Noli Kabanata 30 Alyssa Sarmiento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN


Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
KABANATA 30
ni Jose Rizal

Inihanda ni:

ALYSSA A. SARMIENTO

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
I. Mga Layunin
A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pinakitang larawan;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng pagsasadula; at
C. Nailalahad ang mga pagkakaiba at pagkakatulad kung paano magdiwang ng isang
okasyon.

II. Paksa
Paksa: Magarbo
Tatalakaying Genra: Nobela
Pamagat ng Teksto: KABANATA 30: KINAUMAGAHAN NI JOSE RIZAL
Mga Kagamitan: tekstong binasa, larawan,
Sanggunian: Jose Rizal
NOLI ME TANGERE
Salin ni Virgilio Almario
pahina 208-213
Kasanayang Pampanitikan:
- Pagsasadula
- Pagtukoy ng paksa sa pinakitang larawan
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay ng sariling saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
- Di kailangan maging maluho.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. Papangkatin sa apat ang klase. Sa pamamagitan ng tableau ay
isasagawa ng bawat pangkat ang sumusunod na sitwasyon:
1. Misa o sa loob ng simbahan
2. pista (mga ginagawa tuwing may pista)
3. mga tao na nasa perya
4. tumutugtog na banda
5. sayawan at kantahan

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Lagyan ng tsek (√) kung ang magkatambal na salita ay
magkasingkahulugan at ekis (x) kung magkasalungat.

____1. Ipinagtulos – ipinagtirik


____2. Mataos – matapat
____3. Nalimas – naubos
____4. Magarbo – maluho
____5. Nagkamal - nawalan

B. Paglalahad
1. Pagpapakita ng iba’t ibang larawan tungkol sa mga nagaganap tuwing pista.
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa pinakitang mga larawan.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema batay sa pinakitang larawan.
2. Ang pagdiriwang ng Pista ay dapat bang simple o magarbo? Ating tunghayan
kung paano magdiwang ng kapistahan sa bayan ng San Diego. Isang kabanata
mula sa nobela n gating pambansang bayani ang ating pag-aralan Kabanata
30 Kinaumagahan ni Jose Rizal.

C. Linangin
a. Pagbasa ng teksto.
b. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng teksto babasahin pagkatapos ay
isasadula nila ang buod ng kanilang binasa.
c. Ang bawat grupo ay bibigyan ng limang minuto para makapagprepara at
dapat bawat grupo ay may isang kinatawan para magsilbing narrator.
d. Sa pamamagitan ng NUMBERED HEADS TOGETHER, bawat miyembro ng
pangkat ay bibigyan ng takdang bilang at ang matatawag na miyembro ay
isusulat ang sagot sa papel at ibabahagi ito sa klase. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng tig-iisang tanong at sila ay magbabagyuhan utak (Brainstroming).
At ibabahagi sa klase ang sagot.

Mga Gabay na Tanong:


a. Ilarawan ang kapistahan sa San Diego.
b. Sang-ayon ka bas a sinabi ni Pilosopo Tasyo tungkol sa pista at
pagdiriwang nito? Pangatwiranan ang sagot.
c. Sa iyong palagay mabuti ba ang pagdiriwang ng mga ganitong uri ng
pista? Bakit?
d. Ano ang dapat gawin kapag may mga piging o paanyayang dadaluhan?
e. Nakikita mo bas a kasalukuyan ang ganitong uri ng mga pangyayari
kapag may pista lalo na sa inyong lugar?

D. Pagnilayan at Unawain
1. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral patungkol sa kung paano sila
magdiwang ng isang okasyon tulad ng pista.
a. Kailangan bang maging maluho o magarbo tuwing may okasyon tulad
ng pista at iba pa?
b. Kailangan bang lumustay ka ng maraming pera para maging masaya
tulad ng pagsusuot ng magagarbong damit tuwing may okasyon tulad
ng pista?
E. Ilapat
1. Bilang isang mag-aaral paano ang tamang paraan ng pagdiriwang ng
mahahahalagang okasyon sa ating buhay. Ibahagi sa kapangkat ang sagot.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

A. Itaas ang plaskard na masaya  kung ang sumusunod na pahayag ay tama at


malungkot  naman kung mali.
1. Naging abala ang mga mamayan sa San Diego sa paghahanda para sa
kapistahan.
2. Galit si Pilosopo Tasyo dahil sa magarbong pista.
3. Ang pagdiriwang ng pista ay dapat magarbo.
4. Tama ba ang ginawa ng mga tao sa San Diego sa pagdiriwang ng kanilang
pista.
5. Ang pagdiriwang ng pista ay para sa mga mayayaman lamang.

B. Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot sa sumusunod na katanungan sa


bawat bilang.
1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?
a.
b. nobela d. sanaysay
c. maikling kuwento e. epiko
2. Ano ang tinugtog ng banda pagngiti ng bukang liwayway.
a. Luna
b. Diana
c. Pirena
d. My Lady
3. Sino ang nagmisa sa kapistahan ng San Diego?
a. Padre Damaso
b. Padre Sibyla
c. Padre Salvi
d. Padre Florentino
4. Anong damdamin ang namumutawi sa pahayag na ito, “Ito pa rin ang
walang-saysay na luho taon-taon!”
a. nagmamahal c. nagugulumihanan
b. nagagalit d. nagpapaliwanag
5. Ayon sakanya, “Lumustay ng salapi samantalang napakaraming paghihirap
at pangangailangan.”
a. Pilosopo Tasyo
b. Padre Damaso
c. Alkalde
d. Ibarra
V. Kasunduan

A. Gamit ang Venn Diagram itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pistang


natalakay sa kasalukuyan.

You might also like