Banghay Aralin Sa EPP V (DLP)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa EPP V

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga kagamitan sa pananahi.
2. Natatalakay ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi.
II. Paksang Aralin
1. Mga Kagamitan sa Pananahi
2. Wastong pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi
Batayang Aklat: Edukasyong PAntahanan at Panglabuhayan, pahina 232-236 Primer 9.2, 9.3
Mga Kagamitan
Tsart, mga kagamitan sa pananahi, larawan
III. Gawaing Pagkatuto
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
1. PAGBATI

Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga po ma’am. Magandang umaga


kamag-aral, magandang umaga sa inyung lahat.

Okey! Magsiupo ang lahat. Salamat po ma’am

2. Balik-aral
Atin munang balikan ang ating klase kahapon kung
natutunan niyo ba talaga ang ating tinalakay
kahapon.

Anu-ano ang mga paraan ng pag-imbak ng


pagkain? Pagyeyelo, pag-iisterilisa o pagpapakulo,
pagpapatuyo, pag-aasin, pag-aatsara at pagsasalat.

Okay! Magaling !

Anong paraan ng pag-iimbak ang nilalagyan ng


Pag-aasin po ma’am
maraming asin sa imbakang pagkain?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGGANYAK
Opo/ hindi pa po ma’am
Marunong ba kayong manahi?

May kagamitan ba kayo sa pananahi sa inyung


bahay? Opo

Bago tayo dadako sa ating paksang-aralin ngayon


umaga. Basahin muna natin ang kahalagahan ng
pananahi sa kamay.

Sino sa inyu ang makakabasa sa kahagahan ng


pananahi sa kamay?

Okay, John Rick Ang pananahi sa kamay ay isang kapaki-


pakinabang at kawili-wiling Gawain. Ang kaalaman
at kasanayan sa pananahi sa kamay ay mahalagang
natutunan.

Ipaliwanag ang kahalagahan ng pananahi sa Kapag marunong kang manahi maari kang
kamay? makabuo ng payak ngunit kaakit-akit na mga
kagamitan para sa inyung tahanan. Maari mong
gamitin ang kaalaman mo rito upang kumita ka at
makatulong sa pangangailan.

B. PAGLALAHAD
Makikita ninyu sa larawan ang iba’t-ibang
kagamitan sa pananahi at ang kahalagahan ito sa
kung paano gamitin.
C. PAGTATALAKAY
Mga Kagamitan sa Pananahi
1. Karayom – matalas, matulis at may
iba’t ibang haba at laki ng butas.
2. Sinulid – matibay at hindi
nangungupas. Ginagamit din sa
pananahi. May iba’t ibang uri, kulay at
laki.
3. Didal – isinusuot sa daliri ng gitnang
kamay upang ipanulak sa karayom.
1. Gunting – panggupit ng tela at sinulid.
2. Medida – panukat ng tela at ng bahagi
ng katawan.
3. Aspili – pansamantalng panghawak sa
telang tinatahi.
4. Tusukan ng karayom at aspili o pin
Cushion – ang laman ay bulak, kusot o
buhok.
5. Hasaan ng karayom o Emery Bag – ang
laman ay buhangin o durog na plato.
6. Tailored Chalk – ginagamit bilang
pananda sa tealng gugupitin.
7. Lalagyan ng kagamitan sa pananahi o
Sewing Box – lalagyan ng mga
kagamitan sa pananahi. Yari sa lata,
kahon o plastic.

D. PAGLALAHAT
Anu-ano ang mga kagamitan sa pananahi.
Neil Ang mga kagamitan sa pananahi ay karayom,
sinulid, didal, gunting, medida, aspili, pin cusion,
emery bag at sewing box.

Magaling Neil.

Upang hindi madaling masira ang mga


kagamitan sa pananahi, ano ang dapat gawin? Ito po ay inilagay sa sewing box.

Okay! Ito ay nilalagay sa sewing box. Dapat ang


sewing box ay nakalagay sa matataas na bahagi ng
cabinet upang hindi madaling makuha ng iyong
mga nakakabatang kapatid.
E. PAGLALAHAT
Tatawag ng bata upang mamili ng isang gamit sa
pananahi at ipaliwanag kung paano ito gamitin.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa mga tanong mula sa Hanay A. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa papel.

Hanay A           Hanay B
______ 1. Matibay at hindi nangungupas. May a. aspili
iba’t ibang kulay, uri at laki. Inaangkop ang kulay b. didal
sa telang tatahiin. c. Emery Bag
_____ 2.  Matalas, matulis at may butas sa dulo d. gunting 
para sa sinulid. e. karayom
_____ 3. Panggupit ng tela at sinulid. f. medida
_____ 4. Matulis at ginagamit na pansamantalang g. Pin cushion 
panghawak sa telang tatahiin. h. Sewing Box
_____ 5. Hasaan ng karayom at aspili na ang laman i. sinulid 
ay buhangin o durog na plato. j. tailored chalk
_____ 6. Panukat ng tela at ng bahagi ng katawan.
_____ 7. Tusukan ng karayom at aspili. Ang laman ay 
kusot, buhok o bulak.
_____ 8. Lalagyan ng mga kasangkapan sa pananahi.
_____ 9. Nilalagay sa panggitnang daliri upang itulak 
ang karayom.
_____ 10. Pananda sa sukat bago gupitin ang tela.

V. TAKDANG ARALIN
Alamin ang iba’t ibang uri ng tela.

You might also like