Ikalawang Markahan FIL 8 Midterm

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
GUN-OB HIGH SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT
Filipino Grade 8

Pangalan: ________________________________ Petsa: ________________________________


Baitang at Seksyon: ________________________ Guro: ________________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang bawat seleksiyon/pahayag at sagutin ang mga
kasunod na katanungan.

1. Anong uring dulang musikal na nakitaan ng pagsikat sa panahon ng Amerikano?


A. Dula B. Haiku C. Sarsuwela D. Tanaga
2. Sino ang tinaguriang “Ama ng Sarsuwela”?
A. Deogracias Rosario C. Jose dela Cruz
B. Lope Santos D. Severino Reyes
3. Sino ang nagdala ng sarsuwela sa Pilipinas?
A. Alejandro Cubero C. Lope Santos
B. Deogracias Rosario D. Severino Reyes
4. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
A. Balagtasan B. Dula C. Sarsuwela D. Maikling Kwento
5. Ang may akda sa “ Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
A. Francisco Baltazar B. Jose Sevilla C. Jose Corazon de Jesus D. Severino Reyes
6. Sino ang pinag-aagawan sa Balagtasang “Bulaklak sa Lahing Kalinislinisan?”
A. Adelfa B. Asusenas C. Kampupot D. Sampaguita
7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais iparating ng
mga manunulat sa maikling kuwento?
A. Kakintalan B. Larawang-diwa C. Pahiwatig D. Simbolismo
8. Anong uri ng sanaysay na ang tono ay dapat mapitagan?
A. Pormal B. Di-pormal C. Obhetibo D. Subjektibo
9. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng
isang dula.
A. Usapan B. Diyalogo C. Salitaan D. Eksena
10. Anong elemento ng dula ang pinakakaluluwa, lahat ng bagay ay isinasaalang-alang dito?
A. Aktor B. Direktor C. Diyalogo D. Iskrip
11. Sino ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan?
A. Aktor B. Direktor C. Diyalogo D. Iskrip
12. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o
interes sa mambabasa?
A. Kakalasan B. Kakintalan C. Kasukdulan D. Wakas
13. Sino ang kinikilalang kontrabida sa isang akdang pampanitikan na nagpapahirap sa bida?
A. Antagonista B. Protagonista C. Ekstra D. Kasamang tauhan
14. Ano ang tawag sa isang dula tungkol sa singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat?
A. Balagtasan B. Duplo C. Karagatan D. Karilyo
15. Anong tula na madalas hindi nakakulong sa sukat at tugma at iniisip na ang sarili?
A. Modernista B. Katutubo C. Panlipunan D. Tradisyonal
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan.
Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Ikinumpisal
ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang hiling ng binata na sila ni Julia ay makasal. Galit man si
Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay .
Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumabangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang
Sugat.” Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.

Halaw sa Walang Sugat ni Severino Reyes

16. Sino ang tauhang nagkukunwari para mabawi ang kaniyang irog?
A. Lukas B. Miguel C. Tadeo D. Tenyong
17. Sino ang nililiyag ni Tenyong?
A. Julia B. Julieta C. Juana D. Juanita
18. Saan natin mababasa ang linyang ito “Maraming dumalaw sa mga dinakip. Inalipusta ng mga
kura” ?
A. Bayan Ko C. Sinag sa Karimlan
B. Walang Sugat D. Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
19. Ano ang tatlong letra ibinurda ni Julia sa panyolitong ihahandog niya kay Tenyong?
A. ANA B. AFN C. ANF D. FAN
20. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan?
A. Antagonista B. Protagonista C. Ekstra D. Kasamang tauhan
21. Ang tawag sa mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao.
A. Katotohanan B. Opinyon C. Panukala D. Sang-ayon
22. Sino ang tinaguriang ama ng Maikling Kuwento?
A. Deogracias Rosario C. Liwayway Arceo
B. Genoveva Matute D. Narciso Reyes
23. Sino ang nagbigay ng taguri sa mga Pilipino na little brown brother?
A. Amerikano B. Espanyol C. Intsik D. Hapon
24. Kung sa Tagalog may Balagtasan, ano naman ang sa Cebu?
A. Balitaw B. Bukanegan C. Karagatan D. Siday
25. Anong uri ng tauhan na nagbago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa
simula sa wakas ay natuto nang lumaban?
A. Antagonista B. Protagonista C. Tauhang bilog D. Tauhang lapad
26. Saan ginanap ang unang Balagtasan?
A. Instituto de Mejeres C. Instituto de Rejeres
B. Instituto de Mujeres D. Instituto de Rujeres
27. Anong uri ng tauhan ang hindi nagbabago ang pag-uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian
niya hanggang sa katapusan?
A. Antagonista B. Protagonista C. Tauhang bilog D. Tauhang lapad
28. Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
A. Kasukdulan B. Manonood C. Tagpuan D. Tunggalian
29. Paano lubusang lumaganap ang maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt?
A. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan
B. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
C. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
D. Ginawang instrumento ang pahayagang “La Solidaridad” ng mga kuwentista
30. Ang itinukoy ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.”?
A. Komposisyon B. Salaysay C. Sanaysay D. Talumpati
SUSI NG PAGWAWASTO (Filipino 8)

LAGUMANG PAGSUSULIT

1. C 21. B

2. D 22. A

3. A 23. A

4. A 24. A

5. C 25. C

6. C 26. B

7. B 27. D

8. A 28. B

9. B 29. A

10. D 30. C

11. B

12. C

13. A

14. C

15. A

16. D

17. A

18. B

19. C

20. B
TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Filipino Grade 8

PAKSA MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP KABUUAN

Balagtasan (Bulaklak ng Lahing


4,5,6 26
Kalinislinisan)

Tula 15

Sarswela (Walang Sugat) 1,2,3

Sanaysay (Wikang Pambansa) 8 30

Maikling Kuwento (Lupang


16,17,19 7,18,22,24,29 29,21
Tinubuan)

9,10,11,12,
Dula (Sinag sa Karimlan) 27
13,14,20,25

Kabuuan 18 9 3

Hinanda ni :

KATHY INTING
Guro

Winasto Ni :

RAMIL A. QUINIÑEZA
Filipino Coordinator

Pinagtibay ni:

ANGELITA D. PAGOBO
Principal

You might also like