Quarter1 Exam ESP8
Quarter1 Exam ESP8
Quarter1 Exam ESP8
I. Tukuyin ang aspeto ng pag-unlad ng pamilya bilang natural na institusyon. Isulat ang A kung sa
aspetong Pangkaisipan, B kung Panlipunan, C kung Pandamdamin at D kung Moral.
______ 1. Pantay na pagtingin ng mga magulang sa mga anak.
______ 2. Ang pamilya Alcantara na madalas tumutulong sa mga gawaing pangkomunidad.
______ 3. Pamilya na may bata pa lang ang mga anak ay itinuro na ditto ang pagpapakumbaba.
______ 4. Ang pamilya na palaging nagsisimba tuwing linggo.
______ 5. Pamilya na may takot at iginagalang ang batas.
______ 6. Ang mga magulang na palaging nandiyan para sa mga anak sa oras ng bawat problema.
______ 7. Pamilya na may wastong pananaw kung ano ang tama at mali sa pagpapakatao.
______ 8. Ang magkakapatid na palaging isinasaalang-alang ang mararamdaman ng bawat isa.
______ 9. Pamilya may takot sa Diyos.
______ 10. Ang mga magulang na may sapat at wastong kaalaman kung paano madidisiplina ang mga
anak.
_____ 12. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t-ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama
ng habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
_____ 13. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin
sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang naak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon sa
iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa knaila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila nang
mabuti ang kanilang mga anak.
______ 14. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d.Lahat ng nabanggit.
______ 15. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na
pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa
iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
______ 16. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang
maayos na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang.
b. Pagkakaroon ng mga anak.
c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan.
d. Mga patakaran sa pamilya.
______ 17. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tueing lingo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag.
b. May disiplina nag bawat isa.
c. Nagkakaisa sa parann ng pagsamba sa Diyos.
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman.
______ 18. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang nagging guro, gumabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan n gating buhay.
______ 19. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala ng iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Lahat ng nabanggit.
______ 20. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang
ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyonan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
21. Ang karapatan para sa ______________ ng mga bata ay orihinal na pangunahing karapatan.
a. Kalusugan b. Edukasyon c. Buhay d. Pagkain at tahanan
22. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak.
Ito ay ________________.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
23. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginabayan ng prinsipyong moral.
b. Pag-agapay sa mga naak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga
ito ay matagumpay na malalampasan.
c. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa
kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
d. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa numang kahihinatnan ng
kanilang mga pagganap sa mga ito.
24. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng mga magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
25. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng paggabay ng mga magulang sa pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtulong sa pipiliing kurso pagdating sa kolehiyo.
b. Pagiging lagging abala at wala sa loob ng tahanan.
c. Pagsasanay sa mga hilig, talent at kakayahan ng isang kabataan.
d. Pagibibigay kaalaman tungkol sa pagiging isang responsableng mag-aaral.
27. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
a. Pagtanggap b. Pagmamahal c. Pagtitimpi d. Katarungan
28. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing
ispiritwal maliban sa:
a. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
b. Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya.
c. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.
d. Maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
29. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. Pagtitiwala
b. Pagtataglay ng karunungan
c. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan
d. Pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
30. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito ng kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito
ay maisakatuparan.
IV. Tukuyin sa bawat sitwasyon kung anong uri ng mga hadlang/suliranin sa pagpapatatag sa
komunikasyon sa pamilya. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot.
_______ 31. Bata pa lamang sila Steffi at Lucy ay nakalakihan na nila ang malimit na pagtatalo sa mga
bagay-bagay.
_______ 32. Ang mga magulang ay parehong nagtatrabaho sa ibang bansa at ang mga anak ay naiiwan
sa mga katulong.
_______ 33. Ang mga anak nila Lia at Matteo ay lumaking mahiyain at walang pagtitiwala sa sarili.
_______ 34. Bata pa lamang si Cardo ay hindi na niya gusto ang makipag-usap at makipaglaro sa
kaniyang mga kapatid.
_______ 35. Ang mga anak nila Anton at Andrea ay lumaking maramdamin kung kaya’t malimit lang nila
itong pagsabihan kahit na minsan ay may pagkakamali ang mga ito.
V. Isulat ang Tama o Mali.
___________ 36. Mahalaga na ang buong pamilya ay salu-salong kumakain sa hapag kainan.
___________ 37. Sapat lamang na ang mga magulang ay hindi na tumulong sa mga takdang-aralin ng
mga anak dahil sila ay pagod na sa trabaho.
__________ 38. Mahalaga na turuan ng ama ang kaniyang anak na lalaki sa mga gawaing panlalaki.
__________ 39. Ayos lamang na ang buong pamilya ay hindi makapag-usap sa loob ng isang lingo lalo
na’t silang lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain.
__________ 40. Mahalaga na ang ina at anak na babae ay may sapat na komunikasyon lalo na sa mga
aspeto ng pagdadalaga.
_________ 41. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?
a. “Tutulan ang Black Sand Mining”
b. “Mahigpit pong ipinagbabawal ang paghuli at pagbebenta ng tuko o gecko sa bang ito”
c. “Suportahan po natin ang mga proyektong pabahay ng Gawad Kalinga”
d. “Sahod itaas, pasahe ibaba”
_________ 42. Ang pamilya na may papel salipunan ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. Pamilyang may kaugnayan sa simbahan.
b. Pamilyang tumutulong sa kandidatura ng isang politico sa panahon ng eleksyon.
c. Pamilyang may maliit na pasugalan sa komunidad.
d. Pamilya na ang mga miyembro nito ay mga guro at doktor.
_________ 43. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng nagging sagot mo sa aytem 41?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang krapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal na seguridad.
Tumutulong ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan? Bakit? At kung hindi. Bakit?