Aralin 2 Elemento at Uri NG Tula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Fil.

9: Panulaang Filipino

Aralin 2
Elemento at Uri ng Tula

I. Layunin:

II. Sanggunian:

III. Paunang Pagsasanay:

IV. Nilalaman ng Paksa:

Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang limang elemento ng tula at ang kahulugan ng bawat
isa, ang mga uri ng tula.

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig 

  Mga uri ng sukat

    1. Wawaluhin –
    Halimbawa:
    Isda ko sa Mariveles 
    Nasa loob ang kaliskis

    2. Lalabindalawahin –
    Halimbawa: 
    Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad 
    Sa bait at muni, sa hatol ay salat 

    3. Lalabing-animin –
    Halimbawa: 
    Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis 
    Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

    4. Lalabingwaluhin –
    Halimbawa: 
    Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
    Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Fil. 9: Panulaang Filipino

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
    2 linya - couplet 
    3 linya - tercet 
    4 linya - quatrain 
    5 linya – quintet
    6 linya - sestet
    7 linya - septet
    8 linya - octave

    Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula. 

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

   Mga Uri ng Tugma

    1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung 


    saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
    Halimbawa:
    Mahirap sumaya
    Ang taong may sala
    Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
    Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

    Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng 
    isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
    Halimbawa: 
    a     a     a
    a     a     i
    a     i      a
    a     i      i

    2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan 


    ang salita ay nagtatapos sa katinig.
    a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
    Halimbawa:
    Malungkot balikan ang taong lumipas
    Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

    b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y


    Halimbawa:
    Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
    Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. 
    ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan 
    upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo 
Tumutukoy sa porma ng tula. 

Tono/Indayog
Tumutukoy sa diwa ng tula. 
Fil. 9: Panulaang Filipino

Persona 
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Mga Uri Ng Tula


Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga  uri ng
tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles,
Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag
ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy
bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang
kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang
kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

 Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay
isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love
songs kumbaga.
 Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.
 Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao
o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
 Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
 Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o
mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari.
Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
 Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman
ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o
bansa.
 Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya,
Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong
Adarna.
 Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw
na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.
 Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
 Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na
“libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng
isang dalaga na nahulog sa dagat.
 Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang
patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung


minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

IV. Pagsasanay
Ang pagsasanay ay binubuo ng apat na bahagi.
Fil. 9: Panulaang Filipino

A.

You might also like