Magulang Ating Sandalan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Airen M.

Unabia
BTLE- H.E 2
“Magulang ating Sandalan”

Sa pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo


Lubos ang pasasalamat ko sa inyo
Sapagkat kayo ang naging ina at ama ko
Salamat sa pamilyang ito
Na nabuo sa pagmamahalan ninyo.

Sila ang ating araw-araw na kasama


Kapag tayo’y merong problema
Kahit tayo’y nahihiya
Kailangan pa ring sabihin sa kanila upang ito’y agad na mawala
.Kapag sinabe natin sa kanila hinding- hindi tayo mapapahiya.

Aminin man natin o hindi sila ay matanda na


Mas alam nila ang mga bagay- bagay na nakakabuti’t nakakasama
Kaya naman tayo ay makinig nalamang sa kanila
Para naman ito sa kapakanan natin, diba?

Wag tayong maging pabida


Baka ang buhay nati’y mapariwara
At sa pagdating ng araw sabihin natin sa ating sarili
Bat natin yun nagawa?

Sila ang unang nakakita ng ating unang iyak at tawa


Noong tayo’y lumabas na sinapupunan, ay sobrang sya nila
Daig pa siguro nila ang tumama sa pera
Walang makakapantay sa kasiyahan na nadarama nila.

Noong una nating kaarawan


Sa bahay ay parang may fiesta
Lahat ata ng tao sa barangay ay inimbita nila
Labis ang galak at bakas ang ngiti sa mga mukha nila.

Ngayong tayo’y matanda na


Wag naman nating sawayin ang mga payo nila
Siyam na buwan tayong dala- dala ng ating ina
Babastusin lang ba natin sila?
Sobrang mali naman yata?

Ang ating ama na nagtatrabaho konti nalang ay mahimatay na


Tiniis niya ang sobrang init
Para lang meron tayong makain sa kada umaga,
Tanghalian at maging sa pagkagabihan.
Siya yong lalaking ating pinakamamahal
Pinakamamahal na sinuman ay walang makakapantay
Siya ang sandalan sa anumang laban sa buhay
Nagbibigay lakas at pag asa sa ating buhay

Maraming katawagan ang sa kanya’y maibibigay


Ngunit ang pagmamahal at sakripisyo ay nag- iisang tunay
Papa, Ama, Irpat, tatay at kung anu paman
Nag-iisang lalaki na kailanman ay hindi tayo sasaktan

Siya ang babaeng pinakamatalik nating kaibigan


Kailanman hindi tayo ilalaglag at iiwanan
Sa kasiyahan at maging sa kalungkutan man
Handa tayong damayan sa kahit anumang laban.

Simple lang man ang kahilingan nila


Ang gumawa tayo ng tama
Ang tumulong sa ting kapwa
Ang mag-aral ng mabuti at wag gumawa ng masama.

Bunos nalang yong makakuha tayo ng sobrang taas na marka


Kapag nagawa natin yan sila’y sobrang tuwa
Mapapawai lahat ng pagod kapag tayo’y makikita
Na umaakyat sa entablado na may hawak na diplomat’ medalya.

Hindi natin maiiwasan na lumuha


Dahil sa sobrang saya na nadarama nila
Kaya’t ako’y sobrang nagpapasalamat sa Diyos
Ako’y binigyan ng pamilyang ayos na ayos.

Kaya sa aking mga magulang maraming salamat sa suporta


Kahit napakasobrang kulit ko at maldita
Maraming salamat ulit
Mahal na mahal na mahal namin kayo.

You might also like