He4 q1 Mod4 SDOv2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

4

EPP Home Economics


Unang Markahan - Modyul 4:
Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay
at Bakuran
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Home Economics – Modyul 4: Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay at Bakuran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eva F. Estardo


Editor: Leann C. Luna, EdD
Tagasuri: Susana R. Cruz
Tagaguhit: Christopher G. Zapata
Tagalapat: Rachelle C. Villafranca
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EPP/TLE: Evelyn V. Mendoza
District Supervisor, Mariveles : Francisco B. Bautista
Division Lead Book Designer : Rubie Anne C. Rana
District LRMDS Coordinator, Mariveles : Marjorie M. Palomo
School LRMDS Coordinator : Concepcion D. Carmona
School Principal : Leonila B. Alcid
District Lead Layout Artist, EPP/TLE : Maria Citadel S. Cantillas
District Lead Illustrator, EPP/TLE : Janice D. Mercader
District Lead Evaluator, EPP/TLE : Leann C. Luna, EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
4
EPP Home Economics
Unang Markahan - Modyul 4:
Wastong Paraan ng Paglilinis ng
Bahay at Bakuran
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan - Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay at Bakuran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo ,nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayanang pansarili,
panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sap ag-aaral.

Ang tulong aral na ito ay umaasang maka-uugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan-


Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Paraan
ng Paglilinis ng Bahay at Bakuran!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan:

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing Mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang mabigyang-pansin ang mga


angkop na kagamitan, mga pangunahing gawain at ang wastong pamamaraan na
nauukol sa paglilinis ng ating bahay at bakuran pati na rin ang kahalagahang
naidudulot nito para sa maayos at matiwasay na pagsasamahan at pamumuhay ng
iyong mag-anak.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Naisasagawa ang wastong paraan ng paglilinis ng bahay at bakuran.


(EPP4HE-0f-9.1)

1.1 . Natutukoy ang mga angkop na kagamitan sa paglilinis ng bahay at


bakuran; at

1.2 . Natutukoy ang mga pangunahing gawain sa wastong paglilinis ng


bahay at bakuran.

1
Subukin

Magandang araw! Ako si Bb. Reyes, guro sa


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa
Ikaapat na Baitang.
Ako ay narito upang samahan kang matutuhan
ang mga aralin tungkol sa mga kagamitan at
wastong paglilinis ng inyong bahay at bakuran.
Isulat sa unang hanay ang mga kagamitan at sa
ikalawang hanay kung paano ito ginamit ng
mag-anak sa paglilinis ng kanilang bahay at
bakuran.

Kagamitan sa Paglilinis ng Bahay Wastong Paraan ng Paglilinis ng


at Bakuran na Nasa Larawan Bahay at Bakuran ang Pinakikita Sa
Larawan

2
Aralin
Mga Kagamitan sa Paglilinis
1 ng Bahay at Bakuran
Sa paglilinis ng bahay at bakuran, napakahalaga na malaman ng isang batang
katulad mo ang mga kagamitan sa paglilinis. Hindi sapat na malaman mo lamang
ang mga ito bagkus dapat mo ring matutuhan ang mga wastong gamit ng mga ito
upang maiwasan ang pag-aaksaya ng lakas, panahon at oras. Makatutulong din ito
upang matatamo ang magandang resulta na hinahangad kung may kaalaman sa
wastong paggamit ng mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran.

Balikan

Tukuyin ang iba’t ibang mga bahagi ng bahay. Punan ng tamang titik ang mga kahon
upang mabuo ang mga salita. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Bahagi ng bahay kung saan tinatanggap ang mga bisita at nagkakatipon-


tipon ang mag-anak.
A S

2. Silid na kung saan natutulog at nagpapahinga ang mag-anak.

L D - U G N
3. Bahagi ng bahay na kung saan, dito inihahanda ang pagkain ng mag-anak.

K I A
4. Lugar kung saan sama samang kumakain ang mag-anak.

S L D - K I A

5. Bahagi ng bahay kung saan naliligo at nagbabawas ng dumi ang mag-anak.

P L I G N A T

P L I U R N

3
Mga Tala para sa Guro
Sa pagtukoy sa mga angkop na kagamitan sa paglilinis ng bahay
at bakuran, mahalagang ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga
ito ay dapat gamitin ng may kaukulang pag-iingat upang
maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Nararapat din na ipaliwanag na ang pagkilala sa mga angkop na
kagamitan sa paglilinis ay makatutulong upang maisagawa ang
wastong paglilinis ng bahay at bakuran. Ang mga ito ay dapat
matutuhan ng mga batang lalaki at babae.

Tuklasin

Mayroon akong kuwento. Basahin mo


ito nang malakas. Unawaing mabuti
upang masagot ang mga katanungan
ukol dito.

COVID-19, LABANAN!

ni Eva F. Estardo

Isang araw, habang nanonood ng teleserye ang mag-anak na sina Mang Jose
at Aling Carmen kasama ang kanilang mga anak na sina Manuel, Rita at Ana, isang
breaking news ang gumulat sa kanila. Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan
na si Francisco Duque na ipinaalam sa buong bansa ang tungkol sa kalabang hindi
nakikita. Madali raw itong naipapasa sa tao sa pamamagitan lamang ng pag-ubo at
sa paghatsing ng isang tao na may dala ng nasabing virus. Sinabi pa nito, na
nakamamatay ito, ngunit maiiwasan natin ito kung tayo ay mag-iingat at susunod
sa mga pinatutupad ng gobyerno laban sa pandemyang ito. Pinapaalalahanan din
ang lahat na iwasan muna ang paglabas ng kani-kanilang mga bahay. Ayon pa rin
kay Secretary Duque, mako-kontrol natin ang paglaganap ng virus na ito kung

4
pananatilihin ang kalinisan sa ating sarili gayundin sa ating bahay at bakuran dahil
ang virus na ito ay kumakapit din sa mga bagay sa ating kapaligiran.

Lubhang nabahala ang mag-asawa sa narinig na balita. Kaya kinabukasan,


maaga pa lamang makikita na ang buong mag-anak na abalang-abala na sa
paglilinis ng kanilang bahay at bakuran.

Kinuha ni Mang Jose ang walis tingting, at winalisan ang mga tuyong dahon
at mga kalat sa bakuran. Habang inaalis naman ni Manuel ang mga agiw sa kisame
gamit ang walis tingting na may mahabang hawakan. Si Aling Carmen naman ay
abalang-abala sa pagpupunas ng mga alikabok sa kanilang mga kasangkapan gamit
ang tuyong basahan. Pagkatapos magpunas ng ina, kinuha ni Rita ang walis tambo
at winalisan ang sahig. Dinakot niya ang mga kalat at alikabok gamit ang pandakot.
Inutusan ni Aling Carmen si Manuel na kunin ang mop sa bodega at lampasuhin
ang sahig. Gumamit din sila ng vacuum cleaner upang masipsip ang mga alikabok
sa kanilang carpet. Pinagtulungang pakintabin ng mag-ama ang sahig gamit ang
bunot at floor polisher. Ang mga duming kumapit sa mga tiles, sahig at dingding ng
kabahayan ay sama-sama nilang pinagkukuskos gamit ang mga eskoba.

Bago magtanghali ay nakatapos ang mag-anak. Pagod man ay napakasaya


nila habang pinagmamasdan ang kanilang malinis at maayos na kabahayan.
Habang sila ay nagpapahinga biglang sumigaw si Manuel, “Yehey! Panalo tayo laban
sa COVID-19.” Natatawang nagtinginan na lamang ang mag-anak.

Ngayon naman, talakayin natin ang kuwento.

Upang lubos mong maintindihan ang ating


aralin, sagutin ang mga tanong sa ibaba at
pwede ka ring manghingi ng tulong sa mga
kasama sa bahay.

1. Tungkol saan ang binasang kuwento?


2. Sino ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa epidemiyang kumakalat?
3. Paano maiiwasan ang pagkalat ng sakit na ito?
4. Bakit mahalaga na panatilihing malinis at maayos ang bahay at bakuran?
5. Ano-ano ang mga kagamitang panlinis ang nabanggit sa kuwento?
6. Paano nila ginamit ang mga kagamitang panlinis?

5
7. Ano-anong mga paraan ng paglilinis ang kanilang ginawa?
8. Bukod sa mga ito, magbigay ng iba pang kagamitan na ginagamit sa paglilinis
ng inyong bahay.
9. Ano kaya ang naramdaman ng mag-anak nang matapos silang maglinis ng
kanilang bahay at bakuran?
10. Ano-anong mga katangian ang ipinamalas ng mag-anak habang naglilinis ng
kanilang bahay at bakuran?

Suriin

Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at


bakuran ay mahalaga na dapat matutuhan ng mga mag-aaral na tulad mo, batang
lalaki man o babae.

Sa gawaing ito maraming kagamitan na maaring magamit upang mapanatili ang


kalinisan ng ating bahay at bakuran.

Ginagamit sa pagwawalis ng
magaspang na sahig at ng bakuran.

Ginagamit sa pagwawalis ng sahig na


makinis gaya ng semento.

6
Ginagamit na pamunas sa mga
alikabok sa kasangkapan.

Panlinis sa mga duming nakakapit sa


mga kasangkapan.

Ginagamit sa paglalampaso ng sahig.

Makabagong kagamitang ginagamit


sa pagpapakintab ng sahig.

7
Ginagamit sa pagsipsip ng alikabok
sa carpet at mga upuang
upholstered.

Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.

Ginagamit upang dakutin ang mga


dumi o basura.

Ginagamit sa pagtanggal ng mga agiw


sa kisame at mataas na bahagi ng
bahay.

Ang mga kagamitang nabanggit ay ilan lamang sa mga maaaring makatulong o


magamit sa paglilinis ng ating bahay at bakuran. Sa paggamit ng mga makabagong
kagamitan, maaaring magpatulong o magpaturo ng tamang paggamit nito sa mga
magulang o iba pang nakatatandang kasapi ng mag-anak upang maiwasan ang
anumang sakuna.

8
Pagyamanin

Pag-ugnayin ang mga pahayag na nasa Hanay A at ang tinutukoy na kagamitan sa


paglilinis na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ginagamit sa pagwawalis ng sahig na A. pandakot


makinis gaya ng semento B. mop
2. Pampakintab ng sahig C. bunot
3. Ginagamit sa pag-aalis ng agiw sa kisame D. walis tingting
4. Panglampaso sa sahig E. eskoba
5. Pang-ipon ng dumi at basura F. basahang tuyo
6. Ginagamit sa pagsipsip ng alikabok sa G. walis tingting na may
carpet mahabang hawakan
7. Makabagong kagamitan sa pagpapakintab H. floor polisher
ng sahig I. walis tambo
8. Pamunas ng dumi at alikabok sa mga J. vacuum cleaner
kasangkapan K. kalaykay
9. Pangwalis sa lupa at sahig na kawayan
10. Pangkiskis sa sahig at kasangkapan

Isaisip

Sagutin ang mga bugtong sa ibaba at ayusin


ang mga titik upang mabuo ang mga salita.
Maari mo ring ipahula ang mga ito sa iyong mga
kasama sa bahay.

Hindi ako bampira, hindi rin ako tao,


Naninipsip ako, pero hindi naman dugo,
Kundi alikabok na kung saan saan sumisingit,
Gaya ng sa ibabaw ng inyong carpet. muvcau rlecean

9
Uri ako ng damo, isang produkto ng bayan ko
Mga kalat at alikabok aking tinitipon. wlsai bomat

Tela akong matatawag, iba’t-ibang hugis ang sa aki’y mabubuo.


Punas dito, punas doon.
Tiyak mga kasangkapan walang alikabok. banahsa

Makabagong kagamitan, turing sa akin.


Pinakikintab ko inyong mga sahig. frolo liophser

‘Pag nag-iisa ay ‘di makagagawa,


‘Pag pinagsama-sama, maraming nagagawa,
Mga kalat sa bakuran aking pinagsasama-sama. wlsai ngitngit

Ako’y gamit na mula sa niyog.


‘Pag ako’y inapakan at iginalaw-galaw,
Tiyak ang sahig niyo’y dudulas at kikintab. tobun

Kuskos dito, kuskos doon


Kiskis dito, kiskis doon
Ano ako? koasbe

Kalat na naipon aking dinadakot


Pati na rin tuyong dahoon at iba pang mga kalat. Katpando

Isagawa

Ngayon ay nalaman mo na ang mga kagamitan at


gamit nito sa paglilinis ng bahay at bakuran.

Kausapin ang mga kasama sa bahay. Tanungin


kung angkop ang mga kagamitang ginagamit sa
paglilinis ng bahay at bakuran.

Lagyan ng tsek (/) ang angkop na sagot. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

10
Kagamitan sa Paglilinis ng Bahay at Bakuran

Hindi
Wasto
Wasto

1. Pandakot ang ginagamit sa pag-iipon ng dumi at basura.

2. Walis tambo ang ginagamit sa sahig na kawayan.

3. Bunot ang ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.

4. Basahan ang angkop na ginagamit sa paglalampaso ng sahig.

5. Lumang toothbrush ang ginagamit sa pankiskis sa sahig at


kasangkapan.

6. Ang floor polisher ay makabagong kagamitan na ginagamit sa


pagpapakintab ng sahig.

7. Walis tingting ang ginagamit na pangwalis sa bakuran.

8. Ginagamit ang basahan na pamunas ng dumi at alikabok sa


mga kasangkapan.

9. Ang mop ay ginagamit na panlampaso ng sahig.

10. Ang walis na may mahabang hawakan ang ginagamit sa


pag-aalis ng agiw sa kisame.

11
Tayahin

Susukatin na sa bahaging ito ang iyong kaalamang


natutuhan.

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at piliin sa


loob ng kahon kung anong kagamitan ang angkop
mong gamitin. Isulat ito sa iyong sagutang papel
at ipawasto sa iyong kasama sa bahay.

1. Maalikabok ang ibabaw ng mesa nina Alma. Anong kagamitan kaya ang
kanyang gagamitin?
2. Nagmamadali si Dolly sa paglilinis ng kanilang bahay dahil may
pupuntahan siya. Gusto niyang pakintabin ang sahig. Anong kagamitan ang
kanyang gagamitin upang mapadali ang gawain?
3. Napansin mong maraming alikabok sa inyong carpet, anong angkop na
kagamitan ang iyong gagamitin?
4. Dinalaw ni Ben ang kaibigang si Lito sa kanilang bahay. Nakita niyang
maraming agiw sa kisame. Ano kayang kagamitan ang sinabi ni Ben sa
kaibigan upang tanggalin ang agiw?
5. Napansin ni Noli na maraming nakakapit na dumi sa kanilang tiles. Ano
ang dapat niyang gamitin sa pagtanggal nito?

12
6. Walang pambili ng makabagong kagamitan sa pagpapakintab ng sahig
sina Amber, kaya siya ay gumamit na lamang ng __________.
7. Sinabi ng nanay mo na maglinis ka ng bakuran dahil maraming mga
tuyong dahon at tinabas na damo ang nagkalat. Anong wastong kagamitan
ang iyong dapat gamitin?
8. Ang mga tinipong kalat ng kuya mo ay nililipad ng hangin. Inutusan ka
niya na dakutin ito. Ano ang iyong gagamitin?
9. Ang sahig ninyo ay gawa sa semento. Napansin mong maraming
nakakalat na pira-pirasong papel at balat ng kendi rito. Anong kagamitan ang
iyong gagamitin sa paglilinis dito?
10. Nakatapos nang magwalis ng kanilang sahig si Nathaniel. Napansin
niyang may mga bahid dito ng putik. Anong kagamitan ang kanyang
gagamitin?

Karagdagang Gawain

Iguhit ang mga kagamitang panlinis sa bahay at bakuran sa iyong kuwaderno.


Tukuyin ang wastong gamit ng mga ito. Narito ang pamatayan na batayan sa
pagmamarka sa iyong ginawa.

Rubrik sa Pagguhit at Pagtukoy sa mga Kagamitan sa Paglilinis ng Bahay


at Bakuran

Pamantayan 5 3 1

1. Naiguhit ang mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at


bakuran

2. Natukoy ang wastong gamit ng bawat kagamitan

3. Nagpakita ng kawilihan habang isinasagawa ang gawain

13
Aralin
Wastong Paraan sa Paglilinis
2 ng Bahay at Bakuran

Ang bahay ay lugar na kung saan sama-samang namumuhay, natutulog, kumakain,


nagkukwentuhan at gumagawa ang mag-anak. Nararapat lamang na panatilihin ng
bawat kasapi nito ang kalinisan, kaayusan at kaligtasan laban sa mga peste at
mikrobyo na nagdudulot ng sakit sa mag-anak.

Ang paglilinis ng bahay at bakuran ay isa sa mga pangunahing gawain ng isang mag-
anak. Nararapat lamang na ang bawat kasapi ng mag-anak ay tumulong sa paglilinis
at pag-aayos nito.

Maraming mga gawain sa bahay at bakuran ang maaaring gampanan o gawin ng


mag-anak. Nangangailangan ito ng sapat na pansin upang masigurong maisagawa
ito nang maayos at wasto.

14
Balikan

Tukuyin ang mga kagamitang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon
at isulat sa sagutang papel.

vacuum cleaner bunot


eskoba mop
walis tingting walis tambo
basahan floor polisher
pandakot walis na may mahabang
hawakan

1. Kagamitan sa paglalampaso ng sahig.


2. Gamit sa pagpupunas ng mga alikabok.
3. Ginagamit na pangkiskis sa sahig at kasangkapan.
4. Ito ang pang-ipon ng kalat at basura.
5. Sinisipsip nito ang mga alikabok na nasa carpet.
6. Pangwalis na ginagamit sa lupa at sahig na kawayan.
7. Makabagong kagamitan sa pagpapakintab ng sahig.
8. Pangwalis na ginagamit sa sahig na semento at tabla.
9. Gamit sa pag-aalis ng mga agiw sa kisame.
10. Yari ito sa niyog at ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.

Mga Tala para sa Guro

Ang bawat bata, babae man o lalaki ay dapat matutuhan ang paraan ng
paglilinis ng bahay at bakuran.
Sa pagsasagawa ng mga paraan ng paglilinis ng bahay at bakuran,
mahalagang ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga ito ay dapat nasusunod
nang maayos upang makatipid ng oras, panahon at lakas.
Mahalagang ipaalala din sa mga bata na isaalang-alang at kailangang
sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa tuwing maglilinis ng
bahay at bakuran.

15
Tuklasin

Mayroon akong tula. Basahin mo ito


nang pabigkas. Unawaing mabuti upang
masagot ang mga katanungan ukol dito.

Mga Gawain sa Bahay at Bakuran


ni Eva F. Estardo

I. Idilat mga mata sa iyong kapaligiran


Iba’t ibang gawain sa tahanan at bakuran
Na dapat lamang bigyan ng masusing pagbusisi
Upang sa bandang huli ay ‘di magsisi.

II. Maraming gawain sa ating tahanan


Pagwawalis, pagbubunot, paglalampaso
Pagpo-floor wax, at pagpupunas ng kasangkapan
Marami pang iba, ilan lamang ito.

III. Gayundin naman sa ating bakuran


Pagbubunot ng damo at pagdidilig ng halaman
Paglilinis ng kanal huwag kalimutan
Pagwawalis araw araw, ‘di dapat kaligtaan.

IV. Ang paglilinis ng bahay at bakuran ay napadadali


Kung nagtutulungan bawat kasapi
Gayundin naman bawat mamamayan
Malinis at maayos na bahay at bakuran, siguradong makakamtan.

16
Tara! Talakayin natin ang tulang iyong
binigkas upang mas maunawaan ang aralin.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba at maaari kang
manghingi ng tulong sa iyong mga kasama sa bahay.

1. Tungkol saan ang tulang binigkas?


2. Sa pangalawang saknong ng tula, ano ang mga nabanggit na gawain sa
paglilinis ng ating bahay?
3. Ano ang mga pangunahing gawain sa ating bakuran sa ikatlong saknong?
4. Paano napapadali ang isang gawain?
5. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tulang binigkas, ano-ano pa ang
mga gawain sa bahay at bakuran?
6. Bakit mahalagang panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa loob ng ating
bahay? ng ating bakuran?
7. Paano mapapagaan ang mga gawaing paglilinis sa bahay at bakuran?
8. Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mag-anak upang
matamo ang kalinisan at kaayusan ng bahay at bakuran?
9. Bilang isang bata, ano-anong mga paraan ng paglilinis ng bahay at
bakuran ang kaya mo nang gawin?
10. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong bahay at
bakuran?

Suriin

Ang mga wastong paraan ng paglilinis ng bahay at bakuran ay isang kasanayan na


dapat matutuhan ng mga mag-aaral na kagaya mo, maging ikaw man ay batang
lalaki o babae.

Sa gawaing ito, maraming paraan ang maari mong gawin o gampanan upang
mapanatiling malinis at maayos ang bahay at bakuran.

17
Wastong Paraan ng Paglilinis ng Wastong Paraan ng Paglilinis ng
Bahay Bakuran

1. Pagwawalis- simulan sa sulok at


1. Pagwawalis- walisin ng tingting ang
tabi ng silid patungo sa gitna.
mga tuyong dahon, damo, at iba pang
kalat sa loob at labas ng bakuran.
2. Pag-aalis ng alikabok- ang mga
Dakutin ang mga kalat at ilagay sa
kasangkapan at kagamitan tulad
basurahan.
ng muwebles, telebisyon, kabinet,
at ibang palamuti sa tahanan ay
2. Pagbubunot ng damong ligaw-
kailangang alisan ng alikabok sa
bunutin ang mga damong tumutubo
pamamagitan ng tuyong basahan.
sa paligid ng bakuran dahil nagiging
sukal ito.
3. Paglalampaso ng sahig-
3. Pagtatapon ng basura- ibukod ang
pagkatapos walisan ng sahig,
mga lata, basag na bote, plastik, at
basain ang mophead at punasan
karton. Ihiwalay ang mga nabubulok
ang sahig.
sa hindi nabubulok at ilagay sa kani-
kaniyang plastik o sako.
4. Pagbubunot- binubunot ang sahig
pagkatapos pahiran ng floor wax.
4. Pagbabaon ng basura- ang mga
Punasan ng basahan ang sahig
basurang nabubulok gaya ng tuyong
upang kumintab at muling
dahon, pinagtalupan ng gulay at
walisan.
prutas at dumi ng alagang hayop ay
kailangang ilagay sa compost pit o
5. Pag-aalis ng mga agiw sa kisame-
hukay sa lupa upang gawing pataba o
simulan sa itaas pababa ng
abono ng halaman.
dingding. Gumamit ng walis
tingting na may mahabang
5. Pagdidilig ng mga halaman- diligan
hawakan.
ang mga halaman sa bakuran tuwing
umaga at hapon. Gumamit ng
6. Pag-aalis ng duming nakadikit
regadera sa pagdidilig ng halaman.
sa sahig- gumamit ng eskobang
Bungkalin ang lupa sa paligid ng
matibay at kuskusin ang bahaging
halaman minsan sa isang linggo.
may dumi. Lagyan ng bula ng
sabon upang madaling maalis ang
6. Paglilinis ng kanal- laging linisin
nanigas na dumi.
ang daanan ng tubig o kanal upang
maiwasan ang pamamahay ng daga at
iba pang mga hayop na nagdadala ng
sakit sa mag-anak o sa pamayanan.

Ang mga nabanggit na paraan sa paglilinis ng ating bahay at bakuran ay


makatutulong upang mapanatiling malinis, maayos, kaaya-aya at maging ligtas ang
buong pamilya sa anumang mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit.

Kinakailangan din ang paggabay ng mga magulang o nakatatandang kasapi ng mag-


anak habang isinasagawa ang paglilinis upang matamo ang hinahangad na ganda
at ayos ng ating bahay at bakuran.

18
Pagyamanin

Piliin sa kahon ang wastong salita upang mabuo ang pangungusap na nagpapahayag
ng wastong paglilinis ng bahay at bakuran. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

tuyong basahan sulok bunutin tuwing umaga o hapon

pababa ihiwalay lingguhan dahan-dahan

walis tingting kanal

1. Gumamit ng __________ sa pagpupunas ng mga alikabok.

2. Ang mga basurang nabubulok ay dapat __________ sa mga basurang hindi


nabubulok.

3. Sa paglilinis ng tahanan, simulan sa itaas na bahagi __________.

4. Gumamit ng __________ sa pagwawalis ng mga tuyong dahon, damo at iba


pang kalat sa bakuran.

5. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang __________ upang maiwasan


ang paglipad ng alikabok.

6. Maraming mga damong ligaw ang tumutubo sa paligid ng halaman. Ito ay


kailangang __________.

7. Unahin ang mga __________ ng bahay patungong gitna kapag nagwawalis.

8. Ang pagdidilig ng mga halaman ay ginagawa __________.

9. Ang pag-aalis ng agiw ay ginagawa nang __________.

10. Kailangang linisin ang __________ upang maiwasan ang hindi kanais-nais
na amoy.

19
Isaisip

Mayroon akong tula. Basahin mo ito ng


pabigkas at unawaing mabuti. Ayusin
ang mga titik upang mabuo ang mga
salita.

Kalinisan
ni Eva F. Estardo

I. Maraming paraan sa paglilinis ng bayha at bakuran


Kung ating susundin at gagawin ng tama,
Panahon, lakas at oras ay ‘di maaaksaya,
Laging pakatandaan, sanlikani ay kayamanan.

II. Sa pagwawalis ng sahig sa ating tahanan,


Laging sa loksu o gilid ng silid simulan,
Sa pag-aalis ng agiw sa ating kimesa,
Simulan ito lagi sa itaas na bahagi.
Itapon sa bahansura ang bote, plastik, at lata,

III. Ang mga tuyong dahon, damo ay ibaon sa hukay na lupa,


Linisin ang kanal, upang pamamahay ng mga daga ay maiwasan,
Na nagdadala ng sakit sa anak-mag at pamayanan.

IV. Pagliswawa, pagpontata ng basura at pagligdidi ng halaman,


Ilang paraan lamang ito sa paglilinis ng ranbaku,
Pagwawalis, naspagpupu, solampaglapa sa bahay ay kailangan,
Upang gumanda’t luminis ating ranlikagipa.

20
Isagawa

Suriin at pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang
pamamaraan sa paglilinis sa bawat sitwasyon.

1. 6.

7.
2.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

21
Tayahin

Sa bahaging ito ay susukatin na ang natutuhan mo sa


ating aralin.
Isagawa ang mga gawain sa ibaba. Pagkatapos ng iyong
mga gawain ay hayaan mong magbigay ng marka ang
iyong kasama sa bahay gamit ang rubriks na nasa ibaba.
Tandaan: Ugaliing maging ligtas. Magsuot ng face mask
kung maglilinis ng bakuran, lumayo sa tao at ugaliing
maghugas ng kamay. Mahalagang sundin ang mga
panuntunang pangkaligtasang gawi sa paglilinis ng
bahay at bakuran.

Mga Gawain:

1. Isagawa ang mga wastong paraan ng paglilinis ng bahay tulad ng


pagwawalis, pag-aalis ng alikabok, paglalampaso, pagbubunot.
2. Isagawa naman ang mga wastong paraan ng paglilinis ng bakuran tulad ng
pagwawalis, pagtatapon ng basura, pagdidilig ng halaman, pagbubunot ng
ligaw na damo, paglilinis ng kanal.

Rubrik sa Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay


(Pagwawalis, Pag-aalis ng alikabok, Paglalampaso, Pagbubunot)
Rubrik sa Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bakuran

Kraytirya 5 3 1 Marka
Kasangkapan Kumpleto, May kulang, Hindi kumpleto
wasto o angkop angkop o hindi ang gamit, hindi
ang paggamit angkop ang angkop at mali ang
paggamit paggamit
Paggawa Natapos sa Natapos ang Hindi nasunod ang
takdang oras at gawain ngunit hakbang, hindi
sinunod ang hindi gaanong natapos sa
wastong paraan nasunod nang takdang oras
ng paglilinis wastong
pamamaraan
Gawi/Kilos May mabuting Hindi gaanong Hindi ginawa ang
asal at nagpakita ng gawain
masiglang mabuting asal
ginampanan habang
ang mga gawain naglilinis

22
(Pagwawalis, Pagtatapon ng basura, Pagdidilig ng halaman, Pagbubunot ng
ligaw na damo, Paglilinis ng kanal)

Kraytirya 5 3 1 Marka
Kasangkapan Kumpleto, wasto May kulang, Hindi kumpleto
o angkop ang angkop o hindi ang gamit, hindi
paggamit angkop ang angkop at mali
paggamit ang paggamit
Paggawa Natapos sa Natapos ang Hindi nasunod
takdang oras at gawain ngunit ang hakbang,
sinunod ang hindi gaanong hindi natapos
wastong paraan nasunod nang sa takdang oras
ng paglilinis wastong ang mga
pamamaraan
Gawi/Kilos May mabuting Hindi gaanong Hindi ginawa
asal at masiglang nagpakita ng ang gawain
ginampanan ang mabuting-asal
mga gawain habang naglilinis

Karagdagang Gawain

Gumawa ng isang linggong talatakdaan tungkol sa mga gawaing may kinalaman sa


paglilinis ng iyong bahay at bakuran.

Araw Gawain Ginugol na Panahon


(Bilang ng Minuto)

Rubrik sa Paggawa ng Isang Linggong Talatakdaan sa Paglilinis ng Bahay


at Bakuran

Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Naisasagawa nang tama ang mga gawain sa
eskedyul.
2. Nakagawa ng isang linggong talatakdaan.
3. Nasunod ang oras o araw sa pagsasagawa.
4. Nagpakita ng kawilihan habang isinasagawa ang
mga gawain.

23
24
Karagdagang Isagawa: Balikan:
Gawain: Pagyamanin:
-maaaring sagot ng 1. Mop
1. Tuyong
- maaaring mga bata 2. Basahan
basahan
sagot ng bata 3. Eskoba
2. Ihiwalay
1. pagwawalis 4. Pandakot
2. pagpupunas 3. Pababa
5. Vacuum
3. pag-aagiw 4. Walis
cleaner
4. pagtanggal ng tingting
mga basura sa kanal 6. Walis
5. Dahan
5. pagwawalis ng tingting
mga kalat dahan
7. Floor
6. pagtatapon ng 6. Bunutin
polisher
basura 7. Sulok
Tayahin: 7. paglalampaso o 8. Walis tambo
8. Tuwing
paggamit ng mop 9. Walis na
-depende sa 8. pagbubunot ng umaga o
may
resulta ng damo hapon
mahabang
ginawa ng bata 9. pagdidilig ng 9. Lingguhan
halaman hawakan
10. kanal
10. pagwawalis 10. Bunot
Aralin 2:
Pagyamanin: Tayahin:
Karagdagang Gawain:
1. I 1. Basahan
Batay sa maaaring sagot
2. C 2. Floor polisher
ng bata
3. G 3. Vacuum cleaner
4. B 4. Walis tingting
5. A na may
6. J mahabang Subukin:
7. H hawakan Kagamitan:
8. F 5. Eskoba
9. D 1. Walis tambo
6. Bunot
10. E 2. Bunot
7. Walis tingting
3. Pandakot
8. Pandakot 4. Eskoba
Isagawa: 9. Walis tambo 5. Basahan
10. Mop 6. Walis tingting
1. Wasto 7. Mop
2. Hindi Paraan:
Wasto 1. Nagbubunot ng
3. Wasto sahig
4. Hindi Balikan:
Wasto 2. Nagwawalis ng
5. Hindi sahig at bakuran
1. SALAS
Wasto 2. SILID- 3. Nagpupunas ng
6. Wasto TULUGAN mga alikabok
7. Wasto 3. KUSINA
8. Wasto 4. SILID-KAINAN 4. Naglalampaso ng
9. Wasto 5. PALIGUAN AT sahig
10. Wasto PALIKURAN 5. Nagkikiskis ng
dingding
[[[
Aralin 1:
Susi sa Pagkatuto
Sanggunian
Del Castillo, C. and Sotoya, M., 1999. Makabuluhang Gawaing Pantahan At
Pangkabuhayan. 1st ed. Quezon City, Manila: Adriana Publishing.

Samadan, E., Lalaguna, M., Laggui, V., E, M., Benisano, M., Lavilla, D., Garcia, I.,
Dispabiladera, B., Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., Rondina, J., Roson,
S., Torres, R. and Emen, R., 2015. Edukasyong Pantahanan At
Pangkabuhayan 4, Kagamitan ng Mag-aaral. 1st ed. Pasig City: Vibal Group,
Inc.

Samadan, E., Lalaguna, M., Laggui, V., E, M., Benisado, M., Lavilla, D., Garcia, I.,
Dispabiladera, B., Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., Rondina, J., Ronson,
S., Torres, R. and Emen, R., 2015. Edukasyong Pantahan At Pangkabuhayan
4, Patnubay Ng Guro. 1st ed. Pasig, City: Vibal Group, Inc.

Barza, M., 2008. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan 4. Quezon City: Sta.


Teresa Publications, Inc.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like