Berbal at Di-Berbal LESSON PLAN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
KALIGTASAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Kaligtasan, Bongabong, Oriental Mindoro

Petsa: February 23, 2021

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO (Baitang 11)


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural
na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika
ditto.

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang
Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.

Kasanayang PAmpagkatuto
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita (F11WG– IIf– 88)

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang berbal at di-berbal na uri ng komunikasyon
2. Naiaangkop ang mga salita, kilos at gawi sa paraan ng pakikipag-usap sa kapwa
3. Nagagamit ang berbal at di-berbal na uri ng komunikasyon sa pang-araw-araw na
gawain

II. PAKSANG ARALIN


Uri ng Komunikasyon: Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon

III. KAGAMITAN
Sanggunian: Pinagyamang Pluma ng KPWKP
Iba pang Kagamitang Panturo: laptop, tv, ppt o biswal na pantulong

IV. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pag-alam ng liban

B. Balik-aral sa nakaraang aralin o pagsisimula ng bagong aralin.


Pagbabalik-aral
Ano nga muli ang kahulugan ng komunikasyon at ang kahalagahan nito?

C. Paghahabi ng layunin/pagkilala sa bagong aralin


Ngayong araw, bago tayo magsimula sa ating aralin ay magkakaroon ng isang
maikling aktibidad ang buong klase.
Mekaniks ng laro:
- Hahatiin sa dalawang grupo ang klase
- Isasagawa ang larong CHARADES. Papahulaan ang mga salita o pariralang
nakasulat sa mga piraso ng papel na mabubunot ng myembro ng pangkat na
magsasagawa ng mga aksyon sa harap ng klase sa loob lamang ng isang
minute bawat pangkat.
- Ang siyang maraming salita/parirala na mapapahulaan ang siyang mananalo.
Pamprosesong tanong:
- Naunawaan nyo ba ang ibig ipahiwatig ng mga salita/pariralang pinahulaan?
- Bakit kaya nagkakaroon ng iba’t ibang pakahulugan ang mga pahiwatig at
salitang ating naipapamalas sa ating kapwa?

D. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin


Pagtalakay ng berbal at di-berbal na uri ng Komunikasyon:
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng
salita sa anyong pasalita at/o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalakayan
sa klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya at seminar. Pasulat naman
itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng
manifesto at bukas na liham, at iba pa.
Di-berbal naman ay hindi gumagamit ng wika ang ganitong uri ng
komunikasyon. Kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Narito ang mga anyo ng di-berbal na komunikasyon:
 Kinesika : Pag-aaral sa kilos o galaw ng katawan
 Pictics : Pag-aaral sa ekspresyon ng mukha
 Oculesics : Pag-aaral sa galaw ng mata
 Iconics : Tumutukoy sa mga larawan at simbolo
 Proksemiks : Tumutukoy sa espasyo
 Chronemics : Pag-aaral sa gamit ng oras
 Haptics : Pandama o paghawak
 Paralanguage : Tono o tinig
 Katahimikan : Kawalan ng kibo

E. Pagtalakay at paglalahad ng bagong konsepto


 Sa iyong palagay, sapat bang gamitin lamang ang di-berbal na komunikasyon
upang maiparating ang iyong mensahe? Ipaliwanag.
 Kung ipagsasama ba ang paggamit ng berbal at di-berbal na uri ng
kumunikasyon mas magiging mabisa ba ang pakikipag-usap natin sa ating
kapwa? Bakit oo at bakit hindi?

F. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na buhay


Pangkatang Gawain
Panuto: Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Isasagawa ng bawat pangkat ang
nakatakdang gawain sa kanila.
Pangkat 1 –Talk show na nagtatampok ng mga iba’t ibang putaheng Pilipino
 Pangkat 2 – Pagsasadula na walang tunog o pantomina na nagpapakita ng
kultura, kaugalian, gawi at paniniwala nating mga Pilipino
 Pangkat 3 – Gagawa ng poster gamit ang Paint Application Software sa tablet
na tumatalakay sa nangyayaring krisis sa buong mundo, ang Covid 19
Pandemic

PAMANTAYAN
BATAYAN NG DESKRISPYON KAUKULANG
PAGMAMARKA PUNTOS
Malikhain at nakahihikayat ang
7
Presentasyon gamit ng wika
Natapos ng bawat pangkat ang
3
Pamamahala ng oras gawain sa itinakdang oras
Lahat ng miyembro ay nakikilahok
Partisipasyon at tumutulong sa nakaatas na 5
gawain
Kabuuan: 15

G. Paglalahat
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong bilang paglalahat sa
kanilang natutunan:
 Ano ang berbal at di-berbal na komunikasyon?
 Bakit kailangan pa ring gumamit ng di-berbal na komunikasyon kung sa
pagsasalita pa lamang ay nagkakaunawaan na tayo?

H. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng sangkapat na bahagi ng papel at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Basahing mabuti ang bawat pangungusap/tanong. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ang pag-aaral ng ekspresyon ng mukha ng tao upang maunawaan ang mensahe
ng tagapaghatid.
A. Kinesics C. PIctics
B. Oculesics D. Proksemiks
2. Ano ang pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa
pagsasalita? Tinutukoy nito ang tono, lakas, bilis at bagal ng pagsasalita.
A. Chronemics C. Vocalics
B. Haptics D. Proksemiks
3. Nagkaroon ng programa sa inyong paaralan, bago mag-umpisa ang mga
patimpalak ay sinimulan ito ng interpretatibong pagsasayaw para sa
panalangin. Alin sa mga anyo ng di-berbal na komunikasyon naaayon ang
pariralang may salungguhit.
A. Kinesics C. Oculesics
B. Vocalics D. Haptics
4. Ito ang uri ng komunikasyon na gumagamit ng wika o salita upang maipahayag
ang mensahe.
A. Berbal C. Di-berbal
B. Heptics D. Proksemiks
5. Napagkamalan kang galit ng iyong mga kasama kaya inilalayo nila ang kanilang
mga sarili sa iyo sapagkat hindi nila mawari ang pinapakitang ekspresyon ng
iyong mukha habang sila ay iyong kasama. Sa aling konsepto ng komunikasyon
nakapaloob ang sitwasyong ito?
A. Berbal C. Di-berbal
B. Pasulat D. Pasalita

V. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin


Panuto: Patunayan kung paano nakatutulong ang di-berbal na komunikasyon sa ating
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Maglahad ng mga halimbawang sitwasyon bilang
patunay ng iyong kasagutan.
1. Simbolo
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ekspreyon ng mukha
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Galaw at Kumpas
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Espasyo
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Tinig
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Inihanda ni:

MARIA LITICIA D.
TRAJICO
Guro sa Filipino SHS

You might also like