kubuohan 10 puntos)
1.
2.
3.
4.
5.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng maikling kwento at tukuyin kung anong uri ito ng
elemento ng kwento at ipaliwanag ito. (tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan,
suliranin, tunggalian at paksang diwa) 35 puntos

Pamantayan

Naibigay ang hinihingi ng maayos 15


Naipaliwanag ng maayos 15
Naibigay ng magkakasunod 5

Inihanda Ni:

Jeffrey B. Caño
Mag-aaral

Iwinasto Ni:

G. Arjie Rivera
Propesor

You might also like