2nd Grading-COT

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pang araw-araw na Tala ng Pagtuturo

FULE ALMEDA ELEMENTARY SCHOOL IKA-APAT NA BAITANG


JOCELYN T. ATIGA EPP

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat sa pagbuo ng kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at
ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan.

B. Pamantayang Pagganap Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga


batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa
kabuhayan ng sariling pamayanan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at Metric)
(Isulat ang code sa bawat EPP4IA-Oa-1
kasanayan)
1. Nakikilala ang dalawang sistema ng pagsusukat.
2. Nagagamit ang dalawang sistema ng pagsusukat sa mga gawaing
pang-industriya.
3. Napapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang sistema ng
pagsusukat.
II. NILALAMAN Mga Sistema ng Pagsusukat (English at Metric)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa 210-214
Pagtuturo
2. Mga Pahina sa Kagamitang 452-461
Pang Mag-aaral
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Ruler, tape measure, pull push ruler, meter stick
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Aralin Game: “Show me Board”
o pasimula sa bagong aralin Tatawag ng ilang mag-aaral upang tukuyin ang mga ipapakitang kagamitan sa
(Drill/Review/Unlocking of pagsusukat.
Difficulties)
Mga kagamitan sa pagsusukat.
1. Iskwalang Asero……..

2. Zigzag Rule………….

3. Meter Stick………….

4. Pull-Push Rule………..

5. Protraktor…………….
6. Ruler at Triangle…….

7. T-Square……………..

8. Tape Measure…………

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ipakita sa mga mag-aaral ang isang ruler.


(Motivation)

Saan ginagamit ang ruler?


 Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing
at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.

Ano-ano ang ibig sabihin ng mga guhit at linyang makikita sa ruler?


 Ang maliliit na linya at numero sa itaas ay tinatawag ng millimetro at
ang nasa ibabang bahagi ng ruler ay tinatawag na pulgada o inches.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin (Presentatio Sa araw na ito, papag-aralan natin ang dalawang sistema ng pagsusukat.
D. Pagtatalakay ng bagong Pag-aralan ang sumusunod:
konsepto at paglalahad ng bagong Sistemang Ingles:
kasanayan No.1 12 pulgada-1piye o talampakan
(Modelling)
3 piye-1 yarda
Sistemang Metrik:
10 millimetro = 1 sentimetro
10 sentimetro = 1 desimetro
10 desimetro = 1 metro
100 sentimetro = 1 metro
1 000 metro = 1 kilometro

E. Pagtatalakay ng bagong Pagpapangkat: Ipangkat ang mga mag-aaral sa tatlo ang bawat pankat ay may
konsepto at paglalahad ng bagong nakaatang na gawain.
ksanayan No. 2
(Guided Practice)
Pangakat 1 - Gawain 1:
Sukatin ang lapad ng pinto sa silid gamit ang pull push rule ayon sa
sistemang Metrik. Ibigay ang katumbas na sukat sa sistemang Ingles.

Pangkat 2 - Gawain 2 :
Sukatin ang haba ng mesa sa harap gamit ang tape measure ayon sa
sistemang Ingles. Ibigay ang katumbas na sukat sa sistemang Metrik.

Pangkat 3 - Gawain 3 :
Sukatin ang lapad ng mesa sa gilid gamit ang metro ayon sa sistemang
Ingles . Ibigay ang katumbas na sukat sa sistemang Metrik.
F. Paglilinang sa kabihasan (Tungo Gawin natin ang mga sumusunod na gawain:
sa Formative Assessment)
(Independent Practice) Gawain 1:
Sukatin ang haba at lapad ng EPP Kagamitan ng Mag-aaral gamit ang
ruler sa sistemang Ingles.

Gawain 2:
Sukatin ang haba at lapad ng kuwaderno sa EPP gamit ang ruler sa
sistemang Metrik.

G. Paglalapat ng aralin sa pang


araw-araw na buhay Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng dalawang sistema ng pagsusukat?
(Application/ Valuing)
 Mahalaga ang tamang paggamit ng dalawang Sistema ng pagsusukat
ay upang matutuhan ang pagsasalin sa sistemang panukat at ito ay
malaking tulong sa mga mag-aaral at guro.

H. Paglalahat ng Aralin Ano ang dalawang uri ng pagsusukat?


(Generalization)  Ang dalawang uri ng pagsusukat:
a. Sistemang Ingles
b. Sistemang Metrik

I. Pagtataya ng Aralin Gawain 3 :


Lagyan ng / kung ang yunit ng pagsusukat ay Metrik at X kung ang yunit
ng pagsusukat ay Ingles.

_____1. yarda
_____2. sentimetro
_____3. pulgada
_____4. metro
_____5. desimetro

J. Karagdagang Aralin para sa 1. Ano ang kaibhan ng dalawang paraan ng pagsusukat? Ipaliwanag.
Takdang Aralin at Remediation 2. Ano-ano ang mga yunit ng pagsusukat sa bawat paraan nito?

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

You might also like