3rd Quarter - Notes 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes 4, Poblacion, Muntinlupa City

Ikatlong Markahan
Baitang 5 Araling Panlipunan
SY 2019 – 2020

Aralin #4: Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol

Monopolyo
Sitwasyon kung saan kontrolado o hawak lamang ng isang kompanya o may
kapangyarihan ang industriya o pagtutustos ng isang bagay o produkto.
Pag – aalsa
Pagrerebelde o hindi pagsunod sa pamahalaan o pinuno dahil sa pagtutol o hindi
pagsang – ayon sa mga ginagawa nito.
Tabako
Halamang may malalaking dahong pinapatuyo at ginagamit sa paggawa ng
sigarilyo.

A. Kalakalang Galyon o Kalakalang Maynila – Acapulco


Kalakalan mula sa Maynila patungong Acapulco, Mexico.
Ang kalakalang ito ay monopolyo ng pamahalaang Espanyol.
Galyon – malaking sasakyang pandagat ng mga Espanyol.

Kalakalang Galyon
Mabuting Epekto Masamang Epekto
1. Nadagdagan ang kita ng pamahalaan 1. Napabayaan ang pagsasaka
2. Nakilala ang Pilipinas sa kalakalang 2. Bumagal ang ibang kabuhayan
pandaigdig 3. Tanging mga Espanyol at ilang
3. Nakarating sa bansa ang pribilehiyo lamang ang nakinabang
makabagong ideya at teknolohiya nito
mula sa Mexico at Espanya 4. Naging dahilan ito ng mga katiwalian
4. Nakilala ang mga Pilipino sa pagiging at pang – aabuso sa mga Pilipino
mahusay at malikhain sa paggawa ng
barko at magagandang produkto.

B. Obras Pias – isang institusyon na nagpapautang na may malaking tubo.


C. Pangkalahatang Pangkabuhayang Plano (PPP)
Inilunsad ni Gobernador – Heneral Jose Basco y Vargas sa pamamagitan ng
panghihikayat sa mga taong magtanim ng bulak at pampalasa, magmina ng
ginto, bakal, tanso at lumikha ng mga bagong imbensiyon.
D. Sociedad Economica de los Amigos del Pais o Pangkabuhayang Samahan
ng mga Kaibigan ng Bayan
Binuo ni Jose Basco y Vargas noong Abril 26, 1781.
E. Monopolyo ng Tabako
Itinatag ni Basco ang Monopolyo ng Tabako noong Marso 1, 1782 sa bansa.
Tanging tabako lamang ang maaring itanim sa mga lalawigan ng Cagayan,
Nueva Ecija, Marinduque at Ilocos.
F. Real Compania de Filipinas o Royal Company of the Philippines
Itinatag noong Marso 10, 1785.
Layuning maitaguyod ang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at
mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa.

Para sa karagdagang kaalaman basahin ang pahina 227 – 244 sa Bagong Lakbay ng
Lahing Pilipino 5 (BLLP5).

Takdang Aralin #4 (Ipapasa matapos ang talakayan)


Magsaliksik ng larawan ni Gobernador – heneral Jose Basco y Vargas at
mangalap ng isang patunay na siya ay may layuning mapabuti ang ating bansa.
Gawin sa notebook.

You might also like