Pinal Na Modyul

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Fil.

9: Panulaang Filipino

MODYUL 3:
KASAYSAYAN NG PANULAANG SA PANDAIGDIG: BANSANG MAY
PINAKAMALAKING IMPLUWENSYA SA PANITIKAN AT PANULAAN

Bansang GRESYA

Bansang EGYPT

Bansang TSINA

LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nakikilala ang kasaysayan ng pag-unlad ng panulaan sa daigdig;

b. Natutukoy ang mga akdang nagpasimula sa panulaan;

c. Nabibigyang pagpahahalaga ang pinagmulan ng panulaan at ang malaking impluwensya ng mga


pilosong manunulat sa kasalukuyang panulaan.

TALAKAYAN

Sa module na ito matatalakay ang tatlong bansang may malaking impluwensya sa panitikan at
panulaan. At ating kilalanin ang mga kilalang mga pilosopo at kanilang kontribusyon sa
pagpapaunlad ng panitikan at panulaan sa daigdig.

I. Kontribusyon ng Gresya sa Panulaan


A. ARISTOTLE

Sa Poetics nakapaloob ang panunuring pampanitikan ni Aristotle.


Tatlo ang mahalagang kontribusyon sa Poetics.
1. Ito ang nagpasimuno ng panunuring pampanitikan,
2. Ito ang ginamit ha huwaran at patnubay ng panunuring pampanitikan,
3. Ito’y nag-alay ng isang konkretong teorya ng panitikan na hindi hiram sa mga basal na
kaisipan o pilosopyang pang- estetika.
Pinapanigan ni Aristotle ang panulaan:
1. bilang katotohanan at katibayan ng tula bilang institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo
ng kaalaman, at
2.bilang pangmoral ng katwiran sa isipan.
Ang panulaan para kay Aristotle ay higit na mataas at pilosopikal kaysa kasaysayan.
Ayon sa kanya, takot at habag ang kinakasangkapan sa dalawang batayang damdamin
upang maging matagumpay ang trahedya.
Fil. 9: Panulaang Filipino

Sang-ayon si Aristotle na catharis o pagpupurga ang makalilinis sa takot at habag ay


ginagamit upang ipagtanggol ang panulaan.

B. PLATO
Isinilang noong 428 B.C. sa Athens, Greece.
si Plato ang itinuturing na pangalawang tungkong bato ng sinaunang Gresya, kabilang sina
Aristotle at Socrates.
May tatlong kontribusyon si Plato sa panunuring pampanitikan:
1. ang anyo at suliranin ng sining,
2. ang inspirasyon ng makata,
3. ang panulaan bilang tagpagturo ng kabutihan at katotohanan.

Ang itinatag na sistema ni Plato ay malawakang sistema ng pilosopya na matibay ang etikal
na pundasyon ng ideang eternal o pormang kumakatawan sa daigdig.
Itinatag ni Plato ang Akademya sa Athens bilang institusyon para sa pagkakamit ng
sistematikong pilosopikal at syentipikong pananaliksik. Ang kanyang tanging pinag-
aalinlanganan ay ang bisang pangmoral sa sining.
Taliwas kay Aristotle, pinaniniwalas ni Plato na ang tula ay isa lamang panggagagad ng
konkretong kalikasan.
Bilang resyonalista, pinaniniwalan din ni Plato na “ang dahilan ay dapat sundan kahit saan
maguna.”
Nakapaloob sa pilosopiya ni Plato ang etikang rasyonalistiko kayat dikatakatang polotikal
ang kanyang pangunahing ambisyon. Dahil dito, ang pinakatanging pangyayaring naganap
sa buhay ni Plato ay ang iterbensyon sa politikang Syracusan.
Itinatag ni Plato ang doktrinang Phaedo na nagsaad ng imortalidad ng kaluluwa. Nakapaloob
sa kanyang kaisipan ang aspektong lohikal, epistemolohikal at metapisikal

C. SOCRATES
Isinilang si Socrates noong 470 B.C.
Siya, ayon kay Cicero, ang nagbaba ng pilosopiya mula sa langit patungo sa daigdig.
Mababasa ang kanyang personalodad at doktrina sa Dialogue at sa Memorabilla of
Xenophon.
Naniniwala si Socrates sa mitolohyang naglalaman ng mga katotohanang kwento tungkol sa
mga Diyos ay imbensyon lamang ng mga makata, gayundin ang imortalidad ng kaluluwa.
 
D. T.S. ELIOT
Fil. 9: Panulaang Filipino

Taglay ang buong pangalang Thomas Stearns Eliot siya ay nakilala dahil sa kanyang sanaysay
na Tradisyon at Pansariling Kakayahan na isang kritisismo at ang orihinal ay nasusulat sa
Ingles.
Kay Eliot, ang tula ay di dapat isalalay sa kahalagahan at kaigtingan ng damdamin o mga
bahagi nito kundi sa matinding sining na nakapaloob sa pamaraan ng pagkakasulat.
Sinalungat din niya ang paliwanag ni Wordsworth na ang panulaan ay emosyong
nagpapagunita sa katahimikan.
Ang paghahanap ng Obhetibong Koroleytib dahil sa pagwawalang bahala sa tao o
dehumanisasyon ang nilikha ni Eliot na siyang kumakatawan lamang sa pangkat ng iba’t-
ibang pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa sining.
Pinaniniwalaan ni Eliot ang dissociation of sensibility matapos niyang sabihing ang mga
makata na ating sibilisasyon na narito pa sa kasalukuyan ay dapat maging mapanuri. Ayon pa
sa kanya:
“The poet must become more and more comprehensive, more allusive, more indirect, in order
to force, to dislocate, if necessary language into his meaning.”

E. HOMER
Ipinanganak taong 1200BC sa Iona ( Eastern Mediterranean)
Siya kinilala bilang:
The Poet, The Ionanian Board, Blind Poet
Kilalang gawa nito ay ang:
Iliad (passion and cruelty in war
Odyssey (great adventure)
Ang salitang Iliad ay galling sa salitang Griyego na “ILIUM” o “story of Ilion” o Tale of Troy”
Sa kanyang epikong panulaan na Iliad and Odyssey, kanyang naitala at naisulat ang “Asya”
bilang isang kontinenting humahadlang sa pasilangang paglalakbayng mga mandaragat na
Aegean (tumutukoy sa rehiyon kung saan makikita ang Gresya).

II. Kasaysayan ng Panulaan sa bansang Tsina

Ang klasikong  tula ng Tsina ay tula nakasulat sa Classical Chinese at naitala ang ilan sa mga
tradisyunal na anyo, o mga mode; at mga koneksyon sa mga partikular na makasaysayang
panahon, tulad ng mga tula ng Tang Dynasty.

Ang pagkakaroon nito ay dokumentado ng hindi bababa sa kasing dami ng paglalathala


ng Classic of Poetry . Iba't ibang mga kumbinasyon ng mga porma at genre ang umiiral.
Maraming o karamihan sa mga ito ay binuo sa pagtatapos ng Tang Dynasty, noong 907 CE.
Ang paggamit at pagpapaunlad ng mga tula ng Classical Chinese ay aktibong nagpatuloy
Fil. 9: Panulaang Filipino

hanggang sa Mayo ika-apat na Kilusan, noong 1919, at patuloy pa rin na binuo maging sa
ngayon. Ang mga tula na nilikha sa panahon ng 2,500-taong panahon na ito ng higit pa o
hindi gaanong tuloy-tuloy na pag-unlad ay nagpapakita ng malaking pagkakaiba-iba - na
ikinategorya sa pamamagitan ng parehong mga pangunahing makasaysayang panahon at sa
pamamagitan ng dynastic period (ang tradisyunal na Tsino makasaysayang paraan).
Ang isa pang pangunahing aspeto ng Classical Chinese poetry ay ang matinding inter-
relasyon nito sa iba pang mga anyo ng Chinese art, tulad ng Chinese painting at Chinese
calligraphy. Ang klasikal na tula ng Tsina ay napatunayan na napakalawak na impluwensya
sa mga tula sa buong mundo.

Sinasabi sa kalahati ng ikapitong siglo ay nagsimula nang magsimulang gumawa ng mga tula


ng Intsik sa Japan, ngunit ang "Chinese alga " ang pinakamatandang koleksyon ng tula ng
Tsino na umiiral. Sa panahon ng Heian, " Lingyun Shu ", " Bunshuire Hide Liu Shu " at
" Shukoku Collection " ay hinabi, sa Middle Ages na ito ay nagpakita ng isang pagtatapos
sa panitikan ng Goyama , marami sa Edo Period hanggang sa Meiji Period ay sumasailalim din
sa pagpapabuti ng Tsino mga tula. Ang anyo ng mga tula ng Tsino ay itinatag sa
Tang Dynasty na may mga lumang tula batay sa limang salita, pitong salita na walang
probisyon ng flat neogeneous (jinjyaku) mula sa tula ng Zhou Shi.   May mga paghihigpit sa
bilang ng mga parirala na nagawa, at ito ay nahahati sa dalawang kategorya, isang
panghabang-buhay at isang tula na may isang patag na panuntunan.

Sa mga tulang nililikha ng mga makatang Tsino, ang mga aral at pagpapahalaga sa panitikan
ay kakikitaan ng mga pilosopiya ng mga kilalang pilosopi sa Tsina tulad ni:
1. CONFUCIUS
  Ang pilosopiya ni Confucius ay kilala sa buong mundo. Una itong lumaganap sa bansang
Tsina na nakaimpluwensya sa kanilang edukasyon, politika, personal na pamumuhay maging
pribado o pampubliko man.
 Ang mga sumusunod ang mga pangunahing prinsipyo ng Confucianismo:
 1. Jen–ang ginintuang utos
2. Chun-tai – ang pagiging maginoo
3. Cheng-ming – ang tamang pagganap sa papel sa sosyedad 
4. Te – ang kapangyarihan ng kabutihan 
5. Li – ang ideyal na pamantayan ng paguugali 
6. Wen–ang mga mapayapang sining (musika, tula, atbp.)
Ayon kay Confucius, dapat gampanan ng bawat tao ang kanilang papel sa kahit anong
relasyong nabanggit upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan. Dapat ay ganap nating
malaman at matukoy ang mga dapat at hindi dapat gawin, maging ang tama at mali. Ito ay
masasalamin natin sa isa na marahil sa pinakasikat na kasabihan ni Confucius na 
“Never do to others, what you would not want done to you”.
Fil. 9: Panulaang Filipino

2. LAO TZU
Si Lao Tzu ay kilala bilang isang pilosopo at makata sa buong mundo.
Siya rin ay kilala sa tawag na "Ama ng Taoismo" dahil siya ang nagtatag ng pilosopong ito.
Isinilang siya noong 500 B.C. sa Hunan, Timog China.
Siya ay nagtrabaho sa Imperial Library. Bago niya iniwan ang Chou Empire, isinulat niya ang
Tao Te Ching na naglalaman ng mga aral sa pilosopong kanyang itinatag
Sa pilosopiya ni Lao Tzu, pinahahalagahan ang tao at ang kalikasan.
Ilan sa mga pilosopiya ay:
a. Upang makamit ang kaligayahan kinakailangang maging mapagkumbaba, mahinahon at
mapagtimpi.
b. Ang taong nakatatalo sa iba ay magaling,ngunit ang taong marunong tumingin sa sariling
pagkakamali ay mas kahanga-hanga.

Pinatunayan ito sa kanyang pahayag na “ If you are depressed you are living in the past. If
you are anxious you are living in the future. If you are at peace you are living in present.”
              
Tatlong Tulang Klasiko mula sa Tsina
HIMIG NG KALOOBAN
Hindi ako
makatulog sa gabi.
Babangon at uupo
ako para kalabitin
ang umaawit na laúd.
Sinisilip ko
sa manipis na kurtina
ang kinang ng buwan.
Humihihip ang dayaray
sa aking kasuotan.
Nanawagan sa gubat
ang nag-iisang gansa.
Sumigaw sa hilagang
kahuyan ang paikot-
ikot na mga ibon.
Naiinis at balisa,
ano ang inaasahang
masisilayan?
Lungkot at pighati
ang aking kapiling.
Fil. 9: Panulaang Filipino

salin ng tula ni Rwan Ji, mula sa Dinastiyang Wei ng Tsina


salin sa eleganteng Filipino ni  Roberto T. Añonuevo

................
SARILING ALIW
Kahit ang takipsilim
ay hindi ko napansin
sa aking paglalasing.
Mga pigtas na bulaklak
ang tumabon sa aking
suot na damit.
Lango akong tumayo,
at tinahak ang sapa
sa kabilugan ng buwan.
Lumisan ang lahat
ng ibon; at kakaunti
ang mga tao.
salin ng tula ni Li Bai, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina
salin sa eleganteng Filipino ni  Roberto T. Añonuevo

.........................
MOOG SA TAGLAGAS
Kagabi, pumasok
ang simoy ng taglagas
sa mga daan pa-Tsina.
Napuno ng hilagang
ulap at kanugnog
na buwan
ang mga bundok
sa hilaga.
Hinimok kong muli
ang aking mga heneral
na humahagibis
at tumutugis
sa maaangas na barbaro
na huwag hayaan
ni isang kabayo
ang makabalik
sa larangan ng buhangin.

salin ng tula ni Yen Wu, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina


salin sa Filipino ni  Roberto T. Añonuevo

III. Ang Kasaysayan ng Tula sa Egypt


Fil. 9: Panulaang Filipino

Ang mga sinaunang gawa mula sa Egypt na nagpakita ng pormang tulad ng sa pag-tula ay galing pa
sa mga bato sa kabaong ng mga namatay na tinatawag na "Slab stela"

Lahat ng mga sinaunang gawa na natagpuan ay napapatungkol sa kamatayan sapagkat ang mga
tulang iyon ay pinaniniwalaang binubuhay ang mga patay sa kabilang buhay (life after death) ng mga
tao sa Egypt.

Kamatayan ng Maharlika

Ang mga sinaunang tula para sa mga namatay ay karaniwanginaalaylamang sa mga Hari o Pharaoh o
kaya nama’y mga taong may mataas na posisyon at itinuturing na maharlika sa lipunan.

Kalaunan ay naisama na rin ang mga pinagkakatiwalaan ng mga mataas na posisyn ay siyang
ginagawaan na rin ng tula para sa pagpunta nila sa kabilang buhay.

Pamumuno bilang Hari

Ang mga tula ay hindi lang ginagawa noon para sa kamatayan, ginagawa rin ito upang ipagdiwang
ang pagiging hari ng isang namumuno.

Isang halimabawa ay ang Precinct of Amun-Re at Karnak, Thutmose III (r. 1479-1424 BC) nang ika-18
na dinastiya ay gumawa ng Stela na isinasalaysay ang mga tagumpay niya sa pakikipaglaban

Halimbawa ng tula

Maraming mga sinaunang tula. Ang koleksiyon nito ay tinatawag na Pyramid Texts – marami
angteksto sa Pyramid Texts:

Ang Coffin Textsng Middle Kingdom

Ang Misteryosong aklat ng mga Patay

Litanya ng Ra

Amduat (nakasulat sa papyri)

Kilala ang mga taga-Egypt sa pagpapahalaga sa kamatayan ng tao. Ngunit lingid sa kaalaman
ng nakararami, higit na pinahahalagahan nila ang buhay kaya maging sa kamatayan ay nais
nila itong pagpatuloy.
Ang katibayan sa paniniwalang ito ay ang sinaunang tulang nakuha sa mga kuweba sa Egypt.
Ang paksa at tema sa mga akdang ito ay pawang tungkol pagpapahalaga sa karaniwang
pamumuhay ng tao.
Halimbawa nito ay ang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”
Fil. 9: Panulaang Filipino

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa


Ito isang uri ng panitikan mula sa mga taga-Ehipto. Ito ay isang tulang lirikong pastoral ng
mga taga-Egypt o Ehipto.
Ibinabahagi ng tula ang dalisay na kagustuhan ng mga sinaunang tao ng simpleng uri ng
pamumuhay sa gitna ng lumalagong sibilisasyon at umuunlad na modernisasyon ng Egypt.
Isang malaking patunay ang tula na taos-puso ang pagpapahalaga ng mga taga Ehipto sa
buhay ng tao.
Kabuuan ng Tula
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitagsapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

MGA GAWAIN:
(Isulat ang kasagutan sa malinis na papel, maaaring yellow pad o long coupon. Ilagay ang
pangalan at petsa ng pagpasa.)

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:


A. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
1. Ibigay ang kahulugan ng tula

2. Itala ang mga simbolismong nakapaloob at pagpapakhulugan batay sa pagkakaunawa.

3. Anong aral ang nakapaloob sa tulang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa”

B. Tatlong Tulang Klasika ng Tsina


1. Suriin ang tatlong tulang klasika at paghambingin ang mensaheng nakapaloob ditto.
2. Anong pilosopiya ang sa iyong palagay ang makikita sa bawat tula.
3. Ibigay ang kahulugan ng titulo ng bawat tula batay sa nilalaman at mensahe.

Ang pagsusumite ng pangkatang gawain na ito ay sa ika-27 ng Enero, 2021.


Fil. 9: Panulaang Filipino

You might also like