Ang Pandaigdigang Pangyayari Tungo Sa Pag-Usbong NG Pakikibaka

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ANG PANDAIGDIGANG

PANGYAYARI TUNGO SA
PAG-USBONG NG
PAKIKIBAKA NG BAYAN
PAG-USBONG NG LIBERAL NA IDEYA

 Epekto ng pag-unlad ng makabagong agham


at rebolusyon sa iba’t-ibang panig ng mundo
ang pag-usbong ng liberal na ideya. Ginamit
ito upang mapaunlad ang buhay ng tao.
Nagkakaroon ng pagbabagong pampulitika,
pangkabuhayan, panrelihiyon, at edukasyon
dahil sa kaisipang liberal. Ito ang tinatawag
na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment .
ANG PAGBUBUKAS NG PILIPINAS SA
PANDAIGDIGANG KALAKALAN (1834)
 Sapagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang
kalakalan, umunlad ang ekonomiya ng bansa. Sa pag-
unlad ng kabuhayan ng Pilipinas, marami ang yumaman
at ang mga anak ng mga ito ay nakapag-aral. Nakapasok
din ang liberal na ideya at mas maunlad na kaisipan.
Lumaki ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging
Malaya at matamasa ang mga karapatan sa isang
malayang bayan. Ang kaisipang ito na ikinagalit ng mga
Espanyol ay tinatawag nilang FILIBUSTERISMO o
SUBERSIBONG KAISIPAN.
ANG PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL
(1869)

 Nang mabuksan ang Suez Canal ng Egypt para


sa sasakyang dagat, nagging maikli ang
paglalakbay at napadali ang komunikasyon
mula sa Maynila patungong Espanya. Naging
madali at mabilis din ang pagpasok ng mga
dayuhang may dala-dalang iba’t ibang ideya at
kaisipang liberal na gumising at nagpamulat sa
isipan ng mga Pilipino.
PAGBABAGO NG ANTAS SA LIPUNAN
 PENINSULARES- mga Espanyol na ipinanganak sa
Espanya.
 INSULARES- mga Espanyol na ipinanganak sa
bansang kolonya ng Espanya tulad ng Pilipinas.
 MESTISO- mga anak ng mga Pilipino na nahaluan
ng dugong Espanyol o Tsino.
 PRINCIPALIA- ang mga mayayamang mamamayang
Pilipino.
 ILUSTRADO- mga Pilipinong nakapag-aral.
 INDIO- itinuturing na pinakamababang antas o uri
ng katayuan sa lipunan, katutubong Pilipino.
PAGKAKAROON NG PANGGITNANG
LIPUNAN NA NAKAPAG-ARAL
Ang mga Pilipinong nakaangat sa
lipunan ay nakapag-aral. Sila rin ay
naglakbay at nag-aral sa ibang
bansa. Silay ay humiling ng
pagbabago sa Espanyol.
PAGPAPATIBAY NG DEKRETONG
EDUKASYON NG 1863
 Ipinag-utosng Hari ng Espanya ang
pagtatatag ng paaralang primary para sa
mga lalaki at babae sa bawat lalawigan
noong 1863. Ipinag-utos din niya ang
pagpapatayo ng paaralang normal para
sa mga guro sa ilalim ng pamamahala ng
mga Heswita. Sapilitan at walang bayad
ang pag-aaral sa primary. Wikang
Espanyol ang ginagamit sa pagtuturo.
Mga iba pang Ginawa ng mga Espayol na
Gumising sa Diwang Makabayan ng mga
Pilipino
 Pagpapalaganap ng isang relihiyon
 Pagbibigay ng isang pangalan sa mga
lupain na dati ay nahahati sa mga
barangay at sultanato.
 Pang-aabuso at pagmamalupit.
 Paniniwala ni Gobernador Carlos Maria
dela Torre sa liberalism.
 Ang pagbitay ng mga Espanyol sa tatlong
paring martir.

You might also like