YUNIT 2 Intro Sa Pagsasalin
YUNIT 2 Intro Sa Pagsasalin
YUNIT 2 Intro Sa Pagsasalin
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na layunin:
ALAMIN
Gawain 2.1
Bago simulan ang aralin, kailangan munang matasa ang inyong kaalaman tungkol sa pagsasaling-wika. Ang mga
sumusunod na aytem na makikita sa ibaba ay makatutukoy kung ano na ang inyong kaalaman tungkol sa
pagsasalin. Kung handa na kayo, simulan na ngayon.
Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa
paksa.
Magsimula ka na!
Panuto: Hanapin sa ibaba ang salin sa Ingles ng mga sumusunod na salita, titik lamang ng wastong sagot ang isulat
sa patlang bago ang bilang. (10 puntos)
1. A 6. D
2. E 7. H
3. G 8. M
4. L 9. B
5. K
TUKLASIN
Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa Tagalog. Kung mayroon, gamitin ito.
Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak na wika ng Pilipinas gaya ng
Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray, Kapampangan, Northern Bicolano, Chavacano, Pangasinense,
Southern Bicolano, Maranao , Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.
Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika ng Pilipinas.
Kung walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika ng Pilipinas, maari mong itranslitereyt ang
salita mula sa ingles papuntang Tagalog (halimbawa: account -> akawnt, computer -> kompyuter). Tandaang ang
pagta-translitereyt ay papuntang Tagalog at hindi Filipino, dahil ang Filipino ay may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X,
Z na hindi ginagamit sa pagtatranslitereyt.
Kung talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga terminolohiya at salita, gamitin ang Ingles na
salita. (halimbawa: internet)
Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga katumbas na salita, subukang makipag-ugnay sa departamento ng iyong wika
mula sa mga pinagpipitaganang pamantasan sa iyong bansa o sa isang kawanihan na nangangalaga ng iyong
wika. Huwag matakot na gamitin o ipakilala ang mga bagong salita kung ito ay maging saligan. Tandaan, nang
ipinakilala ang salitang "mouse" (pang-kamay na aparato upang makipag-ugnay sa isang kompyuter), ang salita
ay kinutya at pinagtawanan.
Gawain 2.2
Panuto: Sa nakalaang patlang, lagyan ng emoji na kung ano ang mas mainam na salin ng pangungusap na may
salungguhit at emoji na kung hindi. (10 puntos)
Sagot:
1.
2.
3.
4.
5.
PAGTALAKAY
Ang bahaging ito ng modyul ay magbibigay sa inyo ng ideya tungkol sa Batayang kaalaman sa Pagsasalin,
Ang Pagsasalin at ang Tagasalin at Mga Teorya sa Pagsasalin.
1. Jerome sa Latin
2. Luther sa Aleman
3. Haring James sa Ingles: Authorized Version
John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles noong ikalabing – apat na siglo
Dalawang edisyon:
1382: Nicholas
2.1390: inedit ni John Purvey
William Tyndale – pagsasalin sa Ingles ng Biblia buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus
Kahalagahan Ng Pagsasaling-wika
Pamantayan sa Pagsasalin-wika
Tunguhang
Simulaang
Lengguwahe
Lengguwahe
Tagasalin Interpretasyon, Pagbasa,
Saliksik, Salin
•Sa iskemang ito, ang tagasalin ay kinakailangang mayroong sapat na kahusayan sa simulaang lengguwahe (SL).
•Pero, lalo’t higit na kinakailangang mahusay ang tagasalin sa tunguhang lengguwahe (TL). Tagasalin Simulaang
Lengguwahe Interpretasyon, Pagbasa, Saliksik, Salin Tunguhang Lengguwahe
Bertrand Russel: “Walang sinumang makauunawa sa salitang ‘cheese’ nang walang di-lingguwistikong pagkabatid
sa ‘cheese’.
i.e., matindi ang pangangailangang mabatid ng tagasalin ang kahulugan ng salitang isinasalin. Kaya nga, hindi isang
biro-birong trabaho ang pagsasalin at napakalaki ng tungkulin nito (noon at ngayon) sa pagpapalaganap ng
kaalaman sa buong mundo.
“Ang pangangailangang maidulot at maipamahagi ang mga kaalaman at kasanayan, bukod sa patuloy at
walanghumpay na paglikha at pagdukal ng mga bago’t bagong teknolohiya, ay nagpapatindi sa halaga ng
pagsasalin bílang tagapamagitan ng mga wika at kultura ng mundo” (Virgilio Almario, 2016).
Naglilipat-wika tayo para maseguradong magiging aksesibol sa lahat ng Filipino ang mga bagong kaalaman
i.e., Nagsasalin tayo para matiyak na maaakses ng karaniwang Filipino ang mga kaalamang natuklasan ng mga
eksperto natin mula sa iba’t ibang disiplina.
At, dahil aksesibol ang mga ito sa taongbayan, naisusulong natin ang higit na epektibo at episyenteng serbisyo
publiko. Dahil mas nagkakaunawaan ang lingkodbayan at kaniyang mga pinaglilingkuran, mas magkakaroon ng
mas mataas na integrasyon ang serbisyo publiko.
TATLONG PARAAN NG PAGSASALIN AYON KAY ROMAN JAKOBSON (“On Linguistic Aspects of Translation”, 1959)
1. Intralingguwal na pagsasalin (o paglilipat-salita): isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang
ibang tanda sa isang wika.
2. Interlingguwal na pagsasalin (o pagsasalin mismo): isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit
ang ibang wika
3. Intersemiyotikong pagsasalin (o paglilipat-anyo): isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang
mga tanda ng mga sistema ng di-pasalitang tanda.
Paano magsalin?
Pagtutumbas
• paghahanap ng salita o pahayag na kaparehas ang kahulugan sa target na wika
Halimbawa:
He went out of the room.
Salin: Lumabas siya ng kwarto.
Give me a piece of string.
Salin: Bigyan mo ako ng kapirasong tali.
Una, ang paghahanap ng pantumbas na salita mula sa kasalukuyang korpus ng wikang Filipino.
Ikalawa, ang pagtuklas ng pantumbas mula sa ibang katutubong wika ng Filipinas.
Halimbawa:
Ambag na bokabularyo
1. Rabáw (Ilokano) surface
2. Iláhas (Kinaray-a) wild
3. Láwas (Waray) body (corpus)
4. Gahúm Hegemony
Tandaan: Walang dalawang wika sa mundo ang may magkatulad na bokabularyo. Kayâ, bihira talaga ang
magkatumbas na magkatumbas na kataga.
PANGHIHIRAM NG SALITA
PANGHIHIRAM
• Paghiram sa mga dayuhang wika tulad ng Español at Ingles, at iba pang wika.
• Pagdaan sa proseso ng reispeling.
PANGHIHIRAM NG SALITA
• modernisasyon ng Filipino
• paraan ng pagsasalin
• pagpapahalaga sa pagbabaybay
• suporta sa kodipikasyon at elaborasyon
Halimbawa:
Habla Espanyol?
• Inuunang hiraman ang wikang Español.
• Dahil sa katwirang lingguwistika
• padér (paréd), kampana (campana), kandila (candila), bintana (ventana), kalatas (cartas) sapatos, mansanas,
materyales, prutas, medyas, mesiyas, perlas, atbp.
SIYOKOY WASTO
1. “imahe” “imáhen”(imagen); “imeyds” (image)
2. “diktadurya” “diktadúra”
3. “kontemporaryo” “kontemporáneó”; “kontemporári”
4. “aspeto” “aspékto”; “áspek”
3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang banyaga at
saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Filipino
centripetal sentripetal
radical radikal
Halimbawa:
Iba pang wika Filipino
coup d’ etat (Pranses) kudeta
chinelas (Español) tsinelas
kimono (Japon) kimono
glasnost (Russian) glasnost
4. Gamitin ang mga letrang c,ñ, q, x, f, j, v, z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa sumusunod na
kondisyon.
a. pantanging ngalan
• Quirino, Julia, Canada, Valenzuela,
• Ceñeza bldg., State Condominium,
• Qantas Airlines, Doña Monserat, El Niño
c. salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o ang mga
letra ay hindi katumbas ng tunog.
• bouquet, rendezvous, laissez faire,
• champagne, plateau, monsieur
Una, kailangang manatiling obhetibo at makatunayan sa paksa ang isang manunulat na teknikal. Ngunit, kailangan
ding maalam siya sa paggamit ng mga taktikang malikhain upang magtagumpay sa pag-akit ng babása at
mapanatili ang interes nitó sa binabása.
Mahalaga rin ang pagsisikap na maglista ng mga ginagamit na pantumbas sa mga terminolohiya sa bawat disiplina
upang maging palagiang sanggunian sa pagsasalin para sa layuning maging konsistent.
TUNTUNIN 2: Minsan, hindi na kailangang hanapan ng katumbas na salita sa TL. Para sa KWF, panatilihin ang
orihinal na salitang siyentipiko at teknikal—Ingles man, Español, German, o Latin.
1. Ang pagbibigay- diin sa mga mambabasa at kaayusan (setting). Dapat maging natural ang dating ng salin upang
madaling maunawaan at makapag- iwan ng kakintalan sa mambabasa. Halimbawa dito ang pagsaalin ng Noli.
Kapansin-pansin na ang mga salitang ginamit ni Poblete na nalathala noong 1907 ay malayo na o malaki ang
pagkakaiba sa salin nina Sayo at Marquez sapagkat malaki ang pagkakaiba ng mambabasa ni Poblete at
mambabasa nina Sayo at Marquez. Iba na rin ang kaayusang panlipunan na umiiral noon kaysa sa umiiral ngayon.
2. Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa panrelihyon, panpanitikan, pang- agham at teknikal, kasalukuyang
kaganapan, publisidad, propagando o anumang paksa ng panitikan.
3. Pagdaragdag sa mga text na sinasalin mula sa mga libro (kasama ang mga dula at tula) hanggang sa mga
artikulo, kasulatan, kontrata, tratado, batas, panuto, patalastas, liham, ulat, mga form sa kalakalan, atbp.
5. Pagbuo ng mga pangkat ng tagasalin at tagarebisa. Ang pagsasalin ay dapat gawin ng grupo hindi lamng ng isang
tao upang makuha ang pananaw ng nakararami at hanggat maari ay magtalaga ng ibang tao na magrerebisa sa
mga sinalin.
6. Magiging malinaw lamang ang dating (impact)lingwistika, sosyolingwistika, at teorya ng pagsasalin kung ang
mga tagapagsalin ay sasanayin sa mga politeknik at unibersidad.
7. Ang pagsasalin ngayon ay ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman para lumikha ng unawaan sa
pagitan grupo at mga bansa, gayundin ang paglaganap ng kultura.
Sa kabuuan, sinasabi ni Newmark na ang pagsasalin ay isang bagong disiplina, isang bagong profesyon, isang
lumang pakikihamok na nakatalaga sa iba't ibang layunin.
Sinisimulang ang pagsasalin sa pagbasa sa textsa dalawang kadahilanan: una, upang maunawaan
kung saan ito nauukol; pangalawa, upang suriin ito ayon sa pananaw ng tagasalin na iba kaysa pananaw-
dalubwika o kritikong- pampanitikan.
Ang pag- unawa sa text ay nangangailangan ng lahatan at malalimang pagbasa. Lahatan upang
makuha ang buod para matukoy kung ano ang mga bagay na kailangan sa pagsasalin na maaring gamiting
sangunian tulad ng ensayklopidya, texbuk, thesis, atbp.
Ang malalimang pagbasa ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga salita na nakapaloob
sa text para matukoy ang tiyak na kahulugan nito, matukoy ang mga talinhaga, kolokyalismo, at
neologism. Dapat malaman anglayunin at paraan kung paano ito nasulat para matukoy ang karapat-dapat
na paraan ng pagsasalin at para matukoy ang tiyak at paulit-ulit na mga suliranin na kakaharapin sa
pagsasalin.
Magandang teorya ay batay sa impormasyon na nagkamit mula sa pagsasanay. Magandang pagsasanay ay batay
sa maingat na nagtrabaho-out teorya. Ang dalawang ay nagtutulungan.
Ang mainam na pagsasalin ay tumpak na kahulugan at natural sa ang receptor wika na bumubuo ginamit. Isang
inilaan madla na ay pamilyar sa pinagmulan ng teksto ay madaling maunawaan ang mga ito. Ang tagumpay ng
isang pagsasalin ay nasusukat sa pamamagitan ng kung gaano kalapit ito sumusukat sa mga ideals.
Translation ay isang proseso na batay sa teorya na ito ay posible na abstract ang kahulugan ng isang text mula sa
mga form at kopyahin na kahulugan na may ibang-iba formng isang pangalawang wika.Pagsasalin, pagkatapos, ay
binubuo ng pag-aaral ang leksikon, pambalarila istraktura, sitwasyon ng komunikasyon, at kultural na konteksto ng
teksto ng pinagmulang wika, pag-aaral ang mga ito upang matukoy ang kanyang kahulugan, at pagkatapos ng
reconstructing ito parehong kahulugan gamit ang leksikon at pambalarila istraktura na kungsaan ay naaangkop sa
ang na receptor wika at kultural na konteksto nito.
Diagram mula sa Larson l998, p. 4
Talakayin ang George Steiner teorya ng pagsasaling-wika na may reference sa kahalagahan nito
para sa pagsasalin teorya bilang isang kabuuan."'... Lahat ng mga bata ay tumalon sa Brod kapag ito ay
kaya mainit, at aming mga magulang ay umupo sa gilid ng ang card ng tubig at paglalaro. Sabihin sa kanya.
' Sinabi ko Siya 'lahat ay may kanyang sariling pamilya, ngunit ito ay isang bagay tulad ng sila ay ang lahat
ng isang malaking pamilya. Mga tao na gusto ang lumaban, oo, ngunit ito ay walang '"(Foer, 155)
PAGYAMANIN
Ikaw ay dadako na sa yugtong ito, upang sagutin ang panibagong gawain na tatasa sa iyong natutunan mula
sa mga paksa. Ang gawaing ito ay makapaglalaan lamang ng ilang minuto upang masagutan. Kung handa ka na,
magsimula na.
Gawain 2.3
I. Panuto: Filipinuhin ang sumusunod na mga salita na nasa wikang Ingles. Ibinigay na ang unang letra
ng salitang salin upang mas madaling maitala ang wastong salin ng bawat salita. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang. (30 puntos)
1. Accomplishment K= ______________________
2. Accountability P= ______________________
3. Benefits P, B = ______________________
4. Building G = ______________________
5. Affairs U = ______________________
6. Welfare K = ______________________
7. Department K, D = ______________________
8. Discussion T = ______________________
9. Editor P, E = ______________________
10.Employee K, E = ______________________
Sagot
Sagot:
EBALWASYON
Pagsasanay 2
I. Panuto: Isulat ang salitang W kung wasto ang pahayag at HW kung ito ay hindi wasto. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang. (10 puntos)
_______1. Ayon kay E. Nida, 1959/1966 “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag,
pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati
nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”
_______2. Sa Europa, ang kinikilalang unang tagasaling-wika ay si Andronicus, isang Griyego. Isinalin niya nang
patula sa Latin ang Odyssey ni Homer.
_______5. Pinag-aralan ng mga Kastila ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang nauunawaan ng
mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang pananampalataya.
_______6. Bertrand Russel: “Walang sinumang makauunawa sa salitang ‘cheese’ nang walang di-lingguwistikong
pagkabatid sa ‘cheese’.
_______7. Pagtutumbas ay ang paghahanap ng salita o pahayag na kaparehas ang kahulugan sa target na wika.
_______8. Ayon kay Santiago "ang pagsasaling-wika ay pagbibigay kahulugan ng isang text saibang wika sa
paraang ninanais ng may-akda."
_______9. Ang pagsasalin ngayon ay ginagamit upang makapagpalaganap ng kaalaman para lumikha ng unawaan
sa pagitan grupo at mga bansa, gayundin ang paglaganap ng kultura.
_______10. Pagpapalawak ng paksa nang higit pa sa panrelihyon, panpanitikan, pang- agham at teknikal,
kasalukuyang kaganapan, publisidad, propagando o anumang paksa ng panitikan.
Sagot:
1. HW
2. W
3. HW
4. W
5. W
6. W
7. W
8. HW
9. W
10. W
II. Panuto: Kumpletuhin ang kahulugan ng pagsasaling wika. Isulat ang sagot sa bawat patlang.
(5 puntos)
Sagot:
1. paglilipat
2. katumbas
3. diwa ng talata
4. alamin ang estilo ng pagsasaling-wika
5. pigilin muna ang sarili sa paggamit ng mga katumbas na salita sa Ingles.
III. Panuto: Ang mga sumusunod ay ilang idyoma sa Ingles. Kung sa palagay mo ay tama ang ibinigay na
kahulugan sa Filipino. Isulat ang salitamg TAMA sa patlang bago ang bilang at MALI naman kung hindi.
(5 puntos)
_______1. Beat A Dead Horse = Patuloy pang susugan ang isyu bagaman ito ay matagal ng natapos.
_______2. An Axe To Grind = Pagkakaroon ng sigalot sa isang tao.
_______3. A Slap on the Wrist = Isang napakagaang parusa.
_______4. A Drop in the Bucket = Isang napakaliit na parte ng kabuuan.
_______5. A Dime A Dozen = Alinmang bagay na karaniwan at madaling abutin.
Sagot:
1-5 TAMA
Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang
sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at sa mga di-katutubong wika at sa ebolusyon
ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang