Pagtataya Sa Filipino 9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGTATAYA SA FILIPINO 9

WEEK 1 – QUARTER 3

1. Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na
salita?
A. pera B. renta C. salapi D. kaukulang bayad
2. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pahayag na “Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna’’?
A. Mahalaga ang oras sa paggawa. B. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
C. Kung sino ang naunang dumating, ay siya ring unang aalis.
D. Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napag-usapan.
3. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito?
A. nagpapaalala B. nagpupugay C. nag-aaliw D. nagpapasaya

4. Bilang isang anak, bakit kailangang sumunod sa payo ng magulang?


A. mapabubuti ang buhay mo C. mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala
B. magiging sikat ka sa pamayanan D. masasangkot ka sa anomang kapahamakan

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng isang parabula?


A. nagbibigay-aral C. ito ay nagsasadula
B. hinango sa bibliya D. gumagamit ng matatalinghagang pahayag

6. Ano ang nais ipakita ng may-ari ng ubasan sa panghihikayat sa kalalakihan upang magtrabaho sa kaniyang
lupain?
A. magpasikat B. magbigay ng salapi C. maging modelo D. magbigay ng tulong

6. Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na
salita?
A. pera B. renta C. salapi D. kaukulang bayad

7. Saan maiuugnay ang bangang gawa sa lupa at porselanang banga?


A. babae at lalake B. maputi at maitim C. mabuti at masama D. mahirap at mayaman

8. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito?
A. nagpapaalala B. nagpupugay C. nag-aaliw D. nagpapasaya

9. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa magandang payo ng magulang?


A. mapabubuti ang buhay mo C. mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala
B. magiging sikat ka sa pamayanan D. masasangkot ka sa anomang kapahamakan

10. Alin sa sumusunod ang pagkakaiba ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Ang parabula ay nag-iiwan ng aral sa mambabasa.
B. Ang mga mensahe nito ay hango sa mga aral mula sa Bibliya.
C. Nakatutulong ito upang magabayan ang mga tao sa kanilang buhay.
D. Nakapagbibigay ito ng impormasyon upang guminhawa ang buhay ng tao.

11. Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?


A. kapalit B. pambayad C. kahalagahan D. biyaya galing sa Diyos

12. Ang mga manggagawa ay nagsilbi ng buong araw sa ubasan. Batay sa pahayag, ano ang ipinapakitang
simbolikong kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. anghel sa langit B. pagtitiyaga C. trabahador D. tauhan

13. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kaugnayan sa akdang Parabula ng Banga?
A. pakikipagkaibigan ng anak sa kapuwa nito kabataan
B. pagpapaalala ng ina sa pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman
C. pagpapaalala ng ina sa anak tungkol sa masamang dulot ng droga
D. pagtatalo ng ina at anak tungkol sa kursong nais nito sa pagpasok sa Kolehiyo

14. Alin sa sumusunod ang ipinapahatid na mensahe ng akdang “Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan”?
A. Ang pagtitiyaga ay magiging daan sa pagkamit ng salapi.
B. Huwag hintaying may ibang kikilos para sa ikabubuti mo.
C. Ang anomang napag-usapan sa paggawa ay kailangang panindigan.
D. Pantay ang sinoman gaano man katagal ang kaniyang iginugol sa paggawa.

15. Salapi ang naging kapalit sa pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ubasan. Alin sa sumusunod ang maiuugnay
sa nakasalungguhit na salita?
A. matalinghaga B. literal na kahulugan C. simbolikong kahulugan D. espirituwal na kahulugan

You might also like