Mgapag Aalsangpolitikalekonomikoatpanrelihiyon 190121131423

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MGA PAG-AALSANG

POLITIKAL, PANRELIHIYON AT
EKONOMIKO

PREPARED BY: MIGUELA P. SOCIA, LPT


ASINAN ELEMENTARY SCHOOL
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
POLITIKAL
Pag-aalsa ni 1574 Hindi pagtupad sa ipinangako
Lakandula ng gobernadora Heneral Miguel
Lopez De Legaspi na malibre sa
pagbabayad ng buwis at polo
ng mga kaanak ni Lakandula
ang huling hari ng Maynila
Pag-aalsa ng mga 1587- Ninanais ng mga Datu-sa
Datu ng 1588 pangunguna ni Salamt Martin
Tondo(Pagsasabwa Pangan, Juan Banal at Pedro
tan sa Tondo) Balingit –na mabawing muli
ang kanilang Kalayaan at
karangalan
PANRELIHIYON
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ng mga 1601 • Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng
Igorot Hilagang Luzon sa Kristiyanismo alinsunod sa
utos ni Gobernador Heneral Francisco de Tello
de Guzman
• Hindi matagumpay ang mga Espanyol na
ipasailalim ang mga Igorot.

Pag-aalsa ni Bancao 1621 • Pinamumunuan ni Bancao ng Carigara na


lumaban sa Simbahang Katoliko ng Leyte.
• Katuwang ang babaylan na si Pagali ay
nagtayo ng mga dambana para sa mga anito
at hinikayat ang ilang bayan na sumapi sa
kanila at makilahok sa pag-aalsa. Nasupil
ang kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo si
Bancao
Panrelihiyon
Pag-aalsa ni Tamblot 1621-1622 Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo
sa pamumuno ng dating babaylan na si
Tamlot. Isinagawa ito pagsapit ng
kapistahan ng St. Francis Xavier. Nasupil
and pag-aalsa pagsapit ng Bagong Taon
1622.
Pag-aalsa ng mga 1625-1627 Pinamumunuan nina Miguel Lanabng
Itneg Cagayan at Alababan ng Apayao.
Pinugutan ang ng ulo ang dalwang
misyonerong Domincan at hinikayat ang
mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga
imahen ng santo at sunugin ang mga lokal
na simbahan bilang protesta sa sapilitang
pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo.
Nasupilnoong 1627 sa utos ni Gobernador
Fernando de Silva.
PANRELIHIYON
Pag-aalsa ni Tapar sa 1663 Pinamumunuan ni Tapar ng Iloilo na
Panay naghahangad na magtayo ng bagong
sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton
kung saan ay kikilalanin siya bilang “Diyos
na Makapangyarihann.”
Agad na nasupil at pinatay ang mga
lumahok sa rebelyon
Pag-aalsa ni Dagohoy 1744-1829 Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de
sa Bohol barangay, dahil sa pagtutol ng Kura na
bigyan ng marangal na libing ang kaniyang
konstableng kapatid.
Pag-aalsa ni 1840-1841 Nagalit si Apolinario Dela Cruz o Hermano
Apolinario Dela Cruz Pule dahil tinaggihan siyang maging pari at
sa Tayabas kilalanin ang kanyang samahang Confradia
de San Jose
Dinakip at pinatawan ng kamatayan.
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Magalat 1596 Kasama ang kanyang kapatid, tinutulan ni
Magalat , isang rebelde mula sa Cagayan
ang di makatuwirang paninigil ng buwis ng
mga Espanyol.
Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga Indio
na nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.
Pag-aalsa ni Ladia sa 1643 Pinamumunuan ni Pedro Ladia-isang Moro
Malolos Bulacan na taga Borneo na naniniwalang mula siya
sa lahi ni Lakandula.
Kinumpiska ang kaniyang ari-arian ng mga
Espanyol na nagtulak sa kaniya na mag-alsa
laban sa mga mananakop
Dinakip at dinala sa Maynila kung saan siya
sinentensiyahan ng kamatayan
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Sumuroy 1649-1650 Pinamumunuan ng Waray na si Agustin
Sumuroy ang pag-aaklas laban sa Polo y
Servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran ng
polo ang mga Waray ay ipinadala sa mga
pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa
kanilang tirahan.
Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite
at umabot sa Mindanao,Bicol, Cebu,
Masbate,Camiguin, Zambaoanga at
Hilagang Mindanao.
Humina ang [ag-aalsa hagggang sa
tuluyang masupil ng madakip at ipapatay ng
mga Espanyol si Sumuroy at iba pang
lumako sa pag-aalsa.
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Maniago 1660-1661 Pinamumunuan ni Francisco Maniago ng
Mexico Pampanga. Pagtutol sa mga
Kapampangan sa sapilitang paggawa sa
mga galyon sa hindi pagbabayad ng
pamahalaan sa mga biniling palay mula sa
mga magsasaka.
Nasupil ni Gobernador Heneral Sabiniano
Manique de Lara gamit ang “divide and rule
policy.
Pag-aalsa ni Malong Sa 1660-1661 Pinamumunuan ni Andres Malong.
San Carlos Pangasinan Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga
Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong
katutubong nagtratrabaho sa pagawaan ng
barko. Kinalaban ang mga opisyal na
Espanyol at hindi ang mga pari o ang
simbahan. Agad nasupil ng mga Espanyol.
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Almazan 1661 Pinamumunuan nina Don Pedro Almazan- isang
sa San Nicolas Laoag mayamang pinuni ng Laoag na konotonahan
Ilocos Norte noong 1660 bilang hari ng Ilocos at Juan
Magsanop- pinuno ng Baccarra
Nagsagawa ng pag-aalsa bilang pagsuporta sa
ipinaglalaban ni Malong ng Pangasinan.
Matapos niyang ipapugot ang ulo ng mga prayleng
Dominican na si Jose Santa Maria at Augustinian
na si Jose Arias. Nadakip si Almazan, ibinigti sa
plaza at tuluyang natigil ang rebelyon.
Pag-aalsang Agrarayo 1745-1746 Malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng
sa Katagalugan rehiyo ng Katagalugan sa pangunguna ng ng mga
lalawigan ng Batangas, Laguna at Cavite dulot ng
pangangamkam ng mga prayle sa kanilang mga
lupa. Hindi nagging matagumapay bagkus walang
lupang naibalik sa mga magsasaka.
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Maniago 1660-1661 Pinamumunuan ni Francisco Maniago ng
Mexico Pampanga. Pagtutol sa mga
Kapampangan sa sapilitang paggawa sa
mga galyon sa hindi pagbabayad ng
pamahalaan sa mga biniling palay mula sa
mga magsasaka.
Nasupil ni Gobernador Heneral Sabiniano
Manique de Lara gamit ang “divide and rule
policy.
Pag-aalsa ni Malong Sa 1660-1661 Pinamumunuan ni Andres Malong.
San Carlos Pangasinan Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga
Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong
katutubong nagtratrabaho sa pagawaan ng
barko. Kinalaban ang mga opisyal na
Espanyol at hindi ang mga pari o ang
simbahan. Agad nasupil ng mga Espanyol.
EKONOMIKO
Panyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni Diego 1762-1763 Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at
Silang at Gabriela pagnanais na palayasin ang mga Espanyol.
Silang Pinatay ang kanyang kaibigang si Miguel
Vicos.
Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si Gabriela at
binitay.
Pag-aalsang Basi 1807 Pinamumunuang ni Pedro Ambaristo
sakasalukuyang Piddig, Ilocos Norte.
Nag-ugat sa paghigpit ng mga Espnayol sa
produksiyon at pagbebenta ng basi-isang uri
ng alak na mula sa tubo. Ipinagbawal ang
pribadong produksiyon ng alak. Dahil ditto
napilitan ang mga Ilocano na bumili ng basi
ng mas mataas na halaga. Makalipas ng ilang
Linggo sa pag-aalsa ay nasupil din ito agad.
PAGSASANAY:
Tukuyin kung pag-aalsang panrelihyon, ekonomiko o politkal ang
sumusunod. Ilarawan ang mga mahalagang tagpo sa pag-aalsa. Isulat ang
sagot sa inyong kuwaderno.
1. Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz-______________
2. Pag-aalsang Basi-_________________
3. Pag-aalsang Bancao_______________
4. Pag-aalsa ni Diego Silang__________
5. Pag-aalsa ni Lakandula____________
6. Pag-aalsa ni Almazan_____________
7. pag-aalsa ng ,ga Datu ng Tondo_____________
8. Pag-aalsa ni Magalat___________________
9. Pag-aalsa ni Maniago___________________
10.Pag-aalsa ng mga Itneg_____________________

You might also like