Almoguera, Princess Joy v. Posisyong Papel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Princess Joy V.

Almoguera

Grade 12 Da Vinci

Revised:

Posisyong Papel

Pagpapatupad Muli ng Death Penalty

Matindihang debate nanaman itong pagpapatupad muli ng death penalty sa ating bansa. Isang
peligrosong hakbang ito kung maituturing pagkat hindi ito mabuting solusyon upang sugpuin ang krimen
at karahasan. Ang pagkitil ng buhay ng sino man ay hindi makatarungan gaano man kabigat ang
kasalanang nagawa nito.

Nararapat nga bang ibalik itong parusang kamatayan? Talamak ang iba’t ibang krimen sa ating
bansa na kung saan marami ang humihingi ng hustisya. Kamatayan nga ba ang dapat na kaparuhasan?
Bakit hindi na lang pagkabilanggo ng habang buhay? Ayon sa pahayag ni dating House Deputy Speaker
Atty. Lorenzo “Erin” Tanada III, naniniwala siyang ang hustisya ay ang pag-aakusa sa isang taong may
nagawang mali o kasalanan at ito’y dapat na maparusahan at hindi pagkitil ng buhay.

Napakaraming karasahang nagaganap sa buong bansa. Sino nga bang hindi gugustuhin na
mabawasan ito? Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagpapatupad muli ng parusang kamatayan ay hindi
pananakot kundi kabayaran ng mga kasalanan. Ngunit may iilan sa mga opisyal ng gobyerno tulad ni
Chito Gascon ang salungat. Ayon kay Chito, paano pa mabibigyan ng pangalawang pagkakataong
magbago ang Kriminal kung ito’y patay na.

Paliwanag ng isang abogado, walang patunay na nakakapagpababa ng bilang ng krimen ang


pagkakaroon ng death penalty sa isang bansa. Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS),
lumalabas na isa sa tatlong Pinoy ang sumasang-ayon sa pagbabalik ng death penalty sa bansa Sa
nasabing survey, sinabi ng mga respondent na mas mainam pa rin ang habambuhay na pagkakakulong
bilang pinakamabigat na parusa sa gagawa ng mga malalaking krimen. 

Isa sa napapanahong krimen ang pagpatay ng Pulis na si Nuezca sa mag-inang Gregorio.


Napakaraming hinaing ang nagsabing parusang kamatayan ang ipataw. Lubhang masakit ang pagkamatay
ng mag-ina sa kamay ng pulis na ito ngunit ang parusang kamatayan ay hindi dapat pairalin bagkus
habang buhay na pagkabilanggo na lamang ang ipataw.

Samantala, patuloy na isinusulong ni Senador Sotto itong death penalty sapagkat ayon sa kanya,
lalong dumadami ang krimen sa buong bansa kaya nararapat lamang ibalik ang bitay. Marami sa mga
opisyal ng gobyerno ang pabor ngnuit ayon kay Noel Del Prado, noong mga panahon na merong death
penalty ay walang makikitang pagkakaiba, walang maibabanggit na batayan para sabihin na ito ay
nakakapagbaba ng krimen

Sa tingin ng nakararami, ang death penalty ay solusyon sa pagsugpo ng krimen sa buong bansa.
Paano kung ang kriminal ay napagbintangan lamang? Sa panahon ngayon ang mga ebidensya’y
namamanipula. Ang hustisya ay hustisya ngunit dapat idaan sa malinis na paraan. Kailanman hindi
makatao ang pagpapatay na siyang nakasaad sa batas republika Blg. 10638.

Samakatuwid, ang death penalty ay isang peligrosong hakbang. Ang pagsugpo ng mga krimen ay
maraming paraan at hindi lamang dapat nakatuon sa isang kaparusahan. Maging patas lamang sa mga
batas na umiiral sa buong bansa.

Kritikong Papel sa Posisyong Papel ni Princess Joy Almoguera

Ikrinitik ni: Ma. Sophia P. Badayos

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
posisyong papel.
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang sulatin 5
na posisyong papel.
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at angkop 5
na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya ang posisyong 5
papel na nabuo.
KABUUAN 20

Ang kanyang isinulat na posisyong papel ay may kumpletong parte o hakbang, mayroong
introduksyon, katawan, at konklusyon. Ang ideya at paksa niya ay nakaayos ayon sa hakbang, angkop
ang mga paksa sa bawat parte ng posisyong papel. Organisado ang kaniyang mga ideya, ang mga binigay
niyang halimbawa ay nakakakuha ng atensyon at magkakaroon ng interes ang mambabasa dahil ito ay
mga napapanahong isyu. Wasto ang kanyang pagbabaybay at mga bantas. Ang kanyang mga ebidensyang
ginamit ay makakatotohanan dahil ito ay nakuha niya sa mga balita at mga pananaliksik. Ang kabuuan
niyang puntos batay sa pamantayang ito 20.

Nonrevised:

Posisyong Papel

Pagpapatupad Muli ng Death Penalty

Matindihang debate nanaman itong pagpapatupad muli ng death penalty sa ating bansa. Isang
peligrosong hakbang ito kung maituturing pagkat hindi ito mabuting solusyon upang sugpuin ang krimen
at karahasan. Ang pagkitil ng buhay ng sino man ay hindi makatarungan gaano man kabigat ang
kasalanang nagawa nito.

Nararapat nga bang ibalik itong parusang kamatayan? Talamak ang iba’t ibang krimen sa ating
bansa na kung saan marami ang humihingi ng hustisya. Kamatayan nga ba ang dapat na kaparuhasan?
Bakit hindi na lang pagkabilanggo ng habang buhay? Mas mabuting paraan ito sapagkat nagpapakita pa
rin ito ng pagiging makatao.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang pagpapatupad muli ng parusang kamatayan ay hindi pananakot
kundi kabayaran ng mga kasalanan. Ngunit may iilan sa mga opisyal ng gobyerno tulad ni Chito Gascon
ang salungat. Ayon kay Chito, paano pa mabibigyan ng pangalawang pagkakataong magbago ang
Kriminal kung ito’y patay na.

Paliwanag ng isang abogado, walang patunay na nakakapagpababa ng bilang ng krimen ang


pagkakaroon ng death penalty sa isang bansa. Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS),
lumalabas na isa sa tatlong Pinoy ang sumasang-ayon sa pagbabalik ng death penalty sa bansa Sa
nasabing survey, sinabi ng mga respondent na mas mainam pa rin ang habambuhay na pagkakakulong
bilang pinakamabigat na parusa sa gagawa ng mga malalaking krimen. 

Isa sa napapanahong krimen ang pagpatay ng Pulis na si Nuezca sa mag-inang Gregorio.


Napakaraming hinaing ang nagsabing parusang kamatayan ang ipataw. Lubhang masakit ang pagkamatay
ng mag-ina sa kamay ng pulis na ito ngunit ang parusang kamatayan ay hindi dapat pairalin bagkus
habang buhay na pagkabilanggo na lamang ang ipataw.

Samantala, patuloy na isinusulong ni Senador Sotto itong death penalty sapagkat ayon sa kanya,
lalong dumadami ang krimen sa buong bansa kaya nararapat lamang ibalik ang bitay. Marami sa mga
opisyal ng gobyerno ang pabor ngnuit ayon kay Noel Del Prado, noong mga panahon na merong death
penalty ay walang makikitang pagkakaiba, walang maibabanggit na batayan para sabihin na ito ay
nakakapagbaba ng krimen

Sa tingin ng nakararami, ang death penalty ay solusyon sa pagsugpo ng krimen sa buong bansa.
Paano kung ang kriminal ay napagbintangan lamang? Sa panahon ngayon ang mga ebidensya’y
namamanipula. Ang hustisya ay hustisya ngunit dapat idaan sa malinis na paraan. Kailanman hindi
makatao ang pagpapatay na siyang nakasaad sa batas republika Blg. 10638.

Samakatuwid, ang death penalty ay isang peligrosong hakbang. Ang pagsugpo ng mga krimen ay
maraming paraan at hindi lamang dapat nakatuon sa isang kaparusahan. Maging patas lamang sa mga
batas na umiiral sa buong bansa.

Revised:

Replektibong Sanaysay

Pamilya

Isa sa pinakaimportanteng kayamanan sa buhay natin ay ang pamilya. Kung wala ito,
wala tayo. Pero paano nga lang ba? Kung ang pinangarap mong isang masaya at buong pamilya
ay maglaho na parang bula? Napakasakit diba? Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng
buo ang pamilya dahil ito’y wasak na.

   Masaya at puno ng pagmamahal ang aming pamilya noon. Hindi mo aakalaing isang
iglap magbabago ang lahat dahil nagloko ang aking ama. Sobrang sakit at hindi ako
makapaniwalang magagawa niya iyon. Ang dating pagmamahalan ay nauwi sa sakitan at
tuluyang pag-alis.

Pitong taong gulang ako ng maghiwalay ang aking mga magulang. Akala ko noon isa
lamang itong tampuhan ngunit habang ako’y tumatanda, napagtanto kong hindi na pala buo ang
aking pamilya.  Taon-taon akong nag-aantay na bumalik sa amin ang aking ama pero lalo lamang
akong nasasaktan pagkat ako’y umaasa na lang sa wala.
Lumipas ang mga taon hanggang ako’y nasanay na wala ng ama sa aking tabi. Tinanggap
kong hindi na kami ang pamilyang itinuturing niya. Hindi ko lamang maiwasan minsan na
mainggit sa mga nakikita kong pamilya na masaya at perpekto. Isang malaking katanungan pa
rin sa aking isipan, mabubuo pa kayang muli ang aking pamilya?

Sa kabila ng pangungulila sa piling ng ama, natutunan ko kung paano tanggapin ang


reyalidad. Natutunan kong magpatawad gaano man kasakit ang aking dinanas. Lumaki akong
walang ama sa aking tabi at ang karanasang ito ang nag-udyok sa akin upang mas maging
matibay sa anumang hamon sa buhay. Natutunan kong hindi hadlang ang wasak na pamilya
upang maging mahina.

Ang pamilya ay itinutring na kayamanan kaya’t atin sana itong pagkaingatan. Ang mga
pagkakamali nawa’y itama at magkaroon ng kapatawaran sa isa’t isa. Kung ang pamilya mo’y
perpekto, pahalagahan mo ito nang sa gayo’y hindi ito humantong sa pagkawasajk tulad ng aking
naranasan. Kung ang pamilya mo nama’y tulad ng akin, matuto kang maging matatag at
magbigay ng kapatawaran.

Kritikong Papel sa Replektibong Sanaysay ni Princess Joy Almoguera

Ikrinitik ni Ma. Sophia Badayos


Ang kanyang panimula ay ginamitan niya ng mga simpleng salita na talagang nakakapukaw
atensyon at nagbibigay interes na patuloy basahin ang kanyang replektibong sanaysay. Nabigyan nya
agad ng buhay ang kanyang gawa sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanyang paksa, maganda ang
kanyang panimula. Sa katawan naman ng kanyang replektibong sanaysay, ito ay naglahad ng malawak na
interpretasyon ayon sa paksa, naiparating niya ang kanyang sariling karanasan. Nailahad niya ang mga
kaugnay na kaisipan at mga ideya tungkol sa kanyang paksa. Mayroon din siyang nilagay na nagpatotoo
kung paano niya ito naranasan sa kanyang buhay. Sa kanyang wakas o konklusyon, nabanggit niya ang
pangunahing paksa ng kanyang sanaysay. Naglagay siya ng mga salitang nagbibigay payo sa mga katulad
niya na nakakaranas nito.

Simple lang ang kanyang gawa na nagpaganda sa kanyang sanaysay, madaling intindihin ang
mga salitang ginamit, organisado ito at nagbibigay interes ang kanyang mga salita ngunit may mga salita
siya na mali ang pagkabaybay at mga bantas na nailagay. Isang tiyak na paksa ang kanyang nabuo at doon
lamang siya nagpokus na mas nagpalinaw at nagpaganda sa kanyang sanaysay. Ang kanyang kabuuang
puntos ay 19/20.

Nonrevised:

Replektibong Sanaysay

Pamilya

Isa sa pinakaimportanteng kayamanan sa buhay natin ay ang pamilya. Kung wala ito
wala tayo. Pero paano nga lang ba? Kung ang pinangarap mong isang masaya at buong pamilya
ay maglaho na parang bula? Napakasakit diba? Hindi ko na alam kung anong pakiramdam ng
buo ang pamilya dahil ito’y wasak na.

   Masaya at puno ng pagmamahal ang aming pamilya noon. Hindi mo aakalaing isang
iglap magbabago ang lahat dahil nagloko ang aking ama. Sobrang sakit at hindi ako
makapaniwalang magagawa niya iyon. Ang dating pagmamahalan ay nauwi sa sakitan at
tuluyang pag-alis.

Pitong taong gulang ako ng maghiwalay ang aking mga magulang. Akala ko noon isa
lamang itong tampuhan ngunit habang ako’y tumatanda, napagtanto kong hindi na pala buo ang
aking pamilya.  Taon-taon akong nag-aantay na bumalik sa amin ang aking ama pero lalo lamang
akong nasasaktan pagkat ako’y umaasa na lang sa wala.

Lumipas ang mga taon hanggang ako’y nasanay na wala ng ama sa aking tabi. Tinanggap
kong hindi na kami ang pamilyang itinuturing niya. Hindi ko lamang maiwasan minsan na
mainggit sa mga nakikita kong pamilya na masaya at perpekto. Isang malaking katanungan pa
rin sa aking isipan, mabubuo pa kayang muli ang aking pamilya?

Sa kabila ng pangungulila sa piling ng ama, natutunan ko kung paano tanggapin ang


reyalidad. Natutunan kong magpatawad gaano man kasakit ang aking dinanas. Lumaki akong
walang ama sa aking tabi at ang karanasang ito ang nag-udyok sa akin upang mas maging
matibay sa anumang hamon sa buhay. Natutunan kong hindi hadlang ang wasak na pamilya
upang maging mahina.

Ang pamilya ay itinutring na kayamanan kaya’t atin sana itong pagkaingatan. Ang mga
pagkakamali nawa’y itama at magkaroon ng kapatawaran sa isa’t isa. Kung ang pamilya mo’y
perpekto, pahalagahan mo ito nang sa gayo’y hindi ito humantong sa pagkawasajk tulad ng aking
naranasan. Kung ang pamilya mo nama’y tulad ng akin, matuto kang maging matatag at
magbigay ng kapatawaran.
Revised:

Katitikan ng Pulong at Agenda

Paksa/Agenda: State of the Nation Adress 2020

Petsa: July 27, 2020

Oras: 4:00pm

Pook: Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City

Oras ng Pagsisimula: 4:00pm

Oras ng Pagtatapos: 5:47pm

Mga dumalo:

Mga Miyembro ng Gabinte

Mga senador

Mga kinatawan ng Kapulungan ng Pilipinas

Mga hindi dumalo: Limitado ang mga dapat dumalo sapagkat kasagsagan ng pandemya

Nagsimuno ng Pulong: Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Mga Napag-usapan

1. Pandemya
a. Pag-aantay ng bakuna
b. Pagbibigay pugay sa mga frontliners
c. Paglalaan ng pondo
2. Prangkisa ng ABS CBN
3. Senator Bong Go
a. Binigyang pugay ng mga Chief Executives
b. Malasakit Act
4. South East Asian Games
5. Ekonomiya
a. Utang sa pagtugon ng krisis sa pandemya
b. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
c. Mga programang pangkabuhayan sa mga Pilipino
6. Pagsugpo sa Droga
a. Karapatang Pantao
b. Pang-aabuso
c. Pagpatay
7. Overseas Filipino Workers
a. Pagbibigay suporta sa mga kababayang nawalan ng trabaho
b. Pagpapauwi ng mga OFW
8. Edukasyon
a. Pagkansela sa Face to Face Class
b. Alternatibong Pag-aaral
9. Monopolyo sa Gobyerno
10. Kalusugan ng mga Frontliners
11. Matial Law sa Mindanao
12. Death Penalty
a. Pagpapalakas ng Sandatahang Lakas
b. National Land Use Act.
13. Rehabilitasyon sa Boracay
14. Magsasaka at Mangingisda
15. Pagkansela ni Duterte sa Proposal ng United States
16. West Philippine Sea

Kabuuan ng oras: 1 oras at 47 minuto

Princess Joy V. Almoguera


Tagapagsulat ng pulong
Kritikong Papel sa Katitikan ng Pulong ni Princess Joy Almoguera
Ikrinitik ni: Ma. Sophia P. Badayos

Base sa rubric sa itaas, ang kanyang gawa ay sumunod sa mga nilalaman ng katitikan ng pulong.
May naisulat siyang pamagat, petsa, oras na nagsimula at oras na natapos pati narin ang mga dumalo at
hindi dumalo. Ang kanyang gramatika ay tama pati narin ang pagbabaybay ng mga salita. Organisado at
kumpleto ang kanyang mga detalye na nagpalinaw sa kanyang gawa. May mga kulang lamang na
detalyeng dapat ilagay. Base sa kanyang gawa, binasa at sinuri ng maayos ang pagpupulong na kanyang
napili.

Nonrevised:

Katitikan ng Pulong at Agenda

Paksa/Agenda: State of the Nation Adress 2020

Petsa: July 27, 2020

Oras: 4:00pm
Pook: Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City

Oras ng Pagsisimula: 4:00pm

Oras ng Pagtatapos: 5:47pm

Mga dumalo:

Mga Miyembro ng Gabinte

Mga senador

Mga kinatawan ng Kapulungan ng Pilipinas

Mga hindi dumalo: Limitado ang mga dapat dumalo sapagkat kasagsagan ng pandemya

Mga Napag-usapan

17. Pandemya
d. Pag-aantay ng bakuna
e. Pagbibigay pugay sa mga frontliners
f. Paglalaan ng pondo
18. Prangkisa ng ABS CBN
19. Senator Bong Go
c. Binigyang pugay ng mga Chief Executives
d. Malasakit Act
20. South East Asian Games
21. Ekonomiya
d. Utang sa pagtugon ng krisis sa pandemya
e. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
f. Mga programang pangkabuhayan sa mga Pilipino
22. Pagsugpo sa Droga
d. Karapatang Pantao
e. Pang-aabuso
f. Pagpatay
23. Overseas Filipino Workers
c. Pagbibigay suporta sa mga kababayang nawalan ng trabaho
d. Pagpapauwi ng mga OFW
24. Edukasyon
c. Pagkansela sa Face to Face Class
d. Alternatibong Pag-aaral
25. Monopolyo sa Gobyerno
26. Kalusugan ng mga Frontliners
27. Matial Law sa Mindanao
28. Death Penalty
c. Pagpapalakas ng Sandatahang Lakas
d. National Land Use Act.
29. Rehabilitasyon sa Boracay
30. Magsasaka at Mangingisda
31. Pagkansela ni Duterte sa Proposal ng United States
32. West Philippine Sea

Kabuuan ng oras: 1 oras at 47 minuto

Princess Joy V. Almoguera


Tagapagsulat ng pulong
Revised:

Larawang Sanaysay

“Pagdiriwang ng mga Estudyante ng HUMSSS”

Unang semestro na kung saan ang mga estudyante ng HUMSS ay nagkamit ng parangal matapos
ang madugong pagsisikap sa pag-aaral.
Isang munting pagdiriwang na handog ng guro ng HUMSS sa kanyang mga masisipag at minamahal na
estudyante.

Hindi matatawaran ang sayang nadarama kung ang bawa’t isa’y nagkakasundo. Napakasaya at
nakakaaliw habang tumatampisaw sa tubig na nakikipaglaro sa mga kaklase.

Minamahal kong mga kaibigan bagama’t bago ko lamang sila nakilala, buo ang pagmamahal nila
sa akin. Isa silang biyaya na lubos kong pinasasalamatan at ayaw kong mawala sa akin.
Ang mga kaklase ay hindi lang para sa pag-aaral ngunit sila ay kaibigang maasahan at
masasandalan. Maikli o matagal man ang pinagsamahan, ang mahalaga’y nagkakaisa at nagtutulungan
upang sama-samang makapasa.
Kritikong Papel sa Isinulat na Larawang Sanaysay ni Princess Joy Almoguera
Ikrinitik ni: Ma. Sophia P. Badayos

Ang mga litratong inilagay ng manunulat ay malinaw at orihinal niyang mga litrato, hindi ito

galing sa internet. Nailagay naman niya ang mga hakbang sa paggawa ng larawang sanaysay. Sa unang

litrato, maganda ang kanyang nilagay na mga salita, dagdagan niya lamang ng kahika-hikayat na mga

salita at may salita rin na maling ang pagbabaybay. Ikalawang litrato, simple ang kanyang isinulat dapat

ay lagyan niya ito ng mga malikhaing salita. Ikatlo at ika-apat na litrato, malikhain at kahika-hikayat ang

mga salitang ginamit. Ikalimang litrato, masyadong mahaba ang kanyang isinulat, maaari niya itong

paikliin at gamitan ng mga salitang kahika-hikayat. Sa kabuuan niyang gawa, organisado ang kanyang

mga ideya, maingat at wasto ang paggamit ng wika.


Nonrevised:

Larawang Sanaysay

“Pagdiriwang ng mga Estudyante ng HUMSSS”

Unang semestro, lubos na ikinatuwa ng aming guro ang bunga ng pagsisikap namin sa pag-aaral.
Halos lahat sa amin ay nagkamit ng parangal at dahil dito’y magkakaroon kami ng munting pagdiriwang.
Hindi nakarating ang lahat sa amin ngunit hindi iyon naging hadlang upang kami ay magdiwang.
Kanya kanyang dala ng mga pagkain na kakainin sa pananghalian gayundin sa miryenda.

Hindi matatawaran ang sayang nadarama kung ang bawa’t isa’y nagkakasundo. Napakasaya at
nakakaliw habang tumatampisaw sa tubig na nakikipaglaro sa mga kaklase.
Minamahal kong mga kaibigan bagama’t bago ko lamang sila nakilala, buo ang pagmamahal nila
sa akin. Isa silang biyaya na lubos kong pinasasalamatan at ayaw kong mawala sa akin.

Mga bagong kaklase na akalain mo’y hindi makakasundo ngunit napakasayang kasama sa
anumang karanasan. Sa mga ngiti ay hindi maikukubli ang sayang nadarama dahil sa panibagong
makulay na karanasan sa buhay. Ang mga kaklase ay hindi lang para sap ag-aaral ngunit sila ay kaibigang
maasahan at masasandalan.
Revised:

Lakbay Sanaysay

“Unang Yapak sa Pinangarap na Yamang Bukid”

Bilang isang batang lumaki sa isla, hindi ko naranasan ang paglalakbay sa siyudad. Hanggang
tingin lamang ako noon sa mga litrato sapagkat alam kong matagal na panahon pa bago ko ito
mapupuntahan. Tuwing bakasyon lamang ako nakakauwi dito sa siyudad ngunit hindi man lang ako
nakakapasyal sa mga malalayong lugar. Ngunit, nang ako’y tumungtong na sa senior high school, dito na
kami permanenteng tumira sa siyudad na kung saan maraming pagkakataon na upang ako’y maglakbay.

Hinding hindi ko malilimutan ang isa sa pinakamasayang karanasan sa aking buhay. Pebrero
taong 2020 nang nagbakasyon ang aking tita galing ng ibang bansa. Niyaya niya kaming mamasyal at dito
ko unang napuntahan ang lugar na pinapangarap ko lamang noon, ito ang Yamang Bukid Farm.
Napakasaya ko sa mga oras na to sapagkat magkakasama kaming pamilya. Hindi ko nga inakalang isang
oras pala ang biyahe namin papunta roon sakay ng shuttle van ng aking tito. Pagdating namin sa Yamang
Bukid farm, sobra akong namangha dahil sa labas palang ay tanaw mo na ang napakaraming tanim.
Pagbaba namin ng sasakyan, agad kaming kumuha ng litrato sa iba’t ibang anggulo ng lugar. Pagkatapos,
pumasok kami at kanya kanyang tingin ng mga tanim doon. Napakasaya ko sa mga oras na iyon sapagkat
dati ay nakikita ko lamang iyon sa mga litrato ngunit ngayo’y akin nang nakikita at nahahawakan. Nilibot
naming ang buong lugar ng magkakasama. Napakaraming bulaklak, gulay at prutas doon. May iilan ding
mga kambing at baka sa tabi tabi. Ang pinagusto ko sa lugar na ito ay ang napakaraming tanim na
sunflower. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng aktuwal na itsura ng bulaklak na sunflower.
Napakaraming tanim doon at hindi nakakasawang tignan sa ganda ng lugar. Napakasariwang hangin ang
malalanghap doon. Napakasarap sa pakiramdam tumambay habang lumilipas ang mga oras. Iba’t ibang
klase ng bulaklak na hindi karaniwang nakikita sa tahanan. Napakababait rin ng mga tao roon. Sa tuwing
dadaan kami sa kanila ay nginingitian nila kami at binabati ng magandang araw. Halos apat na oras din
kaming naglibot libot doon hanggang sa kami ay napagod at nagpahinga. May mga kainan din doon
medyo mahal nga lang ngunit sulit naman ang saya. Kumain kami doon dahil masyado kaming nagutom
kakalibot.

Hindi matatawaran ang saying aking nadama sa mga oras na ito. Minsan lamang kasi kami
makumpleto bilang pamilya. Kahit nakakapagod ang aming pamamasyal, sulit naman sa aming mga
nakita. Bukod dito, busog pa sa mga masusustansyang pagkain na nagmula rin sa kanilang mga pananim
at alaga. Natutunan ko sa paglalakbay na ito na hindi dapat minamadali ang oras. Matutong maghintay
dahil ang lahat ng mga nais mong puntahan ay iyo ring makakamtan basta’t marunong kang mag-antay.

Kritikong Papel sa Lakbay Sanaysay ni Princess Joy Almoguera

Ikrintik ni Ma. Sophia P. Badayos

Puntos Nakuhang
Puntos
Pamagat (title) Malikhain at nakakapanghikayat ang 9
pamagat 10
(There is a creative title that sparks
interest and is related to the writing
piece.)
Lunan/Tagpuan (setting) Gumagamit ng mga salitang 15 15
naglalarawan kung saan,kailan nangyari
ang mga karanasan sa paglalakbay

(Many descriptive words are used to tell


where and when the travel experience
takes place.)
Piling Salita (word choice) Gumagamit ng malawak at 20 17
mapanghikayat na mga salita,at
nakakagawa ng maayos at makulay na
paglalarawan para sa mga mambabasa.
(Writer uses a wide variety of
interesting words, and creates a very
clear mental picture for readers.)
Unang tauhan pagsasalaysay (first Unang panauhan ay ginagamit sa 5 5
person narration) pagsasalaysay sa buong sanaysay
Limang Pandama (five senses) Nagagamit at naisasama ang limang 10 8
pandama sa pagsulat ng manunulat at
pagbasa ng mga mambabasa

(Writer incorporates all five senses very


effectively.)
Organisasyon (organization) Ang pagsulat ay maayos at organisado 15 15
at ang bawat eksena ay may maayos na
pagkakasunod-sunod na ideya

(Writing is very well organized. One


idea or scene follows another with very
smooth/ clear transitions.
Pagbaybay,gramatika at bantas Ang bawat salita ay may tamang 20 20
(spelling,grammar,punctuation) baybay,bantas at maayos na
pangungusap

(Virtually no spelling, punctuation, or


grammatical errors.)
Larawan ay nasa tamang posisyon Nakakagamit ng mga larawan ayon sa 5 4
bawat salaysay na isinulat

Kabuuan (Total) 100 93


Ang kanyang pamagat ay simple at nakakaagaw atensyon, pwede niya pa ito mas pagandahin sa
paggamit ng mga malikhaing salita. Ang larawan na kanyang inilagay ay orinihinal niyang litrato at hindi
makikita sa internet, maaari niyang palitan ang kanyang litrato ng mas makakadagdag ng ideya sa
mambabasa kung ano nga bang meron sa lugar na kanyang napuntuhan. Isinulat ng manunulat ay ang
kanyang naranasan sa lugar. Ang mga salitang kanyang ginamit ay simple at tiyak, mas maganda kung
gagamitan niya itong ng mga salitang naglalarawan sa lugar na kanyang sinasalaysay. Organisado naman
ang kanyang pagsasalasay, ang bawat eksena ay magkakasunod sunod. Mas palawakin niya ang
paglalawaran sa lugar na kanyang napuntuhan.
Nonrevised:

Lakbay Sanaysay

“Unang Tapak sa Yamang Bukid”

Bilang isang batang lumaki sa isla, hindi ko naranasan ang paglalakbay sa siyudad. Hanggang
tingin lamang ako noon sa mga litrato sapagkat alam kong matagal na panahon pa bago ko ito
mapupuntahan. Tuwing bakasyon lamang ako nakakauwi dito sa siyudad ngunit hindi man lang ako
nakakapasyal sa mga malalayong lugar. Ngunit, nang ako’y tumungtong na sa senior high school, dito na
kami permanenteng tumira sa siyudad na kung saan maraming pagkakataon na upang ako’y maglakbay.

Hinding hindi ko malilimutan ang isa sa pinakamasayang karanasan sa aking buhay. Pebrero
taong 2020 nang nagbakasyon ang aking tita galing ng ibang bansa. Niyaya niya kaming mamasyal at dito
ko unang napuntahan ang lugar na pinapangarap ko lamang noon, ito ang Yamang Bukid Farm.
Napakasaya ko sa mga oras na to sapagkat magkakasama kaming pamilya. Hindi ko nga inakalang isang
oras pala ang biyahe namin papunta roon sakay ng shuttle van ng aking tito. Pagdating namin sa Yamang
Bukid farm, sobra akong namangha dahil sa labas palang ay tanaw mo na ang napakaraming tanim.
Pagbaba namin ng sasakyan, agad kaming kumuha ng litrato sa iba’t ibang anggulo ng lugar. Pagkatapos,
pumasok kami at kanya kanyang tingin ng mga tanim doon. Napakasaya ko sa mga oras na iyon sapagkat
dati ay nakikita ko lamang iyon sa mga litrato ngunit ngayo’y akin nang nakikita at nahahawakan. Nilibot
naming ang buong lugar ng magkakasama. Napakaraming bulaklak, gulay at prutas doon. May iilan ding
mga kambing at baka sa tabi tabi. Ang pinagusto ko sa lugar na ito ay ang napakaraming tanim na
sunflower. Iyon ang unang beses na nakakita ako ng aktuwal na itsura ng bulaklak na sunflower. Halos
apat na oras din kaming naglibot libot doon hanggang sa kami ay napagod at nagpahinga. May mga
kainan din doon medyo mahal nga lang ngunit sulit naman ang saya. Kumain kami doon dahil masyado
kaming nagutom kakalibot.

Hindi matatawaran ang saying aking nadama sa mga oras na ito. Minsan lamang kasi kami
makumpleto bilang pamilya. Kahit nakakapagod ang aming pamamasyal, sulit naman sa aming mga
nakita. Bukod dito, busog pa sa mga masusustansyang pagkain na nagmula rin sa kanilang mga pananim
at alaga. Natutunan ko sa paglalakbay na ito na hindi dapat minamadali ang oras. Matutong maghintay
dahil ang lahat ng mga nais mong puntahan ay iyo ring makakamtan basta’t marunong kang mag-antay.

You might also like