Balitang Isports
Balitang Isports
Balitang Isports
University of Perpetual Help Lady Altas at San Sebastian College Lady Stags ang kanilang buong pwersa upang malaman kung sino ang kikilalaning kampeon sa 88th season ng NCAA women's volleyball tournament. Magsasalpukan ang Lady Altas at Lady Stags sa winner-take-all match ng game three finals sa 9:30 ng umaga sa The Arena sa San Juan. Itinabla ng Las Pias-based squad ang serye noong kamakalawa sa dikdikang apat na sets, 21-25, 25-12, 26-24, 29-27, sa likod ng 21 markers ni Norie Jane Diaz na tinulungan pa nina reigning MVP Sandra Delos Santos, Honey Royse Tubino, at skipper April Sartin ng 18, 14, at 13 points, bawat isa. "Sabi ko sa kanila ipakita natin ang puso ng champion," ani UPHSD mentor Jason Sapin na tangkang makuha ang ikalawang sunod na titulo para sa kanilang koponan. Nais naman kunin ng Lady Stags ang kanilang pang-23 korona sa liga kung saan sila ang may pinakamarami. Noong game one ay binuhat ng super rookie na si Gretchel Soltones, na hindi ininda ang namumulikat na mga binti upang tumapos ng 16 points, ang San Sebastian at pabagsakin sa unang pagkakataon ngayong season ang Perpetual, 26-24, 26-24, 22-25, 27-25. Huling beses na napunta ang finals sa game three ay noong 2009-2019 season kung saan ginapi ng San Sebastian ang College of Saint Benilde. Samantala, hinirang din noong game two ang mga nagningning na manlalaro sa individual awards. Nakuha ni Soltones ang best scorer, habang ang tropa niyang si Mae Crisostomo ang kinilalang best receiver at best digger. Best spiker naman si Tubino, habang best blocker, best server at best setter sina Ces Molina (San Beda), Ivy Carlos (EAC), at Djanel Cheng (CSB), ayon sa pagkakasunod.
NLEX, Cagayan namumuro sa finals Isang panalo na lang ang namamagitan sa defending champion NLEX Road Warriors at Cagayan Valley Rising Suns para sa pormal na pagtatakda ng championship pairing sa PBA D-League Aspirants' Cup. Dinomina ng dalawang tropa ang kani-kanilang mga nakaribal kahapon sa simula ng best-ofthree semifinals nang ipagpagan ng Road Warriors ang Jose Rizal U Heavy Bombers, 105-85,
habang pinasingaw ng Rising Suns ang Blackwater Sports Elite, 91-76, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. "The guys really want to win this game. It's just a best-of-three series and this win gives us a twice to beat advantage," ani NLEX coach Boyet Fernandez, na hindi kinakitaan ng pangangalawang ang kanyang grand slam squad sa kabila ng lagpas isang buwang pagkakatengga. Bumira ng 17 points si Nico Salva sa pangunguna sa NLEX habang ipinasak ni Ian Sangalang ang 12 sa kanyang kabuuang 14 markers sa unang canto pa lamang para maidikta kaagad ng Road Warriors ang kahihinatnan ng laban, 26-13. Kumalas nang husto ang NLEX, 57-25, sa jumper ni RR Garcia, na may 12 markers, may 7:20 sa third. Hindi naman natapatan ng Blackwater ang intensidad ni Fil-Canadian James Forrester partikular sa second period nang ipaskil nito ang 13 sa kanyang kabuuang 25 points habang inangkin ni Raymond Almazan ang shaded lane sa pagbayo ng 18 points kasama ang pagkontrol sa boards sa kanyang 17 rebounds para Rising Suns. May 21 points si Byron Villarias para sa JRU habang si Kevin Ferrer ay nagsubi ng 14 markers para sa Blackwater, ang no. 2 seed.
Sa ipinopormang boykot sa SEAG Garcia: Magkaisa tayo! Hiniling ng pinakamataas na opisyal ng pamahalaan sa sports na magkaisa ang lahat upang maprotektahan ang bansa sa napipintong kahihiyan sa 27th Southeast Asian Games sa apat na lungsod ng Myanmar sa darating na Disyembre. Ginawa kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia ang panawagan sa kanyang pagdalo sa lingguhang PSA Forum kahapon sa Skakey's Pizza Branch sa Malate, Manila sa napipintong pandaraya ng host country sa biennial meet sa Dis. 11-22. "We must protect the image of our country. Ano ba talaga ang stand natin? If we send a full delegation or a token delegation, ganoon pa rin ang result, nasa 7th or 8th place pa rin tayo which is not good for us and country in general," lahad ni Garcia sa balitaktakang mga hatid ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at ng Shakey's. Aniya, nasa mga kamay man ng Philippine Olympic Committee at national sports associations ang pinaleng desisyon kung ano ang ipapadalang bilang ng delegasyon sa SEA Games, umaapela pa rin ang PSC sa POC at NSAs na magsakripisyo para sa kolektibong desisyon sa 'di pagsang-
ayon sa pandaraya ng Myanmar, tulad ng pag-alis sa mga Olympic sports at pagpasok sa indigenous combat sports at iba na lubhang pabor sa Burmese. "We need a collective decision. It is not a decision to be made by the athletes but by the leaders. We need a stand by the leaders and NSAs presidents," bigkas ni Garcia. "SEA Games will no longer be fun. Sasagutin lamang natin sa taumbayan kung hindi maganda ang magiging resulta na sa una pa lamang ay alam na natin na talo na tayo." Pero ginarantiyahan ng PSC chief na walang dapat ipangamba ang national athletes kundi man makasali ang ilan sa SEAG bilang pagboykot ng bansa dahil tuloy pa rin ang mga pagti-training ng mga ito para sa iba pang mga palaro sa taong ito.
CELTICS TUMUKOD SA BOBCATS CHARLOTTE, N.C. (AP) --- Masakit ang naging gabi ng Boston Celtics. Hindi lang dahil naputol ang seven-game losing streak ng Celtics sa kamay ng NBA's worst team, kundi sa posibilidad na isa na namang player ang nagkaroon ng malaking injury sa kanilang 94-91 kabiguan sa Charlotte Bobcats. Nagkaroon ng injury sa kanyang kaliwang tuhod si backup guard Leandro Barbosa, na pumupuno sa naiwang puwesto ng may natapos nang season dahil din sa injury sa tuhod na si Rajon Rondo, sa third quarter at kinailangan pang buhatin ng patungo sa locker room ng kanilang team trainer at teammate. Sinabi ni coach Doc Rivers na isasailalim nila ngayon si Barbosa sa MRI. "It doesn't look great but we'll see," ani Rivers. Sa pitong laro sapul nang matapos ang season ni Rondo ay nag-average si Barbosa ng siyam na puntos at may 22.5 minuto kada salang. Naipanalo ng Celtics ang lahat ng pitong games. Ngunit lahat ito ay nagiba kahapon. Inangkin naman ng bihirang gamiting Charlotte big man na si Byron Mullens ang gabi. Nagbigay ang four-year NBA veteran ng career game na 25 points at 18 rebounds sa pagputol ng Bobcats sa kanilang kinalubugang seven-game losing streak. Ang 7-footer na si Mullens ay bumitaw ng 10 of 16 shots sa field, kabilang ang 4 of 5 sa 3-point range. Si Ramon Sessions ay may 19 points sa Bobcats, kabilang ang go-ahead 18-footer jumper may 25.7 segundo na lang.
Nagsubi si Kemba Walker ng 18 points, anim na assists at anim na rebounds, habang may ambag si Gerald Henderson na 16 points. Ito pa lang ang ikalimang laro ni Mullens matapos mawala ng 19 games dahil sa ankle injury. Si Kevin Garnett ay may 16 points at 13 rebounds sa Celtics, ngunit sumablay naman sa 18footer na nagbigay sana sa Boston sa harapan sa huling bahagi ng laro. Nagkaroon ng tsansa sina Paul Pierce at Avery Bradley na makapuwersa ng overtime ngunit nagmintis sa kanilang mga 3-pointers. Nagbulsa si Jeff Green ng 18 points sa Celtics at si Pierce ay may 13 points, walong assists at walong rebounds.
Adamson didikit sa semis incentive Tangka ng Adamson University na makisosyo sa second spot upang lumaki ang tsansa na makuha ang 'twice-to-beat' na insentibo sa UAAP season 75 women's volleyball tournament ngayon sa San Juan Arena. Makakabangga ng Lady Falcons, na naipanalo ang apat sa limang laban nila ngayong second round, ang host National University sa alas-dos ng hapon. Tangay ng Adamson ang 8-4 record at kalahating laro lang ang lamang sa kanila ng kasalukuyang nakaupo sa second spot na Ateneo de Manila (9-4) kaya naman kailangan nilang maipanalo ang laban. "Matibay din ang NU. Kapag hindi talaga nagsipag, baka matalo kami siyempre dahil malalaki sila. Mga breaks of the game ang talo nila, pero pipilitin namin dahil kailangang-kailangan namin ng panalo para sa twice-to-beat," sab ni AdU rookie mentor Sherwin Meneses. Samantala, magtutuos naman sa main event ang magkapitbahay na University of Santo Tomas at Far Eastern University sa main event alas-kwatro ng hapon. Nais ng Tigresses, na nakapuwesto sa fourth place bitbit ang 7-5 slate, na makuha ang panalo upang kubrahin ang nalalabing upuan sa Final Four. Magkasosyo sa fith at sixth spot ang FEU at NU dala ang 6-6 kartada at kailangang-kailangan nilang manalo upang maiwasan ang masipa sa karera.
Bolts, Aces hatakan sa tuktok Sasamahan ng Meralco o Alaska ang Barako Bull sa tuktok sa tug-of-war sa second win samantalang tayuan sa isa't isa sa iwasang malagak sa 2nd loss ang defending champion San Mig Coffee at Petron Blaze sa Day 4 ngayon ng PBA Commissioner's Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum. Sorpresang ungos ang Aces sa reigning Governors' Cup titlist Rain or Shine, 83-81, sa endgame heroics nina super rookie Calvin Abueva at Cyrus Baguio na mga nagbuga ng limang puntos sa dalaang broken play habang binulaga rin noong Linggo ng Bolts ang three-time Philippine Cup champion Talk 'N Text, 99-92, patungo sa alas-5:15 ng hapong na laro. Lumasap naman ang Mixers sa Barako ng 79-75 loss dahil sa 'di naiparada sa pagbubukas ng mid-season conference noong Biyernes ang import na si Matthew Lamar Rogers, na nalason sa pagkain ng pasta. At ang Boosters ay nakatikim ng 94-92 talo sa Globalport. "We are upbeat our chances knowing that the import can ably fill up our gaping hole in the middle," ani Meralco coach Ryan Gregorio na ireresbak ang pag-sweep sa kanila ng Alaska sa best-of-3 ng Philippine Cup quarterfinals tapos may tig-isang panalo sa elims. Nagposte ng 37 points at 14 rebounds si Eric Dawson sa debut game niya sa Meralco at si Robert Dozier ay 21 markers at 16 baords. Nakasukli sa una sina Ronjay Buenafe at Macmac Cardona ng 19 at 16 points at sina Sonny Thoss at JV Casio ay 17 at 11 markers sa agapay sa huli.