Ang Aking Pamilya Sa Nagbabagong Panahon PDF
Ang Aking Pamilya Sa Nagbabagong Panahon PDF
Ang Aking Pamilya Sa Nagbabagong Panahon PDF
1
Anu-ano na ang mga Alam Mo?
Bago tayo magpatuloy sa mga aralin, magsimula tayo sa isang simpleng
gawain. Ito ang magsusuri kung ano na ang mga alam mo sa paksang ating
tatalakayin. Isulat sa linya ang T kung ang pangungusap ay tama at M kung ang
pangungusap ay mali. Kung ang sagot ay mali ipaliwanag kung bakit.
1. Ang batang pinalaki ng isang solong magulang ay walang magulang na
puwedeng ikuwento.
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Kapag naging balo ang isang magulang, ipinagpapalagay na wala na siyang
pamilya.
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay walang idinudulot na problema lalu na
sa mga maiiwan.
________________________________________________________
________________________________________________________
4. Palaging nakakatulong sa pamilya ang teknolohiya.
________________________________________________________
________________________________________________________
5. Ang mga kababaihan sa ngayon ay hindi dapat pumayag na maging isang
ordinaryong may bahay na lamang.
________________________________________________________
________________________________________________________
6. Ang mga pamilya ay hindi apektado ng mga isyu gaya ng sakit na AIDS.
________________________________________________________
________________________________________________________
Kumusta ang pagsusulit? Sa tingin mo ba ay napagbuti mo ito nang husto?
Ihambing ang iyong sagot sa mga sagot na nakasaad sa Batayan sa Pagwawasto na
nasa pahina 46.
Kung tama ang lahat ng iyong mga sagot, magaling! Nagpapakita ito na marami
ka nang alam sa paksang tinatalakay sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan
ang modyul upang marebisa mo ang iyong mga nalalaman. Malay mo, maaari rin
namang may matutuhan ka pang ibang bagay sa modyul na ito.
Kung mababa naman ang nakuha mo, huwag kang malungkot. Ang ibig lang
sabihin niyan ay para sa iyo ang modyul na ito. Makakatulong ito sa iyong
maunawaan ang mga importanteng konsepto na magagamit mo sa iyong pang-araw
araw na pamumuhay. Kapag pinag-aralan mo nang maingat ang modyul na ito,
malalaman mo ang lahat ng mga sagot sa pagsusulit at marami pang iba. Handa ka na
ba?
Maaari mo ng buklatin ang susunod na pahina upang simulan ang aralin 1.
2
ARALIN 1
Ano ang naiisip mo kapag naririnig mo ang salitang “pamilya?” Maaaring ang
iniisip mo ay pamilyang binubuo ng ama, ina, at mga anak. Subalit alam mo bang
dahil sa mga pagbabagong nagaganap ngayon sa lipunan, ang pagkakakilala sa
pamilya noon ay nagbabago.
Ang pag-unlad ng ekonomiya, urbanisasyon, mga pagbabagong pangkultura,
mga imbensyon sa siyensya at teknolohiya - nakakaapekto ang lahat ng ito sa
pamilya. Sa araling ito, marami kang malalaman ukol sa mga pagbabago sa pamilya
ngayon.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, magagawa mong:
♦ ilarawan ang iba’t ibang uri ng mga pamilya; at
♦ ilarawan ang iba’t ibang uri ng solong pagkamagulang.
Nagsasaad ang mga larawan sa ibaba ng iba’t ibang mga uri ng pamilya ngayon.
Ilarawan ang bawat isa nito. Isulat ang iyong mga sagot sa linyang nasa ibaba.
_____________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3
Nagpapakita ang unang larawan ng isang uri ng pamilya na mas pamilyar sa
atin. Ang pangalawan naman ay nagpapakita ng panibagong tipo ng pamilya na kung
saan ay isang magulang lamang ang nag-aalaga sa kanyang anak. Mag-aral pa tayo
nang malalim ukol dito. Ipagpatuloy ang pagbabasa.
Alamin Natin
Pamilyang may ama at ina. Ito ang uri ng pamilya na mas kilala o pamilyar
tayo. Ang tatay, nanay at mga anak ay magkakasamang namumuhay. Karamihan sa
mga pamilyang Filipino ay nakabalangkas pa rin sa ganitong sistema.
Pamilya na tatay o nanay lamang ang kasama ng anak. Ang uri ng ganitong
pamilya ay tinatawag na solong pagkamagulang (single parenthood). Isang
magulang lang ang nag-aaruga at nagpapalaki sa anak o mga anak.
4
Subukan Natin Ito
Sagutan ang mga sumusunod nakatanungan. Isulat ang iyong sagot sa mga
espasyong nasa ibaba.
1. Anong tipo ng pamilya meron ka?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Kung kasama ka sa isang uri ng pamilya na may solong magulang, ano ang
dahilan o mga dahilan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Mabuti kung kasama ka sa isang pamilya na may parehong ama at ina!
Itinuturing na ideyal ang tipo ng ganitong pamilya. Ang tatay at nanay ay
nagtutulungan sa obligasyon ng pagpapalaki ng mga anak. Kung ikaw naman ay nasa
tipo ng pamilya na kung saan ay isang magulang lang ang kasama mo, ito ay
maganda pa rin. Marami ang mga dahilan kung bakit ang mga magulang ay hindi
kasama sa pag-aaruga at pagpapalaki ng mga anak. Ipagpatuloy ang pagbabasa upang
makatuklas ng marami pang iba.
Alamin Natin
Iba’t ibang uri ng pagiging isang solong magulang
Narito ang iba’t ibang uri ng pagiging isang solong magulang:
1. Hindi kasal na babae o lalake. Ang mga babae o mga lalaki na
nagdesisyon o dala ng mga sirkumstansiya na magkaroon ng anak na
walang kasal, at palakihing mag-isa ang kanilang mga anak.
5
Tingnan natin ang halimbawang ito. Basahin ang kuwento sa ibaba.
Si Wilma ay 28 taong-gulang. Siya ay may 2 taong-gulang na anak, si Eva.
6
Pagkaraan ng ilang buwan, nalaman ni Wilmang buntis siya.
Okey Wilma,
nirerespeto ko
ang desisyon
mo.
Pasensiya ka na Michael,
ayoko pa ring mag-asawa.
Masaya akong palalakihing
mag-isa ang batang ito.
Magbalik-aral Tayo
7
Alamin Natin
Tingnan natin ang iba pang tipo ng solong pagkamagulang.
2. Hiwalay na mga magulang. Nagdesisyon ang mga magulang na manirahan
ng magkahiwalay mula sa isa’t isa at isa lamang sa kanila ang mag-aaruga sa
anak.
Nangyayari ang paghihiwalay dahil sa di-pagkakasundo ng mag-asawa. Legal na
naghihiwalay mula sa isat’isa ang mag-asawa. Sa Pilipinas nangyayari ito sa
pamamagitan ng annulment. Ang ibig sabihin nito, ang pagiging mag-asawa ng
dalawang indibidwal ay pinapawalang bisa ng batas. Ito ang prosesong tumatagal ng
napakahabang panahon. Kailangang pumunta ka sa korte upang maging tagaingat ng
bata. Ang maging tagaingat ng bata ay pagkakaroon ng karapatang mag-alaga ng bata.
Titira ang bata sa magulang na binigyan ng karapatan ng korte na mag-alaga sa bata.
Tingnan natin ang halimbawang nito. Basahin ang kuwento sa ibaba.
8
Pagkatapos ng mahabang proseso at deliberasyon, pinayagan ng korte ang
petisyon para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Si Erika ay binigyan ng
korte ng pag-alaga ng mga anak. Ang ibig sabihin nito, ang mga bata ay titira
kay Erika.
9
Kinausap ni David si Erika bago umalis.
Magbalik-aral Tayo
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan batay sa nabasa mong kuwento.
Isulat ang iyong mga kasagutan sa guhit na nasa ibaba.
1. Bakit naghiwalay si David at si Erika?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ang plano nila David at Erika sa pagpapalaki sa mga bata pagkatapos
nilang maghiwalay?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Nasagutan mo ba lahat ang mga tanong? Tingnan natin kung tama ang inyong
mga sagot. Ihambing ang iyong mga sagot dito:
1. Naghiwalay si Erika at David dahil palagi silang nag-aaway.
2. Pagkatapos nilang maghiwalay, plano pa rin nina Erika at David na palalakihin
nilang pareho ang kanilang mga anak. Nagkasundo silang maging magkaibigan
para sa kanilang mga anak.
Sina David at Erika ay mananatiling ama at ina ng mga bata. Kahit na hiwalay
sila, mananatili silang mga magulang ng kanilang mga anak na si Mario at Luis.
Kailangan pa rin nilang tuparin ang papel nila bilang mga gabay ng kanilang anak, na
magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bata.
10
Alamin Natin
Tingnan nating muli ang iba pang uri ng pagiging isang solong magulang.
3. Balong Magulang. Nagaganap ito kapag namatay ang isa sa mga magulang, at
may naiwang anak na aalagaang mag-isa ng balo.
Basahin ang kuwentong komiks na nasa ibaba.
Tandaan Natin
Huwag kalimutan ang mahalagang tinutukoy ng araling ito.
♦ ang mga pamilya ay maaaring:
— may dalawang magulang (ama at ina)
— isa lamang ang kasama, ang ama o ina
♦ Ang solong magulang ay maaaring iyong mga:
— hindi kasal na babae o lalaki;
— hiwalay; at
— balo.
11
ARALIN 2
Isipin mo ang panahon na hindi pa natutuklasan ang koryente. Ito ang mga
panahon na karamihan sa mga pamilya ay nagtatrabaho sa labas. Wala pa ang kotse
at bus. Kailangang maglakbay ang mga tao nang mahaba sa pamamagitan ng
paglalakad o barko. Ang pamilya noon ay kailangang magtrabaho nang husto.
Malaki ang bilang ng karamihan sa pamilya noon. Ito ay dahil kung marami ang
anak, ibig sabihin marami ang tutulong sa gawain sa bukid at sa bahay. Alalahanin
mo, ang lahat ay ginagawa sa pamamgitan ng kamay at walang tulong ng koryente.
Sa ngayon, ang teknolohiya ay pambihira ang pagbabagong ginawa sa mundong ating
kinikilusan, kasama na sa pamilya.
Sa araling ito, malalaman mo ang mga problemang kinakaharap ng mga pamilya
ngayon.
Pagkatapos ng araling ito, magagawa mong:
♦ ipaliwanag kung paanong haharapin ng pamilya ang pansamantalang
paghihiwalay;
♦ ipakita kung paano kikilos ang pamilya sa usaping migrasyon; at
♦ talakayin kung paanong tutugon ang pamilya sa teknolohiya.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Tingnan natin kung tama ang iyong sagot. Ang iyong sagot ay dapat na kahawig
nito:
Ang kahirapan ang siyang dahilan kung bakit ang mga tao ay naghahanap ng
trabaho sa ibang bansa, at pansamantala silang nahihiwalay sa kanilang mga pamilya.
12
Ayon sa mga pag-aaral, mahigit sa 50% pamilyang Filipino ay nanatiling
mahirap. Karamihan sa miyembro ng pamilya sa urban at rural na lugar ay
napipilitang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang kalimitang sitwasyon ng mga
pamilyang Filipino.
Kapag nagsimulang magtrabaho sa ibang bansa ang isang miyembro ng
pamilya, pansamantala siyang nahihiwalay sa kanyang pamilya.
Alamin Natin
Pagtugon sa Pansamantalang Paghihiwalay
♦ Pagkakalayo at kalungkutan ng mga miyembro ng Pamilya
Makakaya ng pamilya ang paghihiwalay sa pamamagitan ng
komunikasyon. Ang ibig sabihin nito ay pagsusulatan, pagpapadala ng mga
telegrama, paggamit ng kompyuter upang mapadalhan ng e-mail ang
minamahal at pagtawag sa telepono. Kahit gaano kalayo ang kapamilya,
ang pagmamahal ay patuloy pa ring maipadarama sa pamamagitan ng
komunikasyon. Ang pagmamahal ay napapanitiling buhay at matatag sa
pamamagitan nito, kahit pa malayo sa isa’t isa.
Ang mga espesyal na okasyon gaya ng mga kaarawan o espesyal na
araw (holiday) ay mga pagkakataon ng pamilyang ipakita ang kanilang
pagmamahal, sa kabila ng malaking distansiya na naghihiwalay sa kanila.
13
♦ Kahirapan sa pagpapatupad ng disiplina at paggabay sa mga anak.
Ang komunikasyon ulit ang susi. Ang magulang na naiwan ay
kadalasang nakakaramdam na ang pag-aalaga ng mga anak ay labis na
mabigat upang magampanan niya ito ng mag-isa. Dapat ay subukan niyang
kausapin nang madalas ang kanyang mga anak at ipaliwanang sa mga ito
ang kanilang sitwasyon.
Kalimitan ang mga batang mahirap disiplinahin ay kulang lang sa
atensiyon at pagmamahal. Ang mga batang ang magulang ay nasa malayo
ay dapat bigyan ng kapanatagan na sila ay mahal pa rin ng kanilang
magulang na nasa malayo. Magagampanan ng magulang na naiwan sa
kanila. Iyon namang mga magulang na nasa malayo, siya ay dapat makipag-
ugnayan nang madalas upang patuloy na maipadama ang kanyang pagiging
magulang sa mga anak.
14
Subukan Natin Ito
Ang mga nasasaad sa ibaba ay mga sitwasyon na ang isang miyembro ng
pamilya ay pansamantalang magkahiwalay. Isulat ang iyong mga payo sa sitwasyon
sa ibaba.
1. Nagtatatrabaho sa Saudi Arabia si Mang Jose. Isa siyang manggagawa sa
konstruksiyon. Nasa Saudi siya sa loob ng anim na taon. Sabik na sabik na
siya sa kanyang pamilya. Ano ang magagawa ng kanyang pamilya upang
sumaya siya?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Si Angel ay isang nurse sa Chicago, U.S.A. Siya ay malapit nang magdiwang
ng kanyang kaarawan. Siya ay malungkot sapagkat wala siyang kasamang
magdiriwang nito. Ang kanyang kapatid na si Rose na nasa Pilipinas ay
nagbabalak magdaos ng party para sa kanya. Maganda bang ideya ito? Bakit at
bakit hindi?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Si Diding ay isang katulong sa Hongkong. Hindi niya nakita ang kanyang anak
na si Boboy sa loob ng apat na taon. Nang bumalik siya ng Pilipinas gusto
niyang siya ay patuloy na minamahal ng kanyang anak. Gusto siyang tulungan
ng kanyang asawang si Tony. Paano makakatulong si Tony sa kanya?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Sa tingin mo ba ay nakapagbigay ka ng magaling na payo? Ihambing ang iyong
mga sagot sa mga kasagutang nakasaad sa Batayan sa Pagwawasto na matatagpuan
sa pahina 46.
15
Basahin Natin Ito
Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ekonomiya ng Pilipinas, karamihan sa
mga manggagawa ay naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ang iba ay gustong
manirahan sa ibang bansa kasama ang pamilya. Ang tawag dito ay migrasyon. Ang
nasa ibaba ay isang kuwento ng pamilya ukol sa migrasyon, ang mga problema at
pagbabagong hinaharap nila.
Mga Gumaganap:
Romeo, ang ama
Rose, ang ina
Ana, ang 10 taong-gulang na anak na babae
Jonjon, ang 6 na taon-gulang na anak na lalaki
Ang ibig sabihin nito ang ating pamilya Oo, kung ikaw at ang mga bata ay
ay pupunta sa Canada at magsisimula papayag. Dapat muna nating kausapin
tayo ng bagong buhay doon. ang mga bata tungkol dito.
16
Nagdesisyon si Romeo at si Rose na kausapin ang mga anak tungkol sa
pagpunta nila sa ibang bansa.
17
Subalit ayoko ng bagong Ako rin, ayoko ring umalis!
kaibigan. (umiiyak na patakbo Pasensiya na kayo Mama, Papa.
sa kuwarto.)
18
Pagkatapos ng hapunan . . .
Hi Mom! Masaya
ang araw ko. Romeo, hindi ako komportable sa
mga bata ngayon.
Ikaw din.
Kaya pinalaki pa rin nina Rose at Romeo ang kanilang mga anak sa
pamamaraang Filipino. Tinuruan nila ang mga bata ng tamang pagpapahalaga at
respeto. Natutong kilalanin ang mga bata ang kulturang Filipino habang lumalaki
sila sa Canada.
19
Subalit mayroon pa rin silang mga problemang kinakaharap. Isang araw…
Tama yon Dad. Noong una ang hirap ko Ngayon ang mga anak natin ang mas
ring makahanap ng mga kaibigan. Akala nakakaalam kung ano ang mabuti!
ko ang mga Canadian ay mga magagas-
pang at walang galang. Pero naging mali
ako. Kailangan mo lang masanay sa
pamumuhay rito.
20
Magbalik-aral Tayo
Ating tingnan kung naintindihan mo ang kuwento na iyong binasa. Sagutan ang
mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa linyang nasa
ibaba.
1. Ano ang problemang nakaharap nila Rose at Romeo bago sila mandayuhan sa
ibang lugar?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano naman ang problemang kinaharap ng pamilya nang makarating na sila sa
Canada?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Paano nila nagawan ng solusyon ang mga problemang iyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Ikumpara ang iyong mga sagot sa mga sagot na nasa Batayan sa Pagwawasto
sa pahina 47 upang malaman mo kung tama ang mga ito.
Alamin Natin
Maraming dulot na suliranin ang migrasyon. Ito ay sa dahilang kailangang
makibagay sa lahat ng mga pagbabago ang mga kasapi ng pamilya. Isipin mo na lang
kung ano ang iyong mararamdaman kung biglaan kang lilipat sa bagong kapaligiran.
Kapag naiwan mo ang iyong mga pamilya at mga kaibigan?
Karamihan sa mga pamilya na tumitira sa ibang bansa ay nahihirapang
makisabay sa bagong kulturang kinalalantaran nila. Ang mga Pilipinong naninirahan
sa ibang bansa ay hinaharap ang kulturang naiiba sa nakasanayan na nila. Ang mga
tao ay ibang iba sa kilos, gawa at pagsasalita.
Upang maharap ang mga ganitong pagbabago, sila ay dapat luminang ng
positibong pag-uugali sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Dapat na mayroong
patuloy na komunikasyon at pagmamahal sa loob ng pamilya. Ang bawat kasapi ng
pamilya ay dapat magsuportahan sa isa’t isa habang sumasabay sa mga pagbabagong
ito. Dapat rin nilang tulungan ang bawat isa na makaangkop sa mga pagbabagong ito.
21
Subukan Natin Ito
Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang mga teknlohiyang matatagpuan mo sa iyong bahay? Isulat ito sa guhit
na nasa ibaba.
Halimbawa: telebisyon
a. ______________________________
b. ______________________________
k. ______________________________
2. Ano ang iyong mga benepisyong nakukuha sa mga teknolohiyang ito?
Teknolohiya Benepisyo
3. Ano naman ang mga negatibong epekto nito sa iyong pamilya kung mayroon
man?
22
Alamin Natin
Ang mga epekto ng teknolohiya sa pamilya
Telebisyon
Positibo: Ang telebisyon ay isang pamamaraan upang makakuha ng
impormasyon at malibang. Ipinababatid nito sa atin ang mga bagong nagaganap sa
buong mundo. Nililibang din tayo nito sa pamamagitan ng masasayang palabas at
mga programa.
Negatibo: Ang sobrang panonood ng telebisyon ay mayroon ding mga
pinsalang dulot. Alam mo ba na ang sobrang panonood ng telebisyon ay masama sa
iyo at sa iyong pamilya? May ilang pagkakataon na ang mga miyembro ng pamilya
ay wala ng oras upang makipag-usap sa isa’t isa. Mas nagiging interasado sila sa
panonood ng TV kaysa sa kanilang kapamilya.
Telepono
Positibo: Simula nang maimbento ang telepono ni Alexander Graham Bell,
ang mundo ay hindi na naging tulad ng dati. Naging madali ang buhay dahil sa
telepono. Posible na ngayong makausap ang mga kamag-anak na nakatira sa
malayong lugar.
Negatibo: Ang telepono ay mayroon ding dulot na di-mabuti. May mga
sandaling kapag ang tao ay nakakababad na sa telepono, nakakalimutan na nila ang
kanilang pamilya. Karamihan sa mga kabataan ay mas gusto pa ang gumamit ng
telepono at makikipag-usap sa kanilang mga kaibigan kaysa pag-ukulan ng panahon
ang kanilang pamilya.
23
Komputer
Positibo: Ang gamit ng komputer ay nagpapagaan ng ating buhay ngayon. Dahil
dito ang mga trabaho at mga transaksiyon ay nagiging madali at mas mabisa.
Mangyari’y mababasa natin ang anumang paksang nais nating basahin, makipag-
negosyo at pati pamimili ay magagawa sa pamamagitan ng kompyuter. Puwede rin
tayong makipag-ugnayan sa mga tao sa buong mundo. Sa isang pindot lang,
makakapagpadala tayo ng e-mails (electronic na sulat) o makipag-usap sa mga tao
sa iba’t ibang panig ng mundo.
Negatibo: Ang komputer ay mayroon ding negatibong epekto. Maaari itong
pagsimulan ng pagkukulang ng komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng
pamilya. Ang isang tatay, halimbawa, ay maaaring gustong magtrabaho na lamang ng
buong araw sa kompyuter kaysa maglaan ng oras para sa kanyang mga anak. Sa isang
banda naman, marami sa mga kabataan ang mas gusto pang maglaro ng kompyuter
kaysa sumama sa mga pang-araw araw na gawaing-pampamilya.
24
Subukan Natin Ito
Sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong mga sagot sa linyang
nasa ibaba.
Ano ang ating gagawin upang malutas ang mga problemeng likha ng
teknolohiya?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Ang sekreto ay gamitin nang wasto ang mga kasangkapang ito. Gamitin ito
upang mas lumago ang pagmamahal at pagsasamahan ng pamilya. Paano?
Magpatuloy ng pagbabasa upang malaman ang sagot.
Alamin Natin
25
Sa telephono
1. Gamitin ang telepono upang patuloy na magkaroon ng ugnayan sa pamilya.
Gamitin ito upang matawagan ang mga miymebro ng pamilya na nasa
malayong lugar o probinsiya. Ipalaganap ang iyong pagmamahal sa
pamamagitan ng telepono.
2. Sa bahay, limitahan ang gamit ng telepono. Huwag masyadong magtagal sa
paggamit ng telepono.
3. Gamitin ang telepono para sa mga biglaang pangangailangan at mahahalagang
tawag lamang.
Sa kompyuter
1. Kapag ginagamit ang komputer, ipaalam ang mga nakuhang impormasyon sa
buong pamilya.
2. Limitahan ang mga oras ng paggamit ng komputer.
3. Gamitin ang komputer sa pakikipag-ugnayan sa miyembro ng pamilya na nasa
malayong lugar.
Gamitin ang mga instrumentong ito para sa inyo. Sa halip na maging pinsala sa
inyong pamilya gamitin ito bilang isang kasangkapan (tools). Ayusin ang relasyon
sa pamilya sa pamamagitan ng mga instrumentong ito.
26
Tandaan Natin
Huwag kalimutan ang mahahalagang paksa sa araling ito.
♦ Ang ilan sa mga suliranin at mga hamon na hinaharap ng mga pamilya ngayon
ay; ang pansamantalang paghihiwalay, migrasyon at ang mga negatibong
epekto ng teknolohiya.
♦ Ang pansamantalang paghihiwalay ay bunga ng pangangailangang magtrabaho
sa ibang bansa ang isa sa magulang.
♦ Ang pansamantalang migrasyon ay bunga din ng pagnanasa ng magulang na
maghanap ng isang maunlad na lugar na maaaring makakuha ng maayos na
trabaho. Ang paninirahan sa ibang lugar ay nagdudulot ng mga suliranin ukol
sa pakikibagay sa bagong kapaligiran at kultura.
♦ Ang teknolohiya ay nakaktulong sa maraming pamilya sa pamamagitan ng
pagpapadali ng kanilang mga gawain. Ang teknolohiya ay nakakaaapekto rin sa
sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng bawat-isa sa pamilya.
27
ARALIN 3
Ano ang mga pandaigdigang isyu? Ito ang mga pangyayari at mga idea na
nakakaapekto sa buong mundo. Ito ang mga nakababalisang isyu na tungkuling
harapin ng bawat bansa. Ang pagkawasak ng kapaligiran (environment) ay isang
pandaigdigang usapin, dahil ito ay nakakaapekto sa bawat isa sa mundo. Gaya din ng
mga sakit gaya ng kanser at AIDS.
Maraming mga isyu sa buong mundo na nakakaapekto sa pamilyang Pilipino.
Ang mga isyung ito ay maaaring magpabago ng pamumuhay ng isang pamilya. Isa sa
importanteng usaping pandaigdigan ang kahalagahan ng mga karapatan. Magtuturo
sa iyo ang araling ito kung paanong mahaharap ng pamilya ang mga pandaigdigang
usapin.
Pagkatapos ng araling ito, magagawa mong:
♦ tukuyin ang mga pandaigdigang isyu na nakakaapekto sa pamilya;
♦ ipaliwanag ang maaaring gawin ng pamilya upang makatulong kung paano
mababawasan ang mga usaping pangkaligiran;
♦ ipaliwanag kung paano makakatulong ang pamilya sa mga pandaigdigang
usaping pangkalusugan; at
♦ ipaliwanag kung paano makakatulong ang pamilya sa usaping pandaigdigan
ukol sa nagbabagong papel ng kababaihan.
28
Pag-isipan Natin Ito
Anong mga pandaigdigang usapin ang alam mo?
Ang tatlong pangunahing usapin na nakakaapekto sa mundo ay ang kapaligiran,
kalusugan at ang nagbabagong mga pagpapahalaga. Alamin pa natin nang mas
malalim ang ukol dito at kung paano ito nakakaapekto sa pamilya. Basahin ito.
Alamin Natin
Maaaring narinig mo na ang kasabihang “ang mundo ay isang pandaigdigan
nayon.” Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito? Tingnan ang iyong barangay.
Kapag may problema ang iyong barangay, hindi ba nito naapektuhan ang lahat?
Pareho lamang ito lang ng pandaigidigang pananaw. Tayo ay bahagi ng isang
malaking komunidad. Bawa’t pagbabago ay nakakaapekto sa bawat bansa. Bilang
mga bansa, nakikibahagi tayong lahat sa iisang pangarap at naaapektuhan ng
suliraning magkakatulad.
Kaya mahalaga ang bawat isyu. Ang pandaigdigang mga usapin ay ang mga
pangyayari at mga idea na hinaharap ngayon. Napakalaki ng pagkabahala ukol sa
pangkapaligirang usapin, mga sakit at mga pagbabago sa teknolohiya. Ang lahat ng
ito ay nakakaapekto sa mga mamamayan sa mundo, kahit ikaw at ang iyong pamilya.
Ang iyong pamilya ay bahagi ng bumubuo ng pandaigdigan nayon. Ibig sabihin nito,
ang iyong pamilya ay may responsabilidad na harapin ang mga usaping ito.
Ang mga Pandaigdigang Usapin at Ang Tatlong “A’s”
Ang iyong pamilya ay bahagi ng isang malaking pandaigdigang komunidad. Ang
bawat usapin na nakakaapekto sa mundo ay makakaapekto rin sa iyong pamilya.
Malalaman mo ang mga usaping ito sa pamamagitan ng 3 “A.” Dapat kang maging:
29
May Alam — alamin ang lahat mga isyu at kung paano ito
makakaapekto sa iyong pamilya.
Aktibo — gawin ang iyong tungkulin! Mag-isip kung paano
lalabanan o lulutasin ang pandaigdigang suliranin sa
iyong payak na paraan.
Alisto — palagiang maging mapag-suri sa mga bagong pangyayari
na kaakibat ng mga isyung ito.
30
Alamin Natin
Ang kapaligiran ay yaman nating lahat. Mayroon tayong tungkulin na
pangalagaan ang mundo at labanan ang sumisira dito. Paano ito magagawa ng ating
pamilya?
31
Subukan Natin Ito
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong mga sagot sa
mga guhit sa ibaba.
1. Paano magkakaroon ng kaalaman ang iyong pamilya ukol sa usaping
pangkalusugan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Paano magiging aktibo ang iyong pamilya sa paglahok sa mga usaping
pangkalusugan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Paano magiging alerto ang iyong pamilya ukol sa usaping pangkalusugan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Basahin ito upang malaman kung tama ang iyong mga sagot.
Alamin Natin
Maaaring nag-iisip ka, ano ang kaugnayan ng pandaigdigang kalusugan sa aking
pamilya? Ang sagot ay marami! Ang nangyayari sa pandaigdigang kalusugan ay
nakakaapekto sa bawat isa sa planeta.
32
Halimbawa, kung ang isang sakit ay natuklasang nakamamatay, ito ay
makakaapekto sa buong pandaigdigang populasyon. Bawat isa ay maaaring
magkasakit. Kaya ang mga gobyerno ay kailangang gumawa ng programa at plano
kung paano masusugpo ang sakit na ito. Ang mga bansa ay kailangang magsama-
sama upang pag-aralan ito nang mabuti. Ito ang nangyari ng matuklasan ang
Acquired Immune Defficiency Syndrome or AIDS. Ang mga bansa sa buong mundo
ay alam na ang AIDS virus ay makakaapekto sa kanilang populasyon kaya patuloy
ang kanilang pag-aaral upang masugpo ang sakit na ito.
Ang malarya at dengue fever halimbawa ay mga karaniwang sakit sa buong
mundo. Ito ang pandaigdigang usapin na dapat ay alalahanin ng lahat. Ang mga
pamilya dito sa Pilipinas ay makagawa ng paraan upang malabanan ang mga sakit na
ito.
Ang mga sakit na ito ay dala-dala ng mga lamok. Ang mga insektong ito ay
inililipat ang sakit mula sa isang tao patungo sa ibang tao. Subalit sa pamamagitan
ng 3 “A”, maiiwasan o mapapababa natin ang bilang ng mga taong maysakit na
ganito.
Maging may Alam: alamin ang lahat tungkol sa malarya at dengge. Paano
lumalaganap? Ano ang ginagawa nito? Ano ang magagawa mo?
Maging Aktibo: Gawin ang iyong tungkulin. Panatilihing malinis ang iyong
kapaligiran upang maiwasang maging itlugan ng mga lamok. Ibahagi ang
impormasyong ito sa iyong mga kapitbahay at mga kaibigan.
Maging Alerto: Ang gobyerno at ibang mga sektor ng negosyote ay may mga
programa kung paano lalabanan ang mga sakit na ito. Alamin mo pa ang maraming
bagay ukol sa kanila. Maging volunteer o kumuha ng kanilang mga serbisyo.
33
3. Paano magiging alerto ang iyong pamilya sa mga usaping tungkol sa
nagbabagong papel ng kababaihan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Basahin ito upang malaman kung tama ang iyong mga sagot.
Alamin Natin
Ano ba ang ibig sabihin natin sa nagbabagong pagpapahalaga? Ito ang mga
pagbabago kung paano gumawa at mag-isip ang mga tao ng ayon. Ang mga tao ay
mayroong mga bagong idea bawat minuto. Parami ng parami ang tinatanggap na
pagbabago sa ating kultura. Marami na ang mga nabago sa ating kultura at
pagpapahalaga. Para banggitin ang ilan, tinatanggap na ngayon ang mga kababaihan
sa pagawaan at pagtanggap ng iba’t ibang tao na may iba’t ibang lahi.
Habang hinaharap natin ang mabilis na mga pagbabago sa teknolohiya, parami
nang parami ang mga taong tumatanggap ng mga idea na hindi nila tinatanggap noon.
Ang bahagi ng araling ito ay maigsing tatalakay sa isyu ng mga nagbabagong
pagpapahalaga na hinaharap ng mga pamilyang Pilipino ngayon. Ito ang
nagbabagong papel ng kababaihan.
34
Basahin Natin
Narining mo na ba ang kasabihan na “Ang babae, pambahay lamang” o “tahanan
ang lugar ng babae.” Ito ang mga kasabihan sa bansang ito, at ipinapakita ito ng
larawan sa ibaba:
Nahihirapang tanggapin ito ng ibang tao. Naniniwala ang iba na ang mga
kababaihan ay walang kakayahang gawin ang mga trabaho sa opisina o sa gobyerno.
Nagsasabi naman ang iba na ang kababaihan ay walang kakayahang magtrabaho at
mag-isip.
Subalit mga makalumang pagtingin ito. Alam mo ba na noong unanag panahon,
ang mga kababaihan ay hindi pinapayagang bumoto o pumasok ng eskuwelahan?
Subalit ngayon, ang babaeng nasa tamang edad ay maaari nang bumuto ng
kandidatong gusto niya. Pumapasok na rin ng paaralan ang mga kababaihan kasama
ang mga kalalakihan.
35
Alamin Natin
Talagang nagbago na ang papel ng kababaihan ngayon sa lipunan. Iginagalang sa
buong mundo ang karapatan ng kababaihan. Alamin natin kung paano gagawin ito sa
ating mga pamilya. Magagamit ba natin ang tatlong “A” sa pandaigdigang isyu na
ito? Siyempre!
Mababago ang pamilya kasabay ng pandaigidigang usapin sa pamamagitan ng:
1. Pagiging may Alam — Alamin ang mga pagbabago sa mga ideya at
pagpapahalaga. Alamin din kung ano ang karapatan ng kababaihan at kung
paano nagbabago ang kanilang mga papel.
2. Pagiging Aktibo — Matutong irespeto ang kababaihan. Ituro ang mga
halagahang ito sa iyong mga anak. Gawin ang iyong tungkulin at maging
halimbawa sa iyong mga kaibigan at pamilya.
3. Maging Alerto — bantayan ang mga takbo at pagbabago ng mga kaisipan.
Bantayan ang gobyerno at mga pribadong grupo na sumusuporta sa mga isyu
ng kababaihan at ng pamilya.
Alamin Natin
Ano ba ang sinasaad ng Konstitusyon patungkol sa pamilya?
Paano natin malalaman na sumusunod ang Pilipinas sa Universal Declaration
of Human Rights? Nakasaad ang karapatan ng pamilya sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, ang batayang batas ng Pilipinas. Sumusunod ang konstitusyon sa itinakda
ng United Nations.
Basahin natin ang Artikulo 15 ng Konstitusyon. May 4 seksiyon ito.
Aritkulo 15 — Ang Pamilya
Seksiyon 1. Kinikilala ng estado ang Pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng
bansa.
Alinsunod dito, papalakihin nito ang pagkakaisa at aktibong
susulong ang kabuuang pagapapaunlad nito.
Seksiyon 2. Ang pag-aasawa, bilang isang banal na institusyon, ay pundasyon
ng pamilya at dapat pangalagaan ng estado.
Seksiyon 3. Ang estado ay dapat ipagtanggol:
a. Ang karapatan ng mga mag-asawa na bumuo ng pamilya base
sa kanilang paniniwalang panrelihiyon at ng mga kahingian
ng isang responsableng pagkamagulang;
36
b. Ang karapatan ng mga bata para sa suporta, kasama na ang
tamang pag-aalaga at nutrisyon, at espesyal na proteksiyon
mula sa lahat ng uri ng kapabayaan, abuso, kalupitan,
pagsasamantala, at iba pang mga kondisyon na
makakasagabal sa kanilang pag-unlad o paglaki;
c. Ang karapatan ng pamilya sa isang pampamilyang sahod at
kita;
d. Ang karapatan ng mga pamilya o samahan ng pamilya na
makilahok sa mga pagpapaplano at implementasyon ng mga
patukaran at programa na makakaapekto sa kanila.
Seksiyon 4. Ang pamilya ang may tungkulin na pangalagaan ang kanilang
matatanda subalit magagawa rin ito ang estado sa pamamagitan
ng mga makatarungang programa ng panlipunang seguridad.
Ang pamilyang Filipino ang pundasyon ng bansa. Ano ba dapat ang katulad ng
isang pundasyon? Ito ay dapat malakas at matatag. Isiping ang pamilya bilang mga
ugat na siyang humahawak sa puno upang tumayong tuwid. Gaya ng mga ugat ng
puno, ang pamilyang Filipino ay dapat maging matatag. Ang pamilya ang dahilan
kung bakit nabubuo ang isang bansa.
Sa pagkakaroon ng batas na ito, sumusunod ang Pilipinas sa deklarasyon na
“ang pamilya ang siyang pangunahing yunit ng lipunan.” Ang pamilya ngayon ay
protektado ring gobyerno ayon sa nakasaad sa konstitusyon.
37
Seksiyon 2
Konstitus
yon
38
Ipinapahayag din nito na ang mga bata ay hindi dapat inaabuso at
pinagsasamantalahan. Ang ibig sabihin nito, ang mga magulang ay dapat alagaan ang
mga bata at hindi sasaktan ito. Ang mga bata hindi dapat pinupuwersa ng gumawa ng
mabigat na trabaho. Ang ibig sabihin nito, ang mga bata ay hindi maaaring
magtrabaho sa mga pabrika o mamalimos sa daan!
Alinsunod ito sa mga karapatan ng bata na pinagkasunduan ng mga kasapi ng
UN.
39
Seksiyon 4
Magbalik-aral Tayo
Ang mga nabasa mo ay nakatulong sa iyo para maunawaan kung paanong ang
konstitusyon ay gumagalaw upang protektahan at idepensa ang pamilya. Ang
konstitusyon ay sinusunod ang pandaigdigang isyu ukol sa mga karapatan, na
ipinagkaloob ng United Nations (UN). Tingnan natin kung naintindihan mo ito nang
mabuti. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
40
1. Mapupuwersang magtrabaho sa isang construction site ang isang bata. Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Maaari bang magdikta ang gobyerno sa isang pamilya kung ilan ang dapat
maging anak nila? Ipaliwanag ang iyong sagot?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Bakit kailangan nating alagaan ang ating matatanda?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. Ano ang mga karapatan ng mga kabataan na ipinaglalaban ng Konstitusyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa mga kasagutang nakasaad sa Batayan sa
Pagwawasto na matatagpuan sa pahina 47.
Tama ba ang lahat ng inyong sagot.
Tandaan Natin
Huwag kalimutan ang mahahalagang paksa ng araling ito.
♦ Ang pandaigdigang mga usaping nakakaapekto sa pamilya ay ang; kaligiran
kalusugan; at ang nagbabagong papel ng kababaihan.
♦ Dapat isabuhay ng pamilya ang pagiging; may alam, aktibo at alerto ukol
sa mga isyung ito.
♦ Isinusulong ang konstitusyon ang karapatan at responsobilidad ng pamilya.
41
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan
A. Gamitin ang kahit alin sa 3 “A” - Alam, Aktibo at Alerto upang matugunan
ang mga sumusunod na pandaigdigang isyu.
1. Magsasagawa ang Health Center sa Barangay Orambo ng isang
seminar sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa sakit na AIDS
ngayong darating na Pandaigdigang Araw ng AIDS. Ang mga pamilya
sa barangay ay dapat bang lumahok sa seminar na ito.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
2. Tumatakbong Barangay Chairperson si Gng. Edna Manalo sa
baranggay Cabral sa darating na eleksiyong pambarangay. Karamihan
sa mga pamilya ay nagsasabi na hindi kayang gawin ni Gng. Manalo
ang trabahong ito dahil siya ay babae. Naniniwala naman ang
pamilyang Rizal na si Ginang Manalo ay tamang-tama sa posisyong
iyon. Ano ang pwedeng gawin ng pamilyang Rizal?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Kinakaharap ng mga pamilyang nakatira sa Sityo Mapuno ang usaping
pangkapaligiran (environment). Ang isang pabrika na malapit sa sityo
ay nagbubuga ng mga nakalalasong basura (toxic waste) sa ilog na
kung saan nangingisda at sumasalok ng tubig ang mga pamilya. Ano
ang maaaring gawin ng mga pamilya sa Sitio Mapuno?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
B. Ang bawat sumusunod na sitwasyon na nasa Set A ay nagsasaad ng
partikular na karapatan. Maingat na basahin ang mga sitwasyon at itugma
ang mga ito sa tamang nakasaad sa Set B. Isulat ang iyong sagot sa linyang
nasa tabi.
SET A SET B
____ 1. Isang amerikana si a. Ang karapatan ng lalaki at
Marjorie Smith. Mahal babae na nasa tamang edad,
niya ang kanyang na hindi nililimitahan dahil
kasintahang si Antonio sa lahi, nasyonalidad, o
Malaya, isang Pilipino. relihiyon, na mag-asawa at
Sila ay magpapakasal sa magbuong sariling pamilya.
susunod na buwan.
42
____ 2. Nagpakasal si Nena at ang b. Ang karapatan ng bata sa
kanyang asawang si Boyet suporta, kasama ang tamang
noong nakaraang taon. pag-aalaga at nutrisyon, at
Desisyon nilang pareho na espesyal na proteksyon mula
iyon na ang tamang oras sa lahat ng klase ng
para sila maging mag- kapabayaan abuso, kalupitan,
asawa. abuso at iba pang kondisyong
makakasagabal sa kanilang
____ 3. Bagong kasal pa lang sina
paglaki o pag-unlad.
Jose at Luisa. Gusto nilang
planuhin kung ilan ang c. Ang tungkulin ng pamilay na
kanilang magiging anak. alagaan ang mga kasapi
Kaya ang mag-asawa ay nilang matatanda.
nagdesisyon na magtungo
d. Ang karapatan ng pamilya na
sa health center upang
lumahok sa pagpaplano at
matutuhan kung paano
pag-papatupad ng mga polisa
magplano ng pamilya.
at programa na nakakaapekto
____ 4. 80 taon na si Lola sa kanila.
Minyang. Nakatira siya sa
e. Ang karapatan ng mag-
kanyang anak na si Diego
kasuyo na pumasok sa pag-
at ang pamilya nito. Ang
aasawa na may buo at
buong pamilya ay mahal at
malayang pahintulot.
inaalagaan si Lola
Minyang.
____ 5. Anak na babae si Wilma
nina Melissa at Norman.
Siya ay inaalagaan ng
kanyang mga magulang.
Pinagkalooban siya nang
maayos na pagkain at sapat
na edukasyon. Mahal siya
ng kanyang magulang.
Huwag kalimutang isangguni sa Batayan sa Pagwawasto na nasa pp. 48–49
para sa tamang mga sagot. Maaari mong basahin muli ang aralin kung hindi mo
naintindihan ang paksa.
43
Ibuod Natin
Huwag kalimutan ang mahahalagang paksa ng modyul na ito.
♦ Ang mga pamilya ay maaaring ang:
— magkasama ang dalawang magulang; o
— maaaring ang tatay o nanay lamang ang magulang
♦ Ang solong magulang ay maaaring:
— hindi kasal na lalaki o babae;
— hiwalay; at
— balo
♦ Ang mga pansamantalang paghihiwalay, migrasyon, at teknolohiya ay ilang
mga suliranin at mga hamon na kinakaharap ng mga pamilya ngayon.
♦ Ang pansamantalang paghihiwalay ay kalimitang nangyayari dahil sa
pangangailangang magtrabaho sa ibang bansa ang isa sa magulang.
♦ Ang migrasyon ay kalimitan ding bunga ng kagustuhan ng mga magulang
na maghanap ng mas magandang lugar na pagtatrabahuhan. Ang migrasyon
ay nagdudulot ng suliraning ukol sa kung paano sasabay sa bagong
kapaligiran at kultura.
♦ Napapadali ng teknolohiya ang mga trabaho ng pamilya. Subalit ito ay
nakakaapekto sa pamamaraan ng ugnayan at komunikasyon ng mga
pamilya.
♦ Ang mga isyung pandaigdigan na nakakaapekto sa mga pamilya ay ang
mga: usaping pangkaligiran, kalusugan at ang nagbabagong papel ng
kababaihan.
♦ Ang mga pamilya ay dapat isabuhay ang pagiging may alam, aktibo at
alerto sa mga isyung ito.
♦ Pinagtitibay ng konstitusyon ang karapatan at responsibidad ng mga
pamiya.
44
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?
1. Ano ang iba’t ibang uri ng mga pamilya? Ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Paano makakaangkop ang mga pamilya sa pansamantalang paghihiwalay?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Paano malulunasan ng mga pamilya ang mga negatibong epekto ng
teknolohiya?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
4. Paano makakatulong ang mga pamilya sa pagtugon sa mga pandaigdigang
usapin?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto na nasa pahina 49.
Nakuha mo bang lahat ng tamang sagot?
Kung ang nakuha mo ay:
4 Tunay na magaling ka! Marami kang natutuhan sa modyul na ito.
Maaari ka nang pumunta sa susunod na modyul.
3 Magaling ka! Subalit balikan mo ang mga araling hindi mo
nakuha.
2–0 Basahin mo ulit ang modyul na ito at sigurado akong makakakuha
ka ba ng mataas na marka sa susunod.
45
Batayan sa Pagwawasto
B. Aralin 2
Subukan Natin Ito (pahina 15)
1. Ang pamilya ni Mang Jose ay dapat makipag-ugnayang madalas kay
Mang Jose upang maging masaya ito. Maipapakita nila ang
pagmamahal sa kanya kung madalas sila susulat at tatawag sa kanya.
2. Oo, ang pag-oorganisa ng party para kay Angel ay mabuting hakbang.
Ang mga kasapi ng pamilya ng taong nagpunta sa ibang lugar ay dapat
pa ring magdiwang ng mga mahahalagang okasyon. Ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Angel kahit na wala siya sa bansa ay isang paraan ng
pagpapakita na patuloy siyang naaalala. Ang pagpapadala ng bithday
card o pagtawag sa kanya sa araw ng kanyang kaarawan ay isang paraan
din ng pag-alala sa kanya.
3. Si Tony ay makakatulong kung ipaliliwanag niya kung bakit umalis si
Diding patungo sa ibang bansa. Dapat niyang ipaliwanag sa anak
nilang si Boboy na mahal na mahal siya ng kanyang ina. Ito ang
dahilan kung bakit siya nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa,
upang kumita nang mas malaki para pangsuporta sa kanya.
46
Magbalik-aral Tayo (pahina 21)
1. Sa simula ay hindi pumayag ang mga anak nila Rose at Romeo na
mandayuhan sa ibang bansa. Ito ang naging problema ng pamilya.
Kung mandarayuhan sila, hindi sila sigurado sa mga pagbabagong
kakaharapin nila.
2. Ang pamilya ay humarap sa mga suliraning pagbabago nang dumating
na sila sa Canada. Halimbawa, naramdaman ni Rose na ang kanilang
mga anak ay nagiging makakanluranin (western) na ang halagahan at
ugali. Gusto niyang Filipino pa rin ang maging pagpapahalaga ng mga
ito. Pangalawa, kailangang makibagay ang pamilya sa ibang pag-uugali
at kultura ng mga tao sa Canada.
3. Nalutas nila ang kanilang mga problema ng pinag-usapan nila ito sa
pamilya. Nagkaroon ng komunikasyon tungkol sa mga suliranin at
mga pagbabago. Isa pa, mayroong positibong pag-uugali nga mga
kaspi ng pamilya. Tinulungan din nila ang bawat isa para mababagay sa
mga pagbabago.
C. Aralin 3
Magbalik-aral Tayo (pp. 40–41)
1. Ang isang bata ay hindi mapupuwersang magtrabaho sa isang
construction site. Ang mga bata ay protektado ng batas sa paggawa ng
mabibigat na trabaho. Ito ang pandaigdigang karapatan na
ipinagkaloob sa mga kabataan na ipinatutupad ng ating pamahalaan at
ng United Nations.
2. Hindi. Ang gobyerno ay hindi makapagdidikta kung gaano kalaki ang
pamilya. Kung gagawin ito, magiging kontradiksyon ito sa karapatan
ng pamilya na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga
patakaran at programa na nakakaapekto sa kanila.
3. Bukod sa katotohanan na ang matatanda ay bahagi ng ating pamilya,
ating alalahanin na ayon sa batas, may tungkulin ang pamilya na
alagaan ang matatandang kasapi ng pamilya.
4. Ang Konstitusyon ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga karapatan ng
bata: ang karapatan sa suporta, kasama ang maayos na pag-aalaga at
nutrisyon, natatanging proteksiyon laban sa lahat ng uri ng
kapabayaan, abuso, kalupitan, pagsasamantala, at iba pang mga
kondisyon na makakasagabal sa kanilang pag-unlad.
47
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 42–43)
A. 1. Oo, ang mga pamilya sa barangay ng Oranbo ay dapat aktibong
lumahok sa seminar na ito. Dapat makialam ang mga pamilya ngayon
sa mga usaping pandaigdigan. Isang pandaigdigang usapin na hinaharap
ng buong mundo ang AIDS. Ang mga pamilya ay dapat na may alam sa
kung paano naapektuhan ang mga tao ng AIDS na nasa iba’t ibang
bansa at kung ano ang kanilang mga magagawa upang mapalaganap ang
kaalaman ukol sa AIDS. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng
pagdalo sa mga sama-aralan at paghikayat sa iba na dumalo rin. Dapat
maging alerto ang mga pamilya sa mga bagong pangyayari ukol sa
mga pananaliksik sa AIDS, malaman ang mga bagong paraan upang
makaiwas sa sakit, mga bagong tuklas at pangyayari laban sa sakit na
AIDS.
2. Maaaring ipakita ng pamilyang Rizal na sinusuportahan nila si Gng.
Manalo sa kanyang kampanya. Maaari nilang turuan ang kanilang mga
kapitbahay at kaibigan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga
kababaihan sa politika. Puwede silang maging aktibong taga-
kampanya ni Gng. Manalo.
3. Dapat magkaisa ang mga pamilya sa Sitio Mapuno upang maharap ang
mga isyu ukol sa kanilang kaligiran. Puwede silang maging aktibo sa
pamamagitan ng pagpoprotesta laban sa pabrika na nagtatapon ng mga
basurang nakalalason. Puwede rin silang magpakalat ng kaalaman ukol
sa masamang dulot ng mga basura sa ilog. Dapat silang mgaing alerto
sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang kaligiran at pangangalaga ng
ilog. Maaari rin silang maging alerto sa mga batas na makapagbibigay
proteksiyon sa kanilang ilog. Kung ang mga pamilya sa Sitio Mapuno
ay magsasama-sama bilang isang komunidad, magtatagumpay sila sa
pagprotekta sa kanilang kaligiran.
B. 1. (a) Si Marjorie ay isang Amerikana at Filipino naman si Antonio. Sila
ay magkaiba ang kanilang lahi at nasyonalidad. Subalit hindi nakapigil
ito sa kanilang pagpapakasal. Mayroon silang karapatang mag-asawa
nang walang limitasyon dahil sa kanilang lahi o nasyonalidad.
2. (e) Sa pamamagitan ng kanilang malayang desisyon, naging mag-
asawa sina Nena at Boyet. Hindi sila pinilit na magpakasal sa isa’t isa.
Maaari lamang silang pumasok sa pag-aasawa kung sila ay may
malaya at buong-buong pahintulot.
3. (d) Sa pamamagian ng pagtungo sa family health center upang
malaman kung paano magplano ng kanilang pamilya, masayang
naisasagawa nina Jose at Luisa ang kanilang karapatang makilahok sa
mga pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at programa na
nakakaapekto sa kanila. Ang pangangalagang pangkalusugan at
pagpaplano ng pamilya ay nakakaapekto sa isang pamilya, may
karapatang makilahok din dito sina Jose at Luisa.
48
4. (c) Sa pamamagitan ng pag-aalaga kay Lola Minyang, tumutupad ang
pamilya sa kanilang tungkulin na alagaan ang mga matatandang kasapi
ng pamilya.
5. (b) Si Wilma ay nabibigyan ng mga pangunahing pangangailangan ng
kanyang mga magulang. Mahal rin siya ng kanyang mga magulang.
Siya ay masayang nakikinabang sa kanyang karapatan bilang bata.
49
Talahuluganan
Pagpapawalang Bisa (Annulment) Ang kasal ng dalawang tao ay
nawawalang ng bisa sa pamamagitan ng prosesong panlegal
Pangangalaga (custody) Ang pagkakaroon ng karapatan na alagaaan ang mga
bata
E-mail o electronic mail Mga mensaheng ipinapadala at tinatanggap sa
pamamagitan ng electronic (gaya ng mga teleponong kunektado sa mga
linya at nagdudugtong sa mga terminal o microwave relays)
Mga pandaigdigang usapin (global issues) Mga pangyayari at ideang
nakakaapekto sa lahat ng tao sa daigdig
Migrasyon (migration) Ang paglipat mula sa isang bansa patungo sa ibang
bansa
Solong pagmamagulang (single parenthood) Isang pamilya na isang
magulang lang ang nangangalaga at nagpapalaki sa mga bata
Solong magulang (single parent)
Mga Sanggunian
Bernas, Juaquin J., S.J. The 1987 Philippine Constitution A Reviewer-
Primer Third.
Edition. Quezon City: Rex Printing Company, Inc., July 1997.
United Nations. 1998. Fiftieth Anninversary of the Universal Declaration
of Human Rights.
<http://www/orglrights/50/decla.htm>. October 28, 2000, date accessed.
Vitug, Jose C. Family Code (Annotated) Manila: National Book Store, 1990.
World Health Organization. 2000. DOTS-Plus for Multi Drug Resistant
Tuberculusis (MDRTB).
<http://www.who.int/gtb/policyrd/DOTSplus.htm>. October 30, 2000, date
accessed.
World health Organization. 2000. F-S 104: Tuberculusis.<http://www. who.
int/inf-fs/en/fact 104.html>.October 30, 2000, date accessed.
World Health Organization. 2000. Global Tuberculosis Control 2000—
Summary. <http://www.who.int/gtb/publications/globrepOO/
summary.html>. October 30, 2000, date accessed.
50