MAHABANG PAGSUSULIT SA EsP 8
MAHABANG PAGSUSULIT SA EsP 8
MAHABANG PAGSUSULIT SA EsP 8
IKATLONG MARKAHAN
I. Panuto: Maramihang Pagpili. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang
angkop na sagot sa bawat bilang at isulat ang titik lamang sa bawat patlang.
Para sa bilang 26-29. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita
sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan
_______ 26. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa
kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang
niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang
nararamdaman.
_______ 27. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi
niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
_______ 28. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay
Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang
kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.
_______ 29. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung
nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.
Para sa bilang 30-33. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa
sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi or
maparusahan.
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala ng ibang tao.
_______ 30. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa
paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang
niya.
_______ 31. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo.
Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______ 32. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya
ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang
kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang
kinakausap ng kaklase.
_______ 33. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkwentuhan, hindi niya namalayan na gumagabi na
pala. Alam niya na papagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang
magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil gumawa kayo ng proyekto, at siya’y iyon
sinunod dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.
II. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI
kung ito’y hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Inihanda ni: