BALIKAN

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BALIKAN: Ateneo, wagi kontra La Salle, kampeon sa UAAP men's basketball

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2017 08:36 PM

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang
kampeonato sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at
maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa
pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng shooting at


inside plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang iskor sa
66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang kanilang
five-peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Seniors hinampas ang Juniors, 3-0

1st Place
Pagsulat ng Balitang Isports
Regional Schools Press Conference 2010
Butuan City School of Arts and Trade
Butuan City

Ivy Charett Q. Madrista


ADSCO

BUTUAN CITY- Hinampas ng Seniors (Unit 4) ang Juniors (Unit 3) gamit ang sidespin ng lefthanded na si
Garzon Gavine at drivespin ng righthanded na si Eden Mae Gabelan sa kanilang Intramural Meet ng
Table Tennis (3 out of 5 win Mix Double Category) na ginanap sa Butuan City Schools of Arts and Trade
kanina, sa dako ng alas dyes ng umaga, kasabay ang makulimlim ngunit mainit na panahon.
Ipinamalas ng bawat koponan ang kanila- kanilang opensa ngunit namayagpag ang Seniors nang
bumulusok ang nagliliyab na drivespin ni Eden Mae Gabelan at sinundan ng rolling ni Garzon Gavine,
kung saan nahirapang ibalik ito ng kalaban sa kanila sa unang set ng laro, 11- 2.

Kinontrol na ng Seniors ang laro at hindi na hinayaang makaporma pa ang Juniors nang ipinakita ni Eden
ang kanyang naglalagablab na block. Ipinalasap din ni Garzon ang kanyang nakamamanghang backhand
chop na talaga namang nahirapan ang Juniors na ibalik ang bola sa kanila, dahilan kaya sila nagningning
sa ikalawang set ng laro, 11- 6.

Di maiguhit ang mukha ng mga manonood dahil sa sabik na nararamdaman kung ano ang
kahahantunang ng laro. Mas itinutok nila ang kanilang mga mata sa laro lalo na sa pangatlong set.

Ibinuhos na ni Nathan Rey Laag at Jeaurine Robles ng Juniors ang buong lakas ng kanilang kamay pang-
opensa upang manalo ngunit hindi ito sapat para mangibabaw.

Tuyluyang inilugmok ng nagbabagang seniors ang naghihikaos na juniors gamit ang nakamamanghang
sidespin ni Garzon at sinundan ng drivespin ni Eden sa pangatlong set ng laro dahilan kaya nila nakamit
ang tugatog ng tagumpay, 11- 6.

“Mas labaw among experience kay 4th year nami unya sila 3rd year pa. kulang pa sila sa practice ug
technique,” bulalas ni Eden Gabela. #

1st Place
Pagsulat ng Balitang Isports
Divisional Schools Press Conference 2010
Trento National High School
Trento, Agusan del Sur

Ivy Charett Q. Madrista


ADSCO

Lizards sinupalpal ang Phoenix, 2-1


Gilbert Madidis, umarangkada

TRENTO, AGUSAN DEL SUR- Sinupalpal ni Gilbert Madidis ng nagliliyab na Lizards ang naghihikaos na
Phoenix gamit ang kanyang bumubulusok na ispyk sa kanilang pang- eksibisyong laro ng balibol (15-10,
11-15, 15-6) na ginanap sa parihabang kurto ng balibol ng Trento National High School, kanina, sa dako
ng alas tres ng hapon, kasabay ang makulimlim at umaambong panahon.

Ipinalasap ng bawat koponan ang hagupit ng kani- kanilang opensa sa kabila ng maginaw na panahon.
Ngunit mas namayagpag ang Lizards nang ipinamalas nila ang kombinasyon ng nagbabagang tos ni Ken
Beldeniza at sumisiklab na wallop ni Anthony Salili sa unang set ng laro, 15-10.

“Perminte jud siguro ni sila gapraktis kay maayo man jud sila mangduwa,” sambit ni Honyve isang
manood habang kasalukuyang naglalaro ang mga manlalaro sa unang set.

Kumayod na parang Marinoi ang Phoenix upang malamangan ang Lizards at hindi naman sila nagkamali.
Gamit ang matitinding ispyk ni Jezrel Plaza at naglalagablab na blak ni Neil Kens Malimbag nakuha nilang
makaungos sa kalaban sa ikalawang set ng laro, 15-11.
Nalilito ang mukha ng mga manonood kung sino nga talaga ang mananalo sa dalawang malalakas na
team at kahit pa nagpakita ng pangit na emosyon ang langit, hinintay nilang matapos ang
nakakamanghang laro ng bawat koponan sa huling set ng laro.

Pinataob na ng tuluyan ng Lizards at hindi na pinaporma pa ang Phoenix nang ipinamalas nila ang sunod-
sunod nilang tos at wallop na atake na tila sila ang nagpainit sa buong paligid.

Parang basing sisiw kung maituturing ang Phoenix ng hindi nila maibalik sa Lizards ang bawat ispyk na
inialay ni Gilbert Madidis dahilan kaya nila nakuha ang tugatog ng tagumpay, 15-6.

“Naa man jud me cooperation, determination ug teamwork mao nadaog me,” bulalas ni Gilbert Madidis.
#

You might also like