Filipino8 - q1 - w1 (Ready To Print)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: [email protected]
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: ____________________________________ Baitang/Pangkat:__________


Paaralan: _____________________________________ Petsa: ____________________

GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 8

I. Panimula

Ngayong panahon ng pandemya nagkaroon tayo ng maraming oras


upang makasama ang ating mga mahal sa buhay. Tiyak isa sa mga gawain ang
hindi natin pinalipas ang kuwentohang walang humpay, nariyan ang mga
kuwento ni Lolo at Lola na magugulat ka na lang dahil unang beses mo lang
narinig, mapapahanga at mapapaisip ka sa mga salita na kanilang ginagamit.

Kaya naman ang mga tinuran nila ay sadyang payo nila sa iyo na dapat
mong sundin. At kung palagi tayo maglalaan ng oras para
makipagkuwentohan sa kanila maraming mga aral ang ating matutuhan.

Tulad ng aralin natin ngayon kung babasahin at uunawain mo nang


maayos ay marami kang makukuha tungkol sa mga karunungang bayan at
magagamit mo sa pang araw-araw na pamumuhay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. (F8PB-la-c-22)

III. Layunin:
Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nabibigyan ng kahulugan ang mahahalagang kaisipang nakapaloob


sa karunungang-bayan;
2. nakasusulat ng talata gamit ang mga kaisipan batay sa
karunungang-bayan.
IV. Pagtalakay
Basahin at unawain nang mabuti ang dayalogo.

Tagpo: Sa kusina, naisipan ni Stayceef sumubok magluto upang


maibsan ang pagkabagot at maipakita sa lahat ng kaibigan sa social media na
magaling siya magluto.

Stayceef: (aawit)“Bukas na lang kita mamahalin….”


Nanay Quarantina: “Hoy! Bata ka! Anong ginagawa mo, masama ang kumanta
habang ikaw ay nakaharap diyan sa lutuan at nagluluto.
Stayceef: Bakit naman Nay? Ang taas na ng boses ko oh andoon na e,
pagkatapos kontrahin mo lang, pangit ba boses ko?
Nanay Quarantina: Maganda naman, hindi lang maganda na ang isang dalaga
na kumakanta habang nakaharap sa lutuan at nagluluto.
Stayceef: Ano naman ang masama doon Nay?
Nanay Quarantina: Sabi kasi ng lola mo masama daw iyon, at hindi ka
makakahanap ng mapapangasawa mo.

Tagpo: Sa hapag, oras na iyon upang tikman ang niluto ni Staycceef. Kaya
naman inutusan siya ng kanyang Nanay na tawagin ang bunsong kapatid na si
Covid para sabay–sabay silang kumain.

Stayceef: Tok! tok! tok!, (walang sumasagot kaya naman kusang binuksan)
Hoy! Covid halika na at sabay na tayo kakain nila Nanay.
Covid: (Hindi pinansin ang kapatid abala sa pag si – cellphone, para bang
nagtataingang kawali,) Ha! Ano iyon?

Tagpo: Masayang pinagsasaluhan ng mag ina ang pagkaing niluto.

Stayceef: Nay, alam mo ba ang ganda na ng bahay nila Aling Pass. Samantala
dati bahay kubo lang iyon pero ngayon ay sementado na.
Nanay Quarantina: Maayos kung gayon, pero para sa akin mas mabuti pang
bahay kubo na nakatira’y tao, kaysa bato na ang nakatira’y kuwago.

Tagpo: Pagkatapos nilang kumain tumayo si covid at iniwan ang pinag-kainan


sa lamesa.
Covid: (tatayo si Covid iiwanan ang pinaagka-inan).
Nanay Quarantina: Ops! Ops! saan ka pupunta covid?
Sa pagkakaalam ko wala tayong kasambahay, sino sa palagay mo ang mag
liligpit ng pinagkaininan mo?
Hindi ko naman kayo ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig, para
pagsilbihan kayo.
Pag-unawa sa binasa: Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa dayalogo?
______________________________________________________
2. Ano ang ginagawa ni Stayceef sa kusina nang maabutan siya ni Nanay
Quarantina?
______________________________________________________
3. Bakit daw masama ang kumanta sa harap ng lutuan habang nagluluto?
______________________________________________________
4. Ano ang naging reaksiyon ni Covid noong tinawag siya ni Stayceef?
________________________________________________________
5. Ipaliwanag ang pahayag ni Nanay Quarantina na ‘mabuti pang bahay
kubo na nakatira’y tao, kaysa bato na ang nakatira’y kuwago’.
_________________________________________________________

Pansinin ang mga pahayag na may salungguhit sa taas, anong uri kaya ng
mga pahayag ang mga ito? Naunawan mo ba? Sa araling ito iyong matutuhan
ang mga karunungan-bayan.
Halimbawa, masama ang kumanta habang ikaw ay nakaharap diyan sa lutuan
at nagluluto. Ito ay pahayag ng ating mga ninuno na pinaniniwalaan na, hindi
magkakaroon ng asawa ang gumagawa nito.

Ang Karunungang–Bayan ay mga unang tula ng mga Pilipino, kung saan


nagbibigay daan ito para maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa
bawat kultura ng isang tribo. Ang mga karunungang-bayan ay binubuo ng
mga sumusunod; salawikain, sawikain, kawikaan, palaisipan, bugtong,
kasabihan at matatalinghagang pahayag.

Alamin
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Aral ay gawing tulay tungo sa matiwasay na buhay
2. Isang senyorita, nakaupo sa tasa
3. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatungang.
4. Hirap ay magagapi, kung tayo ay magpupunyagi
5. Magsunog ng kilay
6. Balitang kutsero
7. Ningas kugon
8. Gintong Kutsara sa bibig
9. Nagtataingang kawali
10. Balat sibuyas
11. Buto’t balat lumilipad
12. Walang hirap sa lupa na hindi dinidilig ng luha
13. Kapag may tiyaga may nilaga
14. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
15. Ang Panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing

V.GAWAIN
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na sawikain. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Anak-Dalita __________________
2. Basa ang papel __________________
3. Itim na Tupa ___________________
4. Busilak ang kalooban ___________________
5.Kamay na Bakal __________________
6.Amoy Pinipig __________________
7.Pag-iisang dibdib __________________
8.Agaw-Buhay _________________
9.Kilos Pagong _________________
10.Mapurol ang Utak __________________
11.Balat kalabaw __________________
12.Amoy tsiko __________________
13.Ibaon sa hukay __________________
14. Guhit tadhana __________________
15.kumukulo ang sikmura __________________

B. Panuto: Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa sumusunod na


karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang tunay mong kaibigan nasusubok sa kagipitan.


Kaisipan: ________________________________________

2. Ang sakit ng kalingkinan ay sakit ng buong katawan.


Kaisipan: _________________________________________

3. Kahit saang gubat ay may ahas.


Kaisipan: ____________________________________________

4. Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ang gawa.


Kaisipan: ____________________________________________
5. Mabuti pa ang kubong nakatira’y tao, kaysa mansiyon na ang nakatira’y
kuwago.
Kaisipan: ____________________________________________

C. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga pahayag na may salungguhit.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

1. Payo ng Kagawaran ng Kalusugan na palagiang maghugas ng kamay.


________________________________________________________
Karamihan sa mga nasa posisyon naghuhugas kamay sa naging
resulta ng pagdinig sa kongreso sa isyu ng ABS-CBN.
_________________________________________________________
2. Sa kabila ng pandemya may mga tao pa ring may malaki ang puso
para tumulong sa mga nangangailangan.
________________________________________________________
Ang batang si Ana ay nakitaan ng doktor na may malaking puso.
________________________________________________________
3. Nahulog ang pitaka ng matanda habang naglalakad sa kadahilanan
na butas ang kaniyang bulsa.
_________________________________________________________
Maraming tao ngayong panahon ng pandemya ang butas ang bulsa.
_________________________________________________________
4. Ang mga namatay dahil sa Covid ay bawal ibaon sa hukay.
_________________________________________________________

Ibinaon na ni Bea sa hukay ang masamang pangyayaring naganap sa


kaniya.
___________________________________________________________
5. Kumain siya ng isda kaya natinik ang kaniyang lalamunan.
_________________________________________________________
Ang Covid 2019 ay tinik sa lalamunan ng mga tao ngayon.
_________________________________________________________
D. Panuto: Salungguhitan ang mga karunungang-bayan sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Kamay na bakal ang ginamit ng ama sa pagdidisiplina sa kaniyang mga


anak.
2.Nagbibilan ng poste si Carlo kaya naghihirap ang kanilang buhay.
3.Si Roy ang tanging itim na tupa ng pamilya.
4.Si Camille ay may busilak na kalooban.
5.Siya ay ningas-kugon sa kaniyang mga kaibigan.
6.Galit sa pera si Samuel kaya hindi na nakapag-ipon.
7.Maagang lumagay sa tahimik ang panganay na anak ni mang Selso.
8.Lahat silang magkakapatid ay mga maamong kordero.
9.Hawak sa leeg ni G. Abrahano si Arthur kaya sinusunod nito ang anumang
iutos niya kahit alam niyang masama ito.
10.Bukal sa loob ng mga Senador na tumulong sa mga kababayan na walang
trabaho ngayong panahon ng pandemya.

E. Panuto: Ipaliwanag ang ideya ng mga sumusunod na salawikain. Isulat ang


sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.

2.Kapag may naisuksok, may madudukot.

3.Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.


__________________________________________________________
4.Kung may itinanim, may aanihin.

5.Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

6.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


__________________________________________________________
7.Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
8. Sala sa lamig, sala sa init.

9.Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.


__________________________________________________________
10.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
__________________________________________________________

V. Pagtataya

Panuto: Gamit ang mga karunungang-bayan sumulat ng talata na


tumatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Isulat ito sa isang
buong papel.
Pamantayan Napakahus Mahusay Di-Gaanong Kailangan
ay (3) Mahysay pang
(4) (2) ayusin
(1)
Pagtalakay sa Natalakay Nasunod May kulang Kulang
paksa ng husto ang sa -kulang ang
ang paksa pagtalakay pagtalakay pagtalakay
sa paksa ng paksa sa paksa
Gamit ang Angkop ang Wasto ang May ilang Maraming
mga mga gamit ng karunungan maling
karunungang karunungan mga g- bayan na gamit sa
bayan at g- bayan na karungang- mali ang kanungang-
kaausan ng ginamit sa bayan at gamit sa bayan sa
oangungusap. pangungusa maayos ang pangungusa pangungusa
p at may pagkakabu p ngunit p at may
kaayusan o ng mga maayos kaguluhan
sa pangungus naman ang ang pag
pangungusa ap pagkaka kakabuo ng
p buo ng pangungusa
pangungusa p.
p.
Organisasyon Lohikal ang Maayos ang May ilang Magulo ang
ng mga ideya mga pagkasuno ideya na mga
pagkasunod d-sunod ng nalihis sa pagkasunod
-sunod ng mga ideya pagtalakay -sunod ng
mga ideya sa talata. ng paksa. mga ideya
sa talata sa talata.
Mekaniks Walang mali May isang May Maraming
(bantas sa mga mali sa dalawang mali sa
,baybay ng bantas baybay ng mali sa gamit at
salita,gramati ,baybay ng salita at baybay ng baybay ng
ka) mga salita ang iba pa salita at sa mga salita.
at ay halos gamit ng
gramatika tama gramatika.
Interpretasyon:
Napakahusay 15-20
Mahusay 10-14
Katamtaman 5-9
Paghusayin pa 1-4

VI. Pangwaks
Panuto: Ibigay ang tamang sagot ng mga sumusunod na bugtong.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Langit sa ibaba, langit sa itaas, tubig sa gitna.


2.Ate mo, ate ko, ate ng lahat
3.Kung tawagin nila ay santo pero hindi naman ito milagroso.
4.Ang anak ay nakaupo na, ang ina ay gumagapang pa.
5.Maliit na bahay puno ng mga patay.
6.Dumaan ang hari nakagatan ang mga pari
7.Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
8.Naligo si kaka ngunit hindi man lang nabasa
9.Bumili ako ng alipin mas mataas pa sa akin.
10.May balbas ngunit walang mukha
11. Isang pasukan tatlo ang labasan
12.Noong maliit ay amerikano, noong lumaki ay negro
13.Isang hukbo ng sundalo dikit-dikit ang mga ulo
14.Nang ihulog ko ay buto nang hanguin ko ay turumpo
15.Nakayuko ang reyna hindi nalaglag ang korona

VII. Sanggunian

Pinagyamang Wika at Panitikan


Batayang aklat sa Filipino 8
Aida M. Guimarie
Philnews.ph/2018/12/20/bugtong-bugtong
Philnews.ph/2018/12/20/salawikain

You might also like