Paghihimay Sa Kulturang Popular 1

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 15

PAGHIHIMAY SA KULTURANG POPULAR

Inihanda ni J. Torralba

Salimuot ng Kulturang Popular

Mahirap itali sa isang simpleng kahulugan ang kulturang popular.


Binubuo

ito ng dalawang problematikong salita o konsepto.

Kulturang Popular = Kultura + Popular Ano nga ba ang kultura? Ang popular?
Ano

ang mga kaugnay na konsepto ng mga salitang ito?

Pagpapakahulugan ng Kultura

Ayon kay Raymond Williams, one of the two or three most complicated words in the English language (Keywords, 87). Halaw sa agrikultura
Pag-aalaga
Proseso

ng halaman o hayop (cultivation)

ng pagpapaamo at pagpapaunlad; manipulasyon o transpormasyon ng kalikasan o paligid Halimbawa: tilapia culture

Ginamit ang salitang culture bilang metapora sa pag-unlad ng tao at lipunan.

Pagpapakahulugan ng Kultura

Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong kahulugan ng kultura:


1.

general process of intellectual, spiritual, and aesthetic development.

Kadakilaan: pilosopiya at mga pilosopo, makata, alagad ng sining, at iba pa.

Katulad ito ng sinabi ni Matthew Arnold na: the best that has been thought and said in the world
Halimbawa: CCP performances, arkitektura, katutubo at modernong sayaw, kundiman, at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Kultura

Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong kahulugan ng kultura:


2.

a particular way of life, whether of a people, a period or a group.


Mga pang-araw-araw na gawain at gawi

Pananamit Pagkain Malling Pagbibiyahe (jeep, lrt, mrt, traysikel, paglalakad, at iba pa.) Komunikasyon (telebisyon, pelikula, kuwentuhan, tsismisan) At iba pa

Pagpapakahulugan ng Kultura

Nagbigay si Williams (1976) ng tatlong kahulugan ng kultura:


3.

the works and practices of intellectual and especially artistic activity


Signifying practices o pagpapakahulugan

Ang kultura bilang shared meaning. Kabilang ka sa kultura kung malay at isinasabuhay ang mga kahulugang ito.

Ang pagpapakahulugan ay dumaan sa mga tekstong kultural.

damit, pelikula, mall, kanta, gadgets at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Kultura

Sa pag-aaral ng kulturang popular, ang pangalawa at pangatlong kahulugan ng kultura ang ginagamit.
Sa pangalawa, tumutukoy ito sa lived culture o kulturang kinapapalooban ng marami o mayorya ng tao sa isang lipunan. Ang pagpasok at pagsasabuhay ng kulturang ito ay nangyayari dahil sa mga pagpapakahulugan o signifying practices.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

Madalas na pinag-uugnay at ipinagpapalit (interchange) ang ideolohiya at kultura. May limang kahulugan ang ideolohiya
1.

systematic body of ideas articulated by a particular


group of people (Storey 3). Koleksiyon ng mga ekonomiko, politikal, intelektuwal, at panlipunang ideya.
Halimbawa: Tapat at Santugon Lasallian at Atenean Frat at Sorority PICPA, Integrated Bar of the Philipines Communist Party of the Philippines

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

May limang kahulugan ng ideolohiya


2.

False consciousness o huwad na kamalayan


May antas ng pagkukubli o pagbaluktot sa realidad sa pamamagitan ng mga tekstong kultural. Halimbawa:
Wikang Ingles ang kailangan upang maging competitive ang mga Filipino sa panahon ng globalisasyon. Kasalanan ng mga mahihirap kung bakit sila naghihirap.

Ang pagkukubli at pagbaluktot na ito ay nagsisilbi sa interes ng mga nasa kapangyarihan. Kadalasan, ang mga nasa kapangyarihan ang may kontrol sa mga produksiyon ng mga tekstong kultural tulad ng media, educational institutions, at iba pa.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

May limang kahulugan ng ideolohiya


3.

Ideological forms
Kaugnay sa pangalawang kahulugan ng ideolohiya Paano nagpapakita ng isang partikular na imahen ng mundo ang mga teksto (tv, film, pop songs, nobela, etc) Malay man o hindi malay, ang mga teksto ay may kinikilingan o pinapanigan. Walang neutral na teksto.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

May limang kahulugan ng ideolohiya


3.

Ideological forms

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

May limang kahulugan ng ideolohiya


4.

Bilang material practice


Ang ideolohiya ay hindi lamang mga ideya at kahulugan. Nadadanas ito sa pang-araw-araw na buhay.
Halimbawa: Pagkatapas mag-mall (kahit window shopping lang), kaya na namang tiisin ng manggagawa ang exploitation sa kanya.

Sa madaling salita, ang mga teksto at gawaing ito ay nagsisilbing:


Pampamanhid Glue para hindi lumayo sa isang partikular na kaayusang kinaiiralan ng inekwalidad, paghihirap at opresyon.

Pagpapakahulugan ng Ideolohiya

May limang kahulugan ng ideolohiya


5.

Larangan ng tunggalian ng mga kapangyarihan at kahulugan


Nakatuon ito sa mga gawain at tekstong kultural Fluid at patuloy na nababago ang kahulugan at gamit ng isang bagay o gawain batay sa pangangailangan at interes.
Halimbawa: Madonna - sex object - women empowerment

Ugnayan ng Kultura at Ideolohiya

Sa Philippines Studies, Cultural Studies, kasama na ang pag-aaral ng kulturang popular:


Ang

kultura ay isa lamang likha (construct), sangayon sa paniniwala at interes ng mga tao.
Nagsasantabi

(discriminate) ang kultura

Sino ang kabilang at hindi kabilang?

May

power-relations sa kultura

Sino ang makapangyarihan at walang kapangyarihan?

May

tunggalian sa loob ng kultura

Dahil

isang likha, maaaring bagu-baguhin ang mga kahulugan sa mga gawain at teksto. Lagi nasa proseso ang kultura

Sanggunian
Lentricchia, Frank and Thomas McLaughlin, eds. Critical Terms for Literary Study. Chicago and London: University of Chicago Press, 1995. Storey, John. Cultural Theory and Popular Culture: An Introduction, 3rd Edition. London: Pearson Education Limited, 2001. Williams, Raymond. Keywords: A Vocabulary of Culture and Society. London: Fontana, 1976.

You might also like