Modyul Fil.1
Modyul Fil.1
Modyul Fil.1
_-
Tuklasin Natin!
Gawain 1
Tanong:
2. Sa isang buong araw, sino-sino ang iyong mga nakakasalamuha? Anu-ano ang inyong mga
pinag-uusapan? Sa paanong paraan mo naipahahayag ang iyong naiisip o nararamdaman?
MALIKHALING PASASALAMAT
MARAMING SALAMAT
Mag-isip ng isang taong nais mong pasalamatan. Ang taong ito ay maaaring:
1. Nag-aaruga at nagpapadama sa iyo ng higit na pagmamahal at malasakit;
2. Tumulong sa iyo sa isang gawian na hindi mo kayang gawin ngunit natapos dahil sa kanya;
3. Nagsisilbing inspirasyon, sigla, o lakas ng loob upang mapagtagumpay ka; at
4. Ordinaryong tao o di lubos na kakilala na nasa iyong paaralan o pamayanan na lagi’t lagging
nadiyan at gumagawa ng kbutihan sa kapwa niya.
Isulat sa isang liham ang pasasalamat at dahilan kung bakit mo siya pinasalamatan. Piliin ang
angkop na mga salita at ayusin ang daloy ng pagpapahayag.
Maging malikhain- maaaring kompisisyon ng tula o simpleng na pahayag ng pasasalamat. Maaaring
lagyan ng nakabibighaning larawan o sariling guhit ang presentasyon.
Gawain 2
Tanong:
Bakit mahalaga ang mga batas sa ating lipunan at paano lubos na maipatutupad at masusunod
ang mga ito sa pamamagitan ng mabisang komunikasyon?
TANONG:
2. May mabuti bang epekto ang mga ito sa buhay ng tao? Patunayan.
3. Ano ang pwedeng mangyari kung hindi ka sususnod sa mga batas na ito?
Linangin Natin!
Poster ng isang Gawain o aktibidad
c. Headline sa diyaryo
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Alam mo ba?
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang
bantog na iskolar mula sa Inglatera at linggwistong nagpaunlad ng modelo ng wikang pang-functional
na lingguwistika (SFL) sa buong mundo. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang
wika ay isang panlupunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang
popular niyang modelo ng wika, ang systematic functional linguistics.
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin
nito sa ating buhay, isa na rito sa M.A.K Halliday na ang nalalahad ng iba’t ibang tungkulin ng wika na
mababasa sa kanyang aklat Explorations in the Functions of Language (Exploration in the Language
Study, 1973).
REGULATORYO
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pag-uugali o asla ng isang tao. Ang pag bibigay
direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partukilar na lugar, direksiyon ng pagluluto ng isang
ulam, direksiyon sa pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
Ang ating lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng pamilya, paaralan, edukasyon,
simbahan, industriya, midya, at pamahalaan. Lahat ng mga ito’y may mga pinuno at tagapamahala at
ang lahat ng pinuno at tagapamahala’y inilahal o pinili alinsunod sa batas, patakaran, o alituntuning
piunatutupad.
Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang
kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.
Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:
1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita.
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas.
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon at taong
sinasaklawan ng batas.
INTERAKSIYONAL
Para mapabuti ang kalagayang panlipunan, ang wika ang ginagamit pang-interaksyonal. Sa
paggamit na ito, napananatili ng bawat tao ang mabuti niyang relasyon sa kanilang kapwa. Halimbawa,
nagagamit ng mga namumuno sa isang lipunan ang wika para magkasundo ang dalawang panig ng
taong may sigalot. Sa pasalitang pamamaraan, nagagawa ng isang tao na makipagkamustahan,
makiagpalitan ng kuro-kuro, makipagbatuhan ng biro at iba pa. Sa pagsulat naman maaaring ang tao
ay magpadala ng liham para sa taong ninanais na makapagpalitan ng kuro, makilala at iba pa.
Ang tungkuling ito sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa knayang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng opinion o kuro-kuro tungkul sa particular na isyu; pakukwento ng malulungkot at
masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalahayang-loob, pagsuslsulat ng liham-pangkaibigan;
at iba pa.
PERSONAL
Sa pamamagitan ng wika, matagumpay matagumpay na naipapahayag ng tao ang kanyang
personal na nararamdaman. Halimbawa, sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng isang binate ang
kanyang pagsinta sa isang babae kaya sila ay maaaring magkaroon ng isang mainam na relasyon.
Ang pagbulalas ng mga pansariling damdamin ay nasasailalim ng tungkuling ito. Kasama na rito
ang paglalahad ng pagkagulat, kagalakan, sama ng loob, galit at hinanakit. Saklaw din ng tungkuling ito
ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsulat ng ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.
HEURISTIKO
Malaki ang nagagawa ng wika para sa pagpapaabot ng mga kaalamang pang-akademiko. Sa
pamamagitan ng wika, nakakapaglahad ang tao ng kanyang mga katanungan, nakakapagbigay rin ang
tao ng kasagutan sa mga katanungan para sa paghahanap ng makabagong mga tuklas at kaalaman.
Nilalayon ng paggamit ng wika sa tungkuling ito na magdagdag o magpayaman pa ng kaalaman sa
anumang larangan. Maaaring ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam,
pananaliksik at iba pa lalong nagbibigay daan para mapaunlad ang pag-aaral sa mga bagay sa lipunan.
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang piang-aaralan. Kasama rito ang pag-interbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong
tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo panonood sa telebisyon at pagbasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon.
IMPORMATIBO
Ang paggamit ng wika ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pasalita
o pasulat. Ang pangangailangang makapagbigay ng mga impormasyon katulad ng mga balita, datos at
iba pa ay nagagawa lamang sa pamamagitan ng wika.
Ito ay kabaligtaran ng heuristiko. Kung heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang
halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggwa ng pamanahong papel, panayam at pagtuturo.
Alam mo ba?
Si Roman Jakobson ay isa sa pinakamagaling na dalubwika sa ikadalampung siglo. Isa siya sa
nagtatag ng Linguistic Center ng New York City. Ang kanyang bantog na Functions of Language ang
kanyang naging ambag sa larangan ng semiotics. Ang semiotics ay ang pag-aaral tungkol sa mga
palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.
Pagyamanain Natin!
A. PAGSUSURI
4. PERSONAL
Ano ang masasbi mo sa mga taong nagpo-post ng kanilang mga sama ng loob s Social
Media katulad ng Facebook? Ang gawaing bang ito ay alinsunod sa etikal na tungkulin ng wika?
Bakit?
__________________________________________________________________________________

5. HEURISTIK
Sa pagdodokumento ng mga kuwento ng mga Indigenous People, ano ang pinakamabuti at
pinakaetikal na ihahanda abago sila kapanayamin? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
6. IMPORMATIBO
Sino sa mga tagapagbalita sa telebisyon ang pinakaepektibo sa paggmait ng wika sa
kanyang pag-uulat? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
C. PALAWAKIN
Hindi maikakaila na napakahalaga ng wika sa anumang uri ng lipunan. Ito ay isa sa mga
pangunahing salik kung bakit ang isnag lipunan ay nabubuo at umuunlad. Ang paggmait nito noon
pang unang panahon ay nagpapakilala na ang wika ang susi sa buhay ng lahat ng tao para
maisagawa ang kanilang tungkulin sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Sa dinami-dami ng mga nagagawa ng wika sa buhay ng isang tao, masasabing ito ay isang
instrument sa pakikipag-ugnayan na hindi maaring mawala. Kung mawawala ito, mawawala rin ang
isang lipunan. Samakatuwid, ang wika at lipunan ay iisa. Hindi sila puwedeng paghiwalayin. Anumang
nangyayari sa lipunan ay napapaloob sa wika at anumang mayroon sa isang wika ay produkto ito ng
lipunang gumagamit nito.
Subukin Natin!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat patlang. Tukuyin ang gamit at tungkulin ng wika sa
pahayag at baigyang kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Maaaring higit sa isa
ang gamit o tunkulin ng wika sa pahayag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. “Hindi makaaasang magiging mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang
modelo-ang mga guro.” Ito ang opinion ni Ruth Elynia-Mabanglo noong Agost 2015, Kongreso
ng Pagpaplanong Pangwika.
SANAYAN 11
Tuklasin Natin!
________________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang diyalogo at tukuyin ang tungkulin ng wika kung: A. instrumental, B.
Regulatoryo, C. Heuristik sa mga pahayag na may guhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Juana: Parang (1) gusto kong lumahok sa kanilang rali.
Juan: (2) Ano ba ang ginagawa sa rali?
Juana: Programa at talakayan sa mas malawak na hanay ng mga tao.
Juan: (3) Bakit rali?
Juana: (4) Ginagawa ito bilang isa sa mga porma ng malayang pagpapahayag at praktis ng
demokrasya.
Juan: Ibig sabihin, (5) may iba pang porma ng pagpapahayag?
Juana: Marami naman, kung (6) gusto mo ay maaari kang lumahok sa paraan ng dayalogo,
forum, pagsulat ng tula, polyeto at iba pa.
Juan: Ayun naman pala, (7) bakit rali pa ang napili?
Juana: (8) Kailangang ipaabot sa mas malawak na mamamayan ang isyu.
Juan: Ganu’n?
Juana: (9)Tandaan din antin na marami tayo ng tinatamasang karapatan at kalayaan ngayon na
ipinatagumpay sa kolektibong pagkilos.
Linangin Natin!
Basahin ang mga sumusunod na pahayag.
Alam mo ba?
INSTRUMENTAL
Ang pangunahing tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay Halliday ay instrumental. Ito ang
tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Ang paggawa ng liham sa patnugot at pagpapakita ng ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na
nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay ang halimbawa ng tungkuling ito.
Malaki ang ginagampanan ng wika sa buhay ng tao. Ito ay may iba’t ibang gamit sa lipunan na
nakatutulong sa tao upang mabisang makipag-ugnayan o makipagtalastasan sa kanyang kapwa. Ito ay
maaaring gamitin upang ipahayag ang iba’t ibang layon, pakay o tunguhin. Ito ay maituturing na
instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng sumusunod:
5. Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan,
pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba;
6. Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na mangyari;
7. Direktang pag-uutos; o
8. Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.
REGULATORYO
Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pag-uugali o asla ng isang tao. Ang pag bibigay
direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partukilar na lugar, direksiyon ng pagluluto ng isang
ulam, direksiyon sa pagsasagot sa pagsusulit at direksiyon ng paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.
Ang ating lipunan ay binubuo ng mga institusyon tulad ng pamilya, paaralan, edukasyon,
simbahan, industriya, midya, at pamahalaan. Lahat ng mga ito’y may mga pinuno at tagapamahala at
ang lahat ng pinuno at tagapamahala’y inilahal o pinili alinsunod sa batas, patakaran, o alituntuning
piunatutupad.
Ang regulatoryong bisa bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin
bilang kasapi o kaanib ng lahat o alinmang institusyong nabanggit.
Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga elemento:
5. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita.
6. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas.
7. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod dito
8. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon at taong
sinasaklawan ng batas.
INTERAKSIYONAL
Para mapabuti ang kalagayang panlipunan, ang wika ang ginagamit pang-interaksyonal. Sa
paggamit na ito, napananatili ng bawat tao ang mabuti niyang relasyon sa kanilang kapwa. Halimbawa,
nagagamit ng mga namumuno sa isang lipunan ang wika para magkasundo ang dalawang panig ng
taong may sigalot. Sa pasalitang pamamaraan, nagagawa ng isang tao na makipagkamustahan,
makiagpalitan ng kuro-kuro, makipagbatuhan ng biro at iba pa. Sa pagsulat naman maaaring ang tao
ay magpadala ng liham para sa taong ninanais na makapagpalitan ng kuro, makilala at iba pa.
Ang tungkuling ito sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa knayang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagpalitan ng opinion o kuro-kuro tungkul sa particular na isyu; pakukwento ng malulungkot at
masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalahayang-loob, pagsuslsulat ng liham-pangkaibigan;
at iba pa.
PERSONAL
Sa pamamagitan ng wika, matagumpay matagumpay na naipapahayag ng tao ang kanyang
personal na nararamdaman. Halimbawa, sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng isang binate ang
kanyang pagsinta sa isang babae kaya sila ay maaaring magkaroon ng isang mainam na relasyon.
Ang pagbulalas ng mga pansariling damdamin ay nasasailalim ng tungkuling ito. Kasama na rito
ang paglalahad ng pagkagulat, kagalakan, sama ng loob, galit at hinanakit. Saklaw din ng tungkuling ito
ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsulat ng ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.
HEURISTIKO
Malaki ang nagagawa ng wika para sa pagpapaabot ng mga kaalamang pang-akademiko. Sa
pamamagitan ng wika, nakakapaglahad ang tao ng kanyang mga katanungan, nakakapagbigay rin ang
tao ng kasagutan sa mga katanungan para sa paghahanap ng makabagong mga tuklas at kaalaman.
Nilalayon ng paggamit ng wika sa tungkuling ito na magdagdag o magpayaman pa ng kaalaman sa
anumang larangan. Maaaring ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam,
pananaliksik at iba pa lalong nagbibigay daan para mapaunlad ang pag-aaral sa mga bagay sa lipunan.
Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang piang-aaralan. Kasama rito ang pag-interbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong
tungkol sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo panonood sa telebisyon at pagbasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon.
IMPORMATIBO
Ang paggamit ng wika ay naglalayong magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pasalita
o pasulat. Ang pangangailangang makapagbigay ng mga impormasyon katulad ng mga balita, datos at
iba pa ay nagagawa lamang sa pamamagitan ng wika.
Ito ay kabaligtaran ng heuristiko. Kung heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang
halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggwa ng pamanahong papel, panayam at pagtuturo.
Pagyamanin Natin!
A. PAGSUSURI
Suriin ang mga sumusunod na pahayag na ginamit sa LINANGIN NATIN sa pamamagitan ng
patukoy sa gamit ng wika na ginamit bawat pahayag at pagpapaliwanag sa mga ito.
PAHAYAG B:“Bumangon kna at mamalengke. Bumili ka ng karne ng baboy at manok para sa okasyon
mamaya.”
PAHAYAG D: Ang sa akin lang, hindi ako komportable na nagpopost ng mga litrato sa internet gamit
ang aking social media accounts tulad nga facebook at instagram.
PAHAYAG E: Ano-anong elemento ang matatagpuan sa planetang Mars? Sapat ba ito para
suportahan ang buhay ng halaman?
PAHAYAG F: “Kamakailan inilunsad ng pamahalaan ang P2P Bus System o Point-to-Point Bus System
na may rota mula SM North Edsa Quezon City-Glorietta, Makati City sa Kamaynilaan. Naglalayon
itong maibsan ang matinding trapik sa Edsa. Ang P2P bus system ay nagsasakay at nagbababa
lamang sa isang napiling bus stop.”
B. PAG-UUGNAY
a. Ipapanood ang mga sumusunod na video clips sa mga mag-aaral.
b. Tukuyin ang gamit ng wika na ginamit sa bawat video clips.
Heneral Luna: “Senor Presidente, walang pupuntahan ito. Habang nagtatalo tayo rito lalong
lumalakas ang puwersa ng mga Amerikano. Lusubin na natin sila habang kakaunti pa
lamang sila kahait na mamamtay pa ang karamihan s atin. Mapalayas natin sila at
mapasakamay natin ang Intramuros.”
2. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU) 3:37-3:54
Joven: Heneral, Joven Hermando po (sabay sa pagkamay sa kausap)
Heneral Luna: “Joven, anak ka ng komandante. Ipagumanhin mo at pinaghintay kita.”
Joven: Walang anuman po. Kinararangal kong makapanayam kayo.”
4. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU)- 5:57-6:10
Negosyante: Paano ang aming mga negosyo? Kapag nakipaglaban kami, babagsak ang
ekonomiya
Heneral Luna: “Paano naming mapapakain ang aming mga pamilya? Negosyo o kalakalan?
Bayan o sarili? Mamili ka!”
5. (https://www.youtube.com/watch?v=5gN-7XLbxU)-30:32-30:38
Sundalo: Artikulo Uno- ang hindi sumunod sa utos ng Punong Heneral ng Digmaan ay
tatanggalan ng ranggo…
C. PAGPAPALAWAK
Ang wika ay napakaimportante sa buhay ng bawat tao. Isipin mo ang isang lipunan o
pamayanan na walang wikang gamit. Hindi ba’t ang mga mamamayan ay magmimistulang mga hayop
na nagsisipag-iyakan lamang. Bahagi ng paghubog atpaglinang ng ating pagkatao ang
wika.Napakahalaga din ng wika sa ating pang araw- araw na buhay. Bata, matanda, babae o lalaki,
lahat ay may karapatang sibil upang maipahayag ang kani-kanilang saloobin. Wika ang siyang ating
paraan upang masabing kung gaano natin iniirog ang mga mahal natin sa buhay.
Gamit din natin ito sa pakikipagsalamuha sa kapwa, sa kapaligiran, at sa lipunan. Sa larangan
ng musika, sining, at iba pang pagbibigay aliw sa kapwa, ang wika ang ating ginagamit na instrumento
upang maipaabot ang ating mensahe sa mga tao. Sa pagbibigay balita at impormasyon, wika rin ang
ating gamit sa anumang larangan na pang interaksyong sosyal.
Gabay natin ang wika sa anumang antas at uri ng kinatatayuan mo sa buhay. Sa paaralan,
tayo ay nagtatalastasan at nakikipagpalitan ng kuro-kuro gamit ang wika. Sa pagkamit ng hustisya, at
pagtanggol sa karapatang pantao, wika rin ang ating armas upang ito ay ating makamtan. Instrumento
ngang tunay ang wika, maging sa pinakasalimuot man o sa pinakamasayang kaganapang nangyayari
sa ating buhay.
Subukin Natin!
2. “Minsan gusto ko ang ipagsigawan, kaya lang ako lang naman ang nagmumukhang tanga.
Bakit ba naman kasi akong complicated magmahal.”