Ibong Adarna Script

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 8

“IBONG ADARNA”

Scene 1 (Palace)
narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang
naging bunga ng pagmamahalan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na
anak si Don Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at
ang maginoong totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na minamahal ng kanilang magulang.
don fernando: Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang mataas na pangalang mga
panta. Yamang ngayo’y panahon nang kayo’y tumalaga, mili kayo sa dalawa, magpari o
Magkorona?
don pedro : Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay aming
naiibigan.
don fernando: Ipinapagmalaki ko kayo mga anak…

Scene 2 (Don Fernando’s room)


narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan
niya ang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng
dalawang tampalasan.
(a short re-enactment of the king’s dream)
(Sa susunod na araw)…
(Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the ill king)
reyna valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa Iyo? (looks at husband
sadly)
astrologo: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng panagimpan, mabigat man at
maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag ito’y
narinig mong kumanta, ang sakit mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang
Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.
don fernando: Diego, anak, hanapin mo ang ibong adarna para ako’y gumaling na.
Huwag mong dalhin ang iyong kabayo sa paglalakbay sapagkat ito’y…. Sundin mo NALANG
ako.

Scene 3 (Mountain)
narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don Fernando si Don Pedro. Una
siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong buwan bago narating ang Bundok
Tabor kung saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna, siya
ay dumaan sa mga iba’t ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha lang ang
lunas para sa kanyang amang mahal .

don diego: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang aking kabayo…
narrator: Hanggang sa…
don diego: Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda ng kapaligiran lalong-lalo
na ang punong kahoy na ginto…
(Breathing Heavily)…(Walks toward the tree)….(sits under the tree)
(Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing)

don diego: (yawns, count 1234 silently and sleeps) (Ibong adarna drops on Don
Pedro)
(Don Pedro becomes stone)

Scene 4 (Palace) narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay
kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.
mga tao : Nasaan na kaya si Don Pedro? May pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na
hari? Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong
nakatatandang kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng
Tabor upang hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong makapaggagaling sa iyong ama
don pedro: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin… Kayang-kaya ko ito.

Scene 6 (Mountain)
narrator : Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Tabor na hindi nagpaalam sa
kanyang mga magulang. Inabot ng limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago
nakarating sa patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago makarating sa Piedras
Platas.
don diego : Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim
na ang gabi, ako’y mamahinga muna (sits on a rock (Ibong Adarna comes and sings)
don diego: (sleeps) (Ibong Adarna drops on the prince, then he becomes a rock.)
QUIERAH: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging batodin si Don Diego.

Scene 7 (King’s room)


reyna valeriana : (paces back and forth) Mahal ko, masama ang kutob ko sa
nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin?(worried)
don fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking pag-asang ako’y
gumaling na sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna.
don juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya…Paalam po sa inyo. (walks out of
the king’s room)

Scene 8 (Mountain)
narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya Valeriana na mawalay
ang pinakamamahal nilang anak ay wala silang magagawa dahil sa paghahangad ni Don
Juan. Kababaang loob at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang
paglalakbay. (Don Juan tryingly hikes)

matanda: Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom…


don juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking paglalakbay
matanda: Salamat po! Ano po ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang gantimpala sa
iyong kabaitan? Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo…
don juan: Huwag po, para po sa iyo itong tinapay. (Hermit disappears)
don juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small house and knocks)
matanda: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain.
don juan : (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging lunas lamang ay
ang Ibong Adarna.
matanda: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala pang tumatalo.
don juan : Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.
matanda: Ang punong kahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay
ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at
magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ika’y aantokin. Bawat kantang pakinggan
ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi
mo ito magagawa, ikaw ay magiging bata katulad ng iyong mga kapatid na sina Don
Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna.
Don Juan, hayo ka na, ito’y oras na talaga ng pagdating ng Ibong Adarna.

narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod niya ang
ipinayo ng matandang ermitanyo.
don juan: Nandito na ang ibon…(Bird sings and changes color)
don juan : (does the things that the hermit said and then gets the bird with the
rope) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon nang aking iligtas ang aking
mga kapatid.
matanda: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig at dahan-dahan mong
ibuhos sa dalawang bato.
don Pedro at don Diego : (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay mo…
matanda: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat kayo…
ang magkakapatid: Salamat po. Hanggang sa muli… (wave at the hermit)
narrator : Pauwi na ang tatalo sa kaharian,at isang masamang balakin ang nabuo sa
isipan ng nakatatandang kapatid na Bsinang-ayunan sa bandang huli ng ikalawang
kapatid.
don Pedro : Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin
natin ang ibong Adarna, ibigay natin kay ama, ipagmamalaki tayo ni ama at sa huli’y
tayo’y magiging hari ng Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa
atin sa huli…
don Pedro at don Diego: (punch Don Juan, grabs the ibong adarna and then runs away)

Scene 9 (King’s room)


don Pedro : Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong makakapag gamot sa
iyong karamdaman.
don Fernando : Nasaan si Don Juan?
don Diego : Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming kapatid. Ngunit bumalik
kami upang kayo ay gamutin. O ibong adarna, ikaw ay kumanta na.
(Ibong Adarna does not sing and turns ugly)
don fernando : Ano ang nangyari?!?!

Scene 10 (Mountain and Hermit’s house)


matanda: (appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe, malubha ang iyong sugat
hayaan mong gamutin ko ito.
narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi na si Don Juan dahil
sa tulong ng Ermitanyo.
don Juan : Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes the hermit’s
hand)

Scene 11(King’s room)


don Juan : Ama, ako’y nandito na…
don fernando : Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw na ay dumating.
narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang kumanta at
gumanda.
(Ibong Adarna sings)
reyna valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam?
don fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!
ibong adarna : Aba, Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng madlang hirap,
kamatayan ay hinamak at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y tinaksil ng iyong mga anak
na sina Don Pedro’t Don Diego.
don Fernando : Don Pedro’t Don Diego, ako ay hindi natuwa sa inyong ginawa. Ako’y
galit na galit sa inyo! Dahil diyan nais ko kayong ipatapon.
don Juan : Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y aking pinapatawad at
sana’y patawarin ninyo po sila ama. Nais po naming bantayan ang ibong adarna, bawat
isa sa ami’y may tatlong oras sa pagbabantay.
don Fernando : Magandang ideya iyan anak.
narrator: Magkasundong nagbantay sa ibon ang magkakapatid hanggang sa…
(Don Juan sleeps)
don Pedro : Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong Adarna. Gisingin mo
si Don Juan pagdating dito ay iwa’t huwag mo siyang halinhan.
don Diego : At paano naman siya tatanod ng makalawa?
don Pedro : Huwag kang mag-alala may magandang plano Ako. (Both exits)
don Diego : Juan, gumising ka na…
don Juan : (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ng tulog ko kagabi,
magpapahinga muna nga ako…(sits on the chair and sleeps)
don Pedro at don Diego: (Sneak towards the room and release the bird)
narrator : Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya angbukas na hawla ng Ibong
Adarna.
don juan : Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalis na sa palasyo para sa
ikabubuti ng aking mga kapatid, hindi ko gustong sila ay mapahamak. (runs away)
narrator : Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis na upang pagtakpan ang
ginawang kasalanan ng mga kapatid.
don fernando : Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?!
don diego : Ama, hindi po naming alam.
don Pedro : Ang alam lang naming ay si Don Juan ang huling nagbantay sa Ibong
Adarna….
don Fernando: Mga anak ko, hanapin ninyo ang inyong bunsong kapatid na si Don Juan
at iuwi ninyo siya dito sa palasyo…
don Pedro : Ama, wag po kayong mag-alala, aming hahanapin si Don Juan.

Scene 12
(Mountain)
narrator : Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’y sinalugsog upang hanapin si Don
Juan, ngunit sila’y walang nakita.
don Diego : (stops) Wala, wala si Don Juan…Ako’y pagod na pagod, Nasaan na kaya
siya?
narrator : Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa rin nakita si
Don Juan. Hanggang sa, nakita na rinnila si Don Juan sa Armenyang Kabundukan. Itong
Bundok ng Armenya’y isang pook na maganda at napapaligiran ng tanawing kaaya-aya.
Sa Armenya tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawa ng pagkukulang.
don Diego : Juan, sa wakas ay natagpuan ka na naming…
don Pedro : Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito.
don Diego : Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan, ang dami ng mga
masasamang bagay ang ginawa natin sa kanya.
don Pedro : Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo ang iyong loob at ang kahihiya’y
ipaglihim mo kay Juan.( says itto Don Diego silently) Kung ibig ninyong huwag nang
balikan
ang ating mga magulang, pabayaan mo na sila sa Berbanya’t dito na tayo tumira sa
Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating kapalaran sa ibang kaharian.
narrator : Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang akyatin nila ang
bundok na hindi pag nila nahahalughog.
don Juan : Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang tali nang dahan-dahan,
huwag ninyong bitawan hanggang aking sasabihin.
don diego : Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo.
don pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay.
dp : Kung gayon, ikaw ang mauna at kami nama’y bahala.
don pedro : (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang nakakatakot na dilim para
akong sinasakal. (Goes up)
don diego : Ako naman…(Goes down and then goes up) Ang lalim at ang dilim ng balong
ito…
don juan : Handa na akong pumasok sa balon (Goes down)
narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon.
don pedro : Ang tagal naman nitong si Juan!
don diego : Ano na kaya ang nangyari sa kanya?

Scene 13 (Inside the well)


narrator : Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay namangha sa ganda
ng palasyong gawa sa ginto at pilak at lalong-lalo na sa ganda ni Donya Juana.
don Juan : (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na prinsesa, ang ganda
mo’y nakakasilaw, gusto kong ipahayag sa iyo ang aking tunay na pagmamahal.
Juana : Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa
akin.
don juan : Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang aking buhay.
juana : May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan mo siyang matalo bago
ako’y mapasayo.
don juan : Kung gayon, gagawin ko ang lahat para sa iyo. (Giant appears) (Don Juan
gets sword and fights until the giant is dead)
don juan : Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay, balak kitang iuwi sa aking
kaharian.
juana : Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas ang aking kapatid na
si Donya Leonora mula sa serpyenteng nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.
don juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong hiling. (runs)

Scene 14 (Donya Leonora’s palace)


donya leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?
don juan : Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo laban sa
Serpyenteng nagbabantay sa iyo sa palasyong ito.
don juana : Serpyente! Papatayin kita! (runs toward the serpent)
narrator : Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya ng balsamo upang
ito’y hindi na muling mabuhay.
(Serpent appears and fights with Don Juan, every then dies)
donya Leonora : Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking hinahangaan.
don Juan : Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito. Kumapit ka sa akin
ng mahigpit at pupunta tayo sa Kaharian ng Berbanya.
narrator : Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego sa kanilang
bunsong kapatid nang muli itong magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa ilalim ng
balon. Dagdag pa rito si Leonorang pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.
(Donya Leonora holds Don Juan tightly)
narrator : Paalis na sana silang lahat upang magbalik sa Berbanya ngunit…
donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan. Paano na iyan?
don juan : Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong singsing. Babalik
rin ako. (Goes down)
narrator : Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang bunsong kapatid
at nagawa niyang….
don Pedro : (cuts rope)
donya Leonora : Huwag!
don Juan : (falls down and screams)
narrator : Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng Berbanya na kasama
ang magkapatid na prinsesa.

Scene 15 (Palace)
don Fernando : Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay, natagpuan ba ninyo
si Juan?
don Pedro : Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming nahalughog, siniyasat
naming ang bawat tumok, sapa, batis at ilog, ngunit hindi po naming nakita ang
iyong minamahal na si Don Juan.
reyna valeriana : Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?
don Fernando : Hindi ito maaari…
don diego : Ama, sila po’y magkapatid na prinsessang sa balon po tumitira, aming
niligtas sila sa kapahamakan.
don Pedro : Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais ikasal din kay
Donya Juana.
donya leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang kasal ng pitong
taon. Hiling ko naman po’y iyo akong bigyan ng silid upang doon ako matulog.
don Fernando : Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora. Ikaw naman, Donya
Juana, maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw ay ika’y ikakasal kay Don Diego.

Scene 16 (Donya Leonora’s room)


rmdobya Leonora : Aking alaga lobo, iligtas mo si Don Juang aking giliw upang siya
ay mapasaakin. Don Juan, ako’y nangungulila sa iyong pagmamahal! (cries)

Scene 17 (Mountain)

narrator : Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang gamutin ng lobong alaga
ni Leonora. Nang naging mabuti ang pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.
ibong adarna : Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca ng kahariang
Cristalinos at kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang payo ko ay makabubuti sa iyo.
(flies away)
(Man goes to Don Juan)
don Juan : Tulungan ninyo po ako. Ako po ay naglakbay patungo sa De los Cristal
ngunit hindi ko po iyon makita.
tao : Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay. Doon ay may
ermitanyong sasalubong sa iyo, ang barong na ito’y ipakita mo sa kanya. (gives the
barong) Kaya humayo ka na’t baka ikaw ay didilimin sa daan.
don juan : Salamat po.

Scene 18 (Palace)
don pedro : (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw,pakiusap buksan mo
itong pinto.
donya Leonora : (crying) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako ay maghihintay kay
Don Juan, siya ang tunay kong minamahal at hindi ikaw!
don Pedro : Kahit anong mangyari ay hihintayin kitang buksan ang iyong puso para sa
akin. (sadly goes out)

Scene 19 (Mountain)
matanda : Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo!
don Juan : (gives the baro)
matanda : Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawad sa aking inasal, ano po
ba ang ipaglilingkod ko sa iyo?
don Juan : Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Reyno de los Cristales?
matanda : Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ng aking alagang agila.

Scene 20 (Lake)
narrator : Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong ng agilang
alaga ng ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay Donya Maria Blanca ay nabihag
na ang kanyang puso.
don Juan : O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahanga sa iyong kagandahan,
pakay ko ay maglahad ng aking pag-
irog sa iyo. Ako si Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligaya
habang-buhay.
donya Maria Blanca : Huwag kang maingay at baka marinig tayo ni ama.
don Juan : Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilala ng aking sarili sa
iyong ama.

Scene 21 (Haring Salermo’s palace)


haring salermo : Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano ang iyong
sadya?
don Juan : Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan,ako’y nanggaling sa kaharian
ng Berbanya at nandito po ako upang magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak
na si Donya Maria Blanca.
haring salermo : Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat mong
pagtagumpayan kung hindi, ikaw ay mamamatay.
don Juan : Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari.
haring salermo : Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang bundok upang
pagtaniman ng trigo, patubuin, pagkatapos anihin at sa aking paggising ay may
tinapay na akong aalmusalin.
narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng kapangyarihan ni
Donya Maria Blanca.

haring salermo : Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong hulihin ang
labindalawang maliliit na mga negrito na aking pawawalan sa laot ng karagatan at sa
huli’y sila ay isisilid mo sa prasko.
narrator : Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya Maria.
haring salermo : Ang huli mong pagsubok ay ang pagpapaamo ng aking kabayo.
narrator : Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya Maria. Pagkatapos
ng kanyang huling hamon, pinapunta ni Haring Salermo si Don Juan sa isang kwarto na
may tatlong pinto na may butas na nakalitaw ang mga hintuturo ng mga prinsesa.
haring salermo : Ituro mo kung saan ang hintuturo ni Donya Maria Blanca.
(Don Juan points)
narrator : Sa tulong ng mahika ni Donya Maria ay nagtagumpay si Don Juan.
haring salermo : Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking anak…
donya Maria Blanca: Wala na ho kayong magawa, ama. Ako’y sasama kay Juan at
mamumuhay ng mapayapa. (runs with Don Juan)
haring salermo : Pagsisisihan ninyo ito, hindi kayo magtatagumpay at magiging
masaya magpakailanman! (dies because of heart attack)

Scene 22 (Nayon)
narrator : Pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si Donya Maria.
don juan : Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang magbigay alam sa lahat na
tayo’y magpapakasal. Babalikan kita.
donya Maria Blanca: Mag-ingat ka’t balikan mo ako…
don Juan : Pangako…

Scene 23 (Palace)
narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay Donya Maria…
donya Maria : Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’t ikaw ay bumalik para sa akin…
Amang hari, ako po’y magpapakasal kay Don Juan. Siya po ang aking tunay na mahal.
don Fernando : Kung gayon, kayo’y ikakasal.

Scene 24 (Nayon)
JAMILLA : Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat ito mangyari… Siya ay para sa
akin lamang.

Scene 25 (Palace)
narrator : Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang magarang karosa at
suot ang isang napakagandang kasuotan. At siya ay naghanda ng palabas tungkol sa
pag- iibigan nila ni Don Juan upang muli siyang maalala nito.
reyna valeriana : Magandang pagdating, Emperatris.
don Fernando : Itigil muna natin ang kasal upang ating ipakita sa Emperatris ang
ating malugod na pagtanggap sakanya.
donya Maria Blanca : Ako’y maghahandog ng palabas sa inyo na pinagbibidahan ng mga
maliliit na mga negrito
narrator : Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni Don Juan si Donya Maria.
Kalaunan, nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang sumpa kay Donya Maria sa
pamamagitan ng pagsasalaysay nito at ng mga negrito ang mga pangyayari.
don Juan : Ikaw nga, ang Mariang aking mahal… Tayo’y magpapakasal ngayon din.
donya leonora : Hindi! Akin si Don Juan , sa akin siya magpapakasal.
don Juan : Leonora, aking ama tunay ko pong mahal si Donya Maria.
narrator : mabilis na umalis si HARING FERNANDO UPANG MAKA USAP ANG ARSOBISPO. At
kinabahan ang lahat sa paghihintay ng sagot.
don Fernando : Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si Don Pedro’y ikakasal kay Donya
Leonora at si Don Juan ay para kay Donya Maria.
donya Leonora : Kung saan ka masaya Don Juan ay doon din ako. Tanggap ko nang
kayo’y magpapakasal kay Donya Maria.
donya Maria Blanca: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora)
narrator : ikinasal sina Don Pedro at DOnya Leonora, kasabay sa kasal nina Donya
Maria Blanca, at Don Juan.
tao : Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!
don Juan : Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid, kami ni Maria ay uuwi na
sa Cristalinos upang doon manirahan at mamuno ng mapayapa.
PJ: Paalam sa inyong lahat!

narrator : Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro At nagbalik naman sina Don
Juan at Donya Maria sa Kaharing Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay…
At dito nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna.

You might also like