Imrad Group-3 Humss-11

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Pamantasan ng Bikol

Kolehiyo ng Edukasyon
SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
Lungsod ng Legazpi

EPEKTO NG PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO SA


PAMPULITIKANG PANANAW NG MGA PILIPINO

Bilang Pagtugon sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Aban, Jericho Psalm J.

Cayabyab, Alan Clyde B.

Gabito, Patrick Gerard A.

Gutay, Jedwayne Marie R.

Mestiola, Marianne Ruth A.

Obaña, Princess Thania Jaimie C.

Perdiz, Alexandra M.

Villalobos, Ian Benedict M.

Mayo 2022
Introduksyon

Sa kasalukuyang panahon, maraming mga pamamaraan ang maaaring gamitin upang

maghanap at makakuha ng impormasyon. Maaaring sa internet, sosyal midya, telebisyon,

radyo, diyaryo, magasin, o sa tao mismo. Laganap man ang mga maaaring pagkunan ng

impormasyon, hindi natin magagarantiya kung ito ba ay mapagkakatiwalaan kaagad-agad.

Maraming dapat gawin na proseso gaya ng cross referencing at fact-checking bago natin

masasabi na makatotohanan ang impormasyong ating nakuha o narinig. Matagal nang laganap

ang fake news at nakalilinlang na mga kabatiran sa internet (i.a. sa pamamagitan ng mga social

media platforms at online websites), maging sa totoong buhay (i.a. chismisan at mga bali-balita

o sabi-sabi). Sa isang pag-aaral nila Moussaïd et. al. (2013), pinakita kung paano nabago ang

paghuhukom ng mga kalahok pagkatapos na sila ay ilantad sa opinyon at kumpiyansa ng ibang

tao. Ayon sa pag-aaral, mayroong dalawang pangunahing salik na nakakaapekto sa pagbuo ng

opinyon: ito ang expert effect at majority effect. Ayon sa kanila, ang expert effect ay ang

paggamit ng isang indibidwal ng mataas na kumpiyansa upang makumbinsi ang grupo ng mga

kalahok, habang ang majority effect naman ay ang sanhi ng pagkakaroon ng magkakaparehas

na opinyon ang karamihan ng mga tao sa grupo. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na

madaling kumbinsihin ang mga tao gamit ang mataas na kumpiyansa at pakikisama sa

karamihan. Sa katunayan, mayroong 51% na mga Pilipino ang nahihirapang ikumpara ang mali

o tama sa mga detalyeng nakalantad, ayon sa isinagawang sarbey ng Social Weather Stations

(SWS) noong Disyembre, 2021.

Sa nalalapit na halalan, impormasyon tungkol sa mga kandidato ay talagang laganap. At

dahil sa nakakaabalang banta ng pagkalat ng maling impormasyon, ang isyu ng epekto ng

kakayahan ng pagbasa at pagsusuri ng teksto ng mga mamamayang Pilipino sa kanilang

pampulitikang pananaw ay dapat bigyang pansin. Ayon sa website ng JRE Library, ang

pagbasa ay isa sa mga pangunahing pamamaraan upang makakuha ng impormasyon. "Ang

pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba't-ibang larangan ng


pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa

pagbasa" (Baltazar 1977). Ayon sa Merriam-Webster, ang pagsusuri o analisis ay isang

detalyadong eksaminasyon ng anumang komplikadong bagay upang maintindihan ang

kaugalian o katangian ng mga ito. Ang fact-checking ay isang moderno at makikilala na

kategorya ng dyornalismo. Ang layunin nito ay ang magbigay ng tumpak at walang pinapanigan

na pagsusuri ng mga pampublikong pahayag upang maitama ang mga maling pampublikong

pananaw at madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga importanteng pangkasalukuyang mga

isyu (Ballotpedia 2018). Ayon sa The Open University Equality and Diversity, ang pampulitikang

pananaw ay mga opinyon na may kaugnayan sa pag-uugali ng pamahalaan ng estado, o mga

usapin ng pampublikong patakaran, o ang kawalan o maaaring kawalan ng anuman, o

anumang partikular na pampulitikang opinyon.

Sa pag-aaral na ito, nais malaman ng mga mananaliksik kung ang kakayahang pagbasa

at pagsusuri ng mga PIlipino ay mayroong makabuluhang epekto sa kanilang pampulitikang

pananaw. Gamit ang mga datos at impormasyon na makukuha sa pag-aaral na ito, maaaring

makamit ang mga sumusunod: (1) malaman ang porsyento ng mga kalahok sa pag-aaral na ito

na binibigyang pansin ang mga pampulitikang teksto, (2) bigyang halaga ang tamang pagbasa

at pagsusuri ng mga pampulitikang teksto para sa kapakanan ng ating bansa; at sa huli, (3)

magmungkahi ng mga paraan upang matugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga Pilipino

sa pagbibigay ng matibay na pananaw sa pampulitikang mga usapin.

Metodolohiya

Kwalitatibong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pagsusuri na ito. Ayon kay Pritha

Bhandari (2020), ginagamit ang kwalitatibong uri ng pananaliksik upang mangolekta at

mag-analisa ng hindi numerical na datos upang maunawaan ang mga konsepto, opinyon, at
karanasan sa partikular na nasasaklaw. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga paksa tulad ng

agham pangkalusugan, kasaysayan, edukasyon at iba pa.

Ang materyales o paraan ng pagkuha ng datos at ebidensya na ginamit ng mga

mananaliksik ay ang Google forms na pinakalat sa bilang ng 31 na katao. Ito ang nagsisilbing

talatanungan ng sarbey ng pananaliksik. Sa ginawang talatanungan ng mga mananaliksik

mayroong anim na katanungan, kung saan ang disenyo ng pananaliksik ay nahahati sa tatlong

uri: (1) Iisang format ng pagtataya kung saan mayroong mga opsyon na dapat punan at isang

puwang kung saan maaari silang maglagay ng tugon na mula sa kanilang mga kalinangan at

opinyon tungkol sa mga tanong na inihain sa sarbey, (2) Tatlong essay format na tanong para

malayang maipahayag ng mga respondente ang kanilang saloobin hinggil sa nasabing paksa,

(3) Sa huling bahagi ng sarbey mayroong apat na katanungan na masasagot sa pamamagitan

ng rating system sa pagitan ng bilang 1-5 kung saan ang 1 ang nagsasabing sila ay labis na

sang-ayon, 2 naman kung sang-ayon lang, 3 kung neutral, 4 bilang hindi sang-ayon, at 5 naman

kung labis na hindi sang-ayon.

Ang talatanungan na ibabahagi at papasagutan sa mga Pilipinong respondente ay

bukas lamang sa loob ng pitong araw. Ito ay upang mabigyan ng tamang panahon ang mga

mananaliksik na lubusang matapos ang sagot at imbestigasyon sa pag-aaral. Sa loob ng pitong

araw, kakalap ang mga mananaliksik ng sapat na mga tugon mula sa 31 na respondente upang

gamitin na basehan sa resulta at konklusyon.

Resulta

Base sa mga resulta ng nakalap ng pananaliksik na ito, karamihan sa mga sumagot ay

nagsasabing natatanggap nila ang impormasyon at balita tungkol sa mga napapanahong isyu
sa bansa at pulitika sa internet at social media (parehong nakakuha ng 83.9% or 26 na tao).

Pumapangalawa naman ang mga nagsasabing nagmula sa mga pinapanood nila sa telebisyon

ang kanilang mga balita at mga impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa lipunan (25 na

kalahok o 80.6%). 29% naman ang sumagot na nakikinig sila sa radyo; at nagbabasa ng

dyaryo (4 na tao o 12.9% ng mga lumahok). Isa sa mga kalahok ang sumagot ng Magazine.

Mayroong 12.8% ding mga kalahok ang sumagot ng iba pang kasagutan tulad ng News Apps,

Fact Checking Media, Written Documentaries and Studies, at mga impormasyong galing sa

kaibigan.

Tungkol naman sa kung paano nila sinusuri ang kredibilidad ng isang impormasyon,

pinakamarami ang sumagot (29 kalahok o 93.5%) ng “nagbabasa ng ibang artikulo na may

kaakibat sa impormasyong nakalap upang matiyak kung totoo o hindi ang isang impormasyon.”

Dalawampu't-dalawa (22) naman o 17% ng mga respondents ay nagsasabing tinitingnan nila

ang mga datos kung kailan nailimbag at kung sino ang mga taga may-akda. Labing-walo sa

tatlumpu't-isang kalahok (18 out of 31 or 58.1%) ay sumagot ng, “nagtatanong sa mga kilala na

may sapat na kaalaman ukol sa impormasyong nakalap. At may dalawang kalahok ang

nagbigay ng sarili nilang mga sagot (2 tao o 6.4%), ayon sa kanila, gumagamit sila ng Stop -
Investigate the source - Find better coverage - Trace claims, quotes and media to original

context (SIFT) method at Currency, Relevance, Authority, Accuracy, Purpose (CRAAP) test at

yung isa nagsabi na nakabatay sa kaalaman at karanasan ukol sa sinabing paksa.

Nabatid rin ang iba’t-ibang saloobin ng mga tagatugon kung ano-ano ang mga hakbang

na dapat isaalang-alang upang matugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga Pilipino sa

pagbibigay ng matibay na pananaw sa pampulitikang mga usapin. Karamihan sa mga tumugon

ay sumasang-ayon sa pagpapatibay ng pang-edukasyon na sektor patungkol sa mga

pampulitikang isyu at tungkulin upang matugunan ang krisis sa misinformation at disinformation

sa internet at lipunan. Sa aming pag-uusig sa pananaliksik na ito, nabatid din na mahalaga ang

pagsusuri at pag-unawa sa mga impormasyon na natatanggap sa panahon ngayon, maliban sa

ito ay nakakapagmanipula sa isip ng mga tao, ito rin ang pinagmumulan ng pagdududa sa mga

online news outlet. Sa kabilang banda, (50%) o kalahati sa mga tumugon ang naniniwala na

nakakaapekto ang mga impormasyon sa pagdedesisyon ng ibang tao. Kabilang ang mga

pananaw nito tungkol sa isang bagay, tao, o isyu. Ang natitirang kalahati (50%) naman ay
naninindigan na mas nabubuksan ang mga kaisipan nito sa iba’t-ibang uri ng mga usapin na

nagiging gabay sa kanilang mga paniniwala at tunguhin.

Nabigyan rin ng mga tugon ang usapin sa kakayahan ng isang indibidwal sa pagbasa at

pagsusuri ng mga teksto na may relasyon sa pulitika. Mula sa mga sagot ay natuklasan na ang

pagbibigay tuon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pampulitikang impormasyon ay

sumasalamin sa nasyonalismo at karakter ng isang indibidwal at nagpapahiwatig rin ito sa

layunin na makiisa sa pagbabago sa bansa.

Diskusyon

Ayon sa mga datos na aming nakalap, ipinapakita na mas maraming tao ang gumagamit

ng internet o social media sa pangangalap o paghahanap ng mga balita at impormasyon na

kanilang kinokonsumo kumpara sa iba pang mga uri ng media na mapagkukunan katulad ng:

telebisyon, radyo, pahayagan, at iba pa. Samantala, pagdating naman sa pagsusuri ng

kredibilidad nito (kung ito ba ay lehitimo o hindi), lumalabas na cross-referencing o paghahanap

ng iba pang mga artikulo na may kaugnayan sa nakalap na materyales ang pinakaginagamit at

nangungunang paraan sa pagsusukat ng katotohanan ng nasabing impormasyon. Edukasyon

naman ang lumalabas na pangunahing kasangkapan na maaaring humadlang sa pagkalat ng

maling impormasyon at ito rin ang pinaniniwalaan ng nakararami na mayroong kakayahang

magbigay-linaw sa pampulitikang pananaw, gayundin sa kagustuhan ng mga tao.

Sa kabilang banda, kahit nasa wastong gulang naman ang isang tao para maging

botante, ang mga ito ay hindi pa rin maaaring makaboto sapagkat sila ay hindi pa rehistrado

upang maging botante. Higit sa lahat, hindi gaanong ginagamit ang karapatang bumoto ng

bawat mamamayang Pilipino. Dahil dito, nasasayang ang pagkakataon na magkaroon ng


nakaupong lider na mas nararapat, dahil lamang sa kakulangan ng boto. Mas napapabagal ang

usad ng bansa kung ito ay magpapatuloy. Gayunpaman, ang iba sa mga ito ay may kaalaman

naman sa kung paano sinusuri at inuunawa ang mga kontekstong may kaugnayan sa pulitika.

Mahalaga na pag-aralan ang iba’t-ibang mga pinagkukunan ng impormasyon ng bawat

tao at paraan ng kanilang pagpuna sa mga datos na ito, sapagkat labis ang magiging epekto

nito sa kanilang kabuuang paggawa ng desisyon at pananaw pagdating sa pulitika. Kapag hindi

gaanong maayos o maaasahan ang mga artikulo o dokumentong nababasa ng mga indibidwal,

mas malaki ang tsansa na sila ay maging biktima ng misinformation. At bilang resulta, nagiging

sara ang kanilang kaisipan at pagkakataon na maka-tamasa ng matatag at makatotohanang

impormasyon na maaaring, kung hindi man, magpapatibay, magbibigay-linaw, at susuporta sa

kanilang pampulitikang pananaw sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, mas

natutukoy natin ang mga butas na dapat pang punan pagdating sa atensyon at aksyong dapat

ay inilalaan sa pagpapalakas ng mga impormasyon na nakapaligid sa atin. Samakatuwid,

mahalaga ring maunawaan natin na ang mga datos na ito patungkol sa pagtiyak ng

kawastuhan at paraan ng paghahanap ng mga impormasyon ay hindi lamang nakakaapekto sa

panimulang kaisipan ng mga tao, ito rin ang siyang paunang nagtutukoy sa posibilidad ng

pagkamit natin ng pagbabago sa bansa.

Sa kasong ito, nangangahulugan lamang na matalino ang tao sa pagpili at mahusay ang

kanilang pampulitikang pananaw kung ito’y may kakayahang umunawa ng binabasa at

marunong sumuri ng mga impormasyong nakalap, isa rin sa nakakaapekto ng kanilang

pananaw ay ang kanilang edukasyong natamasa. Dahil sa kanilang abilidad, maiiwasan nila

ang pagiging biktima ng fake news na siyang talamak sa panahon ngayon. Edukasyon ang isa

sa mga pundasyon na siyang magsisigurado sa maayos na pananaw kaya naman ang mga

estudyante ay nararapat lamang na mag-aral ng mabuti at i-apply ang natutunan sa

pang-araw-araw na pamumuhay.
Dagdag dito, maaaring kailangan pa ng iba’t-ibang mga pananaliksik ukol dito nang

magkaroon pa ng mas masusing imbestigasyon. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng

pananaliksik sa kung paano magkakaroon ng mahusay na pampulitikang pananaw ang isang

ordinaryong mamamayan na walang kakayahang pag-aralin ang sarili. Maaaring magkaroon rin

ng pananaliksik ukol sa mga apolitical o ang mga taong walang interes na makisangkot sa mga

usaping pampulitika o/at kung paano sila magiging kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng

bansa, kahit na ang mga ito ay may pribilehiyong makapag-aral at may abilidad sa pagbabasa

at pagsusuri ng teksto.

Rekomendasyon:

1.) Dapat mas lalong paigtingin ang atensyong binibigay sa mga kawani at

departamentong responsable sa pagpapatibay ng mga impormasyon at datos na

kumakalat sa ating lipunan; gayundin, siguraduhin ang maiging obserbasyon

sa mga grupong may kinalaman sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon

sa masa.

2.) Bigyan ng sapat na pondo ang mga mamamayan, partikular ang mga

kabataan, sa kanilang pag-aaral lalong lalo na iyong mga mag-aaral na walang

sapat na kapasidad upang maka-tamasa ng maayos at mataas na lebel o kalidad

ng edukasyon.

3.) Dapat tiyakin na ang mga mamamayan ay mayroong kakayahan at marunong

umintindi sa kanilang mga binabasa at mailalapat ito sa kanilang

pang-araw-araw na pamumuhay upang maibsan ang tsansa na sila ay maging

biktima ng misinformation.
4.) Ang mga mamamayan, sa kabataan pa lamang ay dapat nang hikayatin na

makiisa sa mga diskusyon o tekstong may kinalaman o naglalaman ng mga

impormasyon tungkol sa pulitika. Sa pamamagitan nito, mas humihigit ang

tsansa na ang mga kabataan ay lalaking may kamalayan o mulat sa pulitika at

mga aktibong mamamayan sa kanilang komunidad.

5.) Dapat siguraduhin na marunong umunawa at sumuri ang mga tao ng kanilang

nabasang teksto sa kahit anong midyum.

Konklusyon

Napag-alaman sa pananaliksik na ito ang mga hakbang na dapat isaalang-alang upang

matugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga Pilipino sa pagbibigay ng matibay na pananaw

sa pampulitikang mga usapin, sa pagsusuri at pag-unawa sa mga impormasyon na

natatanggap, at pagpapatibay ng pang-edukasyon na sektor patungkol sa mga pampulitikang

isyu at tungkulin upang matugunan ang krisis ng misinformation at disinformation sa internet at

lipunan.

Sa pag-aaral na ito, ipinapakita na ang internet at social media ay pangunahing

pinagmumulan ng mga impormasyon at balita tungkol sa mga napapanahong isyu sa bansa. Sa

pagsusuri naman ng kredibilidad nito, karamihan ay, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga

artikulo na may kaakibat sa impormasyong nakalap upang matiyak ang kawastohan ng

impormasyon.

Bilang konklusyon, mahalagang magsagawa ng fact checking ukol sa kredibilidad ng

impormasyon na natanggap online upang matiyak na totoo at nasa tama ang politikal na
pananaw ng bawat mamamayang pilipino. Nakatutulong sa paghubog ng mahusay na

pampulitikang pananaw ang pagkakaroon ng kalinlangan sa pag-unawa ng mga tekstong

binabasa o sinusuri na may kaugnayan sa isyung panlipunan. Ang pagkakaroon ng abilidad sa

pagsusuri ng konteksto ay higit ding nakatutulong dito. Maipapakita ng pananaliksik na ito ang

edukasyon ay may pinakamalaking impluwensya sa paghubog ng kakayahang pagbasa at

pagsusuri ng tekstong Filipino. Sa edukasyon natututunan ang tamang pagbasa at pagsusuri

ng mga teksto, at bilang resulta, mas nauunawaan ang mga impormasyong nakasaad.

Bibliograpiya

Moussaïd M, Kämmer JE, Analytis PP, Neth H (2013) Social Influence and the Collective

Dynamics of Opinion Formation. PLoS ONE 8(11): e78433.

https://doi.org/10.1371/journal.pone.0078433

Loreben T. (2022) 51% of Filipinos find it difficult to spot fake news on media – SWS.

Rappler. https://www.rappler.com/nation/sws-survey-fake-news-december-2021/

JRE Library (w.p.) Benefits of Reading: Why You Should Read More

https://jrelibrary.com/articles/benefits-of-reading-why-you-should-read-more/

Baltazar (1977) PAGBASA https://www.coursehero.com/file/71021394/PAGBASAdocx/

Merriam-Webster. (w.p.). Analysis. In Merriam-Webster.com dictionary. Nakuha Abril 30, 2022,

galing sa https://www.merriam-webster.com/dictionary/analysis

Ballotpedia (2018) What is fact-checking? https://ballotpedia.org/What_is_fact-che


The Open University Equality and Diversity (w.p.) Political Opinion

https://www.open.ac.uk/equality-diversity/content/political-opinion#:~:text

Pritha Bhandari (2022) What is Qualitative Research? | Methods & Examples

https://www.scribbr.com/methodology/qualitative-research/

Los Angeles Valley College Library (2021) Information Evaluation: What is the SIFT Method?

https://lib.lavc.edu/information-evaluation/siftmethod#:~:text=The%20SIFT%20Method%20is%2

0a,and%20sources%20on%20the%20web.

University of the West of Scotland (2022) Evaluating Sources: CRAAP Test

https://uws-uk.libguides.com/evaluating_sources/craap_test

You might also like