1st Quarter Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Four Shepherds Divine Academy

Filipino-2 1st Quarter


ARALIN 1

ANG MUNTING GAMUGAMO

Layunin: Nagagamit ang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang teksto.

Alam mo ba kung ano ang isang munting gamu-gamo?

Basahin ang tula:

May mga insektong parang paru-paro

Tuwing gabi sila’y nakikita ko.

Ang paglipad malapit sa liwanag

Ay hilig nilang gawin sa magdamag.

Sa paglipad sila’y magkasama.

Ako’y natuwa sa pag-ikot nila.

Alam niyo ba ang insektong ito?

Walang iba kundi ang gamugamo.

Mula sa iyong binasa, alam mo na ba kung ano ang isang gamu-gamo?

Maari mo bang ilarawan ang isang gamugamo?

Ano ang napansin mong ginagawa ng gamugamo?

MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay isang pagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o pangyayari na nagbibigay ng


mahalagang aral.

Sa kuwentong babasahin natin “Ang Gamugamo” ay isinulat ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose
Rizal.

Basahin mo ito ng mabuti at hanapin ang mga aral na mababasa mo sa kuwento.

TAYO’Y MAGBASA!
Four Shepherds Divine Academy
Filipino-2 1st Quarter
“ANG MUNTING GAMUGAMO”

Ni Dr. Jose Rizal

Kinuwentuhan si Jose ng kanyang ina tungkol sa gamugamo. Mayroon daw dalawang


gamugamo,isang matanda at bata.

Maibigin silang maglaro sa tabi ng ilaw na kandila. Ngunit isang gabi, ang batang gamugamo ay lumipad
malapit sa lampara.

Mag-ingat ka! Ang tawag ng matandang gamugamo. Baka masunog ang pakpak mo at hindi ka na
makalipad, “ ulit ng ina.

“Hindi ako natatakot ,”ang mayabang na sagot muli ng batang gamugamo at nagpatuloy siya sa
paglipad sa magandang ilaw. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa apoy ang kanyang pakpak at
siya ay nalaglag sa mesa.

“ Ilang beses kitang pinagsabihan pero hindi ka nakinig,” ang sabi ng matandang Gamugamo. Ngayon
hindi kna makallilipad na muli.

Habang nakikinig si Rizal sa kuwento, nakuha ang kanyang pansin ng maliit na gamugamong
naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin niya ang kagustuhan ng maliliit na insekto na makalapit sa liwanag
ng lampara kahit mapanganib. Nang masunog ang pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo ay
siya ring pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng lampara.
Four Shepherds Divine Academy
Filipino-2 1st Quarter

Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo, hindi na niya napansing tapos na sa pagbabasa ang kanyang
ina. Isang aral ang kanyang nakuha sa mga gamugamo.

Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay nang pangaral na tulad ng kanyang ina.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyon, sinabi ng ina ni Rizal sa kanya.”Huwag mong
paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa

Pangaral upang ikaw ay hindi mapahamak.

Dunong Sulong

PAG-UNAWA SA BINASA:

1. Sino ang batang mahilig makinig sa mga kuwento?

__________________________________________________________________.

2. Bakit naakit ang maliit na gamugamo sa lampara?

_____________________________________________________________________________________
________________________________________________.

3. Ano ang kaisa-isang paalala ng inang gamugamo sa kanyang anak?

_____________________________________________________________________________________
_______.

1. Sinusunod bang maliit na gamugamo ang paalala ng kanyang ina?

_________________________________________________________________.

2. Bakit mahalagang sumusunod tayo sa pangaral ng ating magulang?

_________________________________________________________________.

3. Ano ang laging pinapangaral sayo ng mga magulang mo?


Four Shepherds Divine Academy
Filipino-2 1st Quarter
_________________________________________________________________.

Gawain 2:

Isulat ang sagot sa patlang:

Aling bahagi ng kuwento ang nagustuhan mo at maihahambing mo sa iyong sariling karanasan?

__________________________________________________________________

You might also like