EsP9PL Ih 4.3 B
EsP9PL Ih 4.3 B
EsP9PL Ih 4.3 B
GAD-basediCCEBU
Lesson Exemplar
Grade Level: 9 Learning Area: Edukasyon sa Pagpapakatao
Time Allotment: 60 minuto
Learning Area/s Integrated: (TLE, AP, GAD & DRRE) Quarter:1
Integration Approach Used: (Pleasetick.)
1|Page
DRRE maging mapanuri at handa upang makaiwas o mabawasan ang epekto ng sakuna
video clip,mga larawan, tunay na bagay, activity cards, pentel pens, meta cards,
IMs
masking tapes, kartolina, krayola
VI. Learning Experiences (5 Es)
Pangkatin ang klase sa apat, at paglaruin ng message relay game.
Pagkatapos ng laro ay sagutin nila ang mga katanungan.
1. Ano ang inyong nararamdaman ng gawin ninyo ang laro?
Inaasahang sagot: Masaya, bitin, etc
2. Naipasapasa ba ng tama ang mensahing ibinigay? paano?
Inaasahang sagot:Hindi, dahil hindi lahat nakuha ng maayos dahil minadaling ihatid
ito. Oo dahil nilinaw ng mabuti baago ipinasa ang mensahe.
3. Bakit mahalaga ang linawin ng mabuti ang pagkuha ng mensahe bago ipasa sa iba?
Inaasahang sagot: Upang maging tama at pawang katotohanan lamang ang
1.Engage
maihatid walang labis at kulang.
( 7 minutes)
4. Sa panahon ngayon ano-ano ang mga sanggunian sa pagkuha ng impomasyon?
Inaasahang sagot: Internet, cellphone, radyo, telebisyon, pahayagan, aklat,atbp
5. Naniniwala ba kayo sa mga impormasyon na inyong naririnig, nakikita o nababasa?
Inaasahang sagot: Hindi, dahil mahalagang maglaan pa tayo ng sapat na panahon
sa paghahanap ng impormasyon upang matiyak ang katotohanan.
6. Alin ang mas mahalaga, ang uri ng media o ang katotohanang hatid nito saatin?
Bakit?
Inaasahang sagot: Ang katotohanang hatid nito sa atin dahil ito ang nakatutulong
sa paggawa ng tamang pagpasya.
2.Explore Pangkatang Gawain
( 8 minutes) Basahin ang sitwasyon sa activity cards.
Alalahanin ang isang pagkakataong natukso at hindi magsasabi ng katotohanan.
Gamit ang cellphone, may kumalat na text message sa lugar na walang pasok
ang mga eskwelahan sa darating na araw ng Lunes dahil may malakas daw na
bagyo ang tatama sa inyong lugar. (DRRE)
May katotohanan ba ang post na ito?
Inaasahang sagot: wala pang katuturan ang isang bagay na na I post kung
walang sapat na pag-uusisa
Kung ikaw ay isang batang mag-aaral na nakatanggap ng text, ano angiyong
gagawin upang malaman ang katotohanan?
Inaasahang aagot: Pupunta sa isang website ng ulat panahon o manood ng
balita sa telebisyon at suriin kung toto nga bang may malakas na bagyo na tatama
sa aming lugar dahilin upang walang pasok.
At kung sakaling may bagyo nga, ano ang inyong gawin upang maging handa
at makaiwas sa pinsala o sakunang dalhin nito?
Inaasahang sagot:Maging mapanuri at lumikas sa masligtas na lugar tulad ng
evacuation center.
Ang guro ay magpapalabas ng video clip patungkol sa paghahanda bago tatama ang
2|Page
bagyo, upang mas lalalim pa ang kaalaman ng mga kabataan. DRRE
Gamit ang facebook, may nakapost na video na may mga mag-aaral na hindi
pumasok at naliligo sa Dayhag falls at isa sa mga ito ay kabilang sa LGBTQ na hindi
studyante. GAD
May katotohanan ba ang post na ito? Answers may vary
Ano marahil ang iisipin mo pagkakita mo sa video na isa sa mga
kasama nito ay kabilang sa LGBTQ at hindi mag-aaral?answers may
vary (teacher should deal this with extra care in dealing gender
sensitivity)
Kung ikaw ang bata na nakakita ng post sa facebook, ano ang iyong
gagawin upang malaman ang katotohanan?Ipagpaalam ko ito sa guro
o principal upang magkaroon ng imbetigasyon tungkol dito nang
mabigyan sila ng kaukulang proseso at mailabas ang katotohanan.
Kung ikaw ang isa sa mga batang nasa video, ano ang iyong gagawin?
Ako ay kusang haharap sa guro o principal at sasabihin ko ang
katotohanan upang makamit ko ang payapang isip at damdamin,
magaan at mapanatag na kalooban.
3.Explain Think-Pair Share
(20 minutes) Pumili ng kapareha at pag-usapan ang inyong mga sagot sa sumusunod.
Humanda sa pag-uulat ukol sa inyong napag- usapan.
Mag-isip ng isang sitwasyon kung saan ginamit mo ang media sa pagbibigay ng maling
impormasyon. Gamit ang graphic organizer, itala sa meta cards ang inyong mga sagot.
Uring Sitwasyong Hindi Nararamdaman Bunga ng Mga Aral na Magkaroon ng
Media Nagsabing Pagsisinungaling Natutunan malalim na
Katotohanan talakayan sa mga
naging kasagutan
ng mga mag-aaral,
lalo na sa mga maling sitwasyon na nakasulat at kung paano nila ito itinama.
Tatalakayin ng guro ang kahalagahan ng pagmamahal sa katotohanan sa
paggamit ng impormasyon bilang tamang hakbang sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya.
Itanong:
Paano nakatutulong ang mga sanggunian sa pagkuha ng mga
impormasyon?
Inaasahang sagot: Nakatulong ito sa pagkuha ng mabilisang impormasyon.
Bilang isang teenager, ano ang iyong pagkaunawa sa pagmamahal
sa katotohanan?
Inaasahang sagot: Ang pagmamahal sa katotohanan ay ang pag-alam sa mga tunay
na pangyayari upang matiyak ang tamang impormasyon.
Paano mo ito maipapakita sa anumang sitwasyon o pagsubok na
iyong mararanasan?
3|Page
Inaasahang sagot: Hindi muna gagawa ng madaliang paghuhusga kung hindi
nasusuri ng maigi ang isang sitwasyon at ang buong katotohanan.
Ano ang kabutihang maaaring idulot sa pagiging tapat sa lahat ng
bagay?
Inaasahang sagot: Makakatulong ang pagiging matapat upang makagagawa tayo ng
tamang pagpasya para sa ikabubuti ng ating sarili, pamilya at
lipunang ating ginagalawan.
Parehong pangkat hanapin ang kaibahan sa larawan na nakaflash sa screen.
1. Ano ang inyong naramdaman ng ginawa ninyo ang activity?
Inaasahang sagot: Masaya, pressure
2. Ano ang mga ginagamit ninyong paraan upang mahanap ninyo ang kaibahan ng
dalawang larawan na ito? Magbigay ng hakbang.
Answer may vary.
3. Madali lang ba ang pagtukoy sa kanilang kaibahan?bakit?
Inaasahang sagot: Hindi, kasi halos makakapareho sila, kailangan mo talagang
pagtuonan ng pansin at ihambing ito sa isa’t-isa.
Ang guro ay magpalabas ng maikling video clip patungkol sa fake news at
paano ito matutukoy.
Paano matutukoy ang totoo o real news?
Inaasahang sagot: Dumaan ito sa newsroom at makikita ang pangalan ng editor.
Ayon sa napanood nating video anu-ano ang mga batayan upang matukoy na ang
isang impormasyon narinig o napanood natin ay totoo ba o hindi?
Inaasahang sagot: Una tingnan ng mabuti ang content, motibo ng nagsulat, at ang
pagdisseminate o pagpapakalat nito.
Ano ang misinformation at disinformation?
Inaasahang sagot: Misinformation ay ang pagtanggap ng maling impormasyon at
pinaniwalaang tama o totoo. Disinformation ay ang pagpakalat
4|Page
nito dahil sa paniniwalang totoo ito.
Sasabihin ng guro:
Ang pagsisinungaling ay walang maidudulot na tama sa buhay ng isang tao. Maaari
kang mapahamak o makakasakit ng ibang tao dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. Ang
pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay na pangyayari at
paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon. Makakatulong din ito upang
makagagawa tayo ng tamang desisyon para sa ikabubuti ng ating sarili at pamilya. Ang
bunga ng pagsasabi ng katotohanan ay magkakaroon tayo ng payapang isip at
damdamin, magaan at mapanatag na loob.
Tala para sa guro: Magbigay ng mas malawak na impormasyon tungkol sa
pagpapahalagang pagmamahal sa katotohanan.
Basahin ang sitwasyon: May isang flash report sa radyo o telebisyon na may
paparating na bagyo na tatama sa inyong lugar.
Bilang mapanuring mag-aaral, ano ang inyong mga hakbang na gagawin upang
malaman mo na ang balita o impormasyon ay totoo o hindi?
Ipagbigay alam ko sa aking magulang at guro.
Hahanap ako ng katiyakan sa tamang impormasyon.
Ano ang inyong gagawin upang maiwasan at mailigtas ang sarili sa ganitong
sakuna? DRRE
4.Elaborate
Ihanda ang mga kakailanganin tulad ng tubig, pagkain, first aid, extra na baterya,
(10 minutes)
flashlight, mga damit atbp. Pag-usapan sa pamilya ang emergency plan.
Maghanda sa posibilidad na paglikas Tumutok sa balita sa radio, TV at Internet.
Patayin ang main switch ng kuryente. Tandaan ang mga mahahalagang numero
gaya ng RED CROSS, NDRRMC at PAG-ASA.
Tala para sa guro: Maaaring gamitin ang mga video tungkol sa mga dapat gawin bago
dumating ang bagyo.
https://www.rappler.com/technology/social-media/189656-fake-news-explainer
https://www.youtube.com/watch?v=JLc9B3Cj_y0
5.Evaluate A. Sagutin ng Tama o Mali.
( 20 minutes) Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi wasto.
____1. And media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng
lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
____2. Ang pangunahing layunin ng medya bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay
magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi nito. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng
medya na ipahayag ang isang panig lamang.
____3. Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napapanatili mo ang
ikabubuti ng bawat mamamayan.
____4. Ang pagpost sa social media ng hindi kumpirmadong at malisyosong
impormasyon ay nagdudulot ng pagkakaisa at magandang ugnayan sa lipunan na
ating ginagalawan.
____5. Bago I-post sa social medya ang isang impormasyon mabuting suriin muna ang
5|Page
pinanggagalingan at ang validity nito.
B.Pangkatin ang klase sa apat. Ipalabas ang mga ipinadalang kagamitan sa paggawa ng
Poster/Slogan. Sa pamamagitan ng brainstorming, gagawa ang pangkat ng Poster
/Slogan tungkol sa kanilang nabuong ideya ng katotohanan. Hikayatin ang mga mag-
aaral na maging malikhain sa paggawa. Gagamit ng Rubrik sa pagmamarka ng gawa ng
mag-aaral. May 5 puntos sa pinakamataas na marka at 3 puntos sa pinakamababang
marka. May 20 puntos sa sinumang makakuha ng perpektong gawain.
Tala para sa guro: Bukod sa poster, maaari ring magpagawa ng tula o awit tungkol sa
pagmamahal sa katotohanan. Gumawa ng Rubrik ukol dito.
Teacher’s Reflection
6|Page
A. No of learners who earned 80% in the evaluation.
B. No of learners who require additional activities for remediation.
C. Did the remedial lesson work? No of learners who have caught up with the lesson.
D. No. Of learners who continue to require remediation.
E. Which of my learning strategies worked well? Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I used//discover which I wish to share with other
teacher?
Prepared by:
VERGEL S. ALGONES
JHS-Teacher I, Lunop NHS
Reviewed: Verified:
Recommending Approval:
Approved:
7|Page