Antas NG Wika
Antas NG Wika
Antas NG Wika
(Antas ng Wika)
I. Layunin:
a. Naisa-isa at naipaliliwanag ang katuturan ng salita ayon sa antas.
b. Napahahalagagahan ang mga pananalitang gingagamit sa pakikipagkomunikasyon.
c. Nakasusulat ng maikling usapan o dayalogo na ginagampanan ng mga salita ayon sa antas.
II. Paksang-aralin
Paksa: Antas ng Wika ( salita ayon sa pomalidad)
Sanggunian: Badayos, P.B et.al. Komunikayon sa Akademikong Filipino (2001). P. 11-14
Kagamitan: Computer
III. Paglalahad
a. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan.
b. Pagtalakay
Pagbibigay ng input ng guro.
- Antas ng wika (salita ayon sa pormalidad)
Balbal
Ang itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Ito ay karaniwang
ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay binubuo ng isang grupo.
Hal.
Parak – pulis
Eskapo – tumakas
Koloyal
Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa
pormal na mga salita.
Hal.
Naron
Meron
Lalawiganin
Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo
sa mga lalawigan.
Hal.
Tagalog Ilokano
alis - pumanaw
kanin - inapoy
Pambansa
Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sa
sirkulasyon ng pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paaralan at
sa pamahalaan.
Hal.
kasiyahan
aklat
Pampanitikan
ito ang pinakamayamang uri. Mayaman ang antas na ito sa paggamit ng
idyoma, tayutay at iba’t ibang tono, tema at punto.
Hal.
kaututang dila
Balat sibuyas
c. Pagsubok
ALAMIN NATIN
Panuto:
Tukuyin ang antas ng wika ang napapaloob sa mga sumusunod na linya ng patalastas.
1. “Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kapag ito’y ginagawa ng mas matanda.”
- (Nestle Philippines)
2. “Japorms ka ba o hindi? Magpakatotoo ka!”
- (Sprite na ‘to commercial 2000)
3. “Donut, bay! Donut, bay!”
-(Ad Congress sa Cebu)
4. “Ayokong maging dukha!”
- (DBP)
5. Bawal-bawal ka diyan. And so what kung gabi? Magkakape ako kung gusto
ko,’no? Decaffeinated naman. So puwede pa rin akong makatulog. Ang sarap kaya. Try mo!
- (Nestcafe )
d. Paglalapat
Isulat mo!
Panuto:
Bumuo ng isang patalastas gamit ang antas ng wika sa mga sumusunod naprodukto.
> sabon
> inumin
> pabango
IV. Paglalagom:
Tanong:
Gaano nga ba kahalaga ang wika sa pakikipagtalasatasan o pakikipag-usap?
Inihanda ni:
Rovielyn May L. Despolo
BSE Filipino