Aralin 2 & 3
Aralin 2 & 3
Aralin 2 & 3
PANGUNAHING IDEYA
- dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa
- nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi (organized
markers) upang makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya
• PANTULONG KAISIPAN
- inilalagay upang maging pantulong kaisipan
- mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais
matanim o maiwan sa kanila
May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala
at iba pa.
Gumagamit ng paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang
detalye at nang tumatak sa isipan ng mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang
tinatalakay
Ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang
nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay,
mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa
tekstong deskriptibo.
Mga pang – uri at pang – abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan,tagpuan,mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama’t mga pang-uri at pang abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng
tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng
paggamit ng mga pang-ngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng
pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba pa
DAPAT TANDAAN!!!
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tektong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri
ng teksto. Ang pag lalarawan kasing ginagawa sa tekstong dekriptibo ay laging kabahagi ng iba pang
uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangan ilarawan ang mga tauhan,
tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.
Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib, o
paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong
prosidyural. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng
teksto.
2 URI NG PAGLALARAWAN
SUBHETIBO
◦ Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamangimahinasyon at
hindo nakabatay sa katotohonan sa totoong buhay.
◦ Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawansa mga tekstong naratibo tulad ng mga tauhan sa
maikling kwento. Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga tauhan kaya’t ang lahat ng mga
katangiang taglay nila ay batay lamang sa kanyang imahinasyon.
OBHETIBO
◦ Ang paglalarawan kung ito’y may pinagbabatayangkatotohanan.
Halimbawa:
“kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala
rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa
ELLIPSIS
◦ May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin
sa mambabasa ang pangungusap dahil makakatulong ang unang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng pangungusap
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si R ina nama’y tatlo. ( nawala ang salitang bumuli gayundin
ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan parin ng mambabasa na tulad ni
Gina, siya’y bumuli rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
PANG-UGNAY
◦ Nagagamit ang mga salitang pangugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa
o tagapakinig ang relasyon sapagitan ng mgapinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
KOHESYONG LEKSIKAL
◦ Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri sa
dalawa: REITERASYON at ang KOLOKASYON
1. REITERASYON
◦ Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauuri sa tatlo: pag - uulit o
repetisyon, pag - iisa - isa, at pagbibigay - kahulugan
a. PAG-UULIT O REPETISYON
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtratrabaho na sa murang gulang pa lamang
b. PAG-IISA-ISA
Halimbawa:
Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa,atampalaya.
c. PAGBIBIGAY KAHULUGAN
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
sila kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.
2. KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha omaaari ding magkasalungat.
Halimbawa:
Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog, doctor-pasyente, puti-itim, maliit - Malaki,
URI NG TAYUTAY
A. SIMILI O PAGTUTULAD
Tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa
pamamagitan ng mga salitang “tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at
katulad.
Halimbawa
Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.
B. METAPORA O PAGWAWANGIS
Tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi na kailangang gamitan ng mga salitang
naghahayag ng pagkakatulad.
Halimbawa
Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
C. PERSONIPIKASYON o PAGSASATAO
Tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang
buhay.
Halimbawa
Naghahabulan ang malakas na bugso ng hangin.
D. HYPERBOLI O PAGMAMALABIS
Tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang
pagpapakahulugan.
Halimbawa
Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking hinaharap.
E. ONOMATOPEYA O PAGHIHIMIG
Tumutukoy sa paggamit ng mga salitang may pagkakatulad sa tunog at bagay na
inilalarawan.
Halimbawa
Malakas ang dagundong ng kulog.
Dinig na dinig ko ang tik – tak ng orasan.