Lesson 7 FINAL

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Filipino


Introduksiyon sa Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Panuto: Balikan ang ilan sa iba’t ibang komponent ng kakayahang
pangkomunikatibong tinalakay sa nakalipas na aralin. Isulat ang
kahulugan nito ayon sa iyong pagkakaunawa. (10 puntos)
1. Kakayahang Lingguwistiko/Gramatikal-
___________________________________.
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko-
____________________________________.
3. Kakayahang Pragmatik-
____________________________________.
4. Kakayahang Istratedyik-
____________________________________.
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Kahulugan at Katangian ng Pananaliksik

Ang pananalikisk o riserts ay isang maingat


at detalyadong pag-aaral ng isang tiyak na
suliranin, konsern o isyu sa pamamagitan ng
paggamit ng siyentipikong pamamaraan o
metodo.
Isang gawaing lubhang pinag-iisipan ang pananaliksik.
Nangangailangan ito ng lohikal at kritikal na pagsusuri sa mga
kaalamang ipapaloob dito. Hindi dapat isama ng mananaliksik
ang kaniyang sariling opinyon o pananaw ukol sa isang
paksang pinag-aaralan bagkus nararapat na nakasandig ang
mga ito sa katibayan na maaring nagmula sa siyentipikong
pag-aaral na napatunayan na o di kaya ay siyang lumabas sa
isinagawang pagsisiyasat ng mga eksperto sa larangang ito.
Maraming tao ang nagtuturing sa
pananaliksik bilang isang mahirap na
gawain subalit mapapatunayan mong
mapadadali at mapagagaan ang pagbuo
nito kung patuloy kang magsasanay.
Mga Katangian ng Pananaliksik
1. Ang pananaliksik ay isang sistematiko at
kritikal na pagsusuri ng isang phenomenon.
2. Ito ay yumayapak sa siyentipikong pamamaraan
o metodo.
3. Ito ay obhetibo at lohikal.
4. Ito ay batay sa naobserbahang karanasan o
empirikal na katibayan.
Mga Katangian ng Pananaliksik

5. Ang riserts ay tumutugon sa paghahanap ng


kasagutan sa mahahalagang katanungan at
solusyon o kalutasan sa mga problema o suliranin.
6. Ito ay nagbibigay-diin sa pag-unlad ng mga
pamantayan o teorya.
Responsibilidad ng Mananaliksik
Gaya nga ng nabanggit na sa mga naunang natalakay ang
pananaliksik ay isang komprehensibong gawain lalo na sa mga mag-
aaral. Tunghayan ang ilang responsibilidad ng isang mananaliksik:
1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamapamaraan
3. Pagkamasistema sa Gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsable
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik

1. Pagpili ng mabuting paksa


 Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay
ang masusing pag-unawa sa paksa. Napakahalagang piliing
mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang
sulating pananaliksik.
 Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan
sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabubuo
ng isang makabuluhang sulatin.
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
 Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka ng
iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng
iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang
tanong na maaring gumabay o magbibigay
direksiyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.
❖ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong
maglahad ng impormasyong magpapatunay sa pinapanigan
kong posisyon?
❖ Sino ang aking mambabasa? Ang guro lang ba ang
makababasa ng sinulat ko? Sino pa kaya ang makababasa?
❖ Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin
ko? May sapat bang sanggunian upang magamit ko sa
pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis?
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
 Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang
mangalap ng iyong mga sanggunian. Maari ding
makakuha ng mga impormasyon mula sa internet. Maging
maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha
sa internet sapagkat maraming impormasyon mula rito ang
kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa
epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga
aklat at ng internet.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
 Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong
balangkas upang magbigay direksiyon sa
pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung
ano-anong material pa ang kailangang hanapin.
Maaring gamitin ang mga inihanda mong card ng
bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng
iyong balangkas.
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking
 Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at
Card ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa
mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin.
Basahing mabuti at mula sa mga ito magtala ng
mahalagang impormasyong magagamit sa
susulatin.Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng tala:
ang tuwirang sinipi, hawig, at buod.
Tuwirang sinipi kung ang tala ay direktang sinipi mula sa
isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula at dulo ng
sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina
kung saan ito mababasa.Buod kung itoy pinaikling bersiyon ng
isang mas mahabang teksto. Itoy maikli subalit nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang
pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng tala.Hawig kung binago
lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig
sa orihinal.
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o
Final Outline
 Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin
ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangaks
ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong
burador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
 Mula sa iwinastong balangkas at mga card ng tala ay
maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador.
Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat
magkaroon ng introduksiyon na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan
na kababasahan na pinalawig o nalamnan ng bahagi ng
iyong balangkas,
at ang iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng buod
ng iyong mga natuklasan sa iyog pananaliksik. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.
Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay
payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at
kaayusang panggramatika; pormal ang anyo at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
 I proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga
bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng pangungusap,
ang baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng
pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maari ng
pumili ng tiyak na pamagat ng iyong susulatin.
Ihanda na rin ang paunang salita, talaan
ng nilalaman at pinal na bibliyograpiya. Para
sa sangguniang nagamit mo para sa aktuwal
na pagsulat ay huwag kalimutang magbigay
ng pagkilala sa may-ari o manunulat ng mga
ito sa pamamagitan ng talababa at
bibliyograpiya.
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan
ang mga sumusunod:
❖ Pangkat pangkatin ang mga ginamit na sanggunian,
Pagsamasamahin ang mga aklat, pahayagan, website, at iba pa.
❖ Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng awtor gamit
ang apelyido bilang basehan.
❖ Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng
pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay American
Psychological Association (APA), maaring sundan ang
sumusunod na pattern para maisulat ang mga ginamit na
sanggunian.
Para sa mga Aklat

✓ Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng


Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
✓ Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng
Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng
Pahayagan o magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #.
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet

✓ Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “ Pamagat ng


Artikulo o Dokumento.” Pamagat ng Publikasyon.
Petsa kung
kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address
simula sa http://.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
 Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang
naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka
na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type
na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.
ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at
pag-iingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba.
Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa kanyang
isinusulat at mapanindigan niya ang anumang produktong
ginawa niya sa lahat ng oras.Bagama’t bukas na ang lahat ng
source o sanggunian dahil na rin sa teknolohiya, kailangan
pa rin ng isang mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa
kanyang mga mambabasa ang pinagmulang sanggunian
anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang
pananaliksik.
ETIKA NG PANANALIKSIK
Sa pagsasabatas ng 9 Intellectual
Property Rights, kailangan ang mahigpit na
pagsunod sa mga probisyon nito upang
makaiwas sa anumang kasong sibil at
kriminal na maaaring kahantungan ng isang
mananaliksik.
Narito ang ilang matatawag na Etika ng
Mananaliksik:
1.Paggalang sa Karapatan ng Iba Kung
gagamitin bilang respondent ang isang
pangkat ng mga tao anuman ang antas na
kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang
paggalang o respeto sa kanilang karapatan.
Hindi maaaring banggitin ang kanilang
pagkakakilanlan kung wala silang pahintulot.
2.Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang
confidential Kinakailangang tratuhin ang
lahat ng datos at detalye na kuha mula sa
survey, interview o anumang paraan na
confidential. Nasa sariling pamamaraan ng
mananaliksik kung paano niya ilalahad ang
kabuuan ng mga detalye nito.
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
Ang anumang pahayag sa kabuuan ng
sulating pananaliksik ay nararapat na
matapat at naaayon sa pamantayan ng
pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang
anumang natuklasan para lamang
mapagbigyan ang pansariling interes o
pangangailangan ng ilang tao.
4. Pagiging obhetiko at walang kinikilingan Ang
isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.
Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta
ng kanyang pananaliksik nang walang pagkiling
sa sinuman. Dapat ay maging patas siya sa
lahat.Kinakailangang maibigay kung ano talaga
ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga
tao, institusyon, at iba pa na sangkot sa kanyang
ginawang sulating pananaliksik.
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang
magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo
hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring
maghanap ng mga kasagutan para sa mga
katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga
lumikha ng gulong at ang mga nagsipagtala ng mga
paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit
nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa
pagsasaliksik dahil kay Galileo noong 1500.
Pagsagot sa mga katanungan: ( 15 puntos)
1.Bakit kinakailangang limitahan o gawing tiyak ang
isang napakalawak na paksa?
_____________________________________________
2.Paano makatutulong ang proseso ng paglilimita sa
paksa sa pagiging maayos at makakatotohanan ng isang
sulating pananaliksik?
_____________________________________________
Pagsagot sa mga katanungan: ( 15 puntos)
3.Bilang isang bagong mananaliksik, ano sa palagay mo
ang pinakamahirap na bahagi sa mga hakbang sa
maayos na pananaliksik.
_____________________________________________
_____________________________________________

You might also like