Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
HO #
SESSION 5 REGULAR FILIPINO
GRASPS FOR PERFORMANCE TASK 14 Magkakaroon ng Pambansang pagtatanghal ng Young Actors mula sa iba’t ibang lugar na pinangungunahan ng mga sikat na personalidad ng isang kilalang istasyon at dadaluhan ng chairman, vice chairman, president at CEO ng entertainment group. Ikaw, kasama ang pangkat mo ay inaasahan na sumali sa pagsasadulang ito na gagampanan ang iba’t ibang karakter katulad ng aktor, manunulat, direktor at aspektong teknikal. Layunin ng pagtatanghal na ito na maipabatid o maipakita ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tradisyon, pamilya, at pagmamahal. Ang pagtatanghal ay ilalahad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng makatotohanang pagsasadula. Ito ay naaayon sa mga sumusunod na pamantayan: organisasyon ng pagsasadula, komprehensibong paglalahad ng impormasyon at makatotohanang pagganap na naipakikita ang mga pagpapahalagang Pilipino.
Goal - Layunin ng pagtatanghal na ito na maipabatid o maipakita ang
pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tradisyon, pamilya, at pagmamahal. Ito ay ilalahad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagsasadula. Role – aktor, manunulat, direktor at aspektong teknikal Audience - Dadaluhan ng chairman, vice chairman, president at CEO ng entertainment group. Situation - Magkakaroon ng Pambansang pagtatanghal Product - pagsasagawa ng makatotohanang pagsasadula Standards - Ito ay naaayon sa mga sumusunod na pamantayan, organisasyon ng pagsasadula, komprehensibong paglalahad ng impormasyon at makatotohanang pagganap na naipakikita ang mga pagpapahalagang Pilipino.