Hermanes Malikhaing Pagsulati Modyul 1 Ikalawang Linggo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

11

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG


Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City

KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO
Taong Pampanuruan 2020-2021

FIL 301 – MALIKHAING PAGSULAT

Ikalawang Linggo

A. Paksa ng Modyul:
Ang Malikhaing Pagsulat

Pangangailangan sa Pagsulat

Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian

B. Introduksyon: Pag-aaral ng ibat-ibang paraan sa malikhaing pagsulat


ng iba’t ibang uri ng tula, kumbensyonal at makabago, maikling kwento,
sanaysay at isa hanggang tatlong yugtong dula sa pamamagitan ng paggamit
ng mga kilalang modelo at halimbawa.

C. Mga Pangangailangang Teknikal : internet, speakers/ headset,


Fb messenger, Google Classroom, at iba pa

D. Nilalaman ng Modyul:
1. Ang Malikhaing Pagsulat

2. Pangangailangan sa Pagsulat

3. Ang Malikhaing Pagsulat: Esensiya, Katangian

E. Mga Layunin:
A. Nabibigyan ng kahulugan ang malikhaing pagsulat

B. Naiisa-isa ang mga pangangailangan sa pagsulat

COED/Prof. Joel L. Zamora


C. Napapahalagahan ang malikhaing pagsulat

F. Panimulang Gawain:
Ang malikhaing pagsusulat  (Ingles: creative writing) ay
anumang pagsusulat  na lumalabas sa mga hangganan ng
karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na
mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Dahil sa
kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng
mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat,
bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman
ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng
tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa
sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng
mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula. Sa
kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may
pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng
dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang
pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat
ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang
magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.

a. Pagganyak:
Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa salitang nasa gitnang kahon sa
pamamagitan ng concept map.

PAGSULAT

COED/Prof. Joel L. Zamora


b. Aralin:

PAGSULAT

• Lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao


(Villafuerte, et. al, 2005).
• pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisapan (Bernales, et
al., 2001)
• isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’tibang layunin
• Isang komprehensib na kakayang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento (Xing at Jin, 1989)
• Ang mabisang pagsulat ay mailap para sa nakararami (Badayos, 2000).
• Isang biyaya, isang panganagilangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa
nito (Keller, 1985).
• Isang ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa (Peck at Buckingham sa Radillo,
1998).

MALIKHAING PAGSULAT

 Ang malikhaing pagsusulat o sa Ingles ay creative writing kung tawagin


ay nangangahulugang anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan
ng karaniwang propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal
na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay, pagpapaunlad
ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
 Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring
totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat
tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining
na katha.

COED/Prof. Joel L. Zamora


 Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng
manunulat. Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng
damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.
 Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay
karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na
may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa
paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o
katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng
senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang
magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.

MGA PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

1. Paksa (Topic)

2. Layunin (Aim)

3. Wika (Code)

4. Kombensyon (Convention)

5. Kasanayang Pampag-iisip

a. Analisis (pagtukoy sa mga mahahalaga at hindi)

b. Lohika (kakayahan sa mabisang pangangatwiran)

c. Imahinasyon (paglalangkap ng mga malikhain at kawili-wiling kaisipan)

6. Kasanayan sa Pagbuo

7. Kabatiran sa Prosidyur ng Pagsulat

MGA URI NG PAGSULAT

1. Teknikal na Pagsulat

-isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa

teknikal o komersyal na layunin

Hal. Ulat panlaboratoryo, kompyuter, atbp.

COED/Prof. Joel L. Zamora


2. Referensyal na Pagsulat

- uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian

hinggil sa isang paksa.

Hal. Bibliography, index, note cards, atbp.

3. Journalistic na Pagsulat

- pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsyo, atbp.

4. Akademikong Pagsulat

- intelektwal na pagsulat.

Hal. Kritikal na sanaysay, laboratory report, eksperimento, term paper, atbp.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

a. Pormal

b. Obhetibo

c. Maliwanag

d. May paninindigan

e. May pananagutan

Subukin
Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa nakalaang
patlang.

Kombensyon1. Isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa


iba’tibang layunin

z2. Nangangahulugang anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan


ng karaniwang propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal
na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay, pagpapaunlad
ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.

COED/Prof. Joel L. Zamora


Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog.

Malikhaing pagsulat3. Gumagamit ng mayamang imahinasyon na maaaring


totoo at hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat
tulad ng pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining
na katha.

Paksa4. Ito ang nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat


napaloob sa paksa

Wika 5. magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan ,kaalaman


at iba pang nais ilahad.

patlang.

Layunin 6. Ang magsisilbing giya mo sa paghahabi ng mga datos o nilalaman


ng iyong isinusulat.

__________ 7. Pagbigay ng impormasyon o kabatiran.

__________ 8. Magbahagi ng sariling opinyon batay sa sariling karanasan

__________ 9. Maglarawan ng mga katangian, anyo o hugis

Imahinasyon10. paglalangkap ng mga malikhain at kawili-wiling kaisipan)

Alamin mo…

Ano ang malikhaing pagsulat? Paano ito naiiba sa karaniwang pagsulat?

Ang malikhain at karaniwang pagsulat ay dalawang paraan ng pasulat


na pakikipagtalastasan o komunikasyon sa pamamagitan ng nakasulat na
wika. Halimbawa, popular ngayon sa kabataan ang text messaging.
Karaniwang pagsulat ang text messaging na gumagamit ng ispesyal na wika na
kung tawagion ay text speak. Gaya nito:

Gpm. Punta k d2. My surprise me sa u.

Sa karaniwang paraan ng komunikasyo popular ang paggamit ng text


speak sa kasalukuyan.Halimbawa ito ng karaniwang pagsulat.

COED/Prof. Joel L. Zamora


Ano ang pinakamahalagang katangian nito? Basahing muli ang
mensahe. Maaaring sabihing ang wika ng mensahe ay hindi madaling
maintindihan. Pero natitiyak kong ang dalawang nagpapalitan ng text ay
nagkakaintindihan. Sa pang-araw-araw na wika, ganito ang ibig sabihin ng
text speak:

Good afternoon. (Mag) punta ka rito. May surprise me (ako) sa iyo.

Ang pangalawang halimbawa ay karaniwang pagsulat din na gamit ang


pang-araw-araw na lengguwahemg taglish.

Sa pamamagitan ng dalawang halimbawa, maiko-conclude na natin na


ang pinakamahalagang katangian ng karaniwang pagsulat ay ang
pangangailangang naiintindihan ang pahayag ng nagpadala at tumatanggap.

Nauunawaan ng dalawang tao ang mensaheng nag-uugnay sa kanila.


Naiintindihan sa kagyat na sandaling iyon. Iyon lamang at wala nang ibang
mahalaga. Kahit masalimuot, naiiba, weird, hindi pangkaraniwan ang wika o
kahit pa hindi naiintindihan ng iba ang pahayag. Dagling pagkakaintindihan
lamang ng dalawang tao sa panahon ng komunikasyon ang mahalaga sa
karaniwang pagsulat.

Paano naiiba rito ang malikhaing pagsulat?

Ang malikhaing pagsulat ay kilala rin sa tawag na panitikan o literatura.

Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang.


Hindi sapat ang maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman
maunawaan ang pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang
pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon. Sa
malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa basta
maunawaan lamang.

Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang


pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain:
Kailangan nitong maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng
mapagparanas at makintal ay evocative and impressive.

Ano ang ibig sabihin ng mapagparanas? Ano ang kahulugan ng


makintal? At bakit ang dalawang ito ang minimum na katangian ng
malikhaing pagsulat?

COED/Prof. Joel L. Zamora


G. Ebalwasyon
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.

___________1. Ang hindi kathang-isip o di-kathang-isip ay isang paglalahad,


pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may-akda
bilang katotohanan.

___________2. Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang.

_________ 3. Isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang


kabanata.

__________ 4. Isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa


pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala
bilang sistema ng pagsusulat).

_________ 5. anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang


tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

H. Sanggunian:

https://tl.unionpedia.org/Malikhaing_pagsusulat

http://renevillanueva.blogspot.com/2007/11/malikhaing-pagsulat-1.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusulat

Garcia, Fanny A. at Festin Rowena P. – Malikhaing Pagsulat (2012) Quezon


City: Rex BookStore.

COED/Prof. Joel L. Zamora

You might also like