Makatang Pilipino
Makatang Pilipino
Makatang Pilipino
NG
ISANG BAGSAK
(PORFOLIO PARA SA PILIPINONG AT PILING LARANGAN)
ABSTRACT
I. LAYUNIN
1. PANGKALAHATAN
Daan upang matutunan ang panagalawang yugto sa edukasyon at maihanda ang sarili
sapagsuong at pagharap sa buhay kolehiyo.
2. TIYAK
B1. Makitaan ng pagkatuto sa pangangailangan at kahalagahan ng Edukasyon sa buhay ng
tao.
B2. Pagbabago at pagmamanipula ng ugali ng bawat isa upang magkaroon ng maayos,
matiwasay, at masayang pakikitungo at pakikisama sa bawat isa.
B3. Unti-unting pagtanda sa puso, sa isip, at sa gawa.
B4. Maihanda ang sarili sa pagbuo ng pangarap na dapat abutin sa susunod pang mga taon.
B5. Pagintindi at pagharap sa responsibilidad bilang isang mag-aaral, mamamayan at
personalidad sa lipunang ginagalawan.
II. KONTENT
1. Tinuturing na ang high school ay ang pinakamasaya at pinaka di-malilimutang parte sa
buhay ng isang mag-aaral.
2. ‘Ang isang bagay na pinapangarap at ninanais natin ay magkakaroon ng katuparan sa gitna
ng pagsubok kung tayo’y magpapakatatag at lalaban sa mga bagyong hahadlang dito.’-Ang
Nara, ang Bagyo, at ang Alaala ni Ofelia Silapan
3. Nahuhubog ang pagkatao ng isang tao simula sa kanyang pagkabata. Kung paano siya
pinalaki ng kanyang mga magulang iyon ang kanyang pagkakatandaan.- Paalam sa
Pagkabata ni Nazareno D. Bas
4. Nasasalamin sa personalidad ng isang nilalang kung saan siya galing na pamilya, batay sa
kanyang ugali, pananalita, pagkilos at pakikisalamuha sa kanyang kapwa tao- Paalam sa
Pagkabata ni Nazareno D. Bas
5. Ang bata ay dapat na mahubog nang maayos upang maging isang mabuting mamamayan.-
Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D. Bas
6. Malakas ang puwersa ng mga kabataan dahil taglay nila ang talino, mulat na kaisipan at
lakas ng katawan upang ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan.- At Ngayo’y
Nagbangong Bagong Pilipino ni Ruben Vega.
7. Ang kahirapan ay huwag mong gawing dahilan upang hindi ka makatapos ng pag-aaral at
hindi mo maabot ang iyong ambisyon.
8. Sinasabing ang buhay ay makulay kung ito ay puno ng mga pagsubok, at sa pagsuong sa
buhay high school ay tiyak na haharap ang isang mag-aaral sa iba’t-ibang uri ng pagsubok.
9. Walang taong nagiging matatag at nagtagumpay na hindi sumuong sa napakabigat na mga
suliranin at mga dagok sa buhay.
10. Ang mag tinik na iyong daraanan sa pagtahak mo sa landas ng tagumpay ay gawin mong
insiprasyon.
III. PUNA/OBSERBASYON
1. Marami ang hindi nakatatapos ng high school dahil sa kahirapan at pinansyal na
kakulangan.
2. Kakulangan ng gabay ng mga magulang.
3. Maliit ng posyento lamang ng populasyon sa Pilipinas ang nakapag-aaral ng maayos, tuloy
tuloy at may sapat ng pangtustos.
4. Kawalan ng interes ng mga mag-aaral dahil sa modernong teknolohiya at iba’t-ibang
pampalipas oras.
5. Kakulangan ng mga magagaling na guro, pasilidad at kagamitang pampaaralan.
IV. KONKLUSYON
Totoong napakihirap maging isang high school. Ngunit sa kabilang banda, hindi ba’t
masarap maranasan ang mga bagay na pinaghirapan at ginamitan ng matinding
determinasyon? Ang pagbuo ng mga pangarap ay nagsisimula sa pagtungtong mo pa lamang
sa iyong unang taon sa high school. Mula rito ay matututo kang sumuong sa iba’t-ibang mga
gampanin sa buhay. At sa pamamagitan ng mga ito ay maihahanda mo ang iyong sarili sa
pagharap at pagsalo ng isang responsibilidad na bubuo sa iyong pagkatao hindi ngayon,
maaring sa mga susunod pang mga taon, lalung-lalo na, sa tamang panahon.
SINTESIS
Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang
isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa
utak at hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula
sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring
pangmatagalan o pabalik-balik.”(news.abs-cbn.com/current-affairs-program)
Pagbuod
Maraming tao ang nakararanas ng depresyon sa mundo. Ang depresyon ay isang sakit
na di gaanong pinapanasin dahil natural itong nararanasan ng mga may-edad o matatanda.
Para sa iba isa lamang itong sakit sa pagiisip na magagamot ng anti-depressant.
Pagdadahilan
Ang depresyon sa kabataan ay napapanahon ngayon. Iba ang dulot ng depresyon sa
utak ng mga kabataan. Kadalasan ito ay problemang dumadaan lamang pero minsan ito ay
nagpapatuloy ng pangmatagalan, na nagdudulot ng pagwakas sa sariling buhay. Ang
eksaktong sanhi nito ay di nalalaman dahil ito ay nasa utak lamang na kahit sino ay di
magagawang makita o mabasa. Ang utak ay gumagawa ng kemikal nakakaapekto sa pagiisip
ng utak, kung walang balanse ang kemikal ito ay makakaapekto sa pagiisip na maaring
magdulot ng problema. Maaring namang namamana ang depresyon. Maaring may negatibong
pagiisip ang mga magulang na manana na napasa sa kanyang anak. Isa pang maaring
pagsimulan ng depresyon ay ang stress na nararanasan sa bahay, paaralan, at sa lipunan.
Sumakatuwid, walang eksaktong dahilan ang depresyon.
Komparison/Kontrast
Ang depresyon sa kabataan at matatanda ay magkaiba. Sa mga matatanda ang
depresyon ay dulot ng kalungkutan at kawalan ng pagasa dahil sa kanilang katandaan. Sa
kabataan naman ay kadalasan ay laging irritable at laging moody. Maaring sila ay mas
nagiging matigas ang ulo at pabago-bago ang mood.
Pagdadahilan
Ilan sa mga mapapansin mo sa kabataang depress ay sinisira ang ilang mga bagay,
madaling mawalan ng interest, makakalimutan at nahihirapan mag-isip ng malalim, matagal na
pagtulog, kawalan ng gana sa pagkain, nagiging sensitibo, at mahiling pagusapan ang
kamatayan.
Pagahahalimbawa
Ang depresyon ay talagang napapanahon. Isa sa mga naging usap usapan kamakailan
lang ay ang pagpapakamatay ng kapatid ng actress na si Nadine Lustre na si Isaiah Lustre.
Napansin ng mga kapatid ng actress na si Isiah ay laging malungkot ilang araw bago nito kinitil
ang kanyang nasirili buhay, na isa sa sanhi ng depresyon. Dahil dito naging usap-usap sa
twitter ang #keepgoing na may kasamang semi colon. Ang semi-colon ay isang kilalang
suicide awareness symbol na pinangunahan ni Amy Bleue na siyang nagpa-tattoo ng
simbolong ito bilang alaala ng kanyang ama na nagpatiwakal rin. At bago pa matapos ang
taong 2017, isa namang sikat na artista ang winakasan ang kanyang buhay. Hindi man siya
isang pinoy napakarami namang siyang fans na pinoy na nagmamahal sa kanya. Siya ay si
Kim Jonghyun ng grupong Shinee. Natagapuang patay ang lead vocal singer sa hotel sa
Seoul, South Korea. Bago siya magpakamatay ay nag-iwan ng suicidal note. Dahil sa note na
ito, nagpag-alamang depresyon ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Paghahalimbawa
“I am broken from inside. The depression that had been slowly eating me up finally
devoured me and I couldn’t defeat it. Maybe I wasn’t supposed to come up against the world;
I’ve learned that’s what(makes my life) difficult. How come I chose that.” Ito ang saad ng
suicide note ng singer. (variety.com)
Pagbubuod
Isa itong senyales na dapat di natin binabaliwala ang depresyon at dapat natin itong
seryosohin. Hindi lang sa kabataan, pati na rin para sa lahat.
BUOD
Ang pelikulang “LIFE OF PI” ay isang istorya ng isang lalaki (Pi) na nakaligtas sa
malakas na bagyo sa karagatan. Dahil sa insidente namatay ang kanyang magulang at
kapatid. Sa pagnanais na mailigtas ang sarili naglakbay ito sa karagatan kasama ang mga
hayop na nakaligtas ito ay ang unggoy, zebra, haena at tigre. Samaliit na bangka doon siya
namuhay at marami siyang pinagdaan dito kasama na ang gutom, uhaw at mga hayop na nag-
aaway. Namatay ang iba dala na rin ng panghihina at gutom. Ang tigre ay pinakamalaking
pagsubok sa paglalakbay ni Pi ngunit dahil sa isang aksidente sa dagat iniligtas niya ito at
napaamo ang mabangis na hayop.
Sa paglalakbay ni Pi at ng tigre napadpad sila sa isang isla. Napakaganda ng tanawin
animo’y isang langit dahil sa masasarap na prutas, maraming hayop at ang pinaka
nagpamangha kay Pi doon ay ang mga jilly fish na umiilaw sa gabi. Sa paglipas ng panahon
hindi siya nawalan ng tiwala na makakauwi siyang buhay at napadpad nga ito sa isang lugar at
siya’y nakaligtas ngunit ang kanyang tigre na kanyang minahal ay piniling tumira sa kagubatan
at lubos naman niya itong tinanggap sa bandang huli at masaya sa kanyang naranasan sa
karagatan.
Ang paksa sa pelikulang “LIFE OF PI” ay tungkol sa pakikipagsapalaran sa buhay ni Pi.
Ang kanyang buhay na mag-isa sa karagatan at pagbibigay importansya sa mga hayop. Ang
buhay ay maraming pagsubok na dapatlabanan. Sa pelikulang ito ipinakita ang buhay at
karanasan ni Pi na mag-isa sa karagatan at kung paano niya ito malalampasan. Ang pag-arte
ng pangunahing tauhan na si Pi ay maayos niya itong nagampanan at naantig ang damdamin
ng mga manonood sa kanyang istorya.
Ang tunog at musika na inilapat sa pelikula ay nakatulong sa mga eksena lalong-lalo na
sa tagpong nag-iisa si Pi at naalala ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Ang pelikulang
"LIFE OF PI" ay nagbibigay interes say mga manonood. Nakakaantig ng damdamin dahil na
rin sa paksang pakikipagsapalaran ni Pi na mag-isa sa karagatan. At nagbigay intrumento
upang malaman ng mga manonood na ang buhay ay purong pagsubok at dapat natin itong
lagpasan. Ipinakita ni Pi na huwag mawalan ng pag-asa.
MOVIE REBYU
I. PANIMULA
Ang THE FAULT IN OUR STARS ay isang romantic drama na isinulat ni Scott
Neustadter at Michael H. Weber, na pinagbibidahan ni Shailene Woodley bilang Hazel Grace
Lancaster at Ansel Elgor bilang Agustus Waters sa Direksyon ni Josh Boone ang pelikulang ito
ay hinango sa Nobela ni John Green na Pinamagatang THE FAULT IN OUR STARS
II. PAMAGAT
Ang THE FAULT IN OUR STARS ay nagangahulugan na ang mga masasamang
bagay ay nangyayari sa atin ay hindi kasalanan ng ating sarili. Dahil nangyayari ang mga
bagay ayon sa ating tadhna, dumating man ang wakas ng ating kapalaran ay may roon tayong
kaunting kontrol lamang rito. kayat hindi natin masisi ang ating sari kung tayo man ay
dumating sa huling punto ng ating buhay sa ayaw man o sa gusto natin.
A. PANGUNAHING TAUHAN
SI hazel Grace (Shailen Woodley)ay isang dalagang dumaranas ng sakit na
cancer. Pinili niyang pumermi nalang sa kanilang bahay iniiwasan niyang mapalapit sa
maraming tao dahil hindi niya gustong maraming tao ang masasktan saka-sakaling siya ay
mamatay. Habang si Si Agustus Waters (Ansel Elgor) naman ay isang masayahing binata na
nasa estado na ng pagaling mula sa kanyang sakit
LAKBAY SANAYSAY
(BIYAHENG CEBU)
Isang karaniwang araw ang naging eksayting dahil naisipan ng aming pamilya na pumunta sa Cebu
(QUEEN CITY OF THE SOUTH), dahil siguradong panibagong karansan na naman ang aming
mararanasan.
Maagang nagising ang lahat upang maaga naming marating ang Cagayan na kung saan ay saskay kami
ng roro upang marating namin ang Cebu, halos labing dalawang oras ang aming biyahe upang
makarating sa Cebu.
pagdating namin ng Cebu unang-una naming pinuntahan ang Simala church, ang simbahang ito ay tila
isang kastilyo napakalaki, na sa laki nito ay mapapagud ka sa paglalakad. Ito ang unang Pinuntahan
namin ang simbahan naiiyon upang makadalo sa kaarawan ng birheng Maria. pagkatapos namin rorn ay
pumunta kami sa isang kilalang kainan ang ang espisyal na resipe ay letson. Pagkatapos naming kumain
ay dumeretso muna kai sa guest house na aming tutuluyan habang kami ay nasa Cebu.
Muli kinakailangan naming gumising nang maaga dahil malayo layo ang aming susunod na pupuntahan
ang Oslob kung saan ay lalangoy kami kasama ang isa sa pinakamalaking iisa sa mundo ang Butanding.
Habang lumalangoy kasama ang mga butanding ay magkahalong pakiramdan anfg takot at eksaytment
dahil napakalaki talaga ng butanding. at ang karanasang iyon ay isa sa pinakapaborito ko.
Ang sunod naming pinuntahan pagkatapos ng Os;lob ay ang kilalang tourist destination sa Cebu ang
Kawasan falls. pagkarating namin doon ay sinalubong kami ng napakaraming tao na mula pa isa ibat
ibang bansa karamihan ang mula sa bansang korea. sa kawasan falls masasabi mutalagang ang tubig ay
kulay asul napakaganda ng karanasan ko roon na hindi malilimutan.
TALUMPATI
Ang Kabataang Pilipino sa Makabagong Panahon
Tama, may mga pagkakamali kaming nakamit. Hindi mo ito mabibilang at madalas ang
mga pagkakamaling ito ay nagdudulot ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming
mga magulang. Dulot pa nito’y dagdag-rebelde kapag napagalitan o napagsabihan lamang.
Inaamin ko, kami’y mga batang umaarteng alam na ang lahat, ayaw naming magpadaig at
mapagalitan. Sino bang nais na laging pinapagalitan? Alam naman namin na para sa amin
iyon. Madalas, maririnig mo na masyadong mapagtuklas at agresibo ang mga kabataan
ngayon dahil sa paningin na hindi ka in kung hindi mo kahit minsan ma’y suwayin ang mga
magulang mo. Sabi ng ating pambansang bayani, Ang kabataan ang pag-asa ng Inang Bayan.
Pero sino pa ba ang natira na naniniwala sa matagal nang kasabihang iyon? KAMI.
Rebelde ang IBANG kabataan. Bakit nga ba? Ang paghithit ng rugbee, pampalipas-
gutom ng mga mahihirap at pagsinghot ng marijuana sa mga kabataang gustong matanggap
ng iba. Nakaka-high! sa mga salita ng isang binatilyong minsa’y sumubok at habang panahong
nalulong. Suriin natin ang paligid ng mga kabataang ito. Sa squatter’s area na lamang,
halimbawa, ang paligid doo’y hindi kaaya-aya, pugad ng krimen at mga nagdodroga. Ang
kapaligiran ay isang malaking salik at mas lalo na ang mga tao roon. Kilala mo ba si Eminem?
Isa siyang sikat na rapper, sa Amerika at maging dito sa Pilipinas. Madaming umiidolo sa
kanya at maging sa kanyang mga kanta. Pero kung naiintindihan mo ang mga liriko ng
kanyang mga kanta ay makikita mong siya’y biktima ng isang madilim na nakaraan. Ano bang
gagawin mo kung makikita mong binubugbog ng iyong ama ang iyong ina? At ang iyong ina,
sa harap mo’y umiinom ng kung anu-anong gamot na ikinalulong niya? Naging magulo ang
buhay ni Eminem noong kabataan niya at kita pa rin sa kanya ang hindi naghihilom at
masaklap na sugat ng nakaraan. Ngunit siya’y halimbawa ng isang mabuting ama. Ibinubuhos
niya sa kanyang anak na babae ang kanyang pagmamahal, at kitang ayaw niyang maranasan
nito ang karanasang hindi na niya nais pang maalala.
Maaaring naghahanap lamang ng atensyon ang ibang kabataang nagrerebelde.
Ipalagay nating nais ng isang binata ang makapiling ang kanyang mga magulang na gabi na
umuuwi dahil sa pagkasubsob sa trabaho kaya gumagawa siya ng paraan upang makuha ang
kanilang atensyon. Maaaring nais din ng isang kabataan na maramdamang siya’y tanggap.
Nais niyang maramdaman na may kalalagyan siya kaya ginagawa niya ang mga nais ng
kinabibilangan niyang grupo. Hindi rin naman mapagkakailang may mag kabataang sadyang
rebelde, agresibo at lubhang mapagtuklas. May mga nalululong nang labis sa mga bawal na
gamot, may mga maagang nabubuntis at nagiging miserable, may mga gumagawa ng krimen
na mga menor de edad pa lamang at may mga nagpapakamatay sa ‘di malamang dahilan.
Hindi natin matatanggal na talagang may mga kabataang nalilihis ang landas.
Minsa’y nasa mga nagpapalaki din naman ‘yan, kung talagang nagkulang sila sa
paalala at pagsuporta, paggabay at pag-alaga. Mahalaga ang paggabay sa kabataan
sapagkat gaya nga ng sabi ng mga matatanda, hindi lahat ay alam na ng kabataan.
Hindi rin naman dapat idamay lahat ng kabataan sa mga pagkakamaling nagawa na ng
iba. Kung hindi nagkukulang sa tamang paggabay at pagpapaalala ang mga magulang sa
kanyang anak, ano ang dahilan upang maging pabaya ang isang bata? Nasa desisyon din
‘yan ng isang kabataan kung paano ang paggawa ng landas na tatahakin niya. Hindi dapat
hatulan ang kabataan dahil sa mga sabi-sabi at pala-palagay lamang dahil hindi lahat ay mga
sira ulo’t nagdodroga, mga may bisyo’t suwail at mga rebelde.
Himalang maituturing ang isang batang pinili ang edukasyon kaysa droga. Marami pa
naman ang gumagawa ng himalang ito. Hindi ba natin ito nakikita? May pag-asa pa. Ang
negatibong pananaw sa kabataan ngayon ay mali naman, ‘di ba?
Ang mga matatanda’y minsa’y naging mga kabataan din. Sinuway din nila ang kanilang
mga magulang, nagpadala din sa barkada nila. Hindi sila dapat mawalan ng pag-asa bagkus
ay bigyan kami ng pag-asa. Isang tanong lang ang nasasaisip ko. Bakit kapag mali’y sobra-
sobra ang pagpuna samantalang kapag tama, minsan pa’y nakakaligtaang kilalanin?
Madaming kayang gawin ang mga kabataan. Maabilidad kami’t matatalino, madaming ideya’t
malikhain kaya bakit ‘di niyo kami bigyan ng pagkakataong mapatunayan ang mga maaari
naming magawa?
Kabataan nga kami, pero may sariling pananaw at pag-iisip din. Hindi kami manhid sa
mga sakripisyong ginagawa ng aming mga magulang at kahit papaano’y mulat din kami sa
mundong ginagalawan nating lahat. Sa pagtagal ng panahon, lalo pang lumalawak ang pang-
unawa namin sa buhay, kung sa paggising ba nami’y may naghihintay na kinabukasan at
tagumpay. Mahirap bang paniwalaan? Hindi din natin alam. Tulad na lamang ni Winston
Churchill na malakas uminom at madaming bisyo, sino bang mag-aakalang magiging isa
siyang mabuting pinuno? At si Adolf Hitler na walang bisyo’t malusog ang magiging puno’t dulo
ng isang pandaigdigang digmaan? Malay ba natin na ang mga kabataang suwail at rebelde
ang magiging pag-usad ng kabuhayan at kinabukasan ng ating bansa sa hinaharap? Isang
survey ang lumabas sa Asya na nagsasabing ang mga kabataan daw ngayon, kahit na sila’y
magastos, mataas ang pagnanasang kumita ng malaki at nais sa buong mundo’y
magtagumpay, ay may malasakit at nais pa rin na maging mapayapa ang mundo kaysa makita
itong bumagsak. Mas nais daw nilang tumira sa mundong walang gulo. Ang kabataan ay hindi
makasarili. Sino ba ang nagsabing ‘di kami nagmamalasakit?
Kategorya ng proyekto: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang
paghahanda sa mga darating na kalamidad
Proponent ng Proyekto: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo
Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness”
para sa mga mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at
sa panahon ng Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat
gawin sa panahon ng kalamidad. Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang
impormasyon upang hindi mailto o maguluhan ang mga mag-aaral kung paano ang
gagawin sa oras ng kalamidad.
Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng
hapon ng Agosto 17,2018
Rational:
Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad. Sinasabing
maari itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahaandaan sa
oras ng Kalamidad ay napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong
gawing handa ang mga estudyanteng senior high na mula sa Lagro High School. 100
estudyante ang inaasahang dadalo sa seminar bilang mga respondente. Maituturing na
mapalad ang gagawing proyektong ito dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at
Red Cross bilang mga speaker.
Gastusin ng Proyekto:
Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa
sumusunod na pagkakagastusan.
Sekretarya
Repleksyon
Para sa akin, ang pagsulat ng adyenda ng pagpupulong ang isa sa mga pinaka
importanteng parte ng pagiging matatag ng isang organisasiyon at ng iba pang kapulungan.
Sa kadahilanan ayon aking natutunan sa araling ito, sa pamamagitan ng adyenda mas
napapadali at may direksyon ang isang kapulungan sa pagtalakay ng mga isyu ng
organisasiyon. Nang isagawa naming ang gawain, natuto akong aralin ng mas mabuti ang
paggawa ng isang adyenda at sobrang natuwa ako sa aking natutunan at alam kong
magagamit ko ito sa darating na panahon.
KATITIKAN NG
PULONG
Daloy ng Usapan
Panimula
Panalangin
PANIMULA:
Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng Hulyo,
2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana.
Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para narin sa kabatiran
ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run upang
makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting sumali
dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang tayo
ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo ng
benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na magugustuhan ito
ng publiko.Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.
KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run. Maraming
mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging
sakanilang mga tatakbo.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?
KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma ang
nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.
KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano ang
gusto ninyong maging registration para dito?
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro
500.00php ang kakailanganin natin.
KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong
300.00php.
Tubig = 500php/jug
KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na maaari
nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay
250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity na ito.
Kalihim ng barangay
Pinapatunayang totoo:
Punong Barangay
Kgg. na taga-pangulo
EPILOGO
BIONOTE
Si Ressil Jean Pancho ay isang labing walong taong gulang na kasalukuyang pag-
aaral sa Panabo City Senior High School. Ang hilig ni Ressil Jean Ay maglaro ng
volleyball sapagkat ito ay nakapagpasaya sa kanya , mahilig din siyang
magkumpuni ng mga sirang digital na gamit para ito ay ayusin. Nais ni Ressil na
Kumuha ng kursong Inhinyero pag siya ay nasa kolehiyo sa susunod na taon.