IBONG ADARNA Script (Unfinished)
IBONG ADARNA Script (Unfinished)
IBONG ADARNA Script (Unfinished)
7-Banaba
[Scene 1: Introduction] scenery: may ballroom may mga sumasayaw, etc. After each
character is introduced, character mentioned must freeze.
[Scene 5]
ERMITANYO: Sino ka at ano ang sadya mo, ginoo?
DON JUAN: Ako ay si Don Juan ng Berbanya, dumanas ng pagod, puyat, gutom, uhaw, at
hirap sa aking paglalakbay sa paghanap ng Ibong Adarna, ngayon humihingi ako ng tulong
sa inyo.
ERMITANYO: Makinig ka, Don Juan. (gagawin ni DON JUAN habang sinasabi ng
ERMITANYO) Ang Adarna ay naninirahan sa punong kahoy ng Piedras Platas. Bago ito
maidlip ay pitong awit ang kanyang kakantahin. Para hindi ka maantok, ang iyong palad ay
hiwaan gamit ang iyong sandata at agad pigaan ng dayap. Kapag ito’y tulog, hulihin mo
gamit ng gintong panghuli at lagyan mo ng tubig ang banga na ito at ibuhos mo sa iyong
mga kapatid at muli silang magiging tao. (exit)
PEDRO: Aking kapatid, Don Diego, dapat isa lang saatin ang magiging hari ng Berbanya, at
hindi si Don Juan.
DIEGO: Pedro! Kung hindi sa ating bunsong kapatid, naging bato nalang dapat tayo
habambuhay!
PEDRO: Gusto mong mapahiya sa harap ng ating ama kapag nalam niya na si Juan pala
ang nakahuli sa Ibong Adarna at tayong nakakatanda ay nabigo? Mag-isip ka naman Diego!
DIEGO: Ayoko naman mapahiya pero-
PEDRO: Kaya kailangan natin patayin si Don Juan para hindi na siya makakabalik sa
Berbanya.
DIEGO: ANO?! Hindi ko kaya patayin ang sarili kong kapatid, Pedro!
PEDRO: Kung ayaw mo edi bugbugin nalang kaya natin siya! (suntukan, omg. Hesitant si
DON DIEGO. Kinuha nila ang IBONG ADARNA kay DON JUAN)
[Scene 6]
[Scene 7]
NARRATOR: Nandito na si Don Juan, iniwan ng kanyang mga kapatid. Wala siyang
magawa at di siya makagalaw. Humingi naman siya ng tulong sa Inang Birhen hangga’t may
dumating na isang matanda. (exit)
MATANDA: Hala, anong nangyari sa inyo, ginoo? Halika’t ika’y aking gagamutin. O
Prinsipe, konting tiis na lamang at ginhawa ang iyong mararamdaman
JUAN: Isang himala! Ano po ang maaari kong gagawin upang mabayaran ang kabutihang
iyong ginawa para saakin?
MATANDA: Ang layon ng aking ginawa ay hindi nangangailangan ng bayad. Bumalik ka na
sa iyong kaharian.
JUAN: Salamat!
[Scene 9]
[Scene 10: paghanap kay Don Juan] (nakikita na naghahanap si PEDRO at DIEGO para
kay JUAN)
PEDRO: Diego, Juan, huwag na tayo bumalik sa Berbanya. Mas magiging masaya tayo
dito.
JUAN: Sige.
DIEGO: Mga kapatid, nakikita niyo rin ba ang balon na iyon? (pinuntahan nila. Isa-isa sila
bumaba pero si DON JUAN lang ang nakapunta sa ilalim.)
NARRATOR: N ang nakapunta si Don Juan sa ilalim ng balon, nakita niya na ito’y
punong-puno ng diyamante at kristales. May nakita naman siyang isang magandang babae
na binabantayan ng isang higante.
JUAN: Donya Juana, mahalin mo ako.
JUANA: Don Juan, mahal kita, pero walang kwenta ang pagmamahal natin sa isa’t-isa
kapag hindi pa patay ang nagaalaga saakin
JUAN: Huwag ka magalala. Papatayin natin siya. (insert fight scene)
JUANA: Salamat, Don Juan, pero di ko kaya iwanan ang aking kapatid na si Donya Leonora
na bantay ng isang serpyente na may pitong ulo.
JUAN: Ikukuha ko ang iyong kapatid, umalis ka na sa balon at magkikita tayo mamaya
paglabas ko. (exit JUANA)
[SCENE 11]
(nakita ni JUAN si DONYA LEONORA)
LEONORA: Umalis ka na dito, magiging kamatayan mo lang ito.
JUAN: Hindi gaanong masaklap mamatay kung ito'y sa iyong harap lamang.
LEONORA: Nagbibiro ka ba? Hindi kita kailangang mamatay sa harapan ko.
JUAN: Susundin ko kahit ano man inyong iuutos ngunit ang umalis sa iyong paningin ay hindi ko
magagawa. Dahil kapag ako'y lumayo sa iyo ng titig, ang hininga ko ay tiyak na mapapatid. Sa
gipit kong kalagayan, ikaw na Prinsesang mahal ang magbigay ng hatol. Ikaw ba'y sasama sa
aking paalis sa lugar na ito o hahayaan ang aking kamatayan sa iyong harapan?
LEONORA: (pause, tiningnan ang mata ni DON JUAN) Di rin ako nakatiis Don Juan, hindi ko
nais na ika'y habagin, kung sa iyo man ay nagalit, pagsubok lamang iyon ng pag-ibig.
(NAGTITIGAN SILA WITH LOVE YIEE tapos biglang dumating ang serpyente)
(insert fight scene)
LEONORA: Don Juan! Ito! Sa bawat ulo na mapuputol mo, ibuhos mo ito (insert fight scene)
DON JUAN: (niyakap si LEONORA) D onya Leonora, umalis na tayo dito.
[Scene 12]
[Scene 13]
PEDRO: Nakabalik na kami.
FERNANDO: At nasaan ang Ibong Adarna at ang inyong kapatid? Sino ito?
DIEGO: Ang pangalan nila ay Donya Juana at Donya Leonora. Inuwi namin sila dito sa
Berbanya para sila’y pakasalan namin.
PEDRO: Kung ako’y tatanungin ninyo, papakasalan ko si Donya Leonora.
LEONORA: (umiiyak) H aring Fernando, hinihingi ko na hindi muna ituloy ang kasal.
Mayroon akong panata sa aking ama’t ina na mag-iisa lamang ako sa loob ng pitong taon.
FERNANDO: Sige, kung iyan ay ang kagustuhan mo, Donya Leonora. Kayo naman Diego
at Juana, ihahanda ang inyong kasal at gagawing pista sa buong kaharian.
[Scene 14]
NARRATOR: Naabutan ng Lobo si Don Juan na sugatan at bali-bali ang mga buto. Kumuha
ang Lobo ng tubig galing sa Ilog Herdan. Itong tubig ay
kagamutan para kay Don Juan. Pagkatapos nito, nagpasalamat si Don Juan sa Lobo at
niyakap niya ito at umalis rin siya. Ngayon ay nakalabas na siya ng balon. (nagupo si DON
JUAN) (pasok IBONG ADARNA)
IBONG ADARNA: (kumanta) (exit)
DON JUAN: Kailangan ko pumunta sa kaharian ng Reyno delos Cristal…. (naglalakad…)
(nagbangaan sila ng isang matanda) Sorry po sa pagtanong pero, meron po ba kayong
bagkain na dala?
MATANDA: Ito, ginoo. Durog-durog ito pero mabubusog ka.
DON JUAN: (kinain) Aba! Ang sarap! Salamat po sa pagkain pero pwede niyo po ba akong
tulungan uli? Kailangan ko po pumunta sa kaharian ng Reyno delos Cristales. Tatlong taon
na akong naglalakbay pero di ko pa rin ito mahanap.
MATANDA: Wala akong alam diyan pero may alam akong tao na makakatulong sayo sa
paglakbay mo sa kaharian. Tandaan mo na matatagpuan siya sa ikapitong hanay ng
bundok, ibigay mo itong baro kapag nagkita na kayo ng ermitanyo.
DON JUAN: Salamat po sa iyong tulong.
[Scene 15]
DON JUAN: Ako’y si Don Juan ng Berbanya. Ipinadala ako dito ng isang matanda. Ang
barong ito’y katibayan.
ERMITANYO: Totoo nga! Ano naman ang sadya mo dito, Don Juan?
DON JUAN: Kailangan ko hanapin ang Reyno Delos Cristal.
ERMITANYO: Wala akong alam diyan pero maaaring matutulungan ka ng aking kapatid na
nasa ikapitong bundok. Sakyan mo itong Olikornyo.
[Scene 16]
[Scene 17]
AGILA: Tayo’y nandito na, mahal na prinsipe. Dito na kita iiwanan. Asahang sa ikaapat ng
madaling araw, lalabas ang hinahanap mo na magandang prinsesa kasama ang kanyang
dalawang kapatid. Ang loob mo ay tibayan at tandaan mo ang bilin ko sayo para
matagumpay ikaw. Magpapaalam na ako sayo. (exit)
DON JUAN: (waves) S alamat!
[Scene 18: Nakilala na ni Don Juan si Maria Blanca] nakatago si DON JUAN sa likod ng
isang bush, pinapanood ang tatlong magkakapatid. Nagandahan si DON JUAN kay MARIA
BLANCA. Nakatalikod si MARIA. Umalis si ISABEL at JUANA.
[Scene 19]
NARRATOR: Ang unang pagsubok na binigay ni Haring Salermo kay Don Juan ay dapat
patagin ang lupain sa bundok at itanim ang trigo. Dapat daw ito’y magiging almusal ng hari
paggising niya. Ginawa ito ni Donya Maria dahil imposible ang mga binibigay na pagsubok ni
Haring Salermo.
Ang pangatlo naman ay kailangang iusog ang bundok na nakikita ng hari sa kaniyang
bintana at ilagay sa dagat.
Ang hiniling ng hari kay Don Juan sa pangapat na pagsubok ay na itabon sa dagat ang lupa
ng bundok at gumawa ng isang malaking palasyo o kaharian.
Nung dumating ang panglimang pagsubok, sinadya ng hari na mawalan siya ng kaniyang
singsing sa dagat at sinabi niya kay Don Juan na ikuha iyon.
[Scene 21]