Ang Twitter ang unang pinaka-ginagamit ng social media ng mga Pilipino kapag
linalabas nila ang kanilang opinyon tungkol sa isang bagay tulad ng usaping pampulitika
at mga balitang “trending”. Ang isang paksa o salita ay madali lang mag-”trend” gamit
ng hashtag. Sa madaliang pagbibgay ng opinyon at impormasyon, maraming beses,
natutuloy ang mga komunikasyon sa pag-aaway o madaling panghihkayat.
Ang Twitter din ay ang social media na pinaka mabilis magkalat ng impormasyon,
kasama na doon ang “fake news”
Ito rin ay isang network na may mga natatanging kakayahan na kakaiba kumpara sa
ibang social media platforms. Pinapayagan nito ang dalawang panig na magkaroon ng
koneksyon sa mga tao ng walang kahirap-hirap
Kaya kadalasan, ang mga opinyon ng mga tao ay hindi napapagisipan ng mabuti.
Sa isang ulat noong 2019, nakasulat dito na ang Pilipinas ay mayroong pitumpu’t anim
na milyong aktibong users ng social media. Ito ay halos 71% ng populasyon ng
Pilipinas. Sa ganitong kadaming tao at madalas na paghahayag ng sariling opinyon,
kitang-kita kung bakit malakas ang impluwensiya nito sa gobyerno.
Ginagamit din ng mga Pilipino ang social media upang pagtawanan ang mga tao,
madalas na pinagtatawanan ay ang mga tao na na sa gobyerno.
Pinagtatawanan nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga “memes”.
Conclusions:
Ang mga Pilipino ay mahilig magkaisa sa social media upang mas mabilis nilang
pahayagin ang kanilang opinyon tungkol sa kahit anong bagay. Madalas din nilang
linalabas ang kaniang galit tungkol sa isang tao o bagay sa pamamagitan ng paggawa
ng “memes”.
Mas napapabilis ang pagpapahayag ng mga saloobin ng mamamayan gamit ang social
media na nakakatulong upang magkaroon koneksyon sa ibang tao nang sa gayon
makita ang kanilang perspektibo sa nasabing paksa, maaari rin nating itangkilik ang
ating sariling wika sapagkat maraming tao ang konektado sa platform na ito, sa
pamamagitan nito maiba bahagi natin ang impormasyong nais nating ipahayag at ipag-
bigay alam nito sa mga taong iyong inaabot.
Mahilig sumali mga Pilipino sa mga nauuso ngayon at magbigay ng kanilang mga
opinyon sa mga nangyayari sa lipunan. May mga tao na gusto lamang pansinin at mga
gusto makipaglahok sa sa mga “trending” ngayon.
Links:
http://www.globalmediajournal.com/open-access/the-mediatization-of-filipino-youth-
culturea-review-of-literature.php?aid=35138
https://www.sciencealert.com/fake-news-twitter-speed-faster-further-factual-news