Banghay-Aralin MCHS Filipino (Oktubre 28 - 31)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
MINTAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Taong Panuruan 2019-2020

BANGHAY-ARALIN

Petsa: Oktubre 28, 2019


Paksa: Estadistika ng Bilang ng mga Gumagamit ng Internet at Facebook sa Buong Mundo
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: G. Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Karatulang Fact or Bluff
Mga kapirasong papel na naglalaman ng tampok na teksto

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapagbigay-kahulugan sa mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia (F8PT-IIIa-c-29;


Pangkaalaman) sa pamamagitan ng larong Fact or Bluff;
B. nakapagtalakay sa tekstong naglalaman ng mga impormasyong hinggil sa daming mga gumagamit
ng Internet, partikular na ang social media (Pangkaalaman);
C. nakapagpanayam sa kaklase hinggil sa kaniyang paggamit ng mga gadget at social media
(Pangkaalaman, Pag-unawa); at
D. nakagawa ng isang larawang-diwa hinggil sa impluwensiya ng makabagong teknolohiya at mga
payong ibig ipahatid sa mga yaong nalulong dito (Paglalapat, Pagsusuri, Pagtataya, Pagbubuo)

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Hahatiin ang klase sa dalawa. Sa pamamagitan ng larong Fact or Bluff, tutukuyin ng mga mag-aaral
kung totoo ba o hindi ang mga impormasyong kaakibat ng mga katagang nasa talasalitaan. Ang
pangkat na may mas maraming puntos ang siyang magwawagi.
 Ipakikilala at bibigyang-ugnay ang mga salita sa paksang tatalakayin.

B. Interaksyon

 Kasama ang kanilang mga Reading Buddy, babasahin nang tahimik ang kapirasong papel na
naglalaman ng tekstong naglalaman ng statistics ng mga gumagamit ng Internet at Facebook.
 Sa likuran ng papel, isusulat ng mga mag-aaral ang kani-kanilang pangalan; iguguhit din nila ang
kanilang mga reaksyon pagkatapos itong basahin. Maaaring lagyan ng isang pangungusap na
naglalahad ng dahilan kung bakit yaon ang kanilang nadama.
 Tatawag mula sa klase ng iilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang reaksyon.
 Kasama pa rin ang kanilang kapares, kakapanayamin nila ang bawat isa sa pamamagitan ng mga
gabay na tanong:
1. Mayroon ka bang Facebook o Twitter account? Kung mayroon, gaano kadalas mo ito
bisitahin sa loob ng isang araw?
2. May computer o laptop ka ba? Ilang oras mo ginagamit ito sa loob ng isang araw?
3. May cellphone ka ba? Mga ilang text message ang naipadadala mo sa loob ng isang
araw?
C. Integrasyon

 Gagawa ang mga mag-aaral ng isang larawang-diwa na korteng smartphone at laptop na sasagot sa
katanungang ipa-flash sa monitor. Sa loob ng smartphone, isusulat nila ang kanilang sagot sa unang
tanong; ang ikalawang tanong naman ay sa laptop (3 – 4 na pangungusap).

1. Masasabi mo bang malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at social media sa iyong


buhay/ Bakit oo o bakit hindi?
2. Ano-ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nauubos o nasasayang ang oras dahil sa
labis o maling paggamit ng teknolohiya at social media sa kanilang buhay?
 Mamarkahan ang kanilang mga nagawa sa pamamagitan ng rubriks:

KAILANGANG PUNTOS
MGA MAHUSAY KATAMTAMAN PAG-
PAMANTAYAN (3) (2) IBAYUHIN
(1)
Nilalaman (x3) Angkop ang mga Angkop ang kalimitan sa Hindi akma ang mga
ibinigay na ideya; mga ibinigay na ideya; inilahad na ideya; may
mabibisa ang mga mabibisa ang karamihan kaunti o walang
salitang ginamit; sa mga kataga; gumamit mabisang salitang
gumamit ng sapat na ng sapat na bilang ng ginamit; sumulat
bilang ng mga mga pangungusap. lamang ng isang
pangungusap. pangungusap.
Gramatika (x2) May 0 – 4 na May 5 – 8 na May 9 o higit pang
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
gramatikong aspeto gramatikong aspeto gramatikong aspeto
(bantas, baybay, (bantas, baybay, (bantas, baybay,
pagkakabuo ng pagkakabuo ng pagkakabuo ng
pangungusap, atbp.) pangungusap, atbp.) pangungusap, atbp.)

KABUUAN

III. Takdang-Aralin:

PANUTO: Bisitahin ang news feed ng iyong social media account. Sa isang sangkapat na bahagi ng papel,
isulat sa paraang bullet ang karaniwang pinopost, tini-tweet, o sini-share ng iyong mga kaibigan (meme,
posts, links, atbp.). Isaad din sa loob ng isa hanggang dalawang pangungusap kung ano ang maaaring
epekto nito sa kabataang bumabasa o nanonood.

Petsa: Oktubre 29 - 30, 2019


Paksa: Mga Dapat Maipabatid sa mga Social Media User
Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa
pagdiriwang ng World Social Media Day noong Hunyo 30, 2013
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: G. Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: Mga Picture Frames ng Gallery Walk
Mga kapirasong papel na naglalaman ng mga bahagi ng tampok na talumpati

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng dalawang (2) piryud, ang mga mag-aaral ay:


A. nakapagtukoy sa halimbawa ng mga applications na makikita sa mga makabagong gadget sa
pamamagitan ng charades (Pangkaalaman);
B. nakapagtalakay sa tampok na talumpati sa pamamagitan ng Gallery Walk (Pangkaalaman);
C. nakapagtala at nakapagbigay ng kahulugan sa mga bagong salitang hango sa akda gamit ang
talahanayang ibibigay (Pangkaalaman, Pag-unawa);
D. nakapagsagot sa mga ipupukol na tanong (Pangkaalaman, Pag-unawa, Paglalapat, Pagsusuri); at
E. nakagawa ng isang doodle na maglalahad ng mensaheng ibig ipahatid ng talumpati sa kabuuan
(Pagtataya, Pagbubuo).
F. nakapagtanghal ng isang malikhaing presentasyong maglalahad ng kani-kanilang saloobin tungkol
sa tamang paggamit ng teknolohiya (Pagbuo)

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Magbabalik-tanaw ang buong klase hinggil sa tinalakay noong nakaraang piryud.


 Kukuha mula sa klase ng ilang mag-aaral na magsisilbing taya sa larong Charades. Huhulaan ng
buong klase ang salitang ipahihiwatig ng taya sa pamamagitan ng kilos. Ang mag-aaral na
magkakaroon ng pinakamaikling oras ang siyang panalo. (Facebook, Internet, smartphone,
chat/messenger). Twitter
 Ilalahad sa klase ang kaugnayan ng mga salitang ipinahula sa tampok na talumpati.

B. Interaksyon

 Hahatiin sa limang pangkat ang klase. Ang bawat grupo ay maghahalinhinan sa pagbabasa ng mga
bahagi ng tekstong napaloloob sa mga picture frame. Habang sinusuyod ang mga sulok ng klasrum,
pupunan ng mga mag-aaral ang talahanayang ito (maliban sa pagsusulat ng mga pangungusap mula
rito):

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan Batay sa Pagkakagamit sa


Akda

Makabuluhang Pangungusap

 Pagkatapos ng Gallery Walk, bibigyan ang mga mag-aaral ng limang minuto upang gawan ang mga
nasabing salita ng mga pangungusap. Tatawag ng ilang mag-aaral mula sa klase upang ilahad ang
ilang salita na naitala at ang nahinuhang kahulugan nito.
 Pupukulan ang mga mag-aaral ng katanungan hango sa nabasang akda.
1. Batay sa nilalaman ng talumpati, paano raw umunlad ang paggamit ng social media sa
bansa?
2. Ano ang gawain o katayuan ng taong nagbahagi o nagsulat ng talumpating binasa?
3. Masasabi mo bang may karapatan siyang magsalita o magturo tungkol sa tamang
paggamit ng social media?
4. Bakit mahalagang maturuan ang netizens ng tamang paggamit ng content, grammar, at
netiquette sa social media?

C. Integrasyon

 Sa loob ng isang buong papel, gagawa ang mga mag-aaral ng isang doodle na maglalahad ng ilan
sa mga mensaheng ibig ipahiwatig ng talumpating tampok. Mamarkahan ang nasabing gawa sa
pamamagitan ng rubriks:
KAILANGANG
MGA MAHUSAY KATAMTAMAN PAG- PUNTOS
PAMANTAYAN (3) (2) IBAYUHIN
(1)
Nilalaman (x3) Malinaw ang Malinaw ang Hindi malinaw ang
interpretasyong interpretasyong interpretasyong
iginuhit; may iginuhit; may iginuhit; may kaunti o
kaugnayan ang mga kaugnayan ang wala sa mga imahen
imahen sa mga karamihan sa mga ang maiuugnay sa
mensahe ng akda; imahen sa mensahe; mensahe ng akda;
may kaisahan ang may kaisahan ang walang kaisahang
kabuuan ng doodle. kabuuan ng doodle. makikinita rito.
Kalinisan at Malinis ang Malinis ang Hindi malinis ang
Organisasyon pagkakagawa ng pagkakagawa ng pagkakagawa ng obra;
(x2) doodle; hindi magulo doodle; may ilan sa wala sa ayos ang halos
ang pagkakahanay mga imahen ang hindi o kahit lahat ng mga
ng mga imahen. naihanay ng maayos imaheng iginuhit.
sa kabuuan ng gawa.
Pagpasa Limang (5) puntos para sa naipasa sa loob ng piryud; Tatlong (3) puntos
(5 puntos) kung ito’y ipinasa pagkatapos ng klase; Isang (1) puntos kung ipapasa
kinabukasan.
KABUUAN

 Ang bawat pangkat sa susunod na araw ay bibigyan ng tig-iisang tanong na kanilang sasagutin sa
paraan ng pagsasadula.

Unang Pangkat: Magbanggit ng mga maling gawaing dapat iwasan sa paggamit ng


Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.
Ikalawang Pangkat: Sa iyong palagay, bakit paboritong gawin ng kabataan sa kasalukuyan ang
magpost ng selfie o groufie sa social media? Sang-ayon ka ba rito? Bakit o
bakit hindi?
Ikatlong Pangkat: Bakit mahalagang maipaalam sa mga netizens, lalo na sa kabataan, na ang
social media ay magagamit din para sa pambansang layunin?
Ikaapat na Pangkat: Bilang isang kabataang netizen, paano mo magagamit ang social media sa
paglulunsad ng social awareness?
Ikalimang Pangkat: Bakit mahalagang matutuhan ang responsableng paggamit ng social media?

 Mamarkahan ang isasagawang dula-dulaan sa pamamagitan ng rubriks na ito:

KAILANGANG PUNTOS
MGA MAHUSAY KATAMTAMAN PAG-
PAMANTAYAN (3) (2) IBAYUHIN
(1)
Pagganap (x3) Isinasabuhay nang Naisasabuhay sa Kalimitan,
maayos ng mga halos lahat ng nakalilimutan ng mga
mag-aaral ang kani- pagkakataon ang mga nagsipagganap ang
kanilang karakter; karakter ng mga mag- kanilang mga linya;
makikinita nang lubos aaral; kalimitan, hindi akma o walang
ang ekspresyong ipinapalabas ng mga ekspresyong
angkop sa daloy ng nagsipagganap ang makikita sa kanilang
pangyayari. ekspresyong akma sa pagganap.
pangyayari.
Nilalaman (x2) Angkop ang mga Angkop ang kalimitan Hindi angkop ang
naibigay na sa mga naibigay na mga halimbawang
halimbawa ng yaong halimbawa ng yaong naibigay
maling gawain sa maling gawain sa
paggamit ng mga
social networking paggamit ng mga
sites. social networking sites.
Iskrip (x2) Malinaw ang mga Malinaw ang kalimitan Hindi malinaw ang
dayalogong sa mga dayalogong halos o kahit lahat ng
namamagitan sa mga namamagitan sa mga mga dayalogong
nagsipagganap; may nagsipagganap; may nasa iskrip; walang
katuturan ang mga katuturan ang halos katuturan ang mga
linyang ginagamit ng lahat ng mga linyang linyang isinambit ng
mga aktor at aktres. ginagamit ng mga mga nagsipagganap.
nagsipagganap.
Kaisahan ng Maayos ang Maayos ang Laging nagsisingitan
Pangkat (x2) pagkakaposisyon ng pagkakaposisyon ng ang mga
mga nagsipagganap mga nagsipagganap nagsipagganap; hindi
sa entablado; sa entablado; maayos ang
singkronisado ang kalimitan, transition mula sa
mga mag-aaral sa singkronisado ang isang eksena tungo
tuwing nagpapalit ng mga mag-aaral sa sa susunod.
tagpuan o eksena. tuwing nagpapalit ng
tagpuan o eksena.
Kabuuang Sa kabuuan, mabuti Sa kabilang mga Kailangan pa ng
Ganda ang isinagawang kaunting pagkakamali, kaunting ensayo
dula-dulaan. mabuti pa rin ang upang mas mapaigi
kabuuan ng ang dula-dulaan.
pagsasadula.
KABUUAN

Petsa: Oktubre 31, 2019


Paksa: Paglalahad nang Mabisa sa Nalikom na Datos sa Pananaliksik
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: G. Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Mga piraso ng blangkong papel

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapaglahad ng kani-kanilang mga saloobin hinggil sa mga ipinakitang memes tungkol sa


kadalasang ginagawa kapag gumagamit ng Internet (Pangkaalaman, Pag-unawa);
B. nakapaglahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIa-c-30;
Pangkaalaman, Pag-unawa, Pagsusuri); at
C. nabibigyang-reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu (F8PN-IIIa-c-28;
Pagtataya, Pagbubuo).

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Papanoorin ng klase ang ilang memes tungkol sa mga kadalasang ginagawa ng isang tao kapag
gumagamit ng Internet. Tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang komento hinggil dito.
 Bukod sa mga nailahad, bibigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbigay ng iba pang
mga nakasanayang gawin kapag gumagamit ng Internet.
B. Interaksyon

 OPTION 1: Ipapangkat ang klase sa mga pangkat na may apat na miyembro. Hahayaan ang mga
mag-aaral na buksan ang kanilang mga telepono upang maghanap ng mga positibo at negatibong
epekto ng paggamit ng media o teknolohiya sa buhay ng kabataan. Isusulat nila ito sa piraso ng papel
na ibinigay sa kanila.
 OPTION 2: Ipapangkat ang klase sa mga pangkat na may apat na miyembro. Papupuntahin ang mga
mag-aaral sa silid aklatan upang humanap ng mga ideya hinggil sa positibo at negatibong epekto ng
media o teknolohiya sa buhay ng kabataan. Isusulat nila ang kanilang mga nakalap sa piraso ng
papel na ibinigay sa kanila.
 Pagkatapos ng itinakdang oras, ipapaskil ng mga mag-aaral ang yaong mga piraso sa Fishbone
Organizer na nasa pisara.
 Tatalakayin sa klase ang mga naipaskil at iba pang mga ideya tungkol dito.
 Pupukulan ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong hinggil sa aktibiti.
Pamatnubay na Katanungan:
1.

C. Integrasyon

 Pahahanapin ang mga mag-aaral ng kani-kanilang kapares. Babasahin ng magkakapares ang isang
tekstong nagtatalakay sa kampanyang Think Before You Click ng sikat na TV station. Pagkatapos,
pupunan ng magkapares ang talahanayang ito (maliban sa yaong nasa kanan).

Ang Aking Pananaw o Opinyon Tungkol sa Ang Aking Reaksiyon sa Opinyon ng Aking
Nabasang Isyu Kamag-aral sa Nasabing Isyu

 Ibabahagi ng magkakapares ang kanilang mga sagot sa kaliwang bahagi ng talahanayan.


Pagkatapos, isusulat naman nila ang kanilang reaksiyon hinggil sa napakinggang opinion.

You might also like