Jasmin DC Movie Review
Jasmin DC Movie Review
Jasmin DC Movie Review
Tipones 8-Aristotle
Buod:
Ang kuwento ng pelikulang ito, ay umiikot sa tatlong manika na dumating sa buhay nina
Faith (Iza Calzado), Stella (Jodi Sta. Maria), at Julio (Zanjoe Marudo). Isang araw mag fi-field
trip sina Maria, Leonora at Teresa anak nina Faith, Julio at Stella. Nang biglang nawalan ng
preno ang sinasakyan nilang bus, kaya naging dahilan ng kanilang pagkamatay at maagang
pagkawala sa mundo. Dahil nagluluksa ang kanilang magulang sa kanilang pagkamatay,
sinamantala naman iyon ni Dr. Manolo Apacible (Chris Villanueva). Binigyan sila nito ng
manika na magpapabago sa kanilang buhay. Dahil sa pangungulila sa kanilang mga anak
tinanggap nila ang mga manika. Na naging dahilan ng pagsaya ng kanilang mga puso dahil
tinuring nila itong totoong anak. Ngunit sa pagdaan ng mga araw unti-unti ng pinapatay nito ang
mga tao na malalapit sa kanilang buhay. Dahil natauhan sila tungkol sa mga manika kumuha sila
ng albularyo upang tapusin ang kasamaan ng mga ito. Ang nasa likod ito ay si Dr. Manolo
Apacible na ama ni Eldon, isang batang namatay sa sunog, kaya ipinaghiganti nito ng kanyang
anak. Dahil kay Julio ay namatay si Eldon dahil kinulong niya ito at hindi ito nakalabas agad sa
silid-aralan. Si Faith naman ay binayaran ang imbestigasyon ng pagkamatay ni Eldon. At si
Stella naman ay winalang bahala ang pagkamatay nito dahil ayaw niyang madamay ang anak
niya. Kaya naghiganti ang ama ni Eldon sa kanilang pamilya. Ngunit sa huli, namatay ang asawa
ni Faith, at si Julio dahil niligtas nila si Faith at Stella laban sa kamay ni Manolo. Sa huli
nagtagpo ulit ang landas nina Faith at Stella, masaya na sila sa kanilang mga buhay kasama ang
kanilang mga anak, dahil magkakaanak na ulit si Faith at si Stella naman ay inampon at
inalagaan ang anak ng asawa sa labas. Ngunit dumating ulit si Manolo sa katawan ni Julio at
inabutan ng manika ang isang babae.
Kuwento:
Ang kuwentong Maria Leonora at Teresa ay mayroong nakakatakot na istorya bawat
kaganapan ay talagang kailangan abangan, ngunit pangkaraniwan o luma ang tema ng istorya na
umiikot sa paghihiganti sa mga pangunahing tauhan.
Marami na rin akong napanood na ganitong pelikula lokal man o internasyonal. Gasgas
na ang ganitong istorya na ipinapakita at inilalahad ang dahilan kung bakit kailangan maghiganti.
Pangkaraniwang biktima ang mga pangunahing tauhan. Katulad ng ginamit ni Dr. Manolo ang
mga manika sa paghihiganti kina Stella, Faith at Julio.
Malinaw ang pagkakalahad ng bawat detalye ng istorya, katulad ng kung paano namatay
ang mga bata, dahilan at kung paano naghiganti si Dr. Manolo, bawat nangyari sa buhay ng
tauhan at kung paano binigyan ng wakas ang kuwento. Maayos ang pagkakalahad ng istorya
kaya naman kailangan mo talagang tutukan at panuorin.
Mapupukaw nito ang interes ng bawat manonood. Hindi ka lang matatakot, maantig rin
ang puso mo. Habang pinapanood ko ang pelikula maraming emosyon ang naramdam ko tulad
ng natakot, natuwa, nagulat at naiyak.
Pamagat ng Pelikula
Ang pamagat na Maria, Leonora, at Teresa ay angkop sa pelikula, dahil ang pamagat ay
pangalan ng tatlong manika na ginamit sa paghihiganti.
Pamagat pa lamang ay matatawag agad ang pansin mo at mapapaisip ka kung bakit
ganito ang pamagat ng pelikula. Kahit ako ay nagtaka at napaisip din kung bakit Maria, Leonora
at Teresa ang pamagat ng pelikula.
Gayunpaman, ang pamagat ng pelikula ay nagbibigay na rin ng ideya sa manonood na di
kaya pangalan ito ng tauhan o may kinalaman sa tauhan ang mga pangalan na Maria, Leonora, at
Teresa.
Tauhan
Malinaw na malinaw ang bawat karakterisasyon ng mga tauhan sa pelikula. Magaling
ang bawat tauhan, nagampanan nila ng maayos ang kanilang mga karakter sa pelikula.
Ang bawat salita na kanilang binibigkas ay makakatotohanan, naroon ang emosyon kaya
naman ikaw ay talagang maantig at matatakot. Kaya bawat pangyayari ay kapana-panabik.
Angkop na angkop ang bawat pagganap ng mga artista sa pelikula. Ang kanilang
mahusay pagganap ay nagbigay ng maganda at nakakatakot na resulta sa pelikula.
Diyalogo
Naisasaalang-alang ng mga tauhan ang bawat lenggwaheng ginamit sa pelikula. May
pagkakataon na nakakabitaw sila ng masamang salita ngunit dala lamang iyon ng mga tunggalian
ng mga karakter.
Angkop ang ginamit na salita sa kuwento na nagbigay ng marubdob na mga pangyayari
sa kuwento. Madali lang naman maintindihan ang mga salita na kanilang binibigkas hindi naman
ganoon kalalim.
Angkop naman ang diyalogong ginamit sa edad ng manonood dahil direkta at hindi
paligoy-ligoy. Maayos na naipabatid sa mga manonood ang nais ipabatid ng kuwento.
Cinematography
Ang bawat anggulong ginamit ay angkop naman sa bawat pangyayari na mas lalong
nakapagbigay ng nakakasindak at nakakatakot na pangyayari.
Bawat galaw ng kamera ay nagbigay ng magandang buhay sa pelikula. Naibigay ang nais
ipakita at isipin ng mga manonood. Nabigyan ng magandang imahinasyon ang bawat manonood.
Na- adjust din ang lente ng kamera sumusond sa galaw ng bawat artista. Nasusundan ang
bawat aksyon na kanilang ginagawa at nabibigyan ng diin ang kanilang pag-arte.